Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
PAGSULAT NG BIONOTE
Raye Odasco
Created on October 6, 2023
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
View
Smart Presentation
View
Practical Presentation
View
Essential Presentation
View
Akihabara Presentation
View
Pastel Color Presentation
View
Visual Presentation
View
Relaxing Presentation
Transcript
ARALIN 6 :
PAGSULAT NG BIONOTE
Layuning Pagkatuto
Pagkatapos ng talakayan ang bawat mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang katangian ng bionote
2. Nabibigyan-kahulugan ang ang layunin ng bionote kaugnay sa paglalathala.
3. Nakasusulat ng bionote sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika.
KAHULUGAN NG BIONOTE
Ang bionote ay talatang naglalaman ng maikling deskripsyon tungkol sa may-akda sa loob ng karaniwa'y dalawa hanggang tatlong pangungusap na madalas ay kalakip ng artikulo o akdang isinulat ng taong pinatutungkulan. (Word Mart, 2009). Ito rin ay isang maikling talang pagkakakilanlan sa pinakamahahalagang katangian ng isang tao batay sa kanyang mga nagawa. Karaniwan itong naririnig na binabasa upang ipakilala ang napiling susing tagapagsalita ng palatuntunan.
KAALAMAN
Sa mga nagdaang panahon, ang pagpapakilala sa mga susing tagapagsalita ay lubhang napakahaba at nakababagot para sa mga tagapakinig. Napakaraming impormasyon ang ibinabahagi, kaya kung minsan, ito'y nakaka-ubos ng oras. Ngayon ay ipinakikilala na lamang ang susing tagapagsalita sa pinakapayak na paraan.
KAALAMAN
Isinusulat ang bionote upang madaling matandaan ang tala ng buhay ng isang tao sa sandaling panahon ng pagbasa. Tinitingnan ang bionote bilang "bio" o buhay at "note" o dapat tandaan, kaya masasabing ito ay tala sa buhay na dapat tandaan.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
1. Dapat maikli lamang ang nilalaman.
2. Palaging ginagamit ang ikatlong panauhan.
4. Bigyang-diin lamang ang mahalagang impormasyon. Magandang gamitin ang pyramid style upang maging gabay - mula sa mga natamong parangal hanggang sa maliit na detalye ng kanyang buhay.
3. Dapat kinikilala ang mambabasa pagtutuunan sa pagsulat.
KARAGDAGAN
Curriculum Vitae
Bionote
Autobiography
Curriculum Vitae
Mas kilala sa tawag na resume o biodata. Ito ay naglalaman ng mga personal na impormasyon na ginagamit sa paghahanap ng mapapasukang trabaho.
Autobiography
Detalyadong pagsasalaysay ng impormasyon hinggil sa buhay ng isang tao.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
5. Bigyang halaga lamang ang mga angkop na kasanayan o katangian sa pagpapakilala ng panauhin.
6. Maging tapat sa paglalahad ng susulating impormasyon.
KAAYUSAN
Maaaring maging batayan ng gagawing balangkas ang mga sumusunod na katanungan upang mailahad ang kinakailangan lamang na mga impormasyon.
Ano ang kanyang antas ng edukasyon?
Sino ang pinatutungkulan?
Ilang taon na ito?
Ano-ano ang kanyang mga kinawiwilihan?
Saan ipinanganak?
Sino ang mga magulang?