Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

Dr. Jose Rizal

G13 Rustia, Xerynnah

Created on September 10, 2021

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Transcript

listahan ng mga impormasyon

Dr. Jose Rizal

José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda

Araw ng kapanganakan:Hunyo 19, 1861Lugar ng kapanganakan: Calamba, Laguna Palayaw: "Pepe" ,"Jose" Araw ng kamatayan: Disyembere 30, 1896 (edad 35) Manila, Philippines

mga Samahan

Kilalang mga Akda

La Solidaridad

Noli Me Tángere

La Liga Filipina

El Filibusterismo

Miyembro ng pamilya

MGA MAGULANG: Don Francisco Mercado Doña Teodora Alonso Realonda

MGA ANAK: (1) Saturina Mercado (2) Paciano Mercado (3) Narcisa Mercado (4) Olympia Mercado (5) Lucia Mercado (6) Maria Mercado (7) Jose Mercado (8) Conception Mercado (9) Josefa Mercado (10) Trinidad Mercado (11) Soledad Mercado

Dagdag kaalaman

1. Pinagaling ni Rizal ang kanyang sarili sa tuberculosis at kalaunan ay kinilala bilang isang dalubhasa sa tuberculosis.

2. Siya ay naging isang magaling na iskultor kahit sa isang murang edad.

3. Si Rizal ay 160 taon na ngayong 2021.

listahan ng mga impormasyon

Dr. Jose Rizal

  • Bininyagan noong Hunyo 22, 1861 ni Padre Rufino Collantes
  • Si Padre Pedro Cazanas ang kanyang ninong sa binyag
  • Pambansang bayani ng Pilipinas dahil sa pagiging magiting na nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas.
  • Nakilala sa kanyang mga akda na Noli Me Tángere (Touch Me Not) at El Filibusterismo (The Reign of Greed)
  • Ang mga librong ito ay nagmulat sa mata ng maraming Pilipino na ilan sa naging ugat ng himagsikan para sa kalayaan ng Pilipinas.
  • isiniwalat niya ang karahasan, korupsiyon, at masasamang gawain ng mga prayle at opisyal na Espanyol.
  • Ang pamilya nina Rizal ay isa sa mga pinakasikat at pinakamayaman sa kanilang bayan.
  • Maliban sa pagiging ordinaryong bata noon siya ay naiiba dahil sa pagiging matalinong bata
  • Ang unang guro ni Rizal ay sina: Teodora Alonso, kaniyang tiyahin, at si Justiniano Aquino Cruz
  • Noong edad 3 si Rizal, natutunan na niya ang alphabeto habang sa edad 5 marunong na siyang magbasa at magsulat
  • Noong edad 11 si Rizal ay nag-aral sa Ateneo pero bago pa siya magsimulang mag-aral doon ay tinanggihan muna siya ng paaralan
  • nag-exam din siya sa Colegio de San Juan de Letran dahil sa hiling ng kanyang tatay pero kalauna’y sa Ateneo Municipal de Manila siya pumasok
  • Tumanggap siya ng karangalang sobresaliente or outstanding.
  • Ipinagpatuloy ni Rizal ang pag-aaral niya sa Ateneo para makakuha ng degree sa land surveyor and assessor. Kasabay nito ay kumuha rin siya ng pre-law course sa University of Santo Tomas kung saan nagtapos din siya ng may excellent mark.
  • Nang malaman ni Rizal na mabubulag ang kaniyang nanay, nagdesisyon siyang mag-aral ng medisina sa UST at kunin ang kursong ophthalmology.
  • Ang mga nagpatibok sa puso ni Rizal ay sina: Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela, Leonor Rivera, Consuelo Ortiga y Rey, Seiko Usui, Gertrude Beckett, Suzanne Jacoby, Nellie Boustead, at Josephine Bracken (asawa ni Rizal; nagkaroon sila ng anak pero namatay rin ito pagkasilang sa kaniya)
  • Si Rizal, ayon sa mga eksperto, ay maliit at hindi kagwapuhan kaya baka magtaka kayo kung bakit kahit ganoon ay marami pa rin siyang babaeng napapaibig. Ito ay dahil sa magaganda at natatanging katangian ni Jose Rizal. Si Rizal kasi ay makisig, matapang, matalino, mapagbigay, at mapagmahal sa pamilya at Inang Bayan.
  • Propesyon ni Jose Rizal: Author, Poet, Revolutionary, Polymath, Scientist, Journalist, Novelist, Opthalmologist, at Visual Artist
  • Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta sa oras na 7:30 ng umaga
  • Humiling siya na barilin siyang nakaharap ngunit hindi ito pinahintulutan
  • Segunda Katigbak
  • Si Seguna ang kauna-unahang pag-ibig sa talambuhay ni Dr Jose Rizal. Nag-aaral noon si Segunda sa parehong paaralan kung saan nag-aaral ang babaeng kapatid ni Rizal kaya madalas siyang pumupunta sa La Concordia College para “bisitahin” daw ang kaniyang kapatid pero sa totoo, ay upang masilayan si Segunda.
