Nang minsang naligaw si adrian
(Ito’y kuwento batay sa text message na ipinadala kay Dr. Romulo N. Peralta)
Kim ivan pigao "kuya kim"
Nang minsang naligaw si Adrian
Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap niyang maging isang doktor.
Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at pangalagaan ang kanyang mga magulang.
Nang minsang naligaw si Adrian
Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana na matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor, pumanaw ang kanyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kanya ang pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring iniinda.
Malimit siyang mapag-isa, sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong makapag pahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama. Naisin man niyang mag trabaho at manirahan sa ibang bansa tulad ng kanyang mga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa kanyang balikat ang pumipigil sa kanyang mangibang-bayan upang manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng kanyang buhay.
Nang minsang naligaw si Adrian
Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila ang lahat ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay. Ayaw rin niya ng mapag-isa balang-araw kapag nawala na ang kanyang ama.
Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras naoperasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na sinusumpong ng sakit ang kanyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad, naagapan naman niya ang ama.
Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti nyang nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili.
Nang minsang naligaw si Adrian
“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag kayo’y nawala.
Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang kotse. Walang imik na sumama ang ama.
Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila’y nakarating sa isang lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Saan kaya dadalhin ni Adrian ang kanyang Ama? .
Nang minsang naligaw si Adrian
Tinunton nila ang daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan ay tumitigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak.
“Bakit ka umiiyak?’ tanong ng ama kay Adrian.
“Wala po Dad.”
Nagpatuloy sa paglakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin ang pagtulo ng kanyang luha. Alam niyang labag sa kanyang kalooban ang kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga at paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansin ito ni Adrian.
“Bakit niyo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y nagpapahinga Dad?” tanong ni Adrian.
Nang minsang naligaw si Adrian
Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kanyang labi.
“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na dito tayo dumaan para pagbalik mo ay hindi ka maligaw.”
Nang minsang naligaw si Adrian
Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling.
Alam na ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.
Nang minsang naligaw si Adrian
Mga pamprosesong tanong:
1. Saan ang tagpuan ng kwento?
a. Ospital c. Kagubatan
b. Bahay d. bahay-ampunan
2. Ano ang natapos ng mga kapatid ni Adrian?
a. Pag-aabogasya c. Pagdodoktor
b. Pag-iinhenyero d. Nars
Nang minsang naligaw si Adrian
Mga pamprosesong tanong:
3. Sa anong paraan ipinadala ng may-akda ang nasabing kuwento?
a. Liham c. Chat
b. Email d. Text
4. Paano inumpisahan ng may-akda ang kwento?
a. Ipinakilala ang mga tauhan b. Tinalakay ang isyung pag-aasawa
c. Isinalaysay ang suliranin d. Tinalakay ang buhay pag-ibig ng tauhan
Nang minsang naligaw si Adrian
Mga pamprosesong tanong:
5. Sino ang naligaw sa nasabing kwento?
a. Ama ni Adrian c. Si Adrian
b. Mga kapatid ni Adrian d. Nanay ni Adrian
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG
Magaling!!! 8-GARCIA
KIM IVAN PIGAO "Kuya Kim" 10-RIZAL
NANG MINSANG NALIGAW SI ADRIAN
kimivan pigao
Created on November 23, 2021
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
View
Happy Holidays Video
View
Elves Christmas video
View
HALLOWEEN VIDEO MOBILE
View
Halloween Illustrated Video
View
Halloween video
View
Birthday Party Invitation
View
Video Tutorial Mobile
Explore all templates
Transcript
Nang minsang naligaw si adrian
(Ito’y kuwento batay sa text message na ipinadala kay Dr. Romulo N. Peralta)
Kim ivan pigao "kuya kim"
Nang minsang naligaw si Adrian
Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap niyang maging isang doktor. Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at pangalagaan ang kanyang mga magulang.
Nang minsang naligaw si Adrian
Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana na matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor, pumanaw ang kanyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kanya ang pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring iniinda. Malimit siyang mapag-isa, sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong makapag pahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama. Naisin man niyang mag trabaho at manirahan sa ibang bansa tulad ng kanyang mga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa kanyang balikat ang pumipigil sa kanyang mangibang-bayan upang manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng kanyang buhay.
Nang minsang naligaw si Adrian
Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila ang lahat ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay. Ayaw rin niya ng mapag-isa balang-araw kapag nawala na ang kanyang ama. Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras naoperasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na sinusumpong ng sakit ang kanyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad, naagapan naman niya ang ama. Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti nyang nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili.
Nang minsang naligaw si Adrian
“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag kayo’y nawala. Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang kotse. Walang imik na sumama ang ama. Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila’y nakarating sa isang lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Saan kaya dadalhin ni Adrian ang kanyang Ama? .
Nang minsang naligaw si Adrian
Tinunton nila ang daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan ay tumitigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak. “Bakit ka umiiyak?’ tanong ng ama kay Adrian. “Wala po Dad.” Nagpatuloy sa paglakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin ang pagtulo ng kanyang luha. Alam niyang labag sa kanyang kalooban ang kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga at paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansin ito ni Adrian. “Bakit niyo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y nagpapahinga Dad?” tanong ni Adrian.
Nang minsang naligaw si Adrian
Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kanyang labi. “Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na dito tayo dumaan para pagbalik mo ay hindi ka maligaw.”
Nang minsang naligaw si Adrian
Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling. Alam na ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.
Nang minsang naligaw si Adrian
Mga pamprosesong tanong:
1. Saan ang tagpuan ng kwento? a. Ospital c. Kagubatan b. Bahay d. bahay-ampunan 2. Ano ang natapos ng mga kapatid ni Adrian? a. Pag-aabogasya c. Pagdodoktor b. Pag-iinhenyero d. Nars
Nang minsang naligaw si Adrian
Mga pamprosesong tanong:
3. Sa anong paraan ipinadala ng may-akda ang nasabing kuwento? a. Liham c. Chat b. Email d. Text 4. Paano inumpisahan ng may-akda ang kwento? a. Ipinakilala ang mga tauhan b. Tinalakay ang isyung pag-aasawa c. Isinalaysay ang suliranin d. Tinalakay ang buhay pag-ibig ng tauhan
Nang minsang naligaw si Adrian
Mga pamprosesong tanong:
5. Sino ang naligaw sa nasabing kwento? a. Ama ni Adrian c. Si Adrian b. Mga kapatid ni Adrian d. Nanay ni Adrian
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG
Magaling!!! 8-GARCIA
KIM IVAN PIGAO "Kuya Kim" 10-RIZAL