Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

(Encomienda, Tributo, at, Polo y Servicios)

Maria Carisa Soriano

Created on February 17, 2023

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Transcript

Paraan ng Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas

(Encomienda, Tributo, at, Polo y Servicios)

Mga layunin ng aralin:

1. Natatalakay ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa kapangyarihan ng Espanya- Tributo at Encomienda - Sapilitang paggawa

Mga layunin ng aralin:

2. Natatalakay ang konsepto ng encomienda at mga kwantitatibong datos ukol sa tributo, kung saan ito ay kinolekta, at ang halaga ng mga tributo

3. Nasusuri ang mga patakaran, papel, at kahalagahan ng sapilitang paggawa sa pagkakatatag ng kolonya sa Pilipinas

Sistemang Encomienda at Pagbabayad ng Tributo

Encomienda

Ito ang mga lupain ng bansa na hinati sa maliliit na yunit.

Encomienda

Ito ay ang lupang ipinagkakaloob ng hari ng Espanya bilang gantimpala sa matapat na mga tauhang Espanyol

Encomienda

Kasamang ibinibigay dito ang mga mamamayang naninirahan sa lupa.

Encomendero

Ito ang tawag sa namumuno sa encomienda.

Encomendero

Ang tungkulin nito ay mangolekta ng buwis at mangalaga sa kapakanan ng kaniyang nasasakupan.

Bilang bahagi ng sistema ng encomienda ay ipinatupad ang paniningil ng buwis sa mga mamamayan bunga na rin diumano ng malaking gastusin ng pamahalaang Espanyol sa pagtatag ng pamahalaan sa Pilipinas (1571).

Pagbubuwis

Ito ay ang paglikom ng salaping kakailanganin sa pagpapatakbo ng pamahalaan.

Bakit kailangan maningil ng buwis ang pamahalaan?

Pagbubuwis

Ito ay naging instrumento ng pang-aapi ng mga Espanyol sa mga katutubo.

Tributo

buwis ng pagkamamamayan

Tributo

Ito ay may katumbas na walong reales o piso na maaaring bayaran ng pera o produktong ginto, tela, bulak, at bigas na may halagang takda sa bawat produkto.

Tributo

Itinaas pa ito sa halagang 12 reales noong 1851.

Cedula Personal

  • 1884
  • tanda ng pagkakakilanlan

Cedula Personal

Ang lahat ng may edad 18 taon pataas na mga Pilipino ay dapat magbayad nito

Cedula Personal

Ito rin ay tanda ng pagtanggap sa kapangyarihan ng mga Espanyol.

Cedula Personal

Tanging ang mga kasapi lamang ng principalia at ang mga katutubong naglilingkod sa pamahalaan at Simbahan ang hindi nagbabayad ng buwis.

Cedula Personal

Nagpahirap sa mga Pilipino ang pangongolekta ng buwis dahil sa kadalasan ay sobra itong maningil at sapilitan pang kinukumpiska ang kanilang mga produkto.

Sistemang Kasama

Kasama

Sila ang mga nangungupahan ng lupang sakahan.

Sistemang Kasama

Upang magkaroon ng katibayan, pinag-utos ng pamahalaan sa lahat ng nagmamay-ari ng lupa na iparehistro ang kanilang mga lupain.

Sistemang Kasama

Kinamkam ng pamahalaang Espanyol ang lahat ng lupaing hindi naiparehistro ng may-ari.

Haciendero

Sila ang mga Espanyol na kadalasang may-ari ng mga lupain sa sistemang kasama.

Sistemang Kasama

Ang sistemang ito ay tinutulan ng maraming Pilipino sapagkat lalong naging mapang-abuso ang mga Espanyol at lalong silang nabaon sa pang-aalipin.

Polo y Servicios at ang Bandala

Polo y Servicios

Ito ay ang sapilitang paggawa

Polo y Servicios

Sakop nito ang lahat ng kalalakihang may 16 hanggang 60 na taong gulang na may kakayahang magtrabaho at maglingkod sa mga pagawaan ng pamahalang Espanyol

Paggawa o pagkukumpuni ng barkong galyon

Pagtatayo ng tulay

Malagonlong Bridge, Tayabas, Quezon (1841)

Pagtatayo ng simbahan

San Agustin Church, Intramuros, Manila (1607)

Polista

Ito ang tawag sa mga naglilingkod sa ilalim ng polo y servicios

Ang mga polista ay nagtatrabaho nang 40 araw sa pamahalaan ngunit ibinaba ito sa 15 na araw noong 1884.

Paano makaliligtas sa polo ang isang Pilipino?

  • kung may kakayahang magbayad ng falla o multa bilang kapalit ng kanyang hindi paglilingkod
  • kung ang isang tao ay may katungkulan sa pamahalaan gaya ng gobernadorcillo, cabeza de barangay, at iba pang miyembro ng principalia

Hindi ito nakasanayan ng mga Pilipino, kaya ang patakarang ito ay naging isa sa mga sanhi ng pag-aalsa laban sa pamahalaang Espanyol.

Sistemang Bandala

Ito ang sapilitang pagbili ng pamahalaan ng mga produkto ng mga magsasaka.

Ang bawat lalawigan ay binigyan ng takdang dami ng mga produktong ipagbibili sa pamahalaan.

Ang mga natatanggap lamang ng mga magsasaka ay mga pangakong kasulatan o promissory note.

Kapag nasira pa ang pananim ng mga magsasaka ay napipilitan silang bumili ng produkto sa ibang lugar upang mabuo ang kotang ibinigay ng pamahalaan lalong nakadagdag sa kanilang paghihirap.