Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
Kakayahang Diskorsal
Marivic Chiquillo
Created on December 12, 2022
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
View
Essential Learning Unit
View
Akihabara Learning Unit
View
Genial learning unit
View
History Learning Unit
View
Primary Unit Plan
View
Vibrant Learning Unit
View
Art learning unit
Transcript
Alibugha
Ang salitang ito ay ginagamit bilang isang pabaya, walang pananagutan, halaga, Ito rin ay maaaring gamitin sa isang anak na prodigal, tulad sa kwentong mababasa sa Bibliya na ang alibughang anak ay bumalik sa kanyang ama. Para naman sa mga taong gastador sa oras, pera, maliliit na bagay ay maaari rin gamitin.
Kakayahang Diskorsal
Kakayahang Komunikatibo
start >
Panimula
Telegrama
Isang uri ng elektronikong sulat. Letra ang binabayaran dito, kaya kung mas mahaba ang mensahe, mas mahal ang bayad.
Kakayahang Diskorsal
Ayon sa UP Dictionary Filipino, ang Diskurso ay nangangahulugan ng pag-uusap at palitan ng kuro.
Ang kakayahang Diskorsal ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika.
Mga Halimbawa ng Kakayahang Diskorsal
Kailangang maipahayag natin ng maayos ang atin nais sabihin sa ating kausap.
+ info
Antas ng Komunikasyon
Pampublikong Komunikasyon
Interpersonal
Intrapersonal
Ang komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao o grupo ng mga tao.
Ang komunikasyon sa sariling isipan ng tao.
Isang uri ng komunikasyon na talamak sa panahon ni Aristotle na patungkol sa pagsasalita ng mga tao sa madla.
Dalawang Karaniwang Uri ng Kakayahang Diskorsal
Kakayahang Tekstwal
Kakayahang Retorikal
- kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba't ibang teskto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksyunal, transkripsyon, at iba pang pasulat na komunikasyon.
- tumutukoy naman sa kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa kumbersyon. - kakayahang unawain ang iba't ibang tagapagsalita at makapabigay ng mga pananaw o opinyon.
Panuntunan sa Pakikipagtalastasan
1. Pagkilala sa pakikipagpalitan ng pahayag. 2. Pakikiisa
Tandaan
Tandaan
Media
Komunikasyong Organisasyunal
Interkultural na Komunikasyon
Tumutukoy sa mga social networking services
Isang komunikasyon na ginagamit halimbawa sa ASEAN Summit Convention.
Isang komunikasyon na ginagamit sa mga pagpupulong o seminar.
Ugnayang maghahatid ng malinaw na pangyayari ukol sa teksto na makapagbibigay ng wastong interpretasyon sa napakinggan.
Paglalapat
Alamin natin!
Kakayahang Diskorsal
go!
Basahin
Pagkagising ko kaninang umaga, masaya ka ba? Namalengke si mama at maglaro tayo. Umiyak ako sa labas at isasama kitang magpabakuna kontra COVID-19 pagkatapos gumawa ng modyul
Kailangang magkaroon ng maayos na ugnayan ang serye ng bawat salita at pangungusap upang magkaroon ito ng kabuluhan at maunawaan.
Cohesion
Pagkakaisa ng mga ideya sa pangungusap o talata.
Coherence
Pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya sa pangungusap
Paglalapat
Alamin natin!
Kakayahang Diskorsal
go!
Basahin
Isang gabi habang ako ay natutulog, nanaginip ako na kasama si Darna. Lumipad kami patungong Encantadia at nakipaglaban sa mga Hathor na pinamumunuan ni Hagorn. Habang nakikipagdwelo si Darna ay naapakan ko ang paa ni Spiderman kaya napaiyak siya sa sakit.
Basahin
Mabuti na lamang at nandoon si Doctor Strange at agad niya itong ginamot sa pamamagitan ng relo ni Ben Tennyson. Natalo namin ang mga kalaban. Pagkalipas ng ilang oras, lumabas ang mga kalaban ni Trese at nakipaghabulan sa amin. Lumipad si Darna at nasabit ako sa kanyang sinturon.
Basahin
Natakot ako na baka mahulog sa pagkakalipad namin. Ilang segundo ang nakalipas, biglang dumating si Thor sa kalawakan at inihagis niya ang kanyang mahiwagang martilyo. Dumiretso ito sa aking ulo, bigla akong nahilo at bumulusok pababa.
