Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

TULA

justine rafael gacula

Created on December 20, 2022

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Psychedelic Presentation

Chalkboard Presentation

Witchcraft Presentation

Sketchbook Presentation

Genial Storytale Presentation

Vaporwave presentation

Animated Sketch Presentation

Transcript

Tula

start

talakayan

1. Kahulugan

2. Elemento

3. Uri

kahulugan ng Tula

Ang TULA ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, damdamin, at imahinasyon ng manunulat. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod. Ang TULA ay isa sa mga pinakamagandang-sining sa Kulturang Pilipino.

Ayon kay JULIAN CRUZ BALMACEDA, "Ang TULA ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng karikitan, na natitipon sa isang kaisipan upang maangkin ang karapatang matawag na tula."

ELEMENTO ng Tula

KARIKTAN - Maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa at mapukaw ang damdamin at kawilihan. TALINGHAGA - Paggamit ng mga matatalinghagang salita at tayutay.

SUKAT - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang Pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa. SAKNONG - Binubuo ng dalawa o higit pang mga taludtod sa isang tula. TUGMA - Katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasingtunog

a. AWIT at KORIDO- Ang Awit ay sa bawat taludtod, may labing dalawang pantig na itinutula/ binigbigkas nang pasalaysay ngunit may himig na may bagal o tinatawag na adante, at mayroong makatotohanan at malapit sa katotohanang kuwento nang mga tauhan at ang kanilang pakikipagsapalaran. Halimbawa nito ay ang FLORANTE AT LAURA ni FRANCISCO BALTAZAR. - Ang Korido naman ay nagmula sa impluwensiya ng mga Kastila, may walong pantig kada linya at apat na linya naman sa isang saknong. 'Di tulad ng Awit, ang Korido ay binibigkas naman nang may kabilisan na sinusundan ang pattern ng march/martsa. Halimbawa nito ay ang IBONG ADARNA ni VIRGILIO ALMARIO

APAT NA URI NG TULA

TULANG PASALAYSAY - Ito naman ay nakatuon sa pagkukuwento o pagpapakita ng balangkas ng isang pangyayari. Walang bilang ng taludtod, saknong, o pantig ang tulang pasalaysay. Maaari itong mga akdang mahaba o maikli na nagbibigay ng simple o komplikadong mga pangyayari tulad ng daloy ng buhay pag-ibig o pakikipagsapalaran ng isang tao o bayani.

APAT NA URI NG TULA

TULANG PANDAMDAMIN

Ang tulang liriko o pandamdamin ay uri ng tula kung saan itinatampok ng isang makata ng kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon. Puno ito ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng kalungkutan, pag-ibig, kaligayahan, kabiguan at iba pa. Sa kabila ng pagiging maikli, ito ay sapat upang maipahayag ang damdamin ng manunulat. ITO AY MAYROONG 6 NA KLASE: - Soneto - Awiting Bayan - Dalit - Elehiya - Oda - Pastoral

TULANG PASALAYSAY

b. EPIKOAng epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’. Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluraning epiko. Isinasalaysay nito ang kabayaniha ng isang tao ngunit hindi naman kapani-paniwala. Halimbawa nito ang ang Epiko ng Biag ni Lam-ang

Apat na uri ng tula

TULANG PANDAMDAMIN

AWITING BAYAN

SONETO

Ang awiting bayan (tinatawag ding kantahing-bayan) ay isang tulang na ang paksa ay pag-ibig, ito inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook. Halimbawa nito ay ang BAHAY KUBO.

Ang Soneto o Sonnet sa wikang ingles ay isang patula na komposisyon ng labing-apat na taludtod na may damdamin at kaisipan, karaniwang katinig na tula, ito nahahati sa dalawang quartet at dalawang triplet. Halimbawa ng Soneto ay ang SONETO NG BUHAY NI FERNANDO B. MONLEON.

