Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

Elehiya

Abegaile Orabao

Created on November 24, 2023

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Corporate Christmas Presentation

Snow Presentation

Vintage Photo Album

Nature Presentation

Halloween Presentation

Tarot Presentation

Winter Presentation

Transcript

Aralin 2

Pagsusuri sa mga Elemento ng Elehiya

Inihanda ni: bb. gaile orabao

1. Ano ang una mong naiisip kapag nakita mo ang larawang ito? 2.Ano ang emosyong mararamdaman kapag nakita mo ito? Bakit? 3. Bakit mayroong ganitong bulaklak sa burol ng isang namayapang tao?

Nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa tema, mga tauhan, tagpuan, mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon, wikang ginamit, pahiwatig o simbolo, damdamin F9PB- IIIb-c-51

1.Sino ang persona sa elehiyang napanood?2.Anong emosyon ang nanalaytay sa buong elehiya? 3. Paano ipinakita ng may akda ang kaniyang pagdadalamhati?

Saknong 1: Hindi napapanahon! Sa edad na dalawpu’t isa, isinugo ang buhay Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw Una sa dami ng aking kilala taglay ang di- mabigkas na pangarap Di maipakitang pagmamahal At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!

Sakong 2: Ano ang naiwan! Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan, Aklat, talaarawan at iba pa. Wala nang dapat ipagbunyi Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak At ang ligayang di- malilimutan.

Saknong 3: Walang katapusang pagdarasal Kasama ng lungkot, luha at pighati Bilang paggalang sa kanyang kinahinatnan Mula sa maraming taon ng paghihirap Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala O’ ano ang naganap, Ang buhay ay saglit na nawala

Saknong 4: Pema, ang immortal na pangalan Mula sa nilisang tahanan Walang imahe, walang anino at walang katawan Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos Malungkot na lumisan ang tag-araw Kasama ang pagmamahal na inialay Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita Ang masayang panahon ng pangarap.

pagtataya:Ikaw naman, bestie!

Panuto: Sa 1/4 na hati ng papel, suriin ang unang saknong ng “Elehiya para kay Ram” ayon sa Tema, Tagpuan, Tauhan, Damdamin, Simbolo, Kaugalian o Tradisyon, at Wikang ginamit nito, matapos ay magbigay ng maikling pagpapaliwanag.

“Elehiya para kay Ram” ni Pat V. Villafuerte Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay Di mo na kailangang humakbang pa Sapagkat simula’t simula pa’y pinatay ka na Ng matitigas na batong naraanan mo Habang nakamasid lamang Ang mga batang lansangang nakasama mo Nang maraming taon.

“Hulog ng Kaalaman” Sa pagtatapos ng aralin, natutuhan kong _________

karagdagang gawain:suriin ang iba pang bahagi na saknong ng “Elehiya para kay Ram” na makikita sa kanilang Filipino Module 9. Sundan ang pormat sa pagsusuri.

salamat sa pakikinig!