Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

Aralin 6- Panimula, Gitna, at Wakas

Andrea Tolentino

Created on March 13, 2024

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Adventure Breakout

Team Building Mission Escape Game

Onboarding Escape Game

Christmas Escape Room

Flags Challenge

Museum Escape Room

Education Escape Room

Transcript

MapagpalangAraw!

Ikapitong Baitang

Magsimula

EMOSYON MO, DRAG MO!

Ano ang nararamdaman mo ngayon?

Ilagay ang mga marbles na gusto mo sa kahon na pag-aari ng monster na nakikita mo ngayon at ipaliwanag kung ano ang nararamdaman mo sa loob ng isang minuto. Maaari mo ring sabihin sa iyong mga kaklase kung paano ka nila masusuportahan :)

Surprised

Angry

Happy

Sad

Embarrassed

Scared

Ating balikan ang naging talakayan nitong nakaraang araw. Handa na ba?

Look at the note on the fridge

Panuto: Sabihin ang SULONG kung tama ang pahayag at TULONG naman kung mali.

SULONG

NA!

Ang paksa ng mga dulang pantelebisyon at pampelikula ay karaniwang malapit sa tunay na karanasan at pangyayari sa buhay ng tao at sa lipunang kinabibilangan niya.

SULONG!

TULONG!

Sa dayalogo nakapaloob ang kaisipan o mensahe ng palabas.

SULONG!

TULONG!

Ang disenyong Pamproduksyon ay tumutukoy sa pook o tagpuan, make-up, kasuotan at iba pang kagamitan sa dulang pantelebisyon.

SULONG!

TULONG!

Bakit mahalagang taglayin ng isang dulang pantelebisyon ang mga elementong tinalakay natin noong nakaraan?

ARALIN 6

Paggamit ng Angkop na Pahayag sa Panimula, Gitna, Wakas at Pagbubuod sa Tekstong Binasa

Magsimula

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

  1. Naiisa-isa ang mga angkop na pahayag sa panimula, gitna at wakas
  2. Naibibigay ang pangunahin at pantulong na kaisipan sa binasang talata
  3. Nakabubuo ng isang talata na naglalaman ng mga hudyat sa panimula,gitna at wakas.

MAKE A BURGER!

mAGSIMULA

Panuto: Kayo ay isang baguhang crew ng fastfood, bilang crew kinakailangang alam ninyo ang pagkakasunod-sunod kung paano gumawa ng isang burger. Ang guro ang magtuturo sa inyo kung ano ang dapat gawin.

1/4

Sa umpisa, kunin at hiwain ang tinapay.

2/4

Sunod, ilagay ang burger patty sa gitna.

3/4

Pagkatapos, ilagay ang cheese, lettuce at kamatis sa ibabaw ng patty.

4/4

Sa huli, ilagay sa ibabaw ang kalahati ng tinapay.

PAGBATI!

Ngayon alam mo na kung ano ang mga hakbang sa pagbuo ng isang malinamnam at masustansiyang burger!

Anong napansin niyo sa mga pahayag?

Bakit mahalagang alam natin ang hudyat sa pagkakasunod-sunod sa mga pahayag?

Angkop na mga Pahayag sa

panimula, gitna, at wakas

simula

Ang mahusay na simula ay mabuti para makuha ang interes ng tagapakinig o ng mambabasa. Dito nabubuo ang larawan at nakikita ang aksiyong magaganap sa isinasalaysay. Maaaring simulan ito sa: Noong unang ____, sa simula pa lamang, at iba pang pananda sa pagsisimula.

1. Pang-uri

  • Napakadilim at napakalamig ng pag-ibig…
  • Nananabik sa mangyayari…
2. Pandiwa
  • Nagtatakbuhan ang kalalakihan at naghahanda ang kababaihan nang…
  • Nagmamasid ang matanda at misteryosong kuba habang…
3. Pang-abay
  • Maagang gumising ang tribo …
  • Nananabik na masaksihan ang pagdiriwang …..

