Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

BIBLIYOGRAPIYA

Samantha Gonzales

Created on April 2, 2023

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Transcript

Pangangalap ng Impormasyon at Paggawa ng Bibliyograpiya

GROUP

Group 3 11-WisdomPag-uulat para sa Pananaliksik

Esto es un párrafo listo para contener creatividad, experiencias e historias geniales.

Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya

Pagkuha at Pagsasaayos ng mga Tala

Ang Bibliyograpiya

Alam mo ba?

Konsiderasyon sa Pagkuha at Paggawa ng Tala

Paraan ng Pagsulat ng Bibliyograpiya

Pagsulat ng Pinal na Bibliyograpiya

Mga Uri o Anyo ng Tala

Alam mo ba?

Ang paggawa ng bibliyograpiya ay isang kasanayang sumusubok sa sipag, tiyaga, at katapatan ng isang mananaliksik.

Sa makabagong panahon, marami nang mga website na naglalayong pagaanin ang gawain ng mga mananaliksik ang nagawa upang magbigay tulong sa mga mananaliksik upang gumawa ng kanilang mga bibliyograpiya. Ilan sa mga website na ito ay ang sumusunod:

Citation Machine

Oregon School Library Information System

http://www.citationmachine.net/

http://secondary.oslis.org/cite-sources/step-by-step instructions

Recipes4Success

EasyBib

http://www.easybib.com/https://21cif.com/tools/citation/

http://goo.gl/0zAfOH

Ang Bibliyograpiya

Ito ay inihahanda kasabay ng pangangalap ng datos at impormasyon para sa iyong pananaliksik.

Ang bibliyograpiya, na kilala rin bilang talasanggunian, ay bahagi ng isang pananaliksik o aklat.

Ito ay nagpapakita ng talaan ng mga aklat, dyornal, pahayagan, magasin, di nakalimbag na batis katulad ng pelikula, programang pantelebisyon, dokumentaryo, at maging ang mga social media networking site na pinagkuhanan ng impormasyon.

Ano ang kahalagahan ng bibliyograpiya?

Mahalaga ito sapagkat isa ito sa mga katibayan ng pagiging makatotohanan ng ng pananaliksik o aklat na ginawa. Sa pamamagitan nito, naipaapakita na ang nilalaman ng pananaliksik o aklat ay hindi lamang pansariling opinyon o gawa-gawa ng mananaliksik. Napatutunayan din ang katumpakan o katiyakan ng mga impormasyong nilalaman ng pananaliksik.

Ano-ano ang mga nilalaman ng isang bibliograpiya?

  • pangalan ng may-akda
  • pamagat ng aklat o artikulo
  • lugar ng publikasyon
  • tagapaglathala
  • taon kung kailan ito nalathala

Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya

Bago mo isulat ang pinal na bibliyograpiya ay gumawa ka muna ng pansamantalang bibliyograpiya.

Ano ang kahalagahan nito?

Ito ang magiging katuwang mo habang isinusulat mo ang iyong pananaliksik.

Para saan ang Pansamantalang Bibliyograpiya?

Ang ganitong sistema ay nakatitipid sa oras at sa panahon sa paggawa ng pananaliksik. Hindi pa ito ang pinal sapagkat maaari ka pang magdagdag o magbawas ng sanggunian.

Narito ang mga hakbang sa paggawa ng pansamantalang bibliyograpiya:

  • Maghanda ng mga index card na pare-pareho ang laki. Karaniwang 3x 5 pulgada ang ginagamit ng iba.
  • Isulat sa mga index card na ito ang mahahalagang impormasyon ng iyong sanggunian. Ang ganitong paghahanda ay makatutulong para sa paggawa ng pinal na bibliyograpiya.
  • Isaayos ang mga index card nang paalpabeto ayon sa may-akda ng iyong sanggunian. Maaari itong ilagay sa isang folder, kahon, o sobre.

May iba’t ibang paraan sa pagsulat ng bibliyograpiya.

Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
  • APA o American Psychological Association
  • MLA o Modern Language Association
  • Chicago Manual of Style

Mga Rekomendasyon at Limitasyon sa Pagsulat ng Bibliyograpiya bilang isang mag-aaral:

Maaaring magbigay ang guro ng paraan na inyong gagamitin sa pagsulat ng bibliyograpiya, o kaya ikaw ang mamimili ng estilo. Kailangan lamang tandan na kung anumang estilo ang iyong gamitin sa umpisa ay iyon na rin ang gagamitin sa kubuoan ng sulatin.

