WIKA AT KULTURA
Julie Bejeras
Created on September 30, 2021
Over 30 million people build interactive content in Genially.
Check out what others have designed:
TALK ABOUT DYS WITH TEACHER
Presentation
ESSENTIAL OILS PRESENTATION
Presentation
ANCIENT EGYPT FOR KIDS PRESENTATION
Presentation
CIRQUE DU SOLEIL
Presentation
YURI GAGARIN IN DENMARK
Presentation
EIDIKO JEWELRY
Presentation
PRODUCT MANAGEMENT IN MOVIES & TV SHOWS
Presentation
Transcript
Ugnayan ng Wika at Kultura at Simu-simula ng wika at ng mga angkang MalayoPolinesyo at Ang Mga Wika sa Pilipinas
Julie Ann J. Bejeras
4. Klasipikasyon ng mga Wika sa Pilipinas
3. Angkang Malayo-Polinesyo
2. Simu-simula ng wika
1. Ang Relasyon ng Wika at Kultura
Mga Nilalaman:
Ang Relasyon ng Wika at Kultura
Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-ugnay sa kanila at nagpatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap ng kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain. (Rubrico, 2009)
Ano ang Kultura?
(Delmirin, 2012)
Dalawang uri ng kultura:
1. Materyal na kulturaBinubuo ng materyal na kultura ang mga bagay na nakikita at nahahawakang pisikal.Nabibilang dito ang mga kasangkapan, kasuotan, kagamitan, bahay at pagkain.
2. Di-materyal na kulturaAng mga kaugalian, tradisyon, panitikan, musika, sayaw, paniniwala at relihiyon, pamahalaan at hanap-buhay ay sumasaklaw sa di-materyal na kultura.
Ano angwika?
Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Ang wika ay ang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. (Gleason)
Ang bawat Wika ay angkop sa bawat Kultura
nasabing pook. Sa katotohanan, ang ganitong pangyayari ay malimit maganap sa mga bansang nasasakop ng ibang bansa. Natural lamang na pairalin ng mananakop ang kanyang sariling wika sa kanyang nasasakupan. Isang halimbawa ay ang bansang Pilipinas na ilang daantaong sinakop ng mga Kastila. Sa panahong iyon ay pinilit ng mga Kastilang pairalin ang kanilang wika upang siyang gamitin ng mga “Indios” na may ibang kultura.
Anupa’t ang bawat wika ay angkop na angkop sa kulturang kinabubuhulan nito. Magagamit din ang isang wikang hindi katutubo sa isang pamayanan ngunit ito’y hindi kasimbisa ng wikang likas sa
Halimbawa
Why, despite more than 300 years of Spanish rule, the majority of Filipinos could not speak Spanish. What could be a possible reason for this? The archipelago was populated by various ethnic groups who spoke over a hundred different languages.
Ang bawat wika ay natatangi
iba iba rin sa lahat ng panig ng mundo. May etnograpikong pagkakaiba rin sapagkat napakaraming minoryang grupo (ethnic groups) ang mga lahi o lipi. (Bernales, et al., 2001) Bawat pangkat ay may kulturang kaiba sa kultura ng ibang pangkat. Ang kultura ng isang pangkat o grupo ay nakatanim na at kusang umuusbong ang isang wikang likas sa kanila.
Bawat wika ay naiiba sa ibang wika. Walang dalawang wika na magkatulad. Ang bawat wika ay may sariling sistema ng palatunugan, palabuuan, at palaugnayan; at may sariling set ng mga bahagi. Dahil sa iba iba nga ang kultura ng pinagmulang lahi ng tao, ang wika ay
Filipino
Ingles
Palaging nauuna ang simuno sa panaguri at hindi nagbabago ang ayos nito dahil anumang pagpapalit ay magpapabago sa kahulugan ng pangngusap. (hal. The child drank the water.)
Nauuna ang panaguri sa simuno sa batayang pangungusap. Karaniwang ayos (hal. Uminom ng tubig ang bata.)
