Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Reuse this genially

BIBLIYOGRAPIYA group10 g11

Mark Rynell Mirabueno

Created on February 14, 2023

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Audio tutorial

Pechakucha Presentation

Desktop Workspace

Decades Presentation

Psychology Presentation

Medical Dna Presentation

Geometric Project Presentation

Transcript

Ika-10 Pangkat

lider: Mark Rynell mirabueno Tiffany Louise Flores Almae elquiero Paula sincua

Miyembro:

Inihahandog ng: Ika-sampung Pangkat

bibliyograpiya

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Mga Layunin sa Aralin na ito:

1. Palawakin ang kaalaman sa Bibliyograpiya

2. Mga paraan sa pagsulat ng bibliyograpiya

*Intruduksiyon ng bibliyograpiya *Kahalagahan ng bibliyograpiya

*Paraan sa pagsulat ng bibliyograpiya

3. Pagkuha at Pagsasaayos ng mga Tala

4. Makalikha ng Bibliyograpiya

*Pagsulat ng pansamantalang bibliyograpiya *Pagsulat ng pinal na bibliyograpiya *Paguunawa sa aralin

*Konsiderasyon sa pagkuha at paggawa ng mga tala *Uri at anyo ng mga tala

INTRODUKSYON

isang listahan ng mga aklat, mga artikulo sa pag-aaral, mga talumpati, mga pribadong talaan, mga talaarawan, mga pook sapot, at iba pang mga mapagkukunan na iyong ginagamit kapag nagsasaliksik ng isang paksa at pagsusulat ng isang papel. Ang bibliograpiya ay lilitaw sa dulo ng iyong papel.

anO aNG BIBLIYO-GRAPIYA?

LAYUNIN

Ang bibliograpiya kung minsan ay tinatawag na Mga Gawa na Tinukoy o Gawing Nakonsulta.

anO aNG LAYUNIN NG BIBLIYO- GRAPIYA?

Ang pangunahing layunin ng isang entry sa bibliograpiya ay upang magbigay ng kredito sa iba pang mga may-akda na pinagmulan ng iyong kinunsulta sa iyong pananaliksik.

Ang isa pang layunin ng isang bibliograpiya ay upang gawing madali para sa isang mausisang magbabasa upang mahanap ang pinagmulan ng iyong ginamit na akda.

Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya

Bago mo isulat ang pinal na bibliyograpiya ay gumawa ka muna ng pansamantalang bibliyograpiya. Ito ang magiging katuwang mo habang isinusulat mo ang iyong pananaliksik. Ang ganitong sistema ay nakatitipid sa oras at panahon sa paggawa ng pananaliksik. Hindi pa ito ang pinal sapagkat maaari ka pang magdagdag o magbawas ng sanggunian. Narito ang hakbang sa paggawa ng pansamantalang bibliyograpiya

Narito ang hakbang sa paggawa ng pansamantalang bibliyograpiya:

Maghanda ng mga index card na pare-pareho ang laki. Karaniwang 3 x 5 pulgada ang ginagamit ng iba.

Isulat sa mga index card na ito ang mahahalagang impormasyon ng iyong sanggunian. Ang ganitong paghahanda ay makatutulong para sa paggawa ng pinal na bibliyograpiya

Isaayos ang mga index card nang paalpabeto ayon sa may-akda ng iyong sanggunian. Maaari itong ilagay sa isang kahon, folder, o sobre.

Ang mga nilalaman ng isang Bibliograpiya

1. May-akda 2. Pamagat ng iyong pinagmulan 3. Impormasyon sa publikasyon 4. Petsa

Pagkasunod-sunod at ayos:

Ang iyong mga entry ay dapat na nakalista sa alpabetikong pagkasunod-sunod ng huling pangalan ng may-akda. Kung gumagamit ka ng dalawang publikasyon na isinulat ng parehong may-akda, ang pagkakasunud-sunod at pormat ay nakasalalay sa estilo ng pagsulat.

Iba't Ibang Paraan sa Pagsulat ng Bibliyograpiya

Mayroong 3 paraan Para Makasulat ng Bibliyograpiya

"Modern language Association" o MLA method

Chicago Method

Ginagamit kung ang pananaliksik ay ukol sa mga disiplina o asignatura sa Humanities, tuad ng wika at panitikan, Philosophy, at Arts.

Patunay ng mananaliksik ang lahat ng kanyang kaisipan o konseptong binanggit sa kaniyang pag-aaral ay hindi haka haka o opinyon lamang.

