Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
PANAHON NG MGA AMERIKANO
Kirsten Layzl A. Cleofas
Created on November 2, 2021
pangkat 6
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
View
Animated Chalkboard Presentation
View
Genial Storytale Presentation
View
Blackboard Presentation
View
Psychedelic Presentation
View
Chalkboard Presentation
View
Witchcraft Presentation
View
Sketchbook Presentation
Transcript
Panahon
ng mga amerikano
start
talaan ngnilalaman
C. Panitikan noong Panahon ng Amerikano
I. Introduksyon
D. Panahon ng Malasariling Pamahalaan
II. Mga Nilalaman
A. Importanteng Tao
E. Edukasyon noon
B. Pamamalakad ng mga Amerikano
III. Repleksyon
IV. Salamat
Introduksyon
Nagsimulang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas noong taong 1899. Thomasites ang tawag sa mga sundalong guro na nagturo ng Ingles sa mga Pilipino. Ang mga Amerikano ang nagpakilala sa atin ng pampublikang paaralan. Iskolar ang tawag sa mga matatalinong bata na ipinadala sa Estados Unidos upang mag-aral. Talagang umunlad ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas sa tulong ng mga Amerikano. Sila rin ang nagbigay ng totoong kahulugan ng demokrasya sa ating bansa.
MGA IMPORTANTENG TAO
WILLIAM MCKINLEY
Dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas sa pamumuno ni George Dewey at ayon sa kanila, hindi sila mananakop kundi kaibigang mangangalaga sa kapakanan ng mga Pilipino at sa pangako ng demokrasya at edukasyon, napasakamay nila ang bansa.
WILLIAM HOWARD TAFT
Komisyong Taft – Pinamunuan ni William Howard Taft ang Second Philippine Commission na nagsilbing tagapagbatas sa ilalim ng Soberanya ng Estados Unidos sa Digmaang Pilipino-Amerikano.
George Dewey (1837-1917)
Bumuo ng mga komisyon ang Pangulo ng Amerika na si William Mckinley upang ipatupad sa bansa.
MGA IMPORTANTENG TAO
KOMISYONG SCHURMAn
[Enero 20, 1899]
- pinamunuan ni Jacob Schurman, unang komisyon na ipinadala sa at tinawag na First Philippine Commission upang alamin ang kalagayan ng Pilipinas at maging batayan ng mga gagawing pagbabago ng Estados Unidos.
JACOB SCHURMAN
Ang Pamamalakad ng Amerika sa Pilipinas Noon
5 D's: Destiny, Defense, Deity, Dollar, Duty
Motibo at Layunin sa Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas;
Deity
Destiny/Manifest destiny
motibong panrelihiyon sa pagpapalawak ng Estados Unidos. – Tumutukoy sa hangaring pamunuan ang iba’t-ibang sekta ng relihiyongProtestantismo.
paniniwala ng mga Amerikano na sila ay itinadhanang lahi na magpapalaganap ng kanilang sibilisasyon sa mundo. Sila ang mag-aangat sa katayuan ng mga inferyor na bansa sa mundo.
Dollar
Defense
pangunahing motibo sa pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas– pagsusulong nito ng mga interes pang-ekonomiko sa Silangan lalo na sa bansang Tsina.
layunin ng US na maisulong ang kanyang interes na pangmilitar sa mundo– kailangan nitong magkaroon ng mga kolonya at base-militar upang mapangalagaan ang kanyang mga interes pang-ekonomiko sa bansa.
duty
tungkulin ng bawat Amerikano na sumuporta at maglingkod sa patakaran sa pagpapalawak ng US– tungkulin nila sa bansa bilang mga Amerikano at Kristyano.
Patakarang Pilipinisasyon at iba pang Patakarang Pampolitikang Ipinatupad ng mga amerikano
Tatlong Uri o Yugto ng Pamahalaang Amerikano sa Pilipinas: 1)Pamahalaang Militar 2)Pamahalaang Sibil 3)Pamahalaang Commonwealth
mga Patakarang Pampolitika
Batas Cooper/Philippine Bill of 1902
Benevolent Assimilation
ipinalalabas ng mga Amerikanong sila’y nagtungo sa Pilipinas upang iangat ang buhay ng mga Pilipino at hindi para sakupin ang mga ito.
nagtatadhana sa pagtatatag ng isang Pambansang Asamblea na bubuuin ng mga Pilipino na hahawak ng mga posisyon, saisang kondisyon at ito ang pagtitigil sa mga pag-aalsa laban sa pamunuang Amerikano sa bansa.
Pilipinisasyon
Batas Jones
pagbibigay karapatan sa mga Pilipinong pamunuan ang sariling bansa.
sa pamamagitan ng batas na ito ay naitatag ang Senado na pinamumunuan na ng mga Pilipino.
Ang wika ng panitikan sa mga panahong ito ay Kastila, Tagalog at mga wikang katutubo —nagunit namayani ang paggamit sa wikang Kastila at Tagalog. Sa mga 1910 may mga pangkat ng manunulat na gumagamit ng wikang English. Ang tatlong pangkat ng manunulat ay may pangkalahatang paksa at kaparaanan —ang paglalahad ng mga damdaming makabayan at ang tungkol sa isang bayani na si Rizal. Ang inspirasyon ng mga manunulat sa wikang Kastila ay si Rizal.
