Kakayahang Komunikatibo
Mond Verana
Created on August 3, 2021
DLSU-D Senior High School Fililpino
More creations to inspire you
Transcript
Kakayahang komunikatibo
module 5
Inihanda ng mga Guro sa Komunikasypn
Ang kakayahang komunikatibo ay ang kasanayan ng isang tao na maunawaan ang natatanggap na mensahe at epektibong makapagbigay ng tugon sa paraang naaangkop sa isang sitwasyon. Higit na tinitingnan dito ang kaangkupan ng konteksto kaysa sa usaping gramatika.
Layunin nitong gawing malinaw at mabisang maiparating ang mensahe at agarang makakuha ng angkop na tugon. Sinusulat dito kung natamo ang layunin ng interaksyon gamit ang tama at angkop na wika.
Kakayahang Komunikatibo sa Kontekstong Filipino Dr. Christian George C. Francisco
Mga Layunin sa Pagtatalakay ng Paksa1. Mailahad ang konsepto ng kakayahang komunikatibo sa konteksto ng wikang Filipino; 2. Mabatid ang esensya nito sa pang-araw-araw na pakikisalamuha at pakikisangkot sa pasalitang pandiskurso; at 3. Magamit ang kakayahang ito tungo sa pagkamit ng mahusay na pakikipagdiyalogo.
Kakayahang komunikatibo
Pindutin ang mga Interactive Elements
1
2
3
Ang kakayahang pangkomunikatibo o “communicative competence” ay nagmula sa lingguwistang si Dell Hymes (1966). Ito ay nilinang niya kasama si John Gumperz mula sa lingguistic competence ni Noam Chomsky. Nauukol sa kakayahan sa aktwal na paggamit ng wika sa mga tiyak na pagkakataon.
Lingguistic Competence
- Isinulong ito ni Noam Chomsky
- Kaalaman ng tao sa sistema o estruktura ng kaniyang wika na nagbubunsod ng paggamit niya rito nang tama.
- Kakambal nito ay ang Pagpapamalas Lingguiwistiko.
Dell Hathaway Hymes
- Isang lingguwista at antropologo
apat na pangunahing kakayahang komunikatibo
1. Kakayahang Lingguwistiko / Istruktural / Gramatikal
Pindutin ang mga Interactive Elements
1
2
3
4
5
Mungkahing component ng kakayahang lingguwistiko o Kakayahang Gramatika (Celce-Murica, Dornyei, at Thurell 1995) 1. Sintaks (Pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan)
- Estruktura ng pangungusap
- Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
- Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong, pautos, padamdam)
- Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan, langkapan)
- Pagpapalawak ng pangungusap
2. Morpolohiya (Mahalagang bahagi ng salita tulad ng iba’t ibang bahagi ng pananalita)
- iba’t ibang bahagi ng pananalita
- Prosesong derivational at infectional
- Pagbuo ng salita
3. Leksikon (Mga salita o bokabularyo) a. Pagkilala sa mga: i. Content words (pangalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay) ii. Function words (panghalip, mga pang-ugnay tulad ng pangatnig, pang-ukol, pang-angkop) b. Konotasyon at denotasyon c. Kolokasyon (pagtatambal ng salita at isa pang subordinate na salita) d. Semantika
4. Ponolohiya o Palatunugan a. Segmental i. Katinig, patinig, tunog b. Suprasegmental i. Diin, intonasyon, hinto
5. Ortograpiya a. Mga grafema i. Titik at di titik b. Pantig at palapantigan c. Tuntunin sa pagbaybay d. Tuldik e. Mga bantas
2. Kakayahang Sosyolingguwistiko
Pindutin ang mga Interactive Elements
1
2
- Ang kakayahang sosyolingguwistiko ay naglalarawan sa kakayahan ng mga indibidwal na makamit ang atensyon ng madla. Halimbawa nito ay ang pagsasambit ng isang salita ngunit kumpleto na ang kahulugan tulad ng pagsabi ng “Sir!” o “Hoy!”
- Kakayahang magamit ang wika sa isang kontekstong sosyal. Ayon sa dalubwika, ito ay isang batayang matatawag na interdisciplinary sapagkat binubuo ng iba’t ibang salik panlipunan.
