Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
WASTONG PAGSULAT NG PARIRALA AT PANGUNGUSAP
FELIPE, GLAISEN PEARL M.
Created on October 27, 2021
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
View
Tarot Presentation
View
Vaporwave presentation
View
Women's Presentation
View
Geniaflix Presentation
View
Shadow Presentation
View
Newspaper Presentation
View
Memories Presentation
Transcript
PRESENTATION
Filipino 2
jodeline m. felipeteacher iii
JMF
Wastong Pagsulat ng Parirala at Pangungusap
mod 07
SUBUKIN
TANONG
Gawain 1: Isulat ang TAMA kung wasto ang pagkakasulat at MALI kung hindi wasto. Ilagay ang sagot sa patlang.
_______1. Sina Tristan at Gabriel ay kambal. _______2. sa taas ng Puno _______3. Si Maria ay masipag na bata. _______4. si walter ay Pumunta sa Palengke. _______5. Naglenes ng Bahay se Junjun.
SAGOT
1. tama2. mali 3. tama 4. mali 5. mali
BALIKAN
Panuto: Bumuo ng maliliit na salita mula sa mahabang salita sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
1. kapatid _______________, ________________ 2. nakagawa ______________, _________________ 3. kasal ________________, _______________ 4. samantala _______________, _______________ 5. napatunayan _______________, ______________
SAGOT
1. kapa, apa 2. gawa, awa 3. kasa, asal 4. sama, tala 5. tunay, ayan
TUKLASIN
JMF
Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong.
Tayo’y Magsulat
Kung tayo’y sumulat Ng mga pangungusap Dapat ay magsimula Sa malalaking letra Huwag nating kalimutan Tamang baybay ng salita Huwag nating kalimutan Tamang bantas sa hulihan
TANONG
Sagutin:
1. Tungkol saan ang iyong binasa? 2. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng pangungusap?
SAGOT
1. Pagsulat ng Pangungusap 2. -Nagsisimula sa malaking letra - Tamang baybay ng salita - Tamang bantas sa hulihan
SURIIN
JMF
Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salita at parirala. Ito ay nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa wastong bantas. Halimbawa: Sina Dante at Dundo ay kambal. Ano ang pangalan mo?
JMF
Ang parirala ay lipon ng mga salita na hindi buo ang diwa. Ito ay hindi nagsisimula sa malaking titik at walang bantas. Halimbawa: aking pamilya mabait na bata
JMF
Mga Pamamaraan sa Pagtukoy ng Maling Baybay sa Pangungusap. 1. Basahing mabuti ang pangungusap. 2. Tingnang mabuti ang mga salita dito.kaarawan ng kambal3. Suriin ang mga letrang bumubuo sa bawat salita upang makita ang pagkakamali. 4. Iwasto ang salitang mali ang baybay at basahin muli ang pangungusap
JMF
Ang malaking letra ay ginagamit sa mga tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, buwan at sa pagsisimula ng pangungusap. Ang tuldok (.) ay ginagamit sa mga pangungusap na pasalaysay at sa pangungusap na pautos. Ang tandang pananong (?) ay ginagpangungusap
JMF
Ang tandang pananong (?) ay ginagamit sa mga pangungusap na nagtatanong.Maaari din itong gamitin sa pangungusap na nakikiusap. Ang tandang padamdam (!) ay ginagamit sa pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin.
JMF
Sina Dindo at Dante ay kambal ngunit magkaiba ang kanilang ugali.Paano isinulat ang pangungusap sa unang kahon? Nagpapahayag ba ito ng buong diwa? Paano isinulat ang ngalan ng tao? Ano ang bantas na ginamit sa pangunusap?
JMF
Bakit ka malungkot Dante? Ano ang bantas na ginamit sa pangungusap? Kaarawan ng kambal Paano isinulat ang mga salita? Ano ang tawag natin sa sa lipon ng mga salitang ito?
PAGYAMANIN
JMF
A. Ano ang mali sa sumusunod na mga salita? Paano isusulat nang tama ang mga ito? Isulat ang tamang baybay sa inyong sagutang papel o sa tabi ng maling salita.
1. Apparador
SAGOT
1. aparador
2. platto
SAGOT
2. plato
3. tindahhan
SAGOT
3. tindahan
4. bumberoh
SAGOT
4. bumbero
5. mannsanass
SAGOT
5. mansanas
JMF
B. Hanapin ang salitang may maling baybay sa pangungusap at iwasto ito.
1. Ang aking goruo ay si Gng. Emely C. Tugade.
SAGOT
1. Goruo-guro
2. Binigyan kami ng kapitbahay ng tsokoulati.
SAGOT
2. Tsokoulati-tsokolate -
3. Nagtakbuhan ang mga bata sa pallaroan.
SAGOT
3. Pallaroan-palaruan
4. Isang suprresa ang pagdating ng ama.
SAGOT
4. Suprresa- surpresa
5. Matamis ang hinog na manga na ibinigay ni Lola Ason.
SAGOT
5. Manga-mangga
ISAISIP
Punan ang mga patlang ng wastong salita.Punan ang mga patlang ng wastong salita.Punan ang mga patlang ng wastong salita.
