Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

Tekstong Naratibo Presentation

Practice Teacher

Created on February 9, 2022

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Vaporwave presentation

Animated Sketch Presentation

Memories Presentation

Pechakucha Presentation

Decades Presentation

Color and Shapes Presentation

Historical Presentation

Transcript

Magandang Buhay!

Handa ka na bang matuto? Tara! Aral tayo!

Uy! Ayos ka lang ba?

Magkwento ka, Makikinig ako!

Kumusta ang araw mo?

Tekstong Naratibo o Nagsasalaysay

Nilalayon ng tekstong naratibo na magsasalaysay, magkuwento o maglahad ng mga impormasyon hinggil sa mga tiyak na mga pangyayari, personal na karanasan o magkuwento na bunga ng mga malikot na pag-iisip o guniguni.

Layunin ng Tekstong Naratibo na magkaroon ng koneksiyon ang mambabasa o awdyens sa mga karakter at mga pangyayari sa kuwento nito. Ito ay maaaring ipahayag nang pasulat, pasalita, palarawan, o pakanta.

MGA URI NG TEKSTONG NARATIBO

Naratibong Nagpapabatid

Naratibong Masining

at

ito ay isinusulat upang maghatid o magbigay ng mga kaalaman o kabatiran sa mga mambabasa. Wala itong banghay o plotless.

ito ay isinusulat upang makaaliw. Ito ay mayroong karaniwang banghay.

Iba't ibang pananaw o PUnto De Vista

Unang Panauhan

Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kaniyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako.

Ikalawang Panauhan

Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya't gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw. Hindi ito madalas gamitin sa pagsasalaysay ng tekstong naratibo.

Ikatlong Panauhan

Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya. Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at nasa labas siya ng mga pangyayari.

Kombinasyong Pananaw o Paningin

Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya't iba't ibang pananw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata.

Limang Elemento ng Tekstong Naratibo

Point of View o Pananaw ng May-Akda

Tagpuan

Tema

Tauhan

Banghay

Tandaan!

Banghay

  • Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema (orientation or introduction)
  • Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular ang pangunahing tauhan (problem)
  • Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin (rising action)
  • Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan (climax)
  • Pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o kakalasan (falling action)
  • Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)

Dalawang Anyo ng Tekstong Naratibo

Piksyon

Di-piksyon

at

Ito ay tungkol sa likhang-isip ng tao o pangyayari. Ang mga tauhan at tagpuan ay mula sa kathang-isip lamang.

Ito naman ay tungkol sa mga totoong tao at pangyayari. Isinasalaysay nito ang mga totoong estado ng mga tauhan at mga pangyayari sa kuwento.

Mga Halimbawa ng mga Piksyon na Teksto

Mga Halimbawa

Kuwentong Bayan o Folktales

Pabula

Ang kuwentong-bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.

Maikling Kuwento

Ang karaniwang pabula ay kuwento kung saan mga hayop ang gumaganap at ang mga hayop na ito ay kumikilos at nagsasalita na tulad ng tao. Madalas na inilalarawan ng pabula ang dalawang hayop na may magkaibang ugali at nagwawakas ang kuwento na nagwawagi ang may mabuting ugali. Nag-iiwan ito ng aral sa mambabasa.

Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

Mga Halimbawa

Mitolohiya

Alamat

Ang kwentong mitolohiya ay isang malaking uri ng literatura na kung saan ang madalas na tinatalakay ng mga kwento ay mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang.

Parabula

Ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong bayan na karaniwang nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay.

Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.

Mga Halimbawa

Mitolohiya

Alamat

Ang kwentong mitolohiya ay isang malaking uri ng literatura na kung saan ang madalas na tinatalakay ng mga kwento ay mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang.

Parabula

Ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong bayan na karaniwang nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay.

Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.

Mga Halimbawa ng mga Di-Piksyon na Teksto

Anekdota

Ang anekdota ay isang maikling salaysay ng isang nakawiwili, nakalilibang o patalambuhay na pangyayari. Ito ay maaari ring personal o pangyayari sa buhay ng manunulat o mananalumpati. Sa pamamagitan nito maipasisilip nila ang isang bahagi ng kanilang buhay na maaaring kapulutan ng aral.

Talambuhay

Ang talambuhay o biography ay isang anyo ng panitikan kung saan nagsasaad ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao batay sa mga tunay na tala, pangyayari, o impormasyon.

"Sa mundong punong-puno ng matang mapangmata at bibig na hindi tumitikom sa panghuhusga, matuto kang makinig at kilalanin ang tunay na istorya."

Basahing mabuti ang tekstong ibibigay ng guro at gawan ito ng isang komprehensibong pagsusuri gamit ang inihandang talahanayan sa ibaba.

Gabay sa Pagsusuri

Maraming salamat! Kitakits sa susunod na klase!