Literatura o Panitikan noong Panahon ng Amerikano
Sa kasunduan sa Paris, napalipat ang kapangyarihan ng Espanya sa mga Amerikano na hindi masyadong naunawaan ng mga Pilipino. At, sa gusto man o hindi ng mga Pilipino nagwakas ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Ngunit, ito ay nagdadala ng isang kaganapang bagong mananakop, ngunit maluwag na kaunti kung ihahambing sa mga Kastila.
PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN/DEMO-KRASYA
Itinalaga ng Kongreso ang pagkakaroon ng lupong siyang mag-aaral kung aling wikang katutubo ang ang pagbabatayan ng wikang pambansa at ang lupon ay kinilalang Surian ng Wikang Pambansa ayon sa bisa ng Batas Komonwelt 184. Ang mga miyembro ng lupon ay nagmula sa iba’t iabng panig ng bansa. Matapos ang matamang pag-aaral, lumabas sa rekomendasyon ng lupon na ang Tagalog and dapat maging batayan ng wikang pambansa sapagkat ito ang nakatugon sa tatlong panukatan: sinasalita at nauunawaan ng nakararaming Pilipino, may mayamang panitikang nasususlat at wikang sinasalita at ginagamit sa sentro ng pamahalaan, komersyo at edukasyon.
Sa pagkakatatag ng Malasariling Pamahalaan at sa ilalim ng pamumuno ni Pang. Manuel L. Quezon nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng Pilipinas ng isang wikang pambansa. Sinikap niyang mapasama sa Saligang Batas ng Komonwelt ang Artikulo XIV, Pangkat 3 nag nagsasaad na ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.”
Itinatag nila ang Board of Health for the Philippine Islands at itinayo ang Philippine General Hospital. Pang-apat naging maunlad din ang naging tranportasiyon at komunikasiyon sa bansa. Nagpatayo ng mga riles ng tren, mga lansangan, at mga tulay. Natutunan ng mga Pilipino ang paggamit ng telepono at telegrapong walang kawad. Ipinakilala nila ang paggamit ng radyo. Panglima, naging magarbo ang mga tahanan at gusali. Nauso ang bungalow na uri ng bahay at paggamit ng flush sa mga palikuran. Ipinakilala ng mga Amerikano ang paggamit ng bakal sa paggawa ng mga ito. Pang-anim, naging malawak ang relihiyon. Magkahiwalay ang simbahan at estado at ipinakilala nila ang Protestantismo sa mga Pilipino. Panghuli, tinulungan ng mga Amerikano ang mga Pilipino na paunlarin ang kanilang mga pamamaraan sa kanilang pamumuhay.
sistema ng edukasyon noong panahon ng mga amerikano
Sa pananakop ng mga Amerikano sa bansang Pilipinas ay nagkaroon ito ng mga pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Malaki ang kanilang impluwensiya sa kultura ng mga Pilipino.
Una, ang sistema ng edukasiyon ay naging bukas para sa lahat at tinuruan ang mga Pilipino ng wikang Ingles. Pangalawa, malaki ang kanilang naitulong sa panitikan dahil maraming Pilipino ang naging tanyag sa panulat ng wikang Ingles. Pangatlo, natulungan nila ang mga Pilipino na pahalagahan ang kalusugan at kalinisan.
Natutuhan ng mga lalaki na magsuot ng polo, amerikano, at kurbata at ang mga babae ay magsuot ng bestida, sapatos na mataas ang heels, handbag at paggamit ng make-up, lotion, at pabango. Natuto ang mga Pilipinong kumain ng hamon, hotdog, burger, sausage, cookies, sandwiches at uminom ng soft drinks, beer, whiskey. Ipinakilala ng mga Amerikano ang refrigerator, floor polisher, washing machine, vacuum cleaner, rice cooker at iba pa.Natuto rin ang mga Pilipino ng basketball, football, bowling, at billiards.Malaki ang naging impluwensiya ng mga Amerikano sa ating bansang Pilipinas. Ang mga impluwensiyang ito ay kasulukuyan natin nagagamit sa ating pamumuhay.
sistema ng edukasyon noon
Nang panahong iyon ay hindi gaanong naging mahalaga sa mga manunulat na Pilipino kung hindi pa rin sila ganap na malayang makasulat ng talagang nais nilang isulat. Katulad ng isang maliit na ibong matagal na nakulong, nang bigyan ng laying lumipad ay nasiyahan na muna sa palipad- lipad sa labas sa labas ng hawla at hindi makapangahas lumipad sa malayo. Para sa mga manunulat na Pilipino, ang pinakamahalagang naganap ay nakakawala sila sa galamay ng kaisa-isang paksang maari nilang talakayin sa panahon ng Kastila at ito ay ang pagpuri’t pagbibigay- karangalan sa kanilang relihiyong Kristiyanismo.
repleksyon
Tumungo ang mga Amerikano papuntang Pilipinas. Dahil sa impluwensya nila, natutunan natin ang ibig sabihin ng demokrasya, Ingles, at ang kulturang Americano. Ipinakilala nila ang sistemang pampublikang paaralan. Ang mga Iskolar ay tawag sa mga matatalinong bata na ipinadala sa Estados Unidos upang mag-aral.
Angela NicoleLanante
pangkat anim; mga miyembro
GinoZamora
Gwen Aninayon
Kenneth Karylle Gavina
Kirsten Layzl Cleofas
Mark A-Jhay Banaga
Reynaldo Magante
Pindutin ang [+] upang makita ang kanilang mga naging kontribusyon!
salamat!