Awtor, Titulo ng pook sapot, peta ng pagkakagawa (gumamit ng n.d. "no date" kung walang petsang nakalagay), Medium, Petsa kung kailan biisita ang pook sapot

"American Pschological Association" o APA method

Sa Pagsulat ng Bibiliyograpiya

Maaaring magbigay ang guro ng paraan na inyong gagamitin sa pagsulat ng bibliyograpiya, o kaya ikaw ang mamimili ng estilo. Kailangan lamang tandaan na kung anumang estilo ang iyong gamitin sa umpisa ay iyon na rin ang gagamitin sa kabuoan ng sulatin.

Modern language Association" o MLA method at Chicago Method

"American Pschological Association" o APA method

V.S.

Sa estilo ng APA, inilista mo ang mga entry sa magkakasunod na pagkakasunud-sunod ng paglalathala, na inilalagay ang pinakamaagang una. Ang buong pangalan ng may-akda ay ginagamit para sa lahat ng mga entry.

Sa estilo ng pagsulat ng MLA at Chicago, dapat mong ilista ang mga entry sa alpabetikong order ayon sa pamagat ng akda. Ang pangalan ng may-akda ay nakasulat bilang normal para sa unang entry, ngunit para sa pangalawang entry, papalitan mo ang pangalan ng may-akda na may tatlong mga gitling

+susunod

  • Sa panahon ngayon, marami ang mapagkukunan ng mga tal’a o datos sa pananaliksik.
  • Nariyan ang silid-aklatan na naglalaman ng maraming aklat, peryodikal, at iba pang babasahin.
  • Nariyan din ang Internet kung saan makakukuha tayo ng napakaraming impormasyon, bagama’t dapat maging maingat sa pagpili ng impormasyon.
  • Maging ang social media networking site ay maaaring pagkunan ng impormasyon.
  • Nararapat na maging maparaan at matapat ang isang mananaliksik, ito ang dalawang pagpapahalagang kailangang bigyang-halaga at isaloob ng isang mahusay na mananaliksik.

Pagkuha at Pagsasaayos ng mga Tala

Ilang Konsiderasyon sa Pagkuha at Paggawa ng mga Tala

Gumamit ng isang card para sa isang kaisipan o ideya. Isa-isahin ang mga datos o impormasyong nakuha sa kahit saang sanggunian, isulat ang mga ito sa magkakaibang notecard.

Tiyaking may pamagat at pahina ng aklat na pinagkuhanan ng tala.

Mas magiging maayos kung isa lang ang sukat ng index card na gagamitin. Maraming sukat ang index card, karaniwang ginagamit ang 3 x 5, ang 5 x 8, at 4 x 6 para sa mga tala

Ilang Konsiderasyon sa Pagkuha at Paggawa ng mga Tala

Upang madaling matukoy ang sanggunian ilagay ang datos ng sanggunian sa indexcard. Sa kanang itaas na bahagi ng notecard ay isulat ang awtor at pamagat ng sanggunian (aklat, dyornal, website, etc), sa gitna ang pamagat ng tala at sa itaas na kaliwang bahagi ang pahina na pinagkunan ng tala.

Ilang Konsiderasyon sa Pagkuha at Paggawa ng mga Tala

Maaari ding gumamit ng code upang tukuyin ang sanggunian. Ang sistemang ito ay gumagamit ng titik at numero upang maging code sa index card.

Tiyakin ang uri ng talang gagamitin. Ang uri ng tala ay magiging batayan ng isang maayos at sistematikong pagsasaayos ng tala.

MGA URI O ANYO

Nilalaman

1.

Direktang Sipi

2.

Buod ng Tala

3.

Presi

4.

Sipi ng Sipi

5.

Hawig o Paraphrase

6.

Salin/Sariling Salin

NG TALA

Mga Uri o Anyo ng Tala

  • Direktang Sipi — Ginagamit ito kung isang bahagi Iamang ng akda ang nais sipiin. Dapat lamang isipin na hindi naman maganda kung sobrang haba ang direktang sisipiin. Baka kasi lumabas na ang halos buong papel ay nagmula sa ideya ng iba. Tiyakin ding tama ang pagkakopya ng mga datos at hindi nagbago sa proseso ng pagkopya.
Sa paggamit ng direktang sipi, kinakailangang lagyan ng panipi (” “) ang bawat nakuhang tala. Kung bahagi lamang ng sipi ang gagamitin, gumamit ng ellipsis (….). Ginagamit ang ellipsis kung hindi binuo ang pangungusap o talata.
  • Buod ng Talậ — Ginagamit ito kung ang nais lamang gamitin ay ang pinakamahalagang ideya ng isang tala, tinatawag din itong synopsis. Layunin ng buod na mabigyan ng pangkalahatang ideya ang mambabasa. Bagama’t ang buod ang pinaikling bersiyon ng isang tala, taglay nito ang pangunahing ideya.
  • Presi — Mula ito sa salitang Prances na precis na ang ibig sabihin ay pruned or cut down. Presi ang tawag kung ang gagamitin ay ang buod ng isang tala. Sa paggamit ng presi, pinapanatili nito ang orihinal na ayos ng ideya at ang punto de bista ng may-akda. Maaaring gamitin ng mananaliksik ang mga susing salita o key words ng orihinal na manunulat. Humigit-kumulang na sangkatlo ng orihinal na tala ang haba ng presi.