Basahin
Pagkadilat ng mga mata ko, nalaglag ako sa kama at panaginip lang pala ang lahat.
Saklaw ng kakayahang diskorsal ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na bumubuo sa isang makabuluhang teksto.
Gawain
Pagsunud-sunorin ang mga sumusunod na pahayag sa bahagi ng kwentong "Ang Pagong at ang Matsing". Lagyan ng bilang 1 (pinakauna) hanggang 15 (pinakahuli) ang patlang sa unahan ng bawat pahayag upang mabuo ang kwento.
Gawin mo!
1. ___ Kinuha nina Pagong at Matsing ang puno ng saging at pinaghatian ito. 2.___ Isang araw, namamasyal sa tabing-ilog sa Pagong at Matsing. 3.___ Umiiyak si Pagong at nakiusap kay Matsing na huwag siyang itapon sa ilog pero itinapon pa rin siya nito. 4.___ Hinuli ni Matsing si Pagong at sinabi niya rito na iluluto niya ang huli. 5.___ Dahil hindi maakyat ni Pagong ang kaniyang saging, nakipagkasundo siya kay Matsing na siya ang aakyat at maghahati sila sa mapipitas na bunga. 6.___ Kinuha ni Matsing ang bahaging may dahon at itinanim ito sa kakahuyan. 7.___ Natuwa si Pagong dahil kapag iniluto siya, ay gaganda ang kaniyang balat. 8.___ Nakakita si Pagong ng isang nakalutang na puno ng saging. 9.___ Inubos ni Matsing ang ahat ng bunga kaya nagalit sa Pagong. 10.___ Dahil sa pagkatuwa ni Pagong, naisip ni Matsing na tadtarin si Pagong na ikinatuwa naman niya dahil dadami siya at magkakaroon ng kasama. 11.___ Kinuha naman ni Pagong ang bahaging may ugat at itinanim ito sa tabing ilog. 12.___ Kinalaunan, namatay ang itinanim ni Matsing at nagkabunga ang kay Pagong. 13.___ Dahil natuwa na namang muli si Pagong, napagdesisyunan ni Matsing na itapon na lang ni Pagong sa ilog upang malunod. 14.___ Nilagayan ni Pagong ang mga tinik ang bababaan ni Matsing kaya natinik ito at nasaktan. 15.___ Hindi nalunod si Pagong dahil marunong siyang lumanggoy. Naisahan niya si Matsing.
Mag-aral ng maigi upang buhay ay bumuti.
Sagot
_3__ Kinuha nina Pagong at Matsing ang puno ng saging at pinaghatian ito. _1__ Isang araw, namamasyal sa tabing-ilog si Pagong at Matsing. _14__ Umiiyak si Pagong at nakiusap kay Matsing na huwag siyang itapon sa ilog pero itinapon pa rin siya nito. _10__ Hinuli ni Matsing si Pagong at sinabi niya rito na iluluto niya ang huli. _7__ Dahil hindi maakyat ni Pagong ang kaniyang saging, nakipagkasundo siya kay Matsing na siya ang aakyat at maghahati sila sa mapipitas na bunga. _4__ Kinuha ni Matsing ang bahaging may dahon at itinanim ito sa kakahuyan. _11__ Natuwa si Pagong dahil kapag iniluto siya, ay gaganda ang kaniyang balat. _2__ Nakakita si Pagong ng isang nakalutang na puno ng saging. _8__ Inubos ni Matsing ang lahat ng bunga kaya nagalit sa Pagong. _12__ Dahil sa pagkatuwa ni Pagong, naisip ni Matsing na tadtarin si Pagong na ikinatuwa naman niya dahil dadami siya at magkakaroon ng kasama. _5__ Kinuha naman ni Pagong ang bahaging may ugat at itinanim ito sa tabing ilog. _6__ Kinalaunan, namatay ang itinanim ni Matsing at nagkabunga ang kay Pagong. _13__ Dahil natuwa na namang muli si Pagong, napagdesisyunan ni Matsing na itapon na lang ni Pagong sa ilog upang malunod. _9__ Nilagyan ni Pagong ng mga tinik ang bababaan ni Matsing kaya natinik ito at nasaktan. _15__ Hindi nalunod si Pagong dahil marunong siyang lumanggoy. Naisahan niya si Matsing.