ELEHIYA

Apat na uri ng tula

Ang elehiya ay isang tulang liriko na ipinapatungkol sa isang namatay ito ay naglalarawan ng pagbubulay bulay sa kamatayan. karaniwan ng malungkot ang nilalaman ng elihiya. nilalaman din nito ang pag aalaala o pagpupuri sa namatay. Halimbawa nito ay ang AWIT SA ISANG BANGKAY na isinulat ni BIENVENIDO RAMOS.Elemento ng Elehiya Tema Tauhan Tagpuan Kaugalian at Tradisyon Mga Wikang Ginamit Simbolismo Damdamin

TULANG PANDAMDAMIN

DALIT

Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na may isahang tugmaan. Ang dalit ay karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa at may kahalong pilosopiya sa buhay. Haimbawa nito ay ang DALIT KAY MARIA.

Apat na uri ng tula

TULANG PANDAMDAMIN

PASTORAL

ODA

Ang Pastoral ay isang uri ng tula na tungkol sa buhay sa bukid. Ang layunin ng pastoral ay maglarawan ng buhay sa bukid. Ang ganitong uri ng pamumuhay ang karaniwang kinagigiliwang paksa sa tulang liriko. Halimbawa nito ay ang BAYANI SA BUKID

Ang Oda ay mahabang tulang liriko na nagpapahayag ng matayog at masidhing damdamin hinggil sa isang tao, bagay, o pangyayari. Sa pasimula ito’y isinulat upang awitin datapwat ngayon ito’y karaniwang isinusulat upang basahin. Halimbawa nito ay ang TUMATANGIS SI RACQUEL.

APAT NA URI NG TULA

SAYNETE o parsa

Ang parsa o saynete ay isang komedya na naglalayong magbigay ng aliw sa mga tagapanood sa pamamagitan ng pagpapakita ng kalabisan, karangyaan na malayong mangyari. Kadalasang hindi maintindihan ang balangkas ng saynete ngunit ang mga tagapanood ay hinihimok na huwag sundan ang balangkas upang hindi malito o malipos. Gumagamit din ang saynete ng mga pagpapatawang pisikal, ang paggamit ng sinadyang kalokohan, at malawak na di-makakatotohanang pagganap. Sinusulat ang mga saynete para sa tanghalan at pelikula. At saka, kadalasang nasa isang partikular na lokasyon ang tagpuan ng saynete, kung saan nangyayari ang lahat ng mga kaganapan.

TULANG PADULA O PATANGHALAN

Ang Tulang Pantanghalan o Padula ay mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro. Karaniwan itong binibigkas ng patula sa saliw ng tunog o musika upang mas maging kagiliw-giliw sa mga manonood.

APAT NA URI NG TULA

Komedya

ito ay isang termino mapa-pelikula man o entablado. Ito ay ginagamit kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig.

TULANG PADULA O PATANGHALAN

TRAHEDYA

Ang trehedya ay isa sa pinakamatandang uri ng dula. Ang tema ng isang trahedya ay karaniwang tungkol sa pagkasira ng isang dinastiya, pagbagsak ng tao, pagtataksil, at pagkamatay. Ang magandang dulang trahedya ay maaaring malalim ang epekto sa mga manonood. Ang mga ito ay bihirang magkaroon ng masayang pagtatapos.

Melodrama

ito ay isang termino mapa-pelikula man o entablado. Ito ay ginagamit kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig.

APAT NA URI NG TULA

Komedya

ito ay isang termino mapa-pelikula man o entablado. Ito ay ginagamit kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig.

TULANG PADULA O PATANGHALAN

TRAHEDYA

Ang trehedya ay isa sa pinakamatandang uri ng dula. Ang tema ng isang trahedya ay karaniwang tungkol sa pagkasira ng isang dinastiya, pagbagsak ng tao, pagtataksil, at pagkamatay. Ang magandang dulang trahedya ay maaaring malalim ang epekto sa mga manonood. Ang mga ito ay bihirang magkaroon ng masayang pagtatapos.

Melodrama

ito ay isang termino mapa-pelikula man o entablado. Ito ay ginagamit kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig.

MIYEMBRO NG PANGKAT

dito na nagtatapos ang aming paguulat

Justine Rafael Gacula - LiderJaneeva Charleen Longakit - Ikalawang Lider Alyssa Minette Fontejon Angela Gabrielle Lumabi Keishean Mae Garalde Zoey Kirsten Bamba Cher Kathryn Ferrer Ma. Frenche Mae Openiano

Maraming salamat!