Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
WIKANG FILIPINO
Hi Hi
Created on November 3, 2021
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
Transcript
Ang Wikang FILIPINO
Presentation
Start!
3- Varyasyon ng Wikang Filipino
2- Mga Katangian ng Wikang Filipino
1- Ano ang Wikang Filipino?
Talaan ng nilalaman
4 - munting kasaysayan ng wikang pambansa at ang pinagkaiba ng filipino, pilipino, at tagalog
01
Ano ang wikang filipino?
ANG WIKANG FILIPINO
- Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaan sa proseso ng pag linang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba't ibang barayti ng wika para sa iba't ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.
- Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin.
- Ang wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilan wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
ANG WIKANG FILIPINO
- Nagamit rin ng mga bayani ang wikang Filipino upang mapaalis ang mga dayuhang na may planong sakupin ang Pilipinas tulad ni Heneral Luna na may katagang “Negosyo o Kalayaan, Bayan o Sarili? Mamili ka. At Jose Rizal na may kaatagang “ Ang kabatan ang pagasa ng bayan. Kaya sadya naming nakaka bilib at masarap itong ipagmalaki sapagkat hindi natin binitawan ang mga ipinaglaban ng mga bayani .
02
MGA KATANGIAN NG WIKANG FILIPINO
MGA KATANGIAN NG WIKANG FILIPINO
- Ang wika ay masistemang balangkas
- Ang wika ay sinasalitang tunog
- Ang wika ay orbitraryon simbolo ng mga tunog
- Ang wika ay komunikasyon
- Ang wika ay pantao
- Ang wika ay kaugnay ng kultura
- Ang wika ay ginagamit
- Ang wika ay natatangi
- Ang wika ay dinamiko
- Ang wika ay malikhain
MGA KATANGIAN NG WIKANG FILIPINO
- Naiiba nga ba ang Pilipino sa Tagalog? - Ang Tagalog ay ang wikang katutubo ng mga tagalog at hinirang noon 1939 na maging batayan ng wikang pambansa alinsunod sa atas ng 1935 konstitusyon. Ang Pilipino ay pangalang itinawag sa nabuong wikang pambansa sa bisa ng atas pangkatawaran ni Kalihim Jose R. Romero noong Agosto 13, 1959. Ipinalabas ang atas kaugnay ng pagdiriwang sa nalalapit noong Linggo ng Wika at upang maitanim ang kabuluhan ng isang nagkakaisang midyum ng komunikasyon.
- Bago lumabas ang atas, ang wikang pambansa ay karaniwang tinatawag na Tagalog o wikang Pambansa. Ang atas, sa gayon, ay isang paraan ng pagbibinyang sa wikang pambansa at upang maihawalay ito sa tatak na Tagalog. Ang dalawa ay hindi naiiba dahil hindi namatay ang Tagalog habang nagaganap ang pagbuo sa wikang pambansa.
03
VARYASYON NG WIKANG FILIPINO
VARYASYON NG WIKANG FILIPINO
Ayon sa KWF Resolusyon 96-1 (2013): Ang Filipino ay ang katutubong wikang ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba't ibang barayti ng wika para sa mga iba't ibang sitwasyon. Maliwanag sa depinisyong ito ang ilang salik na nagdudulot ng mga baryason sa wika: 1. Maraming pangkat-etniko sa bansa na may kaniya-kaniyang katutubong wika at kultura. 2. Buhay ang wikang Filipino. Anumang buhay, para umunlad, ay aktibong nanghihiram ng mga salita/pananalita mula sa iba pang wika. 3. May iba't ibang antas ng pamumuhay ang mga tao. Nagkakaiba-iba ang register o estilo ng wika ayon sa gulang, propesyon, kalagayang sosyal, relihiyon, at iba pa.
04
Munting kasaysayan ng wikang pambansa at ang pinagkaiba ng filipino, pilipino, at tagalog
ANG KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Sinasabi na sa mga darating pang taon ay humigit kumulang 98% sa bansa ang gagamit na ng Filipino bilang lingua franca. Ang paglaganap ng Filipino ay di kataka-taka sapagkat bukod sa isa itong wika de facto na ginagamit sa buong bansa, ito rin ay de jure o wikang iniatas ng Konstitusiyon ng Pilipinas na siyang magiging wikang pambansa. Ito ang mahusay na paliwanag ni Constantino, isang lingguwista at propesor: Bagaman totoong lumaki na ang bilang ng Tagapagsalita ng Filipino, kapansin-pansin ang pagkakaiba sa uri ng wikang kanilang ginagamit, bigkas, uri, anyo na sinasalita. Mayroon ding mga kakaibang tono o punto na tangi llamang sa lugar na gimagamit ng wika. Ito ang tinatawag na barayti ng wika.
