Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Reuse this genially

MGA PATAKARANG PANG-EKONOMIYA NA NAKATUTULONG SA SEKTOR NG INDUSTRIYA

Keanu Maron

Created on June 15, 2023

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Interactive Onboarding Guide

Corporate Christmas Presentation

Business Results Presentation

Meeting Plan Presentation

Customer Service Manual

Business vision deck

Economic Presentation

Transcript

MGA PATAKARANG PANG-EKONOMIYA NA NAKATUTULONG SA INDUSTRIYA

INIHANDA NI: KEANU MARON

Bakit nga ba kailangan nating alamin ang mga sektor ng ating ekonomiya?

Mahalaga na alamin natin ang mga sektor ng ating ekonomiya upang maunawaan natin ang kabuuan ng ating ekonomiya at mapabuti ang pamamahala at pagpaplano ng mga patakaran at programa na isasagawa.

KAHULUGAN NG INDUSTRIYA

Ito ay sumasaklaw sa napakaraming gawaing pang-ekonomiya na tumutukoy sa gawaing pampabrika, pagmimina, konstruksiyon, at probisyon sa pangunahing serbisyo ng elektrisidad, gas at tubig.

ANO ANG IBIG SABIHIN NG SEKTOR NG INDUSTRIYA?

SEKTOR NG INDUSTRIYA

ito ay kalagayan ng isang ekonomiya na nagpapakita ng kapasidad at kakayahan ng isang bansa ng makalikha ng maraming produkto mula sa mga hilaw na materyales na tutugon sa mga pangangailangan ng lokal at pandaigdigang pamilihan

MGA SEKONDARYANG SEKTOR NG INDUSTRIYA

PAGMIMINA

PAGMAMANUPAKTURA

KONSTRUKSIYON

SERBISYONG PANGKALAHATAN

KONSTRUKSIYON

Kabilang dito ang mga gawain tulad ng pagtatayo ng gusali, estruktura at iba pang land improvements bilang bahagi ng serbisyong publiko ng pamahalaan sa mga mamamayan.

HALIMBAWA:Concerete roads, iba’t ibang gusali, pabrika, atbp.

MGA GAMPANIN NG SEKTOR NG INDUSTRIYA

Pinagkukuhanan ng mga tapos na produkto upang matugunan ang pangangailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Naglilinang at nagpapaunlad ng mga yaman ng bansa gamit ang lakas paggawa upang maiwasan ang pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa.

Nagkakaloob ng hanapbuhay sa mga mamamayang Pilipino upang magkaroon ng kita.

Nagproproseso ng mga hilaw na materyales na karaniwang nanggagaling sa sektor ng agrikultura gamit ang makinarya o manual labor.

MGA GAMPANIN NG SEKTOR NG INDUSTRIYA

Nagbibigay ng malaking kontribusyon sa Gross Domestic Product o GDP ng Pilipinas dahil sa kitang nangagagaling dito.

Bumubuo ng mga iba’t ibang kagamitan tulad ng sasakyang panlupa, pandagat at panghimpapawid, makabagong makinarya na karaniwang ginagamit upang magkaroon ng mas mataas na produksyon at mas malaking kita ang bansa.

Nagbibigay ng malaking kontribusyon sa Gross Domestic Product o GDP ng Pilipinas dahil sa kitang nangagagaling dito.

Nagproprodyus ng mga produkto sa loob at labas ng bansa upang pagkuhanan ng dolyar na kita na nakatutulong sa pag- angat ng ekonomiya ng bansa.

MGA PATAKARANG PANG-EKONOMIYA SA SEKTOR NG INDUSTRIYA

PATAKARANGPANG-EKONOMIYA

LAYUNIN

Palawigin at palakasin ang suporta sa maliliit na negosyo na katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay ng trabaho

Pigilan ang patuloy na paglaganap ng smuggling sa bansa

Pagsusog sa Barangay Micro Business Enterprise(BMBEs)Act

Pagsusog sa Tariff and Custom Code ng Pilipinas

Pumoprotekta sa mga negosyante na ang mga produkto ay sariling likha tulad ng muwebles at iba pang gawang kamay

Pagsusog sa Intellectual Property Code

Masiguro na ang kapaligiran sa bansa ay kaaya-aya sa pagnenegosyo

Pagsusog sa Local Government Code

Mahikayat ang mga pribadong sektor na ng inobasyon at pagtutulungan upang mapabuti at mapalakas ang pagsasagawa ng R and D para sa kapakinabangan ng lahat

Pagsusog (amendments) sa Executive Order (EO) No. 226 o Omnibus Investment Code of 1987

Mapalakas ang pagtataguyod sa pamumuhunan at paglinang ng mga bagong industriya ng Board of Investment (BOI)

Reporma sa Buwis batay sa RA 8424

Malabanan ang mga gawaing hindi patas pagdating sa kalakalan, maiwasan ang kartel at monopolyo, at maparusahan ang mga opisyal ng mga kompanyang hindi sumusunod sa patas na pagnenegosyo

Anti-trust/Competition Law

MGA KATANUNGAN:

Batay sa kaalamang natutuhan mo, ano ang ibig sabihin ng industriya?

Bakit nga ba kailangan natin itong pag aralan?

Paano nakatutulong ang bawat sekondaryang sektor sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa?

Sa paanong paraan matutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng sektor ng industriya?

Ang pagsusulong ng malalakas na patakaran sa pandaigdigang kalakalan at pakikipag-ugnayan sa iba't ibang mga bansa ay nagbubukas ng mga oportunidad sa mga lokal na industriya upang maipakilala ang kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado.

Jagdish Bhagwati

MABUHAY! MARAMING SALAMAT!