Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

PRESENTATION IN FILIPINO 9

Jasmin Polintan

Created on September 13, 2023

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Geniaflix Presentation

Vintage Mosaic Presentation

Shadow Presentation

Newspaper Presentation

Zen Presentation

Audio tutorial

Pechakucha Presentation

Transcript

MGA PANGATNIG AT TRANSITIONAL DEVICES

Pangatnig

Ang mga pangatnig ay ginagamit sapag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nito, napagsusunod natin nang tama ang mga pangyayari sa isang kuwento ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay, at naman ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari, (naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari, at iba pa sa paglalahad. Kasunod ang ilang halimbawa ng pangatnig na karaniwang ginagamit sa Filipino:

Mga Pangatnig:

1. subalit - ginagamit lamang kung ang 'datapwat' at 'ngunit ay ginamit na sa unahan ng pangungusap. Mga Halimbawa: a. Datapwat matalino siya, wala naman siyang kaibigan. b. Mahal ka niya, subalit indi niya gaanong naipakikita ito. c. Marami na akong natutuhan, ngunit tila kulang pa ito.

2. samantala, saka - ginagamit na pantuwang Mga Halimbawa: a. Siya ay matalino saka mapagbigay pa. b. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa.

3. kaya, dahil sa - ginagamit na pananhi Mga Halimbawa: a. Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kaniyang kapalaluan. b. Siya'y nagtagumpay dahil sa kanyang pagsisikap.

TRANSITIONAL DEVICES

1. sa wakas, sa lahat ng ito - panapos Mga Halimbawa: a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak. b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila'y mahal na mahal ng kanilang ama.

TRANSITIONAL DEVICES

2. kung gayon - panlinaw Mga Halimbawa: a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan niyang pagbutihin ang kanyang pag-aaral.
Gawain 1: Punan ng angkop na transitional device ang mga pahayag upang mabuo ang diwa nito. 1. Lubusan niyang ikinasaya ang pagkakatuloy sa Boracay_______ hindi niya lubos maisip kung paano niya pasasalamatan ang kanyang mga magulang. 2. Marami-rami na rin siyang dinanas sa buhay,_______ ay hindi na siya mahihirapan lutasin ang iba pang mga problemang darating.
3. ____________nakakaangat sa buhay, hindi ito naging dahilan upang maging mapagmataas siya sa ibang mga tao sa kanyang paligid. 4. Napagtagumpayan niya ang makapagtapos ng pag-aaral _________ matinding pagpupursige at determinasyon. 5. Ipinatawag ang lahat ng mga mamamayang nasasakupan sa barangay ___________ ilan lamang ang dumalo sa pagpupulong.
Gawain 2: Gamitin ang mga sumusunod na pangatnig o transitional devices sa pangungusap. 1.palibhasa 4. dahil sa 2. samantala 5.sa lahat ng ito 3.kaya 6. subalit