Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

Q2_ARISTOTLE_P4

Mendoza Aira Mae

Created on December 14, 2021

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Women's Presentation

Vintage Photo Album

Geniaflix Presentation

Shadow Presentation

Newspaper Presentation

Memories Presentation

Zen Presentation

Transcript

handa na ako

pangkat 4

ARISTOTLE

Start

Madagas, Alicia Laureen

Mga Miyembro ng Pangkat 4

Paanod, Ruchele Ann

Mendoza, Aira Mae

Romero, Jovic

Marquez, Angelu

Labor, Princess Nicole

Verzosa, Miel Ashley

Pedernal, Kyen Joshua

Canda, Rheyna Mae

Bolima, Precious

WOOF

WOOF

MODULE 3

Tula mula sa england, united kingdom

START

Ano ba ang tula?

May apat na pangkalahatang uri ng tula: Tulang Pandamdamin o Tulang Liriko, Tulang Pasalaysay, Tulang Padula, at Tulang Patnigan. Sa araling ito, bibigyang-pansin natin ang Tulang Pandamdamin o Liriko

Ano ba ang tula?

Tulang liriko

Ito ay ang tula ng damdaming nagpapakita ng matinding emosyon ng tao o puno ng masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kaligayahan, tagumpayan at iba pa. Maikli at payak ang uring ito ng tula.

. . .

uri ng tulang liriko

. . .

rr

rr

rr

Soneto

Ang tulang ito ay may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao. Naghahatid ng aral sa mambabasa.

Mga Halimbawa: Soneto ng Buhay ni Fernando B. Monleon Ang Aking Pag-ibig

+ info

Pastoral

Hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ang tulang ito ay pumapaksa at naglalarawan ito ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa.

Halimbawa: Halika sa Bukirin ni Milagros B. Macaraig Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

+ info

Elehiya

Ito ay tula ng pamamanglaw dahil sa pumapaksa ito sa kalungkutan, kamatayan at iba pa

Halimbawa: Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus Elehiya para kay Ram ni Patrocinio V. Villafuerte

+ info

Oda

Ang tulang ito ay nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba pang uri ng damdamin. Karaniwang tungkol sa papuri tungkol sa mga nagawa ng dakilang tao, bansa o anomang bagay na maaaring papurihan.

Halimbawa: Tumangis si Raquel Manggagawa ni Jose Corazon de Jesus

+ info

Awit

Karaniwang pinapaksa ng tulang ito ay pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan. Tinatawag din itong kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ito ay awit tungkol sa pag-ibig.

Halimbawa: May Isang Pangarap ni Teodoro Gener Sa Dalampasigan ni Teodoro Agoncillo

+ info

Dalit

Ito ay katutubong tula na may apat na taludtod sa bawat saknong at may sakut na wawaluhin. Ito’y awiting patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya na may layuning dumakila at magparangal. sa kasalukuyang kahulugan, masasabi na ring dalit ang isang tula kung ito’y may pagdarakila sa bayan.

Dalitsamba: patungkol sa Diyos Dalitbayan: pagdakila sa bayan Halimbawa: Dalit kay Maria

+ info

Gawain 1

Hulaan ang tamang sagot

START

QUESTION 1

Ito ay naghahatid ng aral sa mambabasa.

Wrong answer

Correct answer

QUESTION 1

Ito ay naghahatid ng aral sa mambabasa.

SONETO

QUESTION 2

Tungkol sa mga nagawa ng dakilang tao, bansa o mga bagay na kapurihan.

Correct answer

Wrong answer

QUESTION 2

Tungkol sa mga nagawa ng dakilang tao, bansa o mga bagay na kapurihan.

ODA

QUESTION 3

Ito ay patungkol sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa,pangamba, poot at kaligayan

Correct answer

Wrong answer

QUESTION 3

Ito ay patungkol sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa,pangamba, poot at kaligayan

AWIT

QUESTION 4

Naglalarawan ito ng simpleng pamumuhay at pag-ibig

Correct answer

Wrong answer

QUESTION 4

Naglalarawan ito ng simpleng pamumuhay at pag-ibig

PASTORAL

QUESTION 5

Ito ay tula ng damdaming nagpapakita ng matinding emosyon ng tao o puno ng masisidhing damdamin.

