Full screen

Share

Show pages

3
Sa Higaan (Para kay Elizer)
ni Ernesto Carandang

Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

Sa Higaan

Mond Verana

Created on August 5, 2021

DLSU-D

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Transcript

Sa Higaan (Para kay Elizer)

ni Ernesto Carandang

Sa higaan na singlawak ng karagatan nilangoy ko ang saysay ng dalas ng mga yakap at halik mo na puspos ng paglalambing na di tinuro.

Sa higaan na singtahimik ng karagatan ko sinisid ang katuturan ng katahimikan ng iyong pag-idlip na likas sa pasipiko ang ligamgam ng dibdib.

Sa higaan na singdalisay ng karagatan ko inipon ang yaman ng pagmamahal nang kung ilang taon na sinagot mo ng walang katapusang pag-alon.

At sa pag-iisa ko ngayon nalaman sa higaang tila karagatan na ang kalawakan, katahimikan at kadalisayan na ating pinagsaluhan ay may hangganan.

WAKAS

Next page

genially options