Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
KONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANRADYO
Cyra Alexis Tinamisan
Created on April 15, 2023
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
View
Higher Education Presentation
View
Psychedelic Presentation
View
Vaporwave presentation
View
Geniaflix Presentation
View
Vintage Mosaic Presentation
View
Modern Zen Presentation
View
Newspaper Presentation
Transcript
MGA POSITIBO AT NEGATIBONG PAHAYAG NA GINAGAMIT SA PROGRAMANG PANRADYO
BAITANG 8 IKATLONG MARKAHAN
Inihanda ni: Bb. Cyra Alexis Tinamisan
Panimula
Kasanayang Pagkatuto
Aralin
Konklusyon
Sanggunian
PANIMULA
Sa kabila ng iba't ibang teknolohiya at midyum ng komunikasyon tulad ng smartphone at internet sa modernong panahon, makikita pa rin ang puwang ng radyo bilang isang midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga pangyayari sa mundo sa mas malawak na sakop nito.
+ TUKLASIN
KASANAYANG PAGKATUTO
Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag.
MGA POSITIBO AT NEGATIBONG PAHAYAG NA GINAGAMIT SA PROGRAMANG PANRADYO
Sa ating pang-araw-araw na pamumuhay ay bahagi ang pakikinig ng radyo. Kahit saan tayo magpunta o kahit ano man ang ating ginagawa, malaki ang tyansang makapakinig tayo ng radyo. Mapabalita man ito, awitin, o kaya nama'y programang panradyo na tinututukan natin. May mga positibo at negatibong pahayag na ginagamit sa programang panradyo.
Positibong Pahayag
Negatibong Pahayag
PoSITIBONG PAHAYAG
Masasabi nating positibo ang pahayag kapag nagsasabi ng kaaya-aya o may kagandahan ang hatid sa mga tagapakinig. Ang mga positibong pahayag ay karaniwang ginagamitan ng mga panandang totoo, tunay, talaga, sadya at iba pa.
+ HALIMBAWA
PoSITIBONG PAHAYAG
May mga pahayag na bagamat ginamitan ng negatibong salita ay nanatiling positibo pa rin sa mga tagapakinig nito. Halimbawa: Ang hindi niya pagsipot sa kasal ay nagdulot sa babae na makahanap ng bagong pag-ibig.
NEGATIBONG PAHAYAG
Ito ang mga pahayag na may diwang negatibo, salungat o hindi pagkiling sa diwa ng nakararami. Ginagamit sa negatibong pahayag ang mga hudyat o panandang wala, ayaw, ngunit, subalit, hindi at iba pa.
+ HALIMBAWA
NEGATIBONG PAHAYAG
Sa kabilang banda, may mga pahayag na negatibo kahit hindi ito ginagamitan ng hudyat o pananda dahil sa diwa nito na hindi ayon sa diwa ng iba. Halimbawa: Depektibo ang nabili kong bagong cellphone.
KONKLUSYON
Ang pakikinig ng mga kontemporaryong programang panradyo ay isang kakayahan na dapat linangin ng isang tagapakinig lalo na sa pagsusuri ng mga impormasyon o pahayag na may katotohanan ito man ay positibo o negatibong pahayag. Sa pamamagitan nito, makabubuo tayo ng sariling opinyon, hinuha o personal na interpretasyon hinggil sa isang usapin o pangyayari. Mahalaga na tayo ay maging malay at magkaroon ng pakikisangkot sa mga nangyayari sa ating lipunan.
SANGGUNIAN
https://depedtambayan.net/grade-8-filipino-modyul-kontemporaneong-programang-panradyo/
https://www.scribd.com/document/414153464/CZY-FINAL-SLK-Mga-Positibo-at-Negatibong-Pahayag-sa-Programang-Panradyo-Autosaved-docx#