4. Kakayahang Diskorsal
Pindutin ang mga Interactive Elements
1
2
3
4
Ang sumusunod ay dimensiyon ng Kakayahang Diskorsal 1. Konteksto Tulad ng inilahad ni Hymes sa kaniyang SPEAKING theory, tungo sa ikatatagumpay ng isang pakikipagtalastasan, mainam na makita ang kabuoang konteksto (settings, participants, ends, acts, keys, intrumentalities, norms, at genre). Sa pamamagitan nito maaaring mapaangat ang sensibilidad ng dalawang nag-uusap.
2. Kognisyon
- Tumutukoy sa wasto at angkop na pag-unawa sa mensahe ng mga nag-uusap. Bahagi ng kognisyon ang oryentasyon at kulturang kanilang kinabibilangan.
3. Komunikasyon
- Ang dimensyong ito ay tumutukoy sa berbal at di-berbal na paghihinuha ng mga impormasyon.
4. Kakayahan
- Likas sa mga tao ang pagkakaroon ng kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Ang mga ito ang siyang pangunahing kailangan sa mahusay na pagdidiskurso.
Dalawang anyo / uri ng komunikasyon
1. Komunikasyong Berbal
Pindutin ang larawan
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng salita o wika sa pagpapahayag ng saloobin ng isang tao sa paraang pasalita o pasulat man. Kongkretong anyo rin ito ng komunikasyon dahil tiyak at espisipiko ang pagpaparating ng mensahe na nagtataglay ng tagong kahulugan, ito ay masasabi pa ring kongkreto dahil ang katiyakan ay tumutukoy sa salita at hindi sa mensahe.
2. Komunukasyong Di-Berbal
Pindutin ang larawan
Ito ay hindi ginagamitan ng salita o anumang wika sa halip ay kilos, galaw, ekspresyon ng mukha, simbolo, kulay, tono o timbre ng boses, mga tunog, at iba pa.
Mga Uri ng di-berbal na komunikasyon
1. Haptics (Haplos)
Pindutin ang larawan
Tumutukoy sa pagpapadama gamit ang paghaplos sa taong kinakausap.
- Halimbawa: Ang isang matalik na kaibigang bumagsak sa isang pagsusulit, ang ginagawa ng kaniyang kaibigan ay hinaplos ang likod o kaya’y tinatapik sa balikat upang ipakita ang pagkakaroon ng pag-asa. Maaari rin namang paghaplos sa ulo bilang tanda ng pagbangon at pagbibigay pag-asa.
2. Oculesics (Mata)
Pindutin ang larawan
Di-berbal na tumutukoy sa gamit ng mata. Gamit ang ating mata, mahusay tayong nakapaglalahad ng ating emosyon.
- Halimbawa: Ang paglaki at panlilisik ng mata ng isang tao ay nangangahulugang galit ito. Samantala, ang pagpungay naman ng mata ay nangangahulugang kawalang-lakas o pagkaantok.
3. Objectics (Bagay)
Pindutin ang larawan
Minsan gumagamit tayo ng mga bagay tungo sa mas mabisang paglalahad ng mensahe.
- Halimbawa: Mabilis na pagdampot ng anumang bagay pagalit ang isang tao upang maipukol lamang sa taong kinaiinisan nito. O dili naman kaya’y ang biglaang pagtatanggal ng sinturon ng ama na panghagupit sa kaniyang anak na nakagawa ng pagkakasala.
4. Olfactorics (Ilong o Pang-amoy)
Pindutin ang larawan
Gamit ang pang-amoy, batid din natin ang paglalahad ng mensahe.
- Halimbawa: Kahit na nakapikit ang ating mga mata, alam natin kung ano ang amoy ng sinigang at ng adobo. Kung ikaw naman ay nasa loob ng LRT o MRT, batid mo rin kung may hindi kanais-nais na amoy ang katabi mo kahit na nakaidlip ka.
5. Kinesics o Kinetics (Galaw ng Katawan)
Pindutin ang larawan
Tumutukoy naman ito sa galaw ng katawan. Likas na ito kaninuman, kadalasan nang walang kamalayan ang mga tao na nakapaglalahad sila ng mensahe sa kaniyang kapwa sa pamamagitan ng paggalaw ng iba’t ibang bahagi ng kaniyang pangangatawan.
- Halimbawa: Ang pagtango na nangangahulugan ng “Oo”.
6. Colorics (Kulay)
Pindutin ang larawan
Ang kulay naman ay nagtataglay rin ng anyong pagpapakahulugan. Bagama’t sa kasalukuyang panahon, hindi na ito masyadong binibigyang-pansin.