Correct answer

Wrong answer

QUESTION 5

Ito ay tula ng damdaming nagpapakita ng matinding emosyon ng tao o puno ng masisidhing damdamin.

TULANG LIRIKO

QUESTION 6

Ito ay may apat na taludtod sa bawat saknong at may sukat na wawaluhin.

Correct answer

Wrong answer

QUESTION 6

Ito ay may apat na taludtod sa bawat saknong at may sukat na wawaluhin.

DALIT

QUESTION 7

Pumapaksa ng kalungkutan at kamatayan.

Correct answer

Wrong answer

QUESTION 7

Pumapaksa ng kalungkutan at kamatayan.

ELEHIYA

CONGRATULATIONS!

Start over?

Ano ba ang tula?

Tula

ang tawag sa isang akdang pampanitikang may matatalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin. Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan, at kadakilaan. ➢ Maitutulad sa isang awit ang tula. Nagsisilbi rin itong pagpapagunita sa dapat na kaasalan ng mga bata at kabataan at naglalayong maipahayag ang karanasan, damdamin, pananaw, kabayanihan, at ang maigting na pagmamahal sa sariling bansa. ➢ Hanggang sa kasalukuyan, ang pagsulat at pagbigkas ng tula ay nananatiling tulay ng kaalaman mula sa kasaysayan ng kahapon patungo sa kasalukuyan.

Ating alamin ang mga elemento ng tula.

ELEMENTO NG TULA

1. Persona

Tumutukoy ito sa nagsasalita sa tula na nililikha ng makata. Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una ikalawa o ikatlong panauhan Tumutukoy ito sa larawang diwa na nabubuo sa mambabasa. Pinagagalaw nito ang guniguni ng mambabasa. Nabubuo sa pamamagitan pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa nais ipakahulugan.

2. Imahe

Meow

Meow

3. Musikalida

Nakapokus ito sa porma at paraan ng pagkakasulat ng tula. Nagtataglay ito ng angking melodiya o tonong nararamdaman sa indayog o ritmo. Saklaw nito ang sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod ng tula. Ang pangkaraniwang tula ay may walo hanggang labindalawang pantig sa bawat taludtod. Halimbawa: (Lalabindalawahing Pantig) A-ko’y mag-sa-sa-kang ba-ya-ni ng bu-kid San da ta’y a-ra-ro ma-ta-pang sa i-nit Hin-di na-ta-ta-kot ka-hit na sa la-mig Sa bu-ong mag-ha-pon gu-ma-ga-wang la-mig

a. Sukat

Meow

Meow

b. Tugma

Ito ang pagkakasintunugan ng mga salita o pagkakapareho ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng tula. Ito ay isang elemento ng tula na nagbibigay dito ng himig at indayog. Halimbawa: Sukat: a-a-a-a (magkakatugma lahat ng linya) Sa aking lupain doon nagmumula Lahat ng pagkain nitong ating bansa Ang lahat ng tao, mayaman o dukha Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa

Meow

c. Tono o Indayog

Meow

Ipinababatid nito paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa.

4. Wika

Tumutukoy ito sa paggamit ng salita – maaaring lantad o di-lantad ang mga salita. tumutukoy ito sa kung paano nagkaroon ng bagong pagtingin sa isang bagay na palasak.

