Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

FILIPINO 6 - Lesson 2

Aubrey P. Santos

Created on February 18, 2023

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Vaporwave presentation

Animated Sketch Presentation

Memories Presentation

Pechakucha Presentation

Decades Presentation

Color and Shapes Presentation

Historical Presentation

Transcript

magandang umaga!

Start

Mamang sorbetero, ano'ng ngalan mo? Tinda mong ice cream, gustong-gusto ko Init ng buhay, pinapawi mo Sama ng loob, nalilimutan ko

Mamang sorbetero, tayo'y sumayaw Kalembang mong hawak, muling ikaway Batang munti, sa 'yo'y naghihintay Bigyang ligaya ngayong tag-araw

Masdan ang ulap sa himpapawid Korteng sorbetes sa pisngi ng langit Mata ng dalaga'y nananaginip Mayro'ng sikretong nasasaisip

Mainit na labi, nagbabagang mata Sunog na pag-ibig, parang awa mo na Mamang sorbetero, oh, nasaan ka? Init ng buhay, pawiin mo na

pagtukoy sa aspekto at pagbabanghay ng pandiwa

Start

1- Pandiwa

2- Aspektong Naganap o Perpektibo

3- Aspektong Perpektibong Katatapos

daloy ng talakayan

4- Aspektong Nagaganap o Imperpektibo

5- Aspektong Magaganap o Kontemplatibo

7- Pagbabanghay

6- Aspektong Neutral

ano ang pandiwa?

PANDIWA

Ito ay ang mga salitang nagpapakita ng kilos o galaw. Nagbabago ang anyo ng mga ito sa iba't ibang panahunan o aspekto matapos ang pagbabanghay sa pawatas na binubuo ng salitang-ugat at panlaping makadiwa.

+ fo

Aspektong Naganap o Perpektibo

Natapos na ang sinimulang kilos.

Halimbawa: a. Naluto ko na ang kare-kare. b. Dumating na ang mga balikbayan.

Aspektong Perpektibong Katatapos

Kagagawa o katatapos pa lamang ng kilos; madalas may kasunod na salitang lamang/lang.

Halimbawa: a. Kabibili ko pa lamang ng kurtinang iyan. b. Ang inihaw na bangus ay kasasalang lamang.

Aspektong Nagaganap o Imperpektibo

Ang kilos na sinimulan ay patuloy pa ring ginagawa o nangyayari pa sa kasalukuyan.

Halimbawa: a. Ang mga balikbayan ay kumakaway sa atin. b. Tumutulong ang lahat sa paghahanda.

Aspektong Magaganap o Kontemplatibo

Ang kilos ay hindi pa nasisimulan o naisasagawa; gagawin pa lamang.

Halimbawa: a. Maghahanda na po ako ng mesa. b. Papasok na ako riyan.

Aspektong Neutral

Ang kilos ay nagaganap sa paraang pautos.

Halimbawa: a. Ihain mo ang lahat ng ulam. b. Magsabay kayo sa pag-alis.

Matutukoy ang aspekto ng pandiwa kung ganap ang kaalaman sa pagbabanghay. Ang pagbabanghay ay ang paraan ng pagbabago-bago ng anyo ng pawatas batay sa ginamit na panlaping makadiwa sa iba't ibang aspekto.

1. um, ma, mag, mang

2. i, -in, o, -hin

01

3. -an, o, -han

01

4. ipa, ipag, pa-an/-han, at pag-an/-han

Magkakatulad na tuntunin ang sinusunod sa pagbabanghay ng mga pawatas ng pandiwang banghay sa mga panlaping nasa itaas.

01

maraming salamat!