Ang ____________ ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salita at parirala. Ito ay nagsisimula sa malaking titikat nagtatapos sa wastong bantas.
SAGOT
1. pangungusap
Ang ____________ ay lipon ng mga salita na hindi buo ang diwa at ito ay hindi nagsisimula sa malaking titik at walang bantas.
SAGOT
2. parirala
Ang ____________ ay ginagamit sa mga tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugas, buwan at sa pagsisimula ng pangungusap.
SAGOT
3. Malaking Letra
Ang ____________ ay ginagamit sa mga pangungusap napasalaysay at sa pangungusap na pautos.
SAGOT
4. Tuldok
Ang ____________ ay ginagamit sa mga pangungusap nanagtatanong. Maaari din itong gamitin sa pangungusap nanakikiusap.
SAGOT
5. Tandang Pananong
Ang __________ ay ginagamit sa pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin.
SAGOT
6. Tandang Padamdam
ISAGAWA
JMF
A. Isulat sa patlang ang TAMA kung angkop ang bantas na ginamit sa pangungusap. Kung mali naman ang bantas na ginamit, isulat sa patlang ang pangalan ng angkop na bantas.
JMF
________1. Kilala mo ba si Andres Bonifacio. ________2. Siya ay kilalang Utak ng Katipunan. ________3. Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tondo, Maynila. ________4. Nagulat ako sa kaniyang ginawa ________5. Gusto mo bang maging katulad niya.
SAGOT
1.Mali2.Tama 3.Tama 4.Mali 5.Mali
JMF
B. Lagyan ng wastong bantas ang mga sumusunod na pangungusap.
JMF
1. Nagpunta ka na ba sa bahay nina Aling Nena___ 2. Marami siyang tanim na mga halamang namumulaklak. Ito ay rosas__ kamya__ sampagita___ at gumamela. 3. Wow__ ang ganda pala ng bahay niya____ 4. Kailan kayo babalik doon___ 5. Ang sabi niya ay puwede tayong pumunta anomang oras___
SAGOT
1. ?2. , 3. ! 4. ? 5. .
JMF
C. Isulat muli ang pangungusap sa patlang. Gumamit ng malaking titik kung saan ito kinakailangan.
JMF
1. ako ay si rowena tolentino. 2. pumapasok ako sa paaralang elementarya ng san isidro. 3. ang aking guro ay si bb. martha gonzales. 4. ako ay magiging walong taong gulang sa buwan ng agosto. 5. sina gregorio at maria tolentino ang aking mga magulang.
SAGOT
1. Ako ay si Rowena Tolentino. 2. Pumapasok ako sa Paaralang Elementarya ng San Isidro. 3. Ang aking guro ay si Bb. Martha Gonzales. 4. Ako ay magiging walong taong gulang sa buwan ng Agosto. 5. Sina Gregorio at Maria Tolentiono ang aking mga magulang
TAYAHIN
A. Isulat nang wasto ang pangungusap. Gamitin ang malaking titik kung kinakailangan.
TANONG
1. ang pangalan ng aking alagang aso ay coconut. 2. darating sa lunes si g. ariel b. padilla. 3. pupuntahan namin si dr. rillera sa bayan ng bolinao. 4. karamihan sa mga pilipino ay katoliko.5. sina precious, pearl, at pauline ay magkakapatid.
1. Ang pangalan ng aking alagang aso ay coconut. 2. Darating sa Lunes si G. Ariel B. Padilla. 3. Pupuntahan namin si Dr. Rillera sa bayan ng Bolinao. 4. Karamihan sa mga Pilipino ay Katoliko.5. Sina Precious, Pearl, at Pauline ay magkakapatid.
TANONG
B. Punan ng tamang bantas ang mga sumusunod na pangungusap.1. Alin kaya dito sa mga damit ang magugustuhan ni Lucy____2. Bumili ako ng saging sa tindahan ni Aling Maria____ 3. Dalhin mo ito bukas sa simbahan____ 4. Nasusunog ang bahay namin____ 5. Magkano ang isang kilong bigas____
1. ?2. . 3. . 4. ! 5. ?
DON'T GIVE UP
TANONG
6. Bilangin mo kung ilan ang nagawa kong kendi____ 7. Maaari mo bang sabihin sa akin ang pangalan ng nanay mo____ 8. Ako ay nasa ikalawang baitang_____ 9. Naku__ Nakalimutan ko ang ID ko____ 10. Magdala kayo ng mga walis at basahan bukas____
6. .7. ? 8. . 9. ! 10. .
DON'T GIVE UP
KARAGDAGANG GAWAIN
A. Ayusin ang mga salita upang makabuo ng isang pangungusap at lagyan ng tamang bantas. Isulat ang sagot sa patlang.
1. ang ay maganda bulaklak 2. matulog bago ka magsipilyo muna 3. Loty si isang magandang bata ay 4. ang bumbero tatay ko ay 5. naglalaro mga bata ang ay
1. Ang bulaklak ay maganda. 2. Magsipilyo ka muna bago matulog. 3. Si Loty ay isang magandang bata. 4. Ang tatay ko ay bumbero. 5. Ang mga bata ay naglalaro.
THANKS!