Walang Wikang Superyor sa ibang Wika
anumang gustong ipahayag ng katutubong nagsasalita nito ngunit sa iba-ibang kaparaanan at estilo ayon sa kulturang iniiralan ng nasabing wika. Pinakamabisa sa mga Amerikano ang wikang Ingles para sa kanilang kultura; gayundin ang wikang Niponggo sa mga Hapon, ang Mandarin sa mga Intsik, ang Filipino sa mga Pilipino atbp. Hindi maipipilit ng mga Amerikano na mas mabisa ang kanilang wika kaysa sa mga Pilipino.
Magkakapantay-pantay ang lahat ng wika at kultura. Ito ang iginiit ni Franz Boas ng nagsimula ang ikahuling bahagi ng ika-19 siglo. Binigyang diin ni Boas na kaya ng lahat ng wikang ipahayag ang
Virgilio Almario
Nagsabi na "walang imperyor o superyor na wika sapagkat bawat wika ay may sistema upang tupdin ang pangangailangan ng gumagamit nito at upang umunlad kung nagbabago rin ang buhay at interes ng gumagamit nito.
Ang Wika at Kultura ay Magkabuhol
nangangahulugan din ng pagkamatay o pagkawala ng isang kultura. Ang wika ang siyang pagkakakilanlan ng isang kultura.(Santos, et al., 2009) Sa kultura ng mga Eskimo, may labinlimang (15) katawagan sila sa iba’t ibang kalagayan ng nyebe (snow). Hindi maaaring isang katawagan lamang ang gamitin ng mga Eskimo sa iba’t-ibang kalagayan ng nyebe (snow) sapagkat ang snow ay parte na ng kanilang kultura.
Matalik na magkaugnay ang wika at kultura kaya nga naririnig natin na magkabuhol ang wika at kultura. Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at kultura. Ang pagkawala o pagkamatay ng isang wika ay
Ang Wika at Kultura ay Magkabuhol
Bagama’t isang salita lamang ang ginagamit ng mga Pilipino–nyebe ngunit hindi nangangahulugan na mahinang uri ng wika ang Filipino kung ihahalintulad sa wika ng mga Eskimo. Pansinin din natin na kung mayroon silang iba’t-ibang katawagan sa nyebe wala na man silang mga katawagan tungkol sa pagsasaka.
Sa kabilang dako, hindi rin naman angkop sa ating mga Pilipino na gamitin ang labinlimang katawagan sapagkat wala namang nyebe dito sa bansang Pilipinas. Sa madaling sabi, hindi ito parte ng ating kultura.
Halimbawa:
bahaw
bigas
tutong
kanin
palay
Mahalaga ang wika sa isang bayan, dahil ito ay ang anumang binibigkas o isinulat ng tao upang maipahayag ang kanyang saloobin. Ang kultura naman ay ang mga bagay na tumutukoy sa sa pangkalahatang gawain o aktibidad ng mga sa isang lugar. (Ignacio, 2011)
Kung walang wika, walang bansa sapagkat hindi tayo nakakapagusap o wala tayong komunikasyon sa kadahilanang walang naguugnay sa bawat tao sa isang bansa, Ang wika ay angtagapagbigkis ng isang lipunan. (Buensuceso, et al., 1991)
Ang kahalagahan ng wika at kultura
Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao. Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika. Kung walang wika, walang magagamit na pantawag sa tradisyon at paniniwala,
Kahalagahan ng wika
Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura nating mga Pilipino kung sino at ano tayo.
Simu-simula ng Wika
Antropologo
Naniniwala na ang wika ng kauna-unahang tao sa daigdig ay katulad ng sa mga hayop. Ang mga tao ay hayop din kundi lamang dahil sa kanyang nalinang na wika at kultura na tanda ng kanyang pagaangkin ng higit na mataas na uri ng talino kaysa alin mang hayop. Dahil nga sa likas na talino ng tao sa hayop, napaunlad niya ang kanyang sarili at walang taong may wikang tulad ng sa hayop.
Ikalabindalawang siglo
Sa huling bahagi ng ikalabindalawang siglo, ang mga iskolar ay nagsimulang mag-usisa kung paanong ang tao ay nagkaroon ng mga wika. Dahil dito, lumitaw ang mga teorya ukol sa pinagmulan ng wika.
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-daming teorya ng iba’t ibang tao hindi pa rin maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba’t ibang teorya tungkol sa pinagmulan nito.
4. Yo-he-ho
5. Ta-ta
6. Ta-ra-ra-boom-de-ay
3. Pooh-pooh
2. Ding-dong
1. Bow-wow
Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan.