- Halimbawa: Madalas na iniuugnay ang kulay asul sa lalaki at kulay pink naman sa babae. Ang dilaw ay para sa Liberal Party at kulay pula ay para naman sa mga partido ng UNA.
7. Vocalics (Tunog ng Likha ng Tao)
Pindutin ang larawan
Tumutukoy naman ito sa tunog na nalilikha ng tao. Hindi ito nangangahulugang paggamit ng salita, dahil tulad ng nabanggit kanina, berbal na komunikasyon ang paggamit ng salita. Ang vocalics ay tumutukoy sa tunog.
- Halimbawa: Ang pagsusot bilang pantawag pansin sa tao. Ang “pag-ehhemmm” ng guro kapag may nakita siyang mag-aaral na nangongopya o lumingon sa katabi habang nagsusulit.
8. Chronemics (Oras o Panahon)
Pindutin ang larawan
Oras o panahon naman ang tinatalakay sa chronemics. Kung saan, bawat tao sa isang lipunan ay may oryentasyon kaugnay sa oras o panahon na mayroon sila.
- Halimbawa: Kapag sinabing alas diyes ng umaga, alam na nating lahat na ito ay oras na upang magmiryenda o mag-agahan. Kapag narinig naman natin na buwan na ng Pebrero, agad na pumapasok sa ating isipan na panahon na ng mga puso.
9. Proximics (Distansya)
Pindutin ang larawan
Distansya naman ang klasipikasyong ito ng di-berbal ng komunikasyon. Maaari nating malaman ang relasyon ng dalawang taong magkausap batay sa distansya nila. Subalit hindi ito nangangahulugang accurate sa lahat ng oras.
- Halimbawa: Magkasintahan halos sobrang dikit sa isa’t isa, magkaibigan may kaunting pagkakalapit, at magkagalit na malayo ang distansya sa isa’t isa.
10. Pictics (Mukha ng Tao) –
Pindutin ang larawan
Mukha ng tao ang gamit sa uri ng di-berbal na ito. Hindi maiiwasan na makagawa o makalikha ang ating mukha ng iba’t ibang paggalaw. Sa Ingles, tinatawag itong “Facial Expression”.
- Halimbawa: Ang paglipat-lipat mula kanan, kaliwa, taas, at pagbaba ng kilay at labi ng tao ay nangangahulugan ng pagiging iritado nito.
11. Paralangauage
Pindutin ang larawan
Mas higit pa nais ipakahulugan ng mensaheng nais iparating. Ibig sabihin may mga tao na nagpapahayag ng kanilang mensahe sa pamamagitan ng berbal na komunikasyon subalit higit pa roon ang nais iparating bunsod marahil ng kanilang damdamin.
- Halimbawa: Magkasintahang mayroong usapan na magkikita sa SM, dumating ang isa sa kanila na lagpas na sa oras ng usapan, kaya tinanong siya nito ng “Anong petsa na?”
Kalikasan at Istruktura ng Wikang Filipino
1. Ponolohiya
Pindutin ang mga interactive elements
1
2
3
- Alinmang wika sa buong mundo ay binubuo ng mga tunog na may partikular na sanligan o pattern ng pagsasaayos para ipahayag ang nasa isipan at damdamin. Magiging madali at malinaw ang pag-aaral sa alin mang bahagi o antas ng wikang Filipino kung sisimulan natin ang ating pag-aaral sa mamagitan ng pagsusuri ng istruktura at kabuuan ng mga tunog.
Ponetiks
- Sa karaniwang kahulugan, ang ponetiks ay pag-aaral tungkol sa wastong pagbigkas ng mga tunog.
Ponemiks
- Kailangan dito na malaman natin ang wastong pagsasama-sama ng mga indibidwal na tunog o segment sa pagbuo ng mga salita upang mas maintindihan at lubos na maunawaan ang kahulugan ng salita na tintawag nating ponemiks.
