Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

ibong adarna aralin 21

Jeshey M. Reyes

Created on June 12, 2022

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Modern Presentation

Terrazzo Presentation

Colorful Presentation

Modular Structure Presentation

Chromatic Presentation

City Presentation

News Presentation

Transcript

Aralin 21 Ang serpyenteng may pitong ulo

saknong (618-658) Jeshey M Reyes

618. Dumating yaong Serpyentengkay Leonora'y may kandili. kakila-kilabot ang laki. umuungal na mabuti.

619. Sa sindak ni Leonora napasigaw kapagdaka: "Don Juang kasi ko't sinta paano ang buhay nita?"

620. Ang Prinsipe'y diamimik pinagbuti yaong tindig. ang Serpyente'y sinisilip sa gagawing di matwid.

621. Sa hagdanan, itongahas pitong ulo'y nangagtaas, mga mata'y nandidilat tiyak na may hinahanap.

622. Pagalit na nagsalita:"Dito ay amoy manusya. Leonora, bakit kaya may tao'y ikinaila?"

623. Dinaluhong prinsipe ng espada ang serpyente, Kasabay ang pag sasabing:"ang buhay mo'y mapuputi!"

624. Sagot ng serpyente'y ito; "Iyan ang hinahanap ko, Magsisinka at totoong makikitil ang buhay mo"

625. Ang dalawa at nag lalaban nag tago ang kapwa tapang subalit sa kaliksihan namayani si don juan

626. Kaya't hindi ngamalingkis, ang Serpyente'y nadaraig. tuwing sila'y maglalapit ang espada'y parang lintik.

627. Mga sugat sa katawan ahas ay walang patlang, patuloy rin sa paglaba't parang walang kapansanan.

628. Lalong nakapagtataka galing nitong dinadala, ulong putlin ng espada buhay ri't nasusugpong pa.

629. Kaya't mahirapmapatay kahit sinong makalaban, kung wala ring kalaruang engkantong may kabagsikan.

630. Ibig-ibig nang masindak ni Don Juan walang gulat pagkat kung tingnan ang ahas nag-iibayo ang dahas.

631. Anhin man niyangmalasin ahas na ibig patayin, may buhay na sapin-sapi't di yata makikitil.

632. Dito na siya tumawagsa Diyos, Haring mataas, sa kabaka niyang ahas Huwag nawang mapahamak

632. Dito na siya tumawagsa Diyos, Haring mataas, sa kabaka niyang ahas Huwag nawang mapahamak

633. Di man niya maigupohuwag siyang masiphayo. ni matigisan ng dugo't pagkatao'y maitayo

634. Mataimtim palibhasaang pagtawag kay Bathala, sindak niya ay nawala't katapangan ay lumubha.

635. Noon din ay naramdamang nawala ang kanyang pagal, para bagang bago lamang sa ahas ay lumalaban.v

636. Lalo niyang nakilalangang Diyos ay nasa kanya nang hapuin ang kabaka hingi'y mamahinga muna.

637. Sa tagal ng tatlongoras ng kanilang paglalamas, nakaramdam itong ahas sa katawan ng pulikat.

638. At kung di muna titigillakas niya'y uubusin, anupa ang mararating kundi siya'y magupiling.

639. Si Don Juan ayumayon ang sandata'y isinalong, ang ahas sa pagkatukol binayaang nabinahon.

640. Noon ay siyangpagdungaw ni Leonorang nalulumbay, magiliw na tinawagan ang Prinsipe niyang mahal.

641. "Don Juan ay nariritoang mabagsik na balsamo, na sa bawat isang ulong mapuputol, ibuhos mo,"

642 "Ulong putol namabusan ay hindi na mabubuhay at siya nang pagkamatay ng Serpyenteng tampalasan."

643. Nang makita ngSerpyente ang inabot ng Prinsipe, nanghilakbot ang sarili't ang galit ay di masabi.

644, Pitong ulo'y itinaasmga mata'y pinag-alab, lingkisin ang kanyang hangad ang sa kanya ay nagsukab.

645. Sinibasib si Don Juanito'y nakaigtad naman, at sa muling sagupaan ang Serpyente'y nagulapay.

646. Sa ulos na walangpuknat, tagang iwinawasiwas, isa-isang natitigpas ? mga ulo nitong ahas.

647. Anim na nangaputolkatapanga'y nag-uulol, kung dumamba'y umuugong daluhong din nang dalubong.

648. Malakas na nagsalita"Mag-iingat, miga kahila,sa galit ko't pagkadusta magugunaw itong lupa."

649. "Di ko kayohuhumpayan banggang hindi mangamatay ang ulo ko, iisa man ako ang magtatagumpay

648. Malakas na nagsalita"Mag-iingat, miga kahila,sa galit ko't pagkadusta magugunaw itong lupa."

649. "Di ko kayo huhumpayanbanggang hindi mangamatay ang ulo ko, iisa man ako ang magtatagumpay

650. Ngunit pagkasawing-paladsumuko ang kanyang dahas ulong isa ay natagpas ang Serpyente ay nautas.

651. Sa gayon ay inakyat nang Prinsipe si Leonora, "O, marikit na Prinsesa tapos na ang iyong dusa."

652. "Halika na aking giliw,balong ito ay lisanin, bagong lupa ang tunguhing sa iyo'y makaaaliw."

653. Nanaog na ang dalawanagdudumaling pumunta sa kapatid na Prinsesang naghihintay sa kanila.

654. Nadama ang kagalakannang dumating at dinatnan, halos hindi magkamayaw sa balitang maiinam.

655. Hindi naman nag-abala'tsa balo'y nagsiahon na, lalong laking pagsasaya nang batiin ng dalawa.

656. Ang dalawa ni Don Pedrokapwa humangang totoo; gayon na ang pangimbulo kay Don Juang patotoo.

657. Lalo na nang ipahayag dinaanang mga hirap sampu ng pakikilamas sa Higante at sa ahas.

658. Maganda man ang balita't dapat nilang ikatuwa, kay Don Pedrong puso't diwa bumuko ang ibang nasa

Thanks!