Teorya ng pinagmulan ng wika
1. Bow-wow
Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing hayop.
Halimbawa ng Teoryang Bow-wow
2. Ding-dong
Kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog.
Halimbawa ng Teoryang Ding-dong
3. Pooh-pooh
Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch! Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?
4. Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ang tunog na nalilikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate, at kapag ang isang babae ay manganganak.
5. Ta-ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. Ito ay isang teorya na nagmula sa wikang Pranses na ang ibig sabihin ay paalam o goodbye. Ang halimbawa ng teoryang ito ay, okay! sang-ayon, di-sang ayon, laban! sugod!
6. Ta-ra-ra-boom-de-ay
Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw atincantation o mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Pinagmulan ng Wika
Lungsod ng Babel at Tore ng Babel – “City of Confusion” at “Tower of Confusion”
Bibliya – Genesis 11:1-9 “Pagkatapos ng malaking delubyo o baha, ang mga angkang nagmula kay Noah ay dumami at lumaganap sa silangan.
Natuklasan ang Babilonya – nagtatag sila ng lungsod, nagsimulang magtayo ng isang napakataas na templong tore.
Bumaba ang Diyos sa lupa – binigyan Niya ng iba’t ibang wika upang hindi sila magkaunawaan.
Angkang Malayo-Polinesyo
Mga Wikang Malayo-Polynesian
Alam mo ba?
Ang mga wikang Malayo-Polynesian ay isang subgroup ng mga wikang Austronesian, na may humigit-kumulang 385.5 milyong nagsasalita. Ang mga wika ng Malayo-Polynesian ay sinasalita ng mga taga-Austronesian ng mga islang bansa ng Timog-silangang Asya at ng Karagatang Pasipiko, na may mas maliit na bilang sa kontinentalAsya.
Legend:
Ang pinaka-kanlurang Mga wikang Oceanic
Halmahera-Cenderawasih
Gitnang Malayo-Polinesyo
Sunda-Sulawese
Bornean
Pilipino
Angkang Malayo-Polinesyo
Ang mga wikang katutubo sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin ay mga Wikang Austronesyo (Austronesian Languages). Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malayo (Malayan Peninsula) hanggang sa mga bansang napapaloob sa Polynesia
Borneo
Batavia
Mindanao
Bauca
1. Vowels- The vowel systems of Austronesian languages are very simple with 4-5 vowel phonemes (a,e,i,o,u).2. Consonants- Most Austronesian languages have between 16 and 20 consonant phonemes. 3. Stress- Stress in most Austronesian languages can fall on any syllable of a word. It is unpredictable, and serves to differentiate the meaning of otherwise identical words or different forms of a word, e.g., díla ‘tongue’ and dilá ‘big talker’ in Batak Toba spoken in Sumatra. 4. Nouns- Nouns are not marked for gender. In some languages, only some nouns borrowed from Spanish are marked for gender, e.g., in Ilocano doktór (masculine) and doktóra (feminine).
Istruktura ng Wikang Austronesian
Plural can be expressed in two ways: (1) by a plural form of the article, e.g., in Ilocano, ti baláy ‘the house’ and dagití baláy ‘the houses’; (2) by reduplication, e.g., in Bahasa Indonesia anak ‘child’ and anak anak ‘children.’5. Pronouns- Most Austronesian languages distinguish two forms of ‘we’: an inclusive form that includes the listener, and an exclusive form does not. Many languages of the Philippines also have an special dual inclusive form which means ‘you and me’. Some Oceanic languages have a dual number, e.g., ‘we two,’ ‘you two,’ etc.6. Vocabulary- The vocabulary of Austronesian languages is of common Austronesian stock with borrowings from other languages such as Arabic, Sanskrit, Portuguese,Spanish, Dutch, and English. The sources of borrowing vary from language to language.
Istruktura ng Wikang Austronesian
Polynesian Languages
Iisa lamang ang pinagmulan ng iba’t ibang sistema ng pagsulat na ginagamit noon sa kapuluan, ang unang sistema ng pagsulat na ito ng mga Pilipino ay buhat sa Alifbata ng Arabia, na nakaabot sa Pilipinas, daang India, Java, Sumatra, Borneo, at Malaya.