Mga Uri o Anyo ng Tala

  • Sipi ng Sipi — Maaaring gamitin ang sinipi mula sa isang mahabang sipi. Ang ganitong uri ay ginagamitan din ng panipi.
  • Hawig o Paraphrase — Isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na payak na salita ng mananaliksik.
  • Salin/Sariling Salin — Sa mga pagkakataong ang tala ay nasa wikang banyaga, ginagamitan ito ng pagsasalin. Ito ay ang paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa iba pang wika. Mayroon lamang ilang bagay na dapat isaalang-aIang sa pagsasalin, ito ay ang sumusunod:
Alamin ang konteksto ng isasalin. May mga salitang iba ang kahulugan depende sa konteksto. Ang mga idyoma ay hindi maaaring isalin nang direkta sapagkat maiiba ang kahulugan nito. Halimbawa ang idyoma sa Ingles kapag isinalin nang literal sa Filipino ay magkakaroon ng ibang kahulugan. Iwasan ang pagsasalin nang literal. Ang mga salitang teknikal at siyentipiko ay maaari nang hindi isalin.

PAGSULAT NG PINAL NA BIBLIYOGRAPIYA

PAGSULAT NG PINAL NA BIBLIYOGRAPIYA

Pagkatapos mong mangalap ng mga impormasyon para sa iyong pananaliksik at isulat ang pansamantalang bibliyograpiya sa mganotecard o index card, ngayon ay isusulat mo na ang pinal na biblyograpiya. Sa puntong ito natanggal mo na ang mgasangguniang hindi mo na gagamitin at naidagdag mo na rin ang ilan pang gagamitin mo. Aayusin na lamang sa paraang paalpabeto ang pangalan ng mga may-akda ng sangguniang ginamit. Matatagpuanang bibliyograpiya sa hulihang bahagi ng sulating pananaliksik.

AKLAT

Narito ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiyakung ang sangguian ay aklat: • Tala tungkol sa may-akda • Tala tungkol sa pamagat • Tala tungkol sa publikasyon • Tala tungkol sa taon ng publikasyon

Kung dalawa o higit pa:

APA
Chicago/MLA
Dayag, Alma M., Aileen Baisa-Julian Mary Grace del Rosario, at Nestor S. Lontoc. Pinagyamang Pluma 9. Quezon City: Pheonix Publishing House 2015
Julian A. B. & Lontoc N.S. (2015) Pinagyamang Pluma 9. Quezong City: Pheonix Publishing House

Info

Kung isa ang may akda:

Dayag, A.M. (2014) Lakbay ng Lahing Pilipino 3. Quezon City. Phoenix Publishing House
Dayag, Alma M. Lakbay ng Lahing Pilipino 3. Quezon City: Pheonix House, 2014
APA
Chicago/MLA
Journal - Ito ang peryodikal na lumabalabs sa akademikong komunidad.

PERYODIKAL

Chicago
APA
Tumutukoy ito sa aumanang publikasyon na lumalabas nang regular.
Del Rosario M.G, (2010) Wikang Filipino, EJ Forum 4, 1-16
Del Rosario, Mary Grace G. "Wikang Filipino" EJ Forum 4 (Agosto 2010) 1-16
Narito ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay peryodikal:• Tala tungkol sa may-akda• Tala tungkol sa pamagat ng artikulo• Tala tungkol sa publikasyon na kinabibilangan ng: Pangalan ng peryodiko Bilang ng bolyum Bilang ng isyu Petsa Mga pahina ng buong arikulo
Magasin - Ito ay ang peryodikal para sa publiko.
Chicago
APA
Bennet, D, D. (2012, October) Coming clean. Working Mom, 107
Bennet, Dahl D. "Coming Clean" Working Mom 2012, 107
Pahayagan - Ito ang peryodikal na araw - araw lumalabas.
APA
Chicago
Beigas, Leifbilly "Publiko kinokondisyon na sa disqualification ni Poe?" Bandera, October 19, 2015
Beigas, L. (2015, October 19) Publiko kinokondisyon na sa disqualification ni Poe?. Bandera, p. 2

REFERENCE/REPERENSIYA

Cronin, P., Ryan, F. And Coughlan, M. 2008. Undertaking A Literature Review: A Step-by-step Approach Br. J. Nurs. 17: 38-43.