Pagkuha at Pagsasaayos ng mga Tala

Sa panahon ngayon, marami ang mapagkukunan ng mga tala o datos sa pananaliksik.
  • Internet
  • Silid-Aklatan

Nariyan rin ang Internet kung saan makakakuha tayo ng napakaraming impormasyon, ngunit dapat parin tayong maging maingat sa pagpili ng impormasyon.

Nariyan ang silid-aklatan na naglalaman ng maraming aklat, peryodikal, at iba pang babasahin.

  • Social Media Networking Site
  • Hindi biro ang mangalap ng mga tala, isa itong gawaing talaga namang susubok sa sipag, tiyaga, at pasensiya ng mananaliksik, kaya mahalagang malaman niya kung paano ito gagamitin at isasaayos.

Maging ang social media networking site ay maaaring pagkunan ng impormasyon.

Dagdag Impormasyon

Ilang Konsiderasyon sa Pagkuha at Paggawa ng mga Tala

Mas magiging maayos kung isa lang ang sukat ng notecard o index card na gagamitin. Maraming sukat ang notecard o index card, karaniwang ginagamit ang 3 x 5, ang 5 x 8, at 4 x 6 para sa mga tala.

Konsiderasyon 1

Gumamit ng isang card para sa isang kaisipan o ideya. Isa-isahin ang mga datos o impormasyong nakuha sa kahit saang sanggunian, isulat ang mga ito sa magkakaibang notecard. Sa ganitong paraan ay hindi ka na mahihirapan sa pamimili ng gagamitin mong notecard sa oras na kailangan mo ng isang ideya.

Konsiderasyon 3

Upang madaling matukoy ang sanggunian ilagay ang datos ng sanggunian sa notecard. Sa kanang itaas na bahagi ng notecard ay isulat ang awtor at pamagat ng sanggunian (aklat, dyornal, website, etc), sa gitna ang pamagat ng tala at sa itaas na kaliwang bahagi ang pahina na pinagkunan ng tala.

Konsiderasyon 2

Tiyaking may pamagat at pahina ng aklat ang pinagkuhanan ng tala.

Konsiderasyon 4

Ilang Konsiderasyon sa Pagkuha at Paggawa ng mga Tala

Halimbawa

Mga Uri o Anyo ng Tala

May anim na uring nakapasailalim dito:

1 DIREKTANG SIPI

Ginagamit ito kung isang bahagi lamang ng akda ang nais sipiin. Dapat lamang isipin na hindi naman maganda kung sobrang haba ang direktang sisipiin. Tiyaking tama ang pagkakopya ng mga datos at hindi nagbago sa proseso ng pagkopya.

  • Sa paggamit ng direktang sipi, kinakailangang lagyan ng panipi (" ") ang bawat nakuhan tala.
  • Kung bahagi lamang ng sipi ang gagamitin gumamit ng ellipsis (...). Ginagamit ang ellipsis kung hindi bingo ang pangungusap o tala.

Mga Uri o Anyo ng Tala

May anim na uring nakapasailalim dito:

2 BUOD NA TALA

Ginagamit ito kung ang nais lamang gamitin ay ang pinakamahalagang ideya ng isang tala, tinatawag din itong synopsis.

3 PRESI

Mula ito sa salitang Prances na precis na ang ibig sabihin ay pruned or cut down. Presi ang tawag kung ang gagamitin ay ang buod ng isang tala. Pinapanatili nito ang orihinal na ayos ng ideya at ang punto ng may akda. Maaaring gamitin ng mananaliksik ang mga sussing salita o keywords ng orihinal na manunulat.

Mga Uri o Anyo ng Tala

May anim na uring nakapasailalim dito:

4 SIPI NG SIPI

Maaaring gamiti ang sinipi mula sa isang mahabang sipi. Ang ganitong uri ay ginagamitan din ng panipi.

5 HAWIG/PARAPHRASE

Isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na payak na salita ng mananaliksik.

Mga Uri o Anyo ng Tala

May anim na uring nakapasailalim dito:

6 SALIN/ SARILING SALIN

Sa mga pagkakataong ang tala ay nasa wikang banyaga, ginagamitan ito ng pagsasalin. Ito ay ang paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa iba pang wika. Mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsasalin;

  • a. Alamin ang konteksto ng isasalin.
  • b. Ang mga idyoma ay hindi maaaring isalin nang direkta sapagkat maiiba ang kahulugan nito.
  • c. Iwasan ang pagsasalin nang literal.
  • d/ Ang mga salitang teknikal at siyentipiko ay maaari nang hindi isalin.