Ang pangkat na lumikas sa Indonesya ang siyang nakaabot sa Pilipinas at sa iba pang kapuluan sa Pasipiko.
Ang mga rehiyong nasa baybay-ilog ng Kanlurang Tsina at hangganan ng Tibet ang orihinal na pinagmulan ng Kulturang Indonesyo. Ang paglikas ng mga tao ay nahati. Isang pangkat ay lumikas na pakanluran patungong Indiya, Indo-Tsina, at Indonesya.
Baybayin
Alibata
Alpabetong Arabiko tulad ng pagkakakilala sa silangan. Unang dalawang titik sa alpabetong arabiko; alif (a) at bata (b). Nagmula sa abjad family
Ang kabuuan ng lahat ng titik ng isang wika. Ang sinaunang alpabeto ng mga Pilipino. Nagmula sa Brahmic family.
Alifbata
Ipinalalagay na pumasok ang Alifbata sa Pilipinas nang maitindig ang emperyo ng Madjapahit sa Java sapagkat noon mabilis na lumalaganap ang impluwensiya ng Malay sa pulu-pulo mula Java hanggang sa Pilipinas.
Ang lingua franca ay tumutukoy sa wikang ginagamit ng mga tao mula sa iba’t ibang grupong etnolinggwistiko na sumasalamin sa pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa ibang bansa ayon sa wika, kultura, at etnisidad.
Ang ganitong palagay ay mapananaligan sapagkat ang BAHASA MELAYU (Malay) na pinaniniwalaang nagmula rin sa Alifbata ay naging lingua franca sa Timog-Silangang Asya sa pagitan ng A.D.700 at A.D. 1500.
Halimbawa
Ilokano- sa hilagang LuzonTagalog- sa Tmog Luzon at sa buong kapuloanng Pilipinas.Cebuano- sa silangang Bisaya at sa malakingbahagi ng Mindanao.
David Thomas at Alan Healey
Sina David Thomas at Alan Healey (1962) ng Summer Institute of Linguistics ay nagsagawa ng pananaliksik tungkol sa kung papaano lumaganap sa Pilipinas ang iba’t ibang wikang ating nakikilala sa ngayon. Sila ay naniniwala na nahahati sa tatlong panahon ang malakihang paglaganap sa kapuluan ng mga wikang buhat sa angkang Malayo-Polinesyo.
Thomas at Healey
Pitong pangalan na ginamit sa pagpapangkat-pangkat ng mga wika sa Pilipinas (ayon kina Thomas at Healey ng Summer Institute of Linguistics, Anthropological Linguistics, Vol. 4, No. 9)
Noong 1100 B.C., ang Philippine Superstock ay nahati sa Philippine Stock at iba pang wika sa Timog Luzon, tulad ng Ivatan, Ilongot, at Baler Dumagat
Ang Northern Philippine Family, noong 200 B.C., ito ay nahahati sa mga sumusunod na pangkat ng wika: Inibaloi, Ifugao, Kankanai, Bontoc, Kalinga, Ilokano, Tinggian, Isneg, Ibanag, Atta, Gaddang, at Agta
1. Southern Philippine Family
Ang Southern Philippine Family, noong 110 B.C. ay nahahati sa mga sumusunod na pangkat ng wika: Sambal, Tagalog, Pampangan, Bicol, Cebuano, Butuanon,Surigao, Kalagan, Mansaka, Batak, Cuyunon, Maranao, Maguindanao, Binukid, Dibabaon, Western Bukidnon Manobo, Southern Bukidnon Manobo, at Subabon.
Pitong pangalan na ginamit sa pagpapangkat-pangkat ng mga wika sa Pilipinas
3. Philippine Superstock
2. Northern Philippine Family
Ang wikang Filipino ay sinasabing nagmula sa Malay Stock na nahaluan ng ibang wika katulad ng Intsik, Amerikano, Espanyol at Arabo.
Noong 700 B.C. ang Philippine Stock ay nahati sa tatlo: - Northern Philippine Family (ang mga wika sa lalawigang bulubundukin, Ilocano at ang mga wikang lumaganap sa kahabaan ng Ilog Cagayan - Southern Philippine Family- noong 100 B.C. - Pangasinan
7. Malay Stock
Ang chamic family ay ang pangkat ng mga wikang sinasalita sa Vietnam at Cambodia na inuri bilang isa sa mga wika ng Kanlurang Indonesia.