Narito ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiyakung ang sangguian ay reference:
  • Pamagat ng artikulo o refrence
  • Bilang ng edisyon o taon ng publikasyon

DI NAKALATHALANG SANGGUNIAN

Manuskrito

Tumutukoy ito sa aumanang publikasyon na lumalabas nang regular.
APA
Chicago
Del Rosario, Adrian Paolo. "Harmful Effects of Computer Game to Teen age students." Di-nakalimbag na manuskrito. Nasa pag-iingat ng may akda 2008.
Narito ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay di-nakalathala:•May-akda•Pamagat•Anyo ng manuskrito•Tala tungkol sa pinagmulan at lokasyon ng sanggunian•Petsa ng pagkasulat
Del Rosario, A,D. (2008) Harmful Effects of computer Games to Teen age Students (Di- nakalimbag na manuskrito) De La Salle University, Dasmarinas
1. PELIKULA

DI LIMBAG NA BATIS

  • Manunulat, direktor, o prodyuser
  • Pamagat
  • Pangunahing artista, Kompanyang nag-prodyus
  • Taon ng pagpapalabas
Mga halimbawa:
  • Pelikula
  • Programa sa Telebisyon at Radyo
  • Web Site/ Pook sapot
  • Blog
Chicago
APA
Quintos, Rory B., direktor, Anak. Kasama sina Vilma SAntos at Claudinne Barreto, Star Cinema, 2000
Quintos, R, B. (direktor) (2000). Anak (pelikula). Philippines: Star Cinema.
3. POOK SAPOT
2. PROGRAMA SA TELEBISYON AT RADYO
  • May-akda
  • Petsa ng publikasyon
  • Pamagat ng artikulo
  • Pinanggalingang URL
  • Pamagat ng segment, serye o programa
  • Prodyuser, director, manunulat, o artista
  • Broadcasting Corporation
  • Petsa
Chicago
APA
APA
Chicago
Clinton, Jerome W.
Clintoon, J, W. (2014, Disyembre 5).
"The Tradegy of Sohrab and Rostam." December 5, 2014, galing sa http:/www.heritageinstitute.com/zoroastrianism/shahnameh/
Soho, Jessica. "Mathinik na Bulilit." Kapuso Mo, Jessica Soho. Jessica Soho, tagapagpadaloy ng programa GMA7 Oktubre 18, 2015.
The Tradegy of Sohrab and Rostam. galing sa http:/www.heritageinstitute.com/zoroastrianism/shahnameh/
Soho, J. (Writer) & Collado A. (Direktor). (Oktubre 18, 2015) Mathiik na bulilit. Kapuso mo Jessica Soho. Quezon City: GMA.
4. BLOG
  • May-akda (kung hindi nakalagay ang pangalan ng may akda maaring screen name lamang ang ilagay)
  • Petsa ng publikasyon
  • Pamagat ng artikulo (Pansining hindi naka-italicize)
  • Pinanggalingang URL
Chicago
APA
Kahayon, Lisa. "Masbate Travel Diary" Scenestealer (blog). Oktubre 14, 2015, http:/www.lissakayahon.com
Kahayon, L. (2015, Oktubre 14) Masbate Travel Diary. Scenestealer. galing sa http:/www.lissakayahon.com
Sa kasalukuyang panahon, makakatulong ang mga citation web site para maisulat nang maayos at tama ang mga sanggunian.

Mga katanungan?

maikling pagsusulit

Unang Bahagi

Maikling pagsusulit

1. Ang Bibliyograpiya ay tinatawag ding (Mga Gawa na Tinukoy o Mga Gawa na Tinalakay) 2. Saan madalas sinusulat ang Pansamantalang Bibiliyograpiya? 3. Saang bahagi ng pinal na papel matatagpuan ang Bibliyograpiya? 4.-5. Dalawang pagpapahalagang kailangang bigyang halaga at isaloob ng isang mahusay na mananaliksik. 6.-7. Ilan ang bilang ng Uri o Anyo ng Tala. 8.-10. Ibigay ang tatlong metodolohiya sa Pagsulat ng Bibliyograpiya.
Ika-2 Bahagi
10 Puntos: Lumikha ng pansamantalang bibliyograpiya ayon sa pelikulang TITANIC (1997)

Titanic

Directed By: James Cameron Produced By: PARAMOUNT PICTURES (1997)

Pook-sapot

Reperensiya

https://www.elcomblus.com/pagbuo-ng-bibliyograpiya-para-sa-iyong-pananaliksik/

https://www.slideshare.net/fasitha/bibliography-61985070

https://www.scribd.com/presentation/360100036/Bibliography#

https://www.slideteam.net/list-of-references-bibliography-good-ppt-example.html#images-1

https://www.slideshare.net/daisy92081/bibliograpi

PAGTATAPOS NG PRESENTASYON

Dito nagtatapos ang presentasyon ng Ika 10 pangkat.