- Mga Suprasegmental
- Tono at Intonasyon
- Tumutukoy sa taas-baba ng bigkas ng pantig ng isang salita. Maaaring gamitinang bilang na (1) sa mababa, (2) sa katamtaman at (3) sa mataas.Halimbawa: Ka-ha-pon (213) – pag-aalinlangan/pagtatanong
- Diin
- Ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay makakatulong sa pag-unawa sa kahalagahan ng mga salita. Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.Halimbawa: BU:hay – Kapalaran ng tao Bu:HAY – humihinga pa
- Hinto o Antala
- Tumutukoy sa saglit na pagtigil na ating ginagawa sa ating pagsasalita. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit (,), dalawang guhit na pahilis (//) o gitling (-).Halimbawa Hindi, malaki – no, it’s big Hindi Malaki – It’s not big
- Haba
- Ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig (a, e, i, o, u) ng isang pantig. Maaaring gumamit ng simbolong tuldok (.) para sa pagkilala sa haba.Halimbawa: Bu.kas – nangangahulugang susunod na araw Bukas – hindi sarado
- Tono at Intonasyon
2.. morpolohiya
Pindutin ang mga interactive elements
1
2
3
- Ang mga nabuong salita at ang mga sangkap nito ang pagtutuunan ng pansin. Ang pag-aaral sa pagkakabuo ng mga salita na tinatawag na morpolohiya.
Morpema
- Pinakamaliit na bahagi ng salita ma nagtataglay ng sariling kahulugan. Hindi dapat ito maipagkamali sa pantig dahil maraming mga pantig na walang sariling kahulugan. Ang morpema ay isang salita o nahagi lamang ng isang salita.
- Morpemang Salitang-ugat / Malayang Morpema
- Ito ay binubuo ng salitang walang kasamang panlapi. Ito ay mga salitang payak. Tinatawag din itong malayang morpema sapagkat nagtataglay ng sariling kahulugan
- Halimbawa: Kahon, baterya, haligi, liha, usok
- Morpemang Panlapi / Di-malayang Morpema
- Kung ang malayang morpema ay may sariling kahulugan gayundin din ang morpemang panlapi. Ngaunit ito ya hindi nakatatayo nang mag-isa at kinakailangan pang isama sa isang malayang morpema upang magkaroon nang ganap na kahulugan. Tinatawag din itong di-malayang morpema.
- Halimbawa: "Maganda" ang salitang-ugat dito ay ganda, ang di-malayang morpema dito ay ang panlaping "ma"
Ponemiks
- Kailangan dito na malaman natin ang wastong pagsasama-sama ng mga indibidwal na tunog o segment sa pagbuo ng mga salita upang mas maintindihan at lubos na maunawaan ang kahulugan ng salita na tintawag nating ponemiks.
- Mga Suprasegmental
- Tono at Intonasyon
- Tumutukoy sa taas-baba ng bigkas ng pantig ng isang salita. Maaaring gamitinang bilang na (1) sa mababa, (2) sa katamtaman at (3) sa mataas.Halimbawa: Ka-ha-pon (213) – pag-aalinlangan/pagtatanong
- Diin
- Ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay makakatulong sa pag-unawa sa kahalagahan ng mga salita. Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.Halimbawa: BU:hay – Kapalaran ng tao Bu:HAY – humihinga pa
- Hinto o Antala
- Tumutukoy sa saglit na pagtigil na ating ginagawa sa ating pagsasalita. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit (,), dalawang guhit na pahilis (//) o gitling (-).Halimbawa Hindi, malaki – no, it’s big Hindi Malaki – It’s not big
- Haba
- Ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig (a, e, i, o, u) ng isang pantig. Maaaring gumamit ng simbolong tuldok (.) para sa pagkilala sa haba.Halimbawa: Bu.kas – nangangahulugang susunod na araw Bukas – hindi sarado
- Tono at Intonasyon
3. SIntaktik
Pindutin ang mga interactive elements
1
2
- Tinatalakay ang tungkol sa ponolohiya at morpolohiya ng wikang Filipino kung paanong ang mga tunog ay binibigkas ng wasto at ito ay pinagsama-sama sa pagbuo ng morpema pati na ang pormal na relasyon nito sa pagbuo ng mga salita bilang mahalagang sangkap ng pangungusap.
- Sa tulong ng mga panuntunan at sistema ng tamang pagsasama-sam ng mga salita, nabubuo ang mga parirala at pangungusap para sa isang mahalagang diskurso kung kaya’t binigyan-diin ang isa pa sa mahahalagang aspektong pangwika – ang sintaktik / sintaksis / sintaks.
salamat!
Anumang katanungan ay ipadala lamang sa MS Teams o Schoolbook