Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Kuwento, Usapan ,Teksto, Balita at T

raul.garcia

Created on August 7, 2021

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Vaporwave presentation

Animated Sketch Presentation

Memories Presentation

Pechakucha Presentation

Decades Presentation

Color and Shapes Presentation

Historical Presentation

Transcript

Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Kuwento, Usapan ,Teksto, Balita, at Tula

Mahalagang matutunan ang pagsagot sa mga tanong tungkol sa kuwento, usapan ,teksto, balita, at tula, dahil sa pamamagitan nito maipakikita ang pag-unawa rito.

TANDAAN:

Mga Salitang Ginagamit sa Pagtatanong

Ito ay sumasagot sa ngalan ng tao lamang. Halimbawa: Sino ang iyong guro sa Filipino? Sagot: Ang guro ko sa Filipino ay si Ginoong Garcia.

SINO

Ito ay sumasagot sa ngalan ng bagay at pangyayari. Halimbawa: Ano ang paborito mong kulay? Sagot: Ang paborito kong kulay ay Asul.

ANO

Ito ay ginagamit sa tanong upang matukoy ang pinangyarihan o lugar kung saan ginaganap ang kilos. Halimbawa: Saan ka nag-aaral? Sagot: Ako ay nag-aaral sa Jose Rizal University.

SAAN

Ito ay tumutukoy sa panahon. Halimbawa: Kailan ka ipinanganak? Sagot: Ako ay ipinanganak noong Hunyo 17, 2011.

KAILAN

Ito ay ginagamit kapag humihingi ng kadahilanan ng pangyayari. Halimbawa: Bakit sumakit ang ngipin mo? Sagot: Sumakit ang ngipin ko dahil kumain ako ng maraming kendi.

BAKIT

Ito ay ginagamit para masagot ang pamamaraan sa isang kilos o sitwasyon. Ito ay dagdag na pagpapaliwanag sa isang proseso. Halimbawa: Paano mo nalaman ang bahay namin? Sagot: Nalaman ko ang bahay ninyo sa pamamagitan ng pagtatanong ko sa nanay mo..

PAANO