Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

AGWAT TEKNOLOHIKAL

Janet Malino

Created on April 3, 2022

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Corporate Christmas Presentation

Snow Presentation

Winter Presentation

Hanukkah Presentation

Vintage Photo Album

Nature Presentation

Halloween Presentation

Transcript

CONNECTED KA BA?

TARA LARO TAYO

AGWAT TEKNOLOHIKAL

ACCESS SA IMPORMASYON

ACCESS SA TEKNOLOHIYA

AGWAT

Teknolohikal

start

LAYUNIN

  • SURIIN ANG IMPLIKASYON NG PAGKAKAROON AT DI PAGKAKAROON NG ACCESS SA TEKNOLOHIYA;
  • PAHALAGAHAN ANG PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA SA PAGPAPABUTI NG SARILI AT NG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA KAPWA;
  • MAKILAHOK NG AKTIBO SA TALAKAYAN.

Section

Implikasyon ng pagkakaroon at di pagkakaroon ng access sa teknolohiya

Access sa Impormasyon

  • upang makakuha ng impormasyon sa lipunan
  • Halimbawa na lang uso na ngayon ang tinatawag na online education o e-learning. Ang pag-apply sa mga unibersidad, tulad ng Unibersidad ng Pilipinas, Ateneo de Manila at De La Salle University at trabaho sa maraming malalaking kumpanya, tulad halimbawa ng San Miguel Corporation, Meralco, PLDT at iba pa, ay ginagawa na rin online. Kung hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mga taong nagnanais na makapasok sa mga kumpanya at paaralang ito dahil sa kawalan ng access sa teknolohiya, maaaring nalalabag din ang kanilang karapatang moral sa pantay na oportunidad na makapag-aral at makapagtrabaho.

Seguridad

halimbawa paggamit ng telepono sa oras na may kagipitan tulad ng sunog o kalamidad o kaya’ykung nanganganib ang buhay at nangangailangan ng tulong ng pulis o awtoridad.

PAANO MO MATUTUGUNAN ANG HAMON SA AGWAT TEKNOLOHIKAL?

Tugon sa Hamon ng Agwat Teknolohikal

Hindi maikakailang mayroon ngang kasalatan sa impormasyon ang maraming mga Pilipino ngayon dahil sa kakulangan sa access sa teknolohiyang naghahatid ng impormasyon at sa sapat na kasanayan sa paggamit nito. Lalo lang pinalalaki nito ang agwat ng mga mayayaman at mahihirap sa bansa.

Hindi ito dahil sa wala tayong kakayahan; may kapangyarihan ang boto ng mga mahihirap sapagkat tayo ang nakararami.

Tunay na malaki ang tungkulin ng pamahalaan sa pagtutuwid sa di-pagkakapantay na ito.

Ano Ba Naman Itong Anak Ko? -Ni Lara Faye Milallo

Ano ba naman itong anak ko? Kagagaling lang sa eskwela, kasama ang mga barkada, akala’ mo’y kaytagal na hindi nagkita, cellphone ang hawak kausap ang kaeskwela, may ka Skype sa computer nya, naka Facebook pa! kung may Twitter account kaya ako, i-follow nya? Iniwan ang gamit sa sala, nagkalat ang mga textbook nya, “Anak mag-aral ka na nang leksyon at ang mga homework gawin mo na.” Ilang sandali pa maririnig na, ubod ng lakas na t.v. sa kuwarto nya, di raw sya makapag-aral kapag walang t.v.?

Mabuti’t nakaalalang humalik at magpaalam sa ina, Ni hindi ko namalayang dumaan ang kaeskwela nya. Kapag kasama nya ang barkada, kalalakas ng boses nila, Hindi ko nga lang matukoy kung alin ang sa kaniya, Pano’y napakalas din ng musika sa CD player nya, Ano kayang pinag-uusapan nila? Mga kuwento nila hindi natatapos wari ko ba’y exciting talaga, Ang anak ko ang saya-saya pag kasama ang barkada nya, Minsan nga lang pag tinatanong ko sya “Anak kumusta na ba ang eskwela?” “Mabuti po.” Yun lang ang sagot niya, Nitong huli nga’y kibit na lang ng balikat ang tugon nya, Ano ba naman itong anak ko? Nag-aalala talaga ako sa kaniya!

Labis akong nag-aalala, siya kaya’y nakaririnig pa, Ano ba naman itong anak ko? Sa umaga sa almusal, earpnones nakapasak na sa tenga, Ipod nya ang kahunta, ni ha ni ho, walang pagbati man lang, sa nagluto ng almusal nya! Ang anak ko kaya’y nakapagsasalita pa? Namimiss ko na ang boses nya! Ano ba naman itong anak ko?

TANONG

Sasagutin ang mga tanong gamit ang Schoology

1. Ano-ano naman ang mga hinaing ng ina sa tulang “Ano Ba Naman Itong Anak Ko?” Ipaliwanag

2.Tulad ka rin ba ng anak sa tulang ito? Ipaliwanag.

3. Sa iyong palagay, bakit kaya nag-aalala ang nanay sa kaniyang anak sa tula? Ipaliwanag.

4. Kung ikaw ang kabataan sa tula, may magagawa ka ba upang maiayos ang pakikipag-ugnayan mo sa iyong magulang? Paano? Ipaliwanag.

LAYUNIN

  • SURIIN ANG IMPLIKASYON NG PAGKAKAROON AT DI PAGKAKAROON NG ACCESS SA TEKNOLOHIYA;
  • PAHALAGAHAN ANG PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA SA PAGPAPABUTI NG SARILI AT NG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA KAPWA;
  • MAKILAHOK NG AKTIBO SA TALAKAYAN.

ASIGNATURA

WALA MUNANG SASAGUTAN NA WORKSHEEET

THANKS!