  • Leonor Valenzuela
  • Si Leonor o mas kilala bilang Orang ay kapitbahay ni Rizal sa Intramuros noong siya’y nag-aaral sa UST. Nagsusulatan sila ng liham at sinasabing gumagamit daw si Rizal noon ng invisible ink para hindi mabisto ang kaniyang liham dahil noo’y nililigawan niya rin ang isa pang Leonor na si Leonor Rivera. Ayon sa ilang akda, hindi raw ganoon kalalim ang pagtingin ni Orang kay Rizal kaya hindi umusbong ang kanilang relasyon.
  • Leonor Rivera
  • Si Leonor Rivera ang itinuturing na pinakamatamis at pinakamasakit na pag-ibig sa talambuhay ni Dr Jose Rizal. Siya ay pinsan ni Rizal dahil anak si Leonor ng pinsan ng tatay ni Rizal.
  • Bata pa lang sila nang sila’y magkakilala at nagsulatan sa loob nang dalawang taon noong nasa Europa si Rizal hanggang sa hindi na lang sumagot si Leonor sa mga sulat nito. Ayaw daw ng ina ni Leonor kay Rizal kaya niloko niya si Leonor at sinabing engaged na si Rizal sa ibang babae kaya nagpakasal si Leonor kay Henry Charles Kipping na isang English railway engineer.
  • Consuelo Ortiga y Rey
  • Ang isa sa mga tulang isinulat ni Rizal ay ang A La Señorita C.O. y R na inialay para kay Consuelo. Kaya lang, hindi umusbong ang relasyon nila dahil nagpaubaya si Rizal sa kaibigan niya na may gusto rin noon kay Consuelo, at dahil engaged pa si Rizal noon kay Leonor.
  • Seiko Usui
  • Si Seiko, o O-Sei-San kung tawagin ni Rizal ay nakilala niya sa Tokyo. Nagtatrabaho sila sa iisang kompanya noon kaya sila nagkakilala at nabuo ang pagtitinginan. Matapos ang isang buwan, naghiwalay sila dahil pupunta na ng San Francisco sa Amerika si Rizal.
  • Gertrude Beckett
  • Si Gertrude o Gettie ay anak ni Charles Beckett na landlord ni Rizal sa London noong May 1888. Sabi sa ilang akda, si Gettie ang talagang may malalim na pagtingin sa dalawa. Madalas niyang tinutulungan si Rizal sa mga kailangan nito.
  • Suzanne Jacoby
  • Si Suzanne naman ay isang Belgian na pamangkin ng landlady ni Jose Rizal sa Brussels. May ilang beses din silang lumabas pero hindi raw ganoon kalalim ang pagtingin ni Rizal para kay Suzanne kaya hindi natuloy ang relasyon.bago umalis si Rizal, binigyan daw siya ng isang kahon ng tsokolate pero hindi ito binuksan ni Suzanne. Kinuwento ito ni Suzanne sa liham niya para kay Rizal at sinabihan pa na sana ay bumalik siya sa Brussels.
  • Nellie Boustead
  • Si Nellie ay anak ng British businessman na si Eduardo Boustead. Matagal nang kaibigan ni Jose Rizal ang pamilya Boustead. Dumating pa nga raw sa punto na balak nang mag-propose ni Rizal kay Nellie pero marahil ito ay dahil lubos siyang nasaktan sa pagpapakasal ni Leonor Rivera sa iba. Hindi natuloy ang relasyon nila dahil ayaw raw ng ina ni Nellie kay Rizal.
  • Josephine Bracken
  • Si Josephine ang asawa at huling pag-ibig sa talambuhay ni Jose Rizal. Taga Hong Kong si Josephine at pumuntang Pilipinas kasama ang adoptive father niya upang ipagamot ang mata nito. Nang walang makitang pagamutan ay dumeretso siya kay Rizal dahil noo’y sikat na si Rizal na doctor. Doon ay ipinagamot niya ang tatay niya kaya sila nagkakilala ni Rizal . Nagkaroon ng anak pero namatay din.

listahan ng mga impormasyon

Dr. Jose Rizal

References

Dr. Jose Rizal

https://www.zenrooms.com/blog/post/talambuhay-ni-jose-rizal/

https://filipiknow.net/jose-rizal-facts/

https://www.slideshare.net/JonasTayag/buhay-ni-rizal-14635923

https://www.britannica.com/biography/Jose-Rizal

https://ourhappyschool.com/literature/noli-me-tangere

https://kahimyang.com/kauswagan/articles/735/today-in-philippine-history-july-3-1892-dr-jose-rizal-founded-the-la-liga-filipina

https://twitter.com/joseriz15155899

https://www.timetoast.com/timelines/evolution-of-media-in-the-philippines-13f8bdb3-6ab7-4aa6-b661-53fb1a0c8f64

G10

English words translated to tagalog gamit ang google translation

Ginawa ni: Xerynnah Rustia