5. Kaisipan o Bagong Pagtingin sa\ng Tula

Meow

Meow

a. Talinghaga

tumutukoy ito sa matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Dito kinakailangang gumamit ng tayutay at matatalinghagang mga pahayag o salita upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Halimbawa: Nahuli sa pain, umiyak ( nahuli sa masarap na mga karanasan ng pag-ibig at bitag bilang pinagsamang sarap at hirap ng pag-ibig) Hindi ako makaalpas (nakatali sa pagmamahal na hindi na iiwan at hindi na sasaktan pang muli)

Meow

b. Kariktan

Tumutukoy ito sa malinaw at di-malilimutang impresyong nakikintal sa isipan ng mambabasa. Ito ang pagtataglay ng mga salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa. Halimbawa: Ang tulang Alon ay isang tulang may malayang taludturan

Meow

Mga paraan sa pagsusulat ng tula

Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay pa rin sa makata ang pagiging orihinal ng akdang kaniyang isinusulat. Nagiging bago ang lumang paksa sa pagbibigay ng makata ng bagong pananaw tungkol dito. Ang pananaw na ito ay maaaring batay sa sarili niyang karanasan, mga namasid, o bunga lamang ng kaniyang makulay na imahinasyon.

Magmasid sa paligid, paglakbayin ang imahinasyon, at magbasa ng mga halimbawa ng tula. Sa ganitong paraan, detalyado at malinaw na mailalarawan ng makata ang kaisipang nais niyang palutangin sa tula.

Mga paraan sa pagsusulat ng tula

Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensahe na ipinahahayag sa kakaunting salita lamang. Magiging busog sa kahulugan at malikhain ang pagpapahayag ng kaisipan kung gagamitan ng tayutay (sinadyang paglayo sa karaniawang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan) at matatalinghagang pananalita.

Kailangang maging mapagparanas ang isang tula upang mag-iwan ng kakintalan sa mambabasa. Mapagparanas ang isang tula kung ipinakikita at ipinadarama (nalalasahan, naaamoy, naririnig) ng makata ang mensahe ng kaniyang akda hindi lamang niya ito sinasabi.

Matalinghagang

PANANALITA

Ang tawag sa mga salita o pahayag na hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan ng isang salita. Sa madaling sabi, ito ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng malalim na kahulugan. ➢ Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa. ➢ Nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay-bagay na alam ng taumbayan. ➢ Nagsisilbing larawan ng kamalayan ng manunulat. Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag na patayutay o tayutay.

TAYUTAY

Ito ay tumutukoy sa mga salita o pahayag na ginagamit upang maging maganda at kaakit-akit ang isang pahayag. Tumutukoy din ito sa sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita, kung kaya’t magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding palamuti ng tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula.

+ info

MGA URI NG TAYUTAY

Metapora

Hyperbole

Apostrophe

Simile

Pagtutulad (Simile)

Isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Ito’y ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y, animo’y, tila, kasing-, magkasing- at iba pa.

Halimbawa: Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha. Ang iyong labi ay tila rosas sa pula.

Pagwawangis (Metapora)

Tiyakang naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing. Hindi na ito ginagamitan ng mga salitang tulad ng ginagamit sa Simile.

Halimbawa: Leon sa bagsik ang ama ni David Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng kagubatan.

Pagmamalabis (Hyperbole)

Pilit na pinalalabis sa normal na katangian, kalagayan o katayuan ng isang tao, bagay, pook o pangyayari upang bigyang- kaigtingan ang nais ipahayag. Tinatawag din itong eksaherasyon.

Halimbawa: Nalulunod na siya sa kaniyang luha. Hanggang tainga ang aking ngiti nang siya’y aking nakilala.

Pagtatao (Personipikasyon)

Ito’y mga pahayag ng paglilipat ng katangian, gawi, at talino ng isang tao sa mga karaniwang bagay na walang buhay. Ginagamitan ito ng pandiwa. Tinatawag din itong Pagbibigay-katauhan.

Halimbawa: Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat. Matindi ang unos sa paghagulgol ng langit.

Pagtawag (Apostrophe)

Ito ay isang panawagan o pakiusap nang may masidhing damdamin sa isang bagay na tila ito ay isang tao o kaya’t tao na animo’y kaharap ang kausap.

Halimbawa O tukso, layuan mo ako! Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay.

Wordwall

Start

- Ang link ay isesend ko na lamang sa ating GC - Pagkatapos mag sagot screenshot ang score at isend sa gc. Salamat

SALAMAT

SA PAKIKINIG