Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
Impormatibo
MartinFromYT
Created on March 26, 2023
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
Transcript
paghahanda para sa Pagsulat ng Tekstong Impormatibo
Start
“ Kahulugan at Kahalagahan ng Tekstong Impormatibo ”
Ang salitang impormatibo ay nagmula sa salitang Ingles na inform.
Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay tinatawag ding ekspositori, ay isang anyong pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang magpaliwanag sa mga mambabasa ngano mang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.
Halimbawa ng tekstong impormatibo:
- Biyoggrapiya
- Mga impormasyon na matatagpuan sa diskyunaryo
- Encyclopedia
- Balita sa dyaryo Elemento ng tekstong impormatibo
Unang paghahanda sa Pagsulat
Siguraduhing pawang mapagkakatiwalaan at totoong impormasyon lamang ang isusulat.
Pangalawang paghahanda sa Pagsulat
Tiyaking may sapat na batayan Ang mga ito upang Hindi makalito sa mambabasa at lalong mapagtibay ang paghahatid ng mga impormasyon sa mambabasa, kailangan ding maging matalino sa pag susuri ng teksto at laging tiyakin ang katotohanan at kredibilidad ng mga impormasyon.
Pangatlong paghahanda sa Pagsulat
Maingat na magsaliksik lalo na tungkol sa ideyang sensitibo sa larangan ng agham, teknolohiya, kasaysayan, at mga araling pilosopikal.
Pangapat at Huling paghahanda sa Pagsulat
Mababanggit din ng sapat at mapagtitiwalaang batayan. Gumamit ng wasto at angkop na mga salita. Isaaalang-alang pa rin ang ideya, ang diin at linaw ng pagpapaliwnag.
Layunin ng may-akda -Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may akda sapagsulat. Maaring ang layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa;maunawaan ang mga bagay na mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo,; magsasaliksik; at mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto,hayop at iba pang nabubuhay.
Pangunahing ideya - Dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya samambabasa. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagitinatawag din itong organized markers na nakatutulong upang agad makita at malamanng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
Pantulong kaisipan - Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulongkaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa angpangunahing ideyang nais matanim o miwan sa kanila.
"Bahagi ng Tekstong Impormatibo"
Panimula o Pamagat
ito ang magsisilbing hudyat ng pagpapakilala sa paksang mayroon ang isang tekstong impormatibo
Pamungad na pagtalakay sa paksa
dito nakasaad ang buwelo ng pagtatalakay sa paksa
Katawan o Mahalagang Datos
to ang magpapatunay kung ano ang kahalagahan ng tinatalakay ng paksa
Wakas o Konklusyon
binubuo ito ng isang maikling buod ng mga punto na naipakita sa ibabaw ng teksto. Sa wakas o konklusyon, ang may-akda ay nagpapakita ng kanyang konklusyon o pagtatapos tungkol sa paksa. Dito, ang may-akda ay nagbibigay ng kanyang pananaw sa paksa at nagpapahayag ng kanyang mga pangwakas na kaisipan.
Pagsulat ng Sanggunian
Dito inililista o isinusulat ang lahat ng pinagsasangunian nang kompleto at buo ayon sa pagkakagamit nito sa loob ng teksto.