GITNA

Sa bahaging ito, mabuting mapanatili ang kawing-kawing na pangyayari at paglalarawang nasimulan. Aabangan kung paano magtatagumpay o magwawagi, ang pangunahing tauhan, maiwawasto ang mali o matututo ang katunggaling tauhan habang tumataas ang pangyayari.

Maaaring gamitin ang: kasunod, pagakatapos, walang ano-ano’y, at iba pa na maghuhudyat ng kasunod na pangyayari. Patuloy na gumamit ng mga panlarawang salita upang mapanitili ang interes ng mga tao sa larawan at aksiyong isinasalaysay.

wakas

Napakahalaga rin ng huling pangyayaring maiiwan sa isipan ng tagapakinig o mambabasa. Dito nakapaloob ang mensaheng magpapabuti o magpapabago sa kalooban at isipan ng lahat—na ang kabutihan ang nagwawagi at may kaparusahan ang gumagawa ng masama.

Maaaring gumamit ng: sa huli, sa wakas, o iba pang panandang maghuhudyat ng makahulugang pagtatapos.

Talakayan

Angkop na mga pa..

Pili-Kahon

Pangunahing at pan..

Suri-Basa

PILI-

KAHON

mAGSIMULA

Panuto: Tukuyin ang angkop na pahayag/salita na nagbibigay hudyat sa panimula, gitna at wakas ng talata. Piliin sa kahon ang tamang sagot.

02:00

1._____________ ay makikita na ang kaibahan ng magkapatid na sina Hazel at Liezel. 2. _____________ nilang pagkakaiba ang kulay ng kanilang balat, kayumanggi si Liezel at maputi naman si Heizel. 3. _____________ nilang pagkakaiba ay ang kanilang ugali. Si Heizel ay masipag magaral at masunurin sa magulang, samantalang si Liezel ay ubod ng tamad mag-aral at bulagsak sa mga gamit. 4. ___________ ,nagkaiba rin sila sa mga bagay na nais gawin. Si Heizel ay madalas tumulong sa kanyang ina sa mga gawaing bahay samantalang si Liezel ay mas gustong maglaro ng kompyuter. 5. _____________ ay nakita kung sino sa dalawa ang tunay na may magandang ugali at karapat dapat na tumanggap ng parangal.

Sumunod

Pagkatapos

Unang-una

Sa huli

Sa simula

magpatuloy

Sa simula

1._____________ ay makikita na ang kaibahan ng magkapatid na sina Hazel at Liezel. 2. _____________ nilang pagkakaiba ang kulay ng kanilang balat, kayumanggi si Liezel at maputi naman si Heizel. 3. _____________ nilang pagkakaiba ay ang kanilang ugali. Si Heizel ay masipag magaral at masunurin sa magulang, samantalang si Liezel ay ubod ng tamad mag-aral at bulagsak sa mga gamit. 4. ___________ ,nagkaiba rin sila sa mga bagay na nais gawin. Si Heizel ay madalas tumulong sa kanyang ina sa mga gawaing bahay samantalang si Liezel ay mas gustong maglaro ng kompyuter. 5. _____________ ay nakita kung sino sa dalawa ang tunay na may magandang ugali at karapat dapat na tumanggap ng parangal.

Unang-una

Sumunod

Pagkatapos

Sa huli

magpatuloy

Talakayan

Angkop na mga pa..

Pili-Kahon

Pangunahing at pan..

Suri-Basa

PAngunahin at

Pantulong na kaisipan

Pangunahing kaisipan

Ito ang tumutukoy sa nais sabihin at ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa. Karaniwang matatagpuan ito sa unahan o hulihan ng talata.

Pangunahing kaisipan

Nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyon na tumutulong sa mambabasa upang lubusang maunawaan ang pangunahing ideya o kaisipan ng isang teksto tulad ng petsa, pangalan, lugar, paglalarawan, datos, istatistika at iba pang mahahalagang impormasyon na nagbibigaysuporta sa pangunahing kaisipan.

Talakayan

Angkop na mga pa..

Pili-Kahon

Pangunahing at pan..