4. Southern Mindanao Family
Sinasalita ng mga Bagobo, B'laan, T'boli, at Tiruray. Ang mga grupo ng tao sa katimugang baybayin ng pulo ng Mindanao sa Pilipinas. Dating naiuri bilang isa sa mga wika ng Timog Mindanao, ang Giangan (Klata) ay itinuturing na pangunahing sangay ng mga wika sa Pilipinas (Zorc, 2019).
Pitong pangalan na ginamit sa pagpapangkat-pangkat ng mga wika sa Pilipinas
6. Philippine Stock
5. Chamic Family
Noong 1300 B.C. ang malalaking pangkat ng mga wikang kilala sa uring Proto-Indonesian ay nahati sa “Philippine Superstock,” Southern Mindanao Family/Bilaa, Tagabili, at maaaring kasama rito ang Tiruray/, at isang angkan na kasama ang Malay at ang “Chamic Family” ng Vietnam.
1300 B.C
Klasipikasyon ng mga Wika sa Pilipinas
Ang Ilokano at Pangasinan ay isinama niya sa pangkat ng Iloko-type, samantalang ang Tagalog, Bicol, Hiligaynon, at pati na Cebuano at Waray ay kasama sa pangkat ng Tagalog-type. Ang Kapampangan ay nasa pagitan ng dalawang pangkat na ito.
Sa klasipikasyon ni Conklin 1952 ay pinangkat niya ang ilang wika sa Pilipinas sa dalawa: Iloko-type at Tagalog-type, batay sa korespondensya ng mga tunog at iba pang katangiang panlinggwistika.
Klasipikasyon ng mga Wika
Ang Glottochronology ay isang paraan ng pagtaya kung anong petsa o panahon nahiwalay ang mga anak na wika sa kanilang inang wika, at gayundin, kung anu-anong petsa nakahiwa-hiwalay o nagkawatak-watak ang nasabing mga anak na wika pagkatapos mahiwalay sa inang wika.
Ang isa pang pagtatangka sa pagklasipika ng mga wika sa Pilipinas na ginagamit din ng lexicostatistics ay ang kina Fox, Sebley, at Eggan 1953. Gumawa sila ng panimulang GLOTTOCHRONOLOGY para sa Katimugang Luzon.
Klasipikasyon ng mga Wika
Halimbawa
Consider the opening lines of this poem by Chaucer written circa 1360. (The spelling has been standardized, and a modern rendition given to the right): Almightly and all mercyable queen [Almighty and merciful queen], to whom that all this world fleeth for socour [to whom everyone in the world runs to for help], to have release ofsin, of sorrow, and teene [for release from sin, sorrow, and hurt].
Ang Northern Luzon Type, anila pa, ay mahahati pa rin sa mga sumusunod: Northern Division, Central Division, Southern Division, Southeastern Division.
Sang-ayon sa kanila, ang halos lahat ng mga wika sa Katimugang Luzon, matangi sa Ilongot, ay mapapangkat lamang sa isa.
Klasipikasyon ng mga Wika
Nahahawig sa isinagawang pag-aaral nina Thomas at Healey ang naging resulta ng pag-aral ni Dyen, matangi sa isang pagkakaiba: Hindi tinanggap ni Dyen na malapit ang relasyon ng Tagalog at Kapampangan. Sinabi niyang higit na malapit ang Tagalog sa Cebuano at Kuyunon kaysa Kapampangan.
Ang isinagawang pag-aaral ni Dyen, kinikilalang pinakapangunahing lingwistika ng wikang Malayo-Polinesyo sa mga wikang Austronesian ay mababanggit din dito. Lexicostatistical din ang paraang ginamit ni Dyen, kasama sa kaniyang pag-aaral ang 60 wika sa Pilipinas.
Klasipikasyon ng mga Wika
Klasipikasyon ng mga Wika
2. Ang Tagalog ay higit na malapit sa Kapampangan kaysa Cebuano o Bicol.
1. Ang Tagalog, Kapampangan, Cebuano, at Bicol ay higit na magkakalapit sa isa’t isa kaysa Ilocano at Pangasinan na magkalapit din sa isa’t isa
MaramingSalamat!