ANG KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Bakit tinawag na wikang Filipino ang wikang Pilipino? - Ang "Pilipino" ay nakabatay sa naging bigkas at baybay sa "Pilipinas" alinsunod sa abakadang Tagalog na may 20 titik. Walang titik F ang abakada dahil walang tunog na /ef/ sa Tagalog. Kaya ang lahat ng salitang hiniram na Espanyol na may tunog na /ef/ ay tinapatan ng wikang tunog na titik "P". Ang pagtawag na "Filipino" sa wikang pambansa ng 1987 Konstitusyon ay may mahihiwatigang bagong mithiin. Una, nais nitong ihiwalay ang wikang pambansa sa batik na tagalog ng "Pilipino". Ikalawa, nais nitong ipanukala ang saloobin na totoong payamanin at linangin ang Filipino bilang isang wikang pambansa sa pamamagitan ng mga katutubong wika ng bansa. Ang Filipino ay ang katutubong wika na gingamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon sa isa't isa ng mga pangkating katutubo.
ANG KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Nitong ika-8 ng Pebrero 2013, sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg. 13-05 ay nagkasundo ang Kalupunan ng KWF sa sumusunod na depinisyon ng Filipino: Ang Filipino ay katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon sa isa't isa ng mga pangkating katutubo. Katulad ng alinmang wikang buhay, ang Filipino ay dumadanas ng paglinang at pagpapayaman sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga katutubong wika at sa pamamagitan ng mga pagbabago sa nagiging paggamit ng Filipino sa iba't ibang sitwasyon at pangyayari, pasalita man o pasulat na pahayag, ng iba't ibang pangkating panlipunan at pampolitika, sa loob at labas ng kapuluan, at sa iba't ibang paksain at disiplinang akademiko.
ANG KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Nasa pangalang "Filipino" samakatuwid ang panukala noon at ngayon na mula sa batayang Tagalog ay aktibong ilahaok sa pag-unlad ng wikang pambansa ang mga wikang katutubo ng Pilipinas. Tiyak na hindi ito mangyayari sa paraang nais ni Geruncio Laciuuesta. Ang wikang ito, ayon kay T.A Rojo, ay mananatiling Tagalog sa ubod ngunit may hindi matatawarang halo muila sa mga wikang katutubo ng Filipino, at siyempre, pinalusog sa mga kailangang moderno at pandaidigang wikang banyaga.
TANDAAN
ANG PAGKAKAIBA NG TAGALOG, FILIPINO, AT PILIPINO:1. Tagalog - Ang wikang Tagalog ay ang wikan sinasalita sa rehiyong Tagalog. Opisyal na kinilala ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang Tagalog bilang batayuan ng wikang Pambansa noong 30 Disyembre 1937. 2. Pilipino - Ito ang tawag sa mga mamamayan sa Pilipinas. Sinimulang tawaging Pilipino ang Tagalog noong 13 Agosto 1959 sa bisa ng Kautusang Pankagawaran Blg. 7 na nilagdaan ni Jose Romero. Ang pagpapalit-tawag sa Tagalog tungon Pilipino noong 1959 ay 1) Upang maipawi ang isip rehiyonalista 2) ang bansa nati'y Pilipinas kaya normal lamang na tawaging Plipino ang wikang pambansa 3) Walang ibang katawagang maaring ilapat sa wikang Pambansang Pilipinong batay sa Tagalog 3. Fillipino - Nasaksihan sa Saligang Batas ng 1972 ang konsepto ng isang wikang panlahat na Filipino gaya ng "Ang Pambansang Asamblea ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adapsiyon ng panlahat na wikang pambansang tatawaging Filipino" (Artikulo XV Seksyon 3, Talata 2)
MGA MIYEMBRO
Althea Joyce Fangon
Rahaniya Marandacan
Clemente Dingayan
Jethro Diagan
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG