Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
Filipino Group1
Chanel Lim
Created on January 30, 2023
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
View
Higher Education Presentation
View
Psychedelic Presentation
View
Vaporwave presentation
View
Geniaflix Presentation
View
Vintage Mosaic Presentation
View
Modern Zen Presentation
View
Newspaper Presentation
Transcript
Pagbibigay-Reaksiyon sa isang akda
Ano ang pagbibigay-reaksiyon?
Ito ay pagbibigay ng buod at pansariling opiniyon hinggil sa binasang akda. Ito din ay ang pagpapakita ng pagsang-ayon, pagsalungat, pagkatuwa, pagkalungkot o pagkadismaya mataposmakita,malaman, marinig omapanood ang isang bagay
Sa pagbibigay ng reaksiyon, mahalagang mabigyang tuon ang sumusunod:
Itala ang nais bigyang-reaksiyon sa tekstong binasa.
Ilagay ang mga napansing positibo at negatibo sa akda.
Pagkatapos ay bumuo ng konklusyon upang ipakita ang kabuuang pinupunto
Nais ko muling maging bata
Isinulat ni Kaan Ozchilic (Turkey) Isinalin ni J.L. Royo
Paksa: Nagpapahiwatig ng kagaanan ng buhay ng pagiging bata na sa sobrang ayos ay nais nating balikan. Habang tayo ay tumatanda napapagtanto natin na sana ay inayos natin at mas sinulit ang ating pagiging bata, ngayon lang natin napapagtanto ang mga bagay na tapos na. Ngunit sino ba naman hindi mangangarap sa pagiging musmos muli na walang alam sa mundo at tanging iniisip ay ang magagaang bagay, hindi ba at kay sarap balikan.
Layunin ng Sanaysay: Nais ipabatid ng maanunulat na gusto niyang maging musmos at walang gaanong kaalaman sa mundo, dahil kapag ikaw ay nasa hustong gulang na marami kang problemang kakaharapin, at pagdadaanan. Nais ding ipabatid ng manunulat ang sinapit nila dahil sa kanilang relihiyon, ang tingin sa kanila ng lipunan na salot sila dahil lamang sila ay muslim.
Mahalagang detalye:Bilang isang bata, hindi tayo namumuhay na komplikado gaya ng buhay natin ngayon. Ninais nating magbalik ang lahat sa kung saan ang isang pirasong sorbetes ay sapat na upang maramdaman ang tunay na kaligayahan Mensahe: Huwag nating kutyain o apihin ang ibang tao dahil lamang sa kanilang relihiyon at huwag din tayong magpadala sa poot at galit na ating nadarama.
Sariling opinyon hinggil sa sanaysay: Minsan hiniling ko ring maging bata ulit, makapaglaro muli, 'yung wala kang aalalahanin sa pag-aaral mo, wala kang tatapusing mga proyekto, ngunit naisip ko parte rin ng buhay ang mga pahihirap at problemang na ating kahaharapin, naka depende na lang sa tao kung sa anong paraan niya ito masusulusyonan at malalagpasan.
Pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opiniyon o pananaw
Sa pagbabasa ng mga akda, malimit na hinihingi ang ating opinyon o pananaw hinggil sa galaw, damdamin, o di kaya ay sa kultura na inilalarawan o inilalahad ng may-akda. Ito ay malimit na ginagamitan ng sumusunod: - Sa tingin
- Kung ako ang tatanungin
- Sige
- Tunay nga
- Sumasang-ayon ako
- Talaga
- Tumututol ako sa
- Ikinalungkot ko
- Sumasalungat ako sa
- Hindi ako sang-ayon sapagkat/dahil
Tumututol ako sa panawagan ng ilang mambabatas na ihinto na ang programa laban sa droga sapagkat nakikita ko kung gaano na katalamak ang problemang ito, at kung hindi ngayon kailan ito aaksiyunan?
Sumasalungat ako sa pahayag na ang mga sanaysay mula sa Mediterranean ay pawang naglalarawan lamang ng kanilang magagandang tanawin.
Mga halimbawa:
Talagang nakababahala na ang patuloy na pagputol ng mga puno so kabundukan dahil wala nang mga ugat na tutulong upang maiwasan ang pagguho ng lupa.