Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

Makataong Kilos

Rachell Malaluan

Created on November 19, 2021

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Vaporwave presentation

Animated Sketch Presentation

Memories Presentation

Pechakucha Presentation

Decades Presentation

Color and Shapes Presentation

Historical Presentation

Transcript

pagsusuri ng makataong kilos

weeks 1-2

mga taga Pag-ulat

Mark James Nanquil

Rachell Malaluan

Caersy Gollena

Acheason Lamoste

Numeriano Montiero

Maipaliliwanag mo na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman;

Matutukoy mo na ang mga kilos na dapat panagutan;

Mapatutunayan mo na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao ang makataong kilos kaya pananagutan niya ang kawastuhan o kamalian nito;

Masusuri mo ang sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos.

Paghubog ngPagkatao ng Tao

kilos ng tao

Sadyang natatangi nga ang tao. Ipinagkaloob sa kaniya ang lahat ng kakayahan o pakultad upang hubugin ang kaniyang pagkatao at upang magpakatao. Kaya isang malaking hamon sa tao ang magpakatao at gamitin ang taglay niyang mga kakayahan sa pagkamit nito.

Sto. Tomas de Aquino

dalawang uri ng kilos ng tao

Makataong Kilos (Human Act)

Kilos ng Tao (Act of Man)

Ito naman ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, kalayaan, at pagkukusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito. Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagkat isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable. Alam niya ang kaniyang ginagawa at ninais niyang gawin.

Ito ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas (natural) sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ang kilos na ito ay masasabing walang aspeto ng pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito.

Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability)

Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos upang masabing ito ay pagkukusang kilos (voluntary act). Ang bigat (degree) ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa . Ang mga ito ay nasa lalim ng kaalaman at kalayaan (degree of willfulness o voluntariness) na tinatamasa. Sa madaling salita, kung mas malawak ang kaalaman o kalayaan, mas mataas o mababang degree ang pagkukusa o pagkagusto. Kung mas mataas o mababang bigat ang pagkukusa, mas mabigat o mababaw ang pananagutan.

- Aristoteles

tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan:

Kusang-loob

Di kusang-loob

Walang kusang-loob

Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan

Ayon kay Aristoteles

kusang-loob

Di kusang-loob

Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.

Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.

Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan

Ayon kay Aristoteles

Walang kusang-loob

Halimbawa;

Ang iyong kapatid na limang (5) taong gulang pa lamang ay sinundo ng iyong tiyahin sa inyong bahay para isama niya sa pamamalengke. Mahigpit na ipinagbabawal na lumabas sa ngayon ang mga batang may edad na 14 pababa. Ang bata ay walang magiging pananagutan dahil wala naman siyang kaalaman patungkol sa batas at panuntunan sa kasalukuyan.

Dito, ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa o boluntaryong pagkilos.

Eksepsiyon at Kabawasan ng Pananagutan

Aristoteles

Eksepsiyon at Kabawasan ng Pananagutan

Paglalayon

Pag-iisip ng paraan ng makarating sa layunin

Pagpili ng pinakamalapit na paraan

Pagsasakilos ng paraan

Eksepsiyon at Kabawasan ng Pananagutan

Ayon kay Aristoteles

Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin

Paglalayon

Kasama ba sa ninanais ang kinalabasan ng isang makataong kilos? Nasa sa kaniya ang kapanagutan ng kilos kung sa kabuuan ng paglalayon ay nakikita ng tao ang isang masamang epekto ng kilos.

Ang pamamaraan ba ay tugma sa pag-abot ng layunin at hindi lamang kasangkapan sa pag-abot ng naisin? Dito ay ginagamit ang tamang kaisipan at katuwiran. .

Eksepsiyon at Kabawasan ng Pananagutan

Ayon kay Aristoteles

Pagsasakilos ng paraan

Pagpili ng pinakamalaapit na paraan

Sa puntong ito, itatanong mo: Nagkaroon ba ng kalayaan sa mga opsiyon na pagpipilian o pinili lamang ang mas nakabubuti sa iyo na walang pagsasaalang-alang sa maaaring epekto nito? Iniwasan mo ba ang pagpipilian/opsiyon na mas humihingi ng masusing pag-iisip? Ang lahat ba ay bumabalik lamang sa pansariling kabutihan na hindi nagtataguyod ng kabutihan ng iba.

Dito ay ginagamit ang kilos-loob na lalong nagpapalakas ng isang makataong kilos upang maging tunay na mapanagutan. Ang pagkilos sa pamamaraan ay ang paglalapat ng pagkukusa na tunay na magbibigay ng kapanagutan sa kumikilos.

Ayon kay Aristoteles, kung may kulang sa mga ito, nagkakaroon ng kabawasan sa kapanagutan ng isang tao sa ginawang kilos. Ngunit hindi nawawala ang kapanagutang ito maliban sa kung apektado ito ng mga salik na maaaring makapagpawala ng kapanagutan. Dahil dito, maaaring mabawasan o mawala ang kapanagutan.

Aristoteles

Aristoteles

Sto. Tomas de Aquino

Ang mapanagutang kilos ay may papel ng isip at kilos-loob. Bilang tao, hindi natin hangad ang masamang bunga ng ating piniling kilos o gawa kung kaya dapat na maging maingat sa mga pagpapasya.

MAKATAONG KILOS

Be kind to one another, tenderhearted, forgiving one another, as God in Christ forgave you. Ephesians 4;32

thank you po!