Suri-Basa

SURI

&

BASA

mAGSIMULA

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang sumusunod na talata. Isulat sa loob ng tsart ang mga pangunahin at pantulong na kaisipan.

mAGSIMULA

02:00

Iminungkahi ni Gregorio del Pilar kay Emilio Aguinaldo na siya at ang animnapung tauhan niya’y magbantay sa Pasong Tirad upang sila ang humarap sa mga tumutugis na sundalong Amerikano. Layunin nitong mapabagal ang mga Amerikano at makalayo ang pangkat nina Aguinaldo mula sa mga kaaway. Labag man sa kalooban dahil sa panghihinayang sa batang heneral na naging matapat sa kanya ay pumayag si Aguinaldo.

PANTULONG NA KAISIPAN

PANGUNAHING KAISIPAN

  1. Iminungkahi ni Gregorio del Pilar kay Emilio Aguinaldo na siya at ang animnapung tauhan niya’y magbantay sa Pasong Tirad upang sila ang humarap sa mga tumutugis na sundalong Amerikano.
  1. Layunin nitong mapabagal ang mga Amerikano at makalayo ang pangkat nina Aguinaldo mula sa mga kaaway.
  2. Labag man sa kalooban dahil sa panghihinayang sa batang heneral na naging matapat sa kanya ay pumayag si Aguinaldo.

Talakayan

Angkop na mga pa..

Pili-Kahon

Pangunahing at pan..

Suri-Basa

BAHAGAINAN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong

mAGSIMULA

1. Bakit kailangang alam natin ang mga hudyat na ito?

2. Paano makatutulong ang mga ito sa iyong pang-araw-araw na gawain?

PICK A

NUMBER

mAGSIMULA

TAYAHIN NATIN!

A. Panuto: Isulat ang PK kung ang may salungguhit ay Pangunahing kaisipan at PD naman kung Pantulong na detalye.

1. Abala ang lahat sa paghahanda. Isang malaking piging ang magaganap. Abala rin sa pagbibihis at pagpunta sa simbahan ang mga kaniyang mga magulang. Nakasuot ng napakaganda at puting- puting trahe de boda si Aliyah. Ito ang araw ng kaniyang kasal.

01:00

2. Ang buhay sa bagong normal. Iba na ang panahon ngayon. Di tulad ng dati, pwede kang lumabas, mamasyal at makasalamuha ang maraming tao. Maaari mong ipakita ang iyong magandang ayos ng mukha. Ngayon natatakpan na ito ng face mask. Lahat ay nagbago. Iba na sa dati.

01:00

3. Ang kulay ay may iba’t ibang kahulugan. Ang pula ay katapangan, ang asul ay kapayapaan, ang puti ay kalinisan. Pag-ibig ang simbolo ng rosas, panibugho naman ang dilaw. Ang berde ay kasaganaan at itim ang kalungkutan. Marami pang kulay ang may kahulugan.

01:00

4. Matalas kahit walang talim. Nakamamatay kung hindi pipigilin. Malambot sa pisikal ngunit arok ang talas nang sa kaniya’y lalabas. Ang dila ng tao ay kayang pumatay.

01:00

5. Ang kahalagahan ng aklat. Maraming karunungan matatagpuan dito. Nagbibigay ito ng iba’t ibang impormasyon. Nakapagpapabago rin ito ng pagkatao. Ito rin ang nagdadala sa atin.

01:00

Susi sa Pagwawasto

1. PK

2. PK

3. PD

4. PK

5. PD

TAYAHIN NATIN!

B. Panuto: Sumulat ng isang maikling talata naglalaman ng mga hudyat sa panimula, gitna at wakas. Gamitin ang grapikong pantulong sa ibaba.

Simula

Gitna

Wakas

TAKDANG ARALIN

Panuto: Sumulat ng isang talata na mayroong limang pangungusap. Siguraduhing mayroon itong pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipan o detalye. Lagyan ng pamagat kung tungkol saan ang talata.

SALAMAT SA PAKIKINIG

NAKU, MALI!

Kailangan nating balikan