Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG IBONG ADARNA

Jo Lost

Created on February 27, 2023

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Smart Presentation

Practical Presentation

Essential Presentation

Akihabara Presentation

Pastel Color Presentation

Visual Presentation

Relaxing Presentation

Transcript

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG IBONG ADARNA

ANG KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG IBONG ADARNA

Ang korido ay isang mahabang tulang pasalaysay. Ito ay pinaniniwalaang nakapasok sa Pilipinas noong 1600 sa pamamagitan ni Miguel Lopez de Legaspi. Ito ay lumaganap sa panahon pa ng Espanyol subalit hanggang ngayon ay patuloy na binabasa at pinag-aralan ng mga kabataang Pilipino dahil sa kariktang taglay at sa mga pagpapahalagang maaring kapulutan ng mga aral sa buhay maging ng kabataan sa makabagong panahon.

Ang awit at korido ay dalawang anyo ng tulang romansa. Nagkakaiba ang dalawang ito ayon sa sukat, himig at pagkamakatotohanan. (1) May walong pantig sa bawat taludtod (2) Sadyang isinulat para basahin, hindi awitin (3) Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro, ito ay dahil maikli ang mga taludtod at wawaluhing pantig lamang . (4) Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng bundok, pag-iibang anyo at iba pa. (5) Dahil dito, ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong maganap sa tunay na buhay. (6) Halimbawa nito ang Ibong Adarna.

ANG KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG IBONG ADARNA

Ang Ibong Adarna ang itinuturing na pinakapopular na korido. Ayon kay Pura Santillan-Castrence (1940), ang kwento ng mahiwagang ibong ito ay maaaring hinango sa mg kwentong bayan ng ibang bansa, gaya ng Germany, Denmark, Romania, Finland, Indonesia atbp.

Ilan sa mga kuwentong- bayan na hawig sa Ibong Adarna ay ang sumusunod: 1. Mula sa kuwentong Scala Celi (1300) 2. Mula sa Hessen, Alemanya (1812) 3. Mula sa Paderborn, Alemanya 4. Mula sa Vaderborn, isinulat ni Gretchen Wild ang “Ang Maputing Kalapati” 5. Mula sa Denmark (1696) 6. Mula sa “Isang Libo‟t Isang Gabi” 7. Mula sa Malayo – Polinesya ni Renward Brandsetter 8. Mula sa Malische – Maechen na tinipon ni Paul Ambruch.

Awit1. May labindalawang pantig sa bawat taludtod. 2. Sadyang isinulat parang awitin, inaawit sa tanging pagtitipon. 3. Ang himig ay mabagal o banayad, tinatawag na andante. 4. Hango sa tunay na buhay ang mga pangyayayari. Walang kapangyarihang supernatural ang mga bida. 5. Maaaring maganap sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa isang awit. 6. Halimbawa nito ang Florante at Laura.