PANG-UGNAY
jhubel sanchez
Created on July 28, 2022
More creations to inspire you
EXPLLORING SPACE
Presentation
UNCOVERING REALITY
Presentation
SPRING HAS SPRUNG!
Presentation
THE OCEAN'S DEPTHS
Presentation
2021 TRENDING COLORS
Presentation
POLITICAL POLARIZATION
Presentation
VACCINES & IMMUNITY
Presentation
Transcript
Ang mga Pang-ugnay
Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (Pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari, at pagwawakas) Napagsusunod-sunod ang mga hakbang gamit ang bilang, na gabay sa salitang hudyat sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
Mga Layunin
Ito rin ay mga salitang nagpapakita ng relasyon sa dalawang yunit sa pangungusap- maaaring salita, dalawang parirala o dalawang sugnay.
Nagamit ang pang-ugnay sa pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, hanggang sa pagwawakas ng pagsasalaysay.
Ano ang Pang-ugnay
A. PangatnigB. Pang-angkopC. Pang-ukol
Mga Uri ng Pang-ugnay
Mga Pangatnig: at, kapag ,ngunit ,Samakatuwid, anupa, kaya, O, Sa madaling salita, bagaman, kundi, pagkat, upang, bagkus, kung, palibhasa, sanhi, bago, habang, pati, sapagkat, dahil sa, maliban, sakali, subalit.
Mga kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o payak na pangungusap.
A. Pangatnig
Halimbawa: Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.
ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni, maging, at man.
PAMUKOD
Uri ng Pangatnig
Halimbawa: Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit ngunit maraming naninira sa kanya.
kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, kahit.
PANINSAY O PANALUNGAT
Uri ng Pangatnig
Halimbawa: Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.
nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag, pag, sakali, disin sana.
PANUBALI
Uri ng Pangatnig
Halimbawa: Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.
nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.
PANANHI
Uri ng Pangatnig
Halimbawa: Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang muli.
ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit.
PANLINAW
Uri ng Pangatnig
Halimbawa: Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa iyo.
tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng: kung sino…siyang, kung ano…siya rin, kung gaano…siya rin.
PANULAD
Uri ng Pangatnig
- tagapag-ugnay ng dalawang salita na karaniwan ay panuring at salitang tinuturingan
- Ito’y ginagamit upang maging madulas ang pagbigkas ng mga magkakasamang salita
- Tatlo ang pang-angkop: na, ng, g
B. Pang-angkop
- Paggamit ng “na” •Ginagamit kapag ang sinundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa “n”.
B. Pang-angkop
kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap Mga ginagamit bilang pang-ukol: Alinsunod sa / alinsunod kay Laban sa / laban kay Ayon sa / ayon kay Para sa / para kay Hinggil sa / hinggil kay Tungkol sa / tungkol kay
C. Pang-ukol
Magbigay ng tig-3 pangungusap sa bawat Uri ng Pang-ugnay.
Pagtataya:
Sagutan ang inyong aklat sa pp. 39-40 Isagawa Mo A at B