Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
Mga dalubhasang Pintor ng Pilipinas
Figueroa, Chloie Kristin (Student)
Created on November 19, 2021
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
View
Animated Chalkboard Presentation
View
Genial Storytale Presentation
View
Higher Education Presentation
View
Blackboard Presentation
View
Psychedelic Presentation
View
Relaxing Presentation
View
Nature Presentation
Transcript
Mga dalubhasang pintor ng pilipinas
FABIAN DELA ROSA
Ang paraan ng pagpipinta ni Fabian dela Rosa ay tintawag na Realismo (Realism). Ang Realismo ay isang makatotohanang o natural at halos potograpikong paraan ng pagpipinta na karaniwang ang paksa ay ang mga pang araw araw na buhay.
Una siyang nakatanggap ng pagsasanay sa larangan ng pagpipinta noong may sampung gulang pa lamang, mula sa tiyahing si Mariana de la Rosa. Tumanggap rin siya ng pagsasanay mula kay Agustin Saez habang nag-aaral sa Escuela de Bellas Artes y Dibujo (Paaralan ng Pinong Sining at Dibuho), bagaman tatlong taon lamang nagtagal sa paaralang iyon. Napagkalooban din siya ng pagsasanay nina Lorenzo Guerrero at Miguel Zaragoza. Noong 1908, ipinagkalooban siya ng pagkakataon ng Germinal Cigar Factory na maging isang eskolar sa Europa, kung saan nakapag-aral siya sa Academi de Julien ng Paris, Pransiya.
MGA NAGAWA Transplanting Rice (Paglilipat-tanim ng Palay), The Death of General Lawton (Ang Kamatayan ni Heneral Lawton), 1904
FERNANDO AMORSOLO
Isang dalubhasang pintor ng mga larawan ng tao at larawan ng mga pang araw-araw na Gawain na Malaya niyang ginagamitan ng maliliwanag at sari saring mga kulay. Karamihan sa kanyang mga ipininta ay nagpapakita ng kalikasan, ng mga luntiang bukirin, ng maliwanag na sikat ng araw at mabagal na buhay sa bukid.
\MGA NAGAWA: - Rice Planting (1922) - Sale of Panay - Sikatuna - Sunday Morning Going To Town (1958) - US Senator Warren Magnuson Oil Portrait (1958) - Traders - El Violinista (The Violinist)
Carlos “Botong” Francisco
Si Carlos V. Francisco ay isang kilalang tagapagsanay ng pagpipinta sa mural sa loob ng maraming mga dekada at kilala sa kanyang mga piraso ng kasaysayan. Isa siya sa mga unang Pilipinong modernista kasama sina Galo Ocampo at Victorio C. Edades na humiwalay sa pagiging romantiko ni Fernando Amorsolo sa mga eksena ng Pilipinas.
Ang mga obra niya ay nagtampok ng mga makabagong hulagway ng mga Filipino, mula sa kanilang mga kaugalian at pagdiriwang (Musikong Bumbong, Bayanihan, Fiesta, Sandugo at Moriones Unmasked) hanggang sa mga pangkaraniwang tanawin at gawain sa kanilang paligid (Planting Corn, Rice Threshers, Siesta Under the Mango Tree at Lost in the 142 Forest). Nagtampok ang kaniyang sining ng disenyo at ritmo, makabagong idyoma sa pamamagitan ng matitingkad na kulay ng karaniwang tao at pakurbadang linyang nagpapanagpo at pumupuno sa bawat espasyo.
Vicente Manansala
Siya ay pinaka-kilala sa kanyang estilo ng pagpipinta na tinatawag “Cubism”. Bilang isang neo-realist, naging isa siya sa pintor na responsable para sa kilusang modernista sa bansa. Pangunahin, ang kanyang trabaho ay nakatuon sa mga isyu at problema ng mundo.
Itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura noong 1982 si Vicente S. Manansala (Vi·sén·te Es Ma·nan·sá·la). Bahagi siya ng tinaguriang “Thirteen Moderns.” Gaya ng iba pang modernista, pinili ni Manansala na ipakita ang sining gaano man kapangit ang tema o kaligirang kinapapalooban ng kaniyang mga paksa. Protesta ang mga obra niya sa klasikong Amorsolo.
Victorio Edades
Siya isang rebolusyonaryong pintor, na pinuno ng Thirteen Moderns, isang pangkat ng mga pintor na naniniwala at nagsulong ng Modernismo sa likhang sining.
Naging malaking impluwensiya kay Edades ang kaguluhang pansining sa Estados Unidos at Europa na pinangunahan nina Cezanne, Gauguin, Renoir, Matisse, Picasso, Duchamp, at ng iba pang surealista at dadaista. Makikita sa mga likhang Edades ang mga sini- rang hugis ng katawan ng tao, magaspang at makapal na guhit at hagod, at matingkad subalit madidilim na kulay. Ang kaniyang unang eksibisyon noong 1928 ay sinalubong ng pagkagulat at pagkasuklam ng mga taong nasanay sa likha ni Amorsolo. Walang nabenta sa eksibit na The Sketch (pinamagatan ding The Artist and His Model), The Builders, Salmon Cannery Worker, My Sweetheart, The Negro Football Player, The American Meztisa, The Market, at Mother and Daughter ay itinuturing ngayong mga pambansang yaman.
Isinilang si Edades sa Dagupan, Pangasinan kina Hilario Edades at Cecilia Edades. Ikinasal siya kay Jean Garrot, isang Americana na nagturo ng Ingles at drama sa Unibersidad ng Pilipinas. Nag-aral siya sa University of Washington, Seattle ng Arkitektura at Fine Arts. Nagtrabaho rin siya sa isang cannery ng salmon sa Alaska. Pagbalik sa Filipinas, nagturo siya sa Mapua Institute of Technology at UST. (RVR)