PAGSULAT NG PINAL NA BIBLIYOGRAPIYA

-paano nga ba ayusin ang mga tala?
  • Pagkatapos mangalap ng mga impormasyon para sa iyong pananaliksik at isulat ang pansamantalang bibliyograpiya, ngayon naman ay ang pinal na bibliyograpiya. Pero paano nga ba ito?
- alisin ang mga hindi kinakailangan sa iyong pananaliksik-ayusin ang mga tala at pangalan ng mga manunulat sa paalpabetong paraan. Tandaan: Ang Pinal na Bibliyograpiya ay matatagpuan sa huling parte ng Pananaliksik.

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

AKLAT

Mga impormasyong sinasama sa bibliograpiya kung ang sanggunian ay aklat:

  • Tala tungkol sa may-akda
  • Tala tungkol sa pamagat
  • Tala tungkol sa publikasyon
  • Tala tungkol sa taon ng publikasyon

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

AKLAT

ISA LAMANG ANG MAY-AKDA:

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

AKLAT

DALAWA ANG MAY-AKDA:

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

AKLAT

HIGIT SA DALAWA ANG MAY-AKDA:

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

AKLAT

ANONYMOUS ANG MAY-AKDA:

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

PERYODIKAL

Ang PERYODIKAL ay tumutukoy sa anumang publikasyon na lumalabas nang regular

Mga impormasyong sinasama sa bibliograpiya kung ang sanggunian ay peryodikal:

  • Tala tungkol sa may-akda
  • Tala tungkol sa pamagat ng artikulo
  • Tala tugkol sa publikasyon na kinabibilangan ng:
    • Pangalan ng peryodiko
    • Bilang ng bolyum
    • Bilang ng isyu
    • Petsa
    • Mga pahina ng buong artikulo

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

PERYODIKAL

JOURNAL - peryodikal na lumalabas sa akademikong komunidad

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

PERYODIKAL

MAGASIN - peryodikal para sa publiko

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

PERYODIKAL

PAHAYAGAN - peryodikal na araw-araw lumalabas

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

REFERENCE

Ang REFERENCE ay tumutukoy sa <insert meaning>

Mga impormasyong sinasama sa bibliograpiya kung ang sanggunian ay reference:

  • Pamagat ng artikulo o reference
  • Bilang ng edisyon o taon ng publikasyon

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

DI NAKALATHALANG SANGGUNIAN

Mga impormasyong sinasama sa bibliograpiya kung ang sanggunian ay di nakalathala:

  • May-akda
  • Pamagat
  • Anyo ng manuskrito
  • Tala tungkol sa pinagmulan at lokasyon ng sanggunian
  • Petsa ng pagkasulat

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

DI NAKALATHALANG SANGGUNIAN

MANUSKRITO

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

DI LIMBAG NA BATIS

PELIKULA

  • Manunulat, direktor, o prodyuser
  • Pamagat
  • Pangunahing artista
  • Kompanyang nag-prodyus
  • Taon ng pagpapalabas

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

DI LIMBAG NA BATIS

PELIKULA

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

DI LIMBAG NA BATIS

PROGRAMA SA TELEBISYON AT RADYO

  • Pamagat ng segment, serye, o programa
  • Prodyuser, direktor, manunulat, o artista
  • Broadcasting corporation
  • Petsa

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

DI LIMBAG NA BATIS

PROGRAMA SA TELEBISYON AT RADYO

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

DI LIMBAG NA BATIS

WEBSITE

  • May-akda
  • Petsa ng publikasyon
  • Pamagat ng artikulo
  • Pinanggalingang URL

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

DI LIMBAG NA BATIS

WEBSITE

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

DI LIMBAG NA BATIS

BLOG

  • May-akda (kung hindi nakalagay ang pangalan ng may-akda, maaaring screen name lamang ang ilagay)
  • Petsa ng publikasyon
  • Pamagat ng artikulo (hindi naka-italicize)
  • Pinanggalingang URL

PARAAN NG PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

DI LIMBAG NA BATIS

BLOG

Resources of interest

Contextualize your topic with a subtitle

Write an awesome title

Contextualize your topic

Write an awesome title

Contextualize your topic

Write an awesome title

Contextualize your topic

Write an awesome title

Contextualize your topic

Resources of interest

Tutoring schedule

Don’t forget to publish!

Esto es un párrafo listo para contener creatividad, experiencias e historias geniales.