Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
Ang Dakilang Leader
Eliseth
Created on October 9, 2021
Filipino presentation (Grade 9)
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
View
Akihabara Connectors Infographic
View
Essential Infographic
View
Practical Infographic
View
Akihabara Infographic
View
The Power of Roadmap
View
Artificial Intelligence in Corporate Environments
View
Interactive QR Code Generator
Transcript
Larawan mula sa L.Y.K ni Morgan Chua
Ang Dakilang Leader
Inihanda ni Sebastian Alfred Galang at Princess Loraine Ayas
Ang Dakilang Lider
Sanaysay ni Florence Garcia
Ito ay patungkol kay Lee Kuan Yew, dating Prime Minister ng Singapore na kung saan ipinahayag ni Florence Garcia, ang may akda ng sanaysay, ang kaniyang paghanga at opinyon sa pumanaw na lider.
Sa sanaysay ay nabanggit ang mga sumusunod:
- Si Lee Kuan Yew ay isang pinakanatatangi at dakilang pinuno sa buong bansa. Siya rin ang kauna-unahang Punong Ministro ng bansang Singapore.
- Patuloy na kinikilala si Lee Kuan Yew bilang "Founding Father of the Republic of Singapore."
- Nanungkulan si Lee mula 1959 hanggang 1990.
- Siya ay isinilang noong Septyembre 16, 1923 at pumanaw noong Marso 23, 2015 sa edad na 91.
Inilahad din ni Garcia ang mga sumusunod patungkol kay Lee:
- " Hindi mapapasublian at matatawaran ang kanyang banal na layuning paglilingkod sa bansa, "
- " Sa ilang taon pa lamang niyang pagkakaluklok ay matibay siyang nangampya upang mapasama ang Singapore sa bansang Malaysia na siyang naging daan upang makalaya sa kapangyarihan ng Britanya, "
- Dahil sa alitan sa pagitan ng mga Chinese at Malaysian, napilitan si Lee at ang bansang Malaysia upang maghiwalay. Dahil dito nabuo ang Republika ng Singapore noong 1965.
Ang mga sumusunod naman ay mga pananaw ni Garcia:
- "Aaminin ko, isa rin ako sa nalungkot nang malaman kong siya ay pumanaw na dahil may ilang beses na rin akong pinalad na makarating sa bansang Singapore, "
- " At sa paulit-ulit kong pagtapak sa lupaing iyon ay hindi ako nagsasawang pagmasdan ang kanyang kagandahan, "
- " Ang tanging naalala ko na lang ang nakalagay sa Singapore River na higanteng "SG@50," Napag-isip-isip ko na limampung taon pa lang pala ang Singapore. Pero, bakit lubhang napakalaki na ng agwat nito sa Pilipinas, "
- " Isang napakalaking tanong ito sa aking sarili dahil ang kalayaan ng bansang Pilipinas ay ipinahayag noon pang Hunyo 12, 1898. Ilang daan taon na ang pagitan ng dalawang bansa kung ihahambing ang tinatamasang kalayaan ng kasarinlan. Alin sa dalawang bansa ang higit na masasabing malaya?, "
Konklusyon:
Bukod sa mga panayam ni Garcia sa dating ministro ay ikinumpara n'ya rin ang Pilipinas sa Singapore. Katulad na lang ng kalagayaan ng Pilipinas pagdating sa traffic o transportasyon, pati na rin ang kalagayan ng Pilipinas sa usapang politikal. Isinaysay niya rin ang kanyang kalungkutan sa pagpanaw ng ministro. At sa huli ay sinabi niya " Nawa ang lahat ng mamayang Pilipino ay magkaroon na rin ng kusang-palo na disiplinahin ang kanilang mga sarili upang sumunod at tumulong sa matiwasay na implementansyon ng mga ipinapatupad na batas. "
Mga Katanungan:
2 puntos kada isang numero
- Ilang taon ang tanda ng Pilipinas sa Singapore?
- Bakit nakipag hiwalay ang Singapore sa Malaysia?
- Sino ang may akda ng sanaysay?
- Kailan ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas?
- Kailan pumanaw si Lee Kuan Yew?
Katapusan