Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
Week 2 and 3 (1st Grading) - Mga Isyung Pangkapaligiran
Gemma Sylvialeen Baesa
Created on July 28, 2021
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
View
Women's Presentation
View
Vintage Photo Album
View
Geniaflix Presentation
View
Shadow Presentation
View
Newspaper Presentation
View
Memories Presentation
View
Zen Presentation
Transcript
Magandang Umaga, Grade 10!
Magandang Umaga, Grade 10!
Ikalawang Linggo ng Unang Markahan
MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN
MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN
Inihanda ni: Bb. Gemma Sylvialeen E. Baesa
Start
Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas. (AP10IPE-Ib-3)
Mga Layunin
Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran
Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa komunidad at sa bansa.
balik-aral: mind mapping
Buuin ang graphic organizer sa ibaba sa pamamagitan ng pagtukoy sa iba't ibang Kontemporaryong Isyu.
Uri ng Kontemporaryong Isyu
Suriin maigi ang larawan.
Suliranin sa solid waste
Solid waste
Tumutukoy ito sa mga basurang nagmumula sa tahanan at mga komersyal na establisyemento, mga non-hazardous na basurang institusyonal at industriyal, mga basura na galing sa lansangan at konstruksyon, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakalalason.
Ang malaking bahagdan ng tinatapong basura ng mga Pilipino ay sa mga tahanan na mayroong 56.7%.
Bahagdan na pinanggagalingan ng solid waste
National Waste Management Status Report, 2015
pagkasira ng likas na yaman
Pagkasira ng Likas na Yaman
Sa kasalukuyan patuloy pa rin ang pagkasira ng likas na yaman. Ang yamang gubat ay isa sa mga lubhang naapektuhan ng pagbabago sa ating bansa.
Deforestation
Tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba't ibang gawain ng tao o ng mga natural na kalamidad.
Kabilang dito ay ang mga:
Illegal Logging o ang ilegal na pagputol ng mga puno sa kagubatan.
Kaingin o Slash and Burn/ Pagsusunog ng Kagubatan Ito ay nakagawian na ng mga magsasaka dahil ang abo ng kahoy ay magsisilbing fertilizer o pampataba ng lupa.
Fuel Wood Harvesting ay ang paggamit ng puno upang panggatong.
Climate Change
Sa palagay mo paano nagaganap ang climate change?
Climate Change
Ayon sa United Nation Framework Convention on Climate Change (UNFCCC), ang climate change ay ang pagbabago ng klima bunga ng natural na dahilan (natural climate variability) at mga aktibidad ng tao (direkta o di-direkta) na nakapagpapabago ng komposisyon ng kalawakan (global atmosphere).
Rebolusyong Industriyal
Ito ay may kaugnayan sa mga kaganapang panlipunan at pang-ekonomiya na humantong sa pagbabago mula sa lipunanang agrikultural at komersyal tungo sa modernong lipunang kultural.
Ang puwersang insdutriyalisasyon ang nakikitang dahilan ng mabilis na pagtaas ng konsentrasyon ng greenhouse gases sa atmospera.
Anu-ano raw ang epekto ng climate change?
Pamprosesong Tanong
Magandang Umaga, grade 10!
Magandang Umaga, Grade 10!
Ikatlong Linggo ng Unang Markahan
Ang Mga Kalamidad
Ang Mga Kalamidad
Start
Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas. (AP10IPE-Ib-3)
Mga Layunin
Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran
Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa komunidad at sa bansa.
Balik-Aral
Pagtapat-tapatin ang mga sumusunod.
Solid Waste
Climate Change
Pagkasira ng Likas na Yaman
Talk Show
Pangkatang Gawain
Panuto: Ang bawat pangkat ay magbibigay ng tig-isang sanhi at bunga ng kalamidad na mapupunta sa kanila.
- Bagyo
- Flash Flood/ Baha
- Lindol
- Storm Surge/ Daluyong
- Pagputok ng Bulkan
- Landslide
- El Niño at La Niña
Kalamidad
Ito ay hindi inaasahang pangyayaring sanhi ng mga proseso sa kalikasan; nagdudulot ito ng pagkawasak ng kapaligiran, pinsala sa ari-arian at panganib sa tao.
Tukuyin kung nasaan ang bulkang Taal.
Pilipinas
- Pacific Ring of Fire - isang rehiyon sa Pacific Ocean na may mga hanay ng bulkan.
- Eurasian at Pacific Plate - nakahimlay rin ang ating bansa rito na kung saan karaniwang nararanasan ang paglindol at pagputok ng bulkan.
- Typhoon Belt - matatagpuan din ang ating bansa rito kaya madalas tayong nakararanas ng bagyo.
Ang kalagayang tectonic at lokasyon ng Pilipinas ang sanhi kaya madalas na nararanasan sa bansa ang mga likas na kalamidad na ito. Dahil dito, isa ang Pilipinas sa itinuturing na hazard prone na bansa.
Ang Mga Uri ng Kalamidad
Flash Floods
El Niño at La niña
Bagyo
Lindol
Storm Surge
Landslide
Pagputok ng Bulkan
Bagyo
- Ito ay isang malakas na hangin at madalas ay may kasama pang malakas at matagal na pag-ulan.
- Ang bagyo o tropical cyclone ay kilala sa iba't ibang katawagan, nakadepende na lamang ito sa lokasyon at lakas: hurricane, typhoon, tropical storm, cyclonic storm, tropical depression at cyclone.
Tinatayang nasa humigit-kumulang 20 hanggang 30 bagyo ang dumaraan sa Philippine Area of Responsibiity (PAR) taun-taon. Dahil ito sa mainit na temperatura ng ating mga katubigan na maaaring pagmulan ng mga bagyo. Dagdag pa rito na nasa direktang bukana ito ng Karagatang Pasipiko.
Ayon sa PAGASA (Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administation may apat na kategorya ang ang tropical cyclone sa Pilipinas. Tropical Depression (Signal No.1) - may sustained winds nasa 61 kilometro kada oras Tropical Storm (Signal No.2) - may sustained winds na 62 hanggang 118 kilometro kada oras. Typhoon (Signal No.3) - may sustained winds na mula 118 hanggang 220 kilometro kada oras. Super Typhoon (Signal No.4) - may sustained winds na higit pa 220 kada oras.
Biglaang Pagbaha o Flash Floods
- Ito ay uri ng baha na nangyayari sa loob lamang ng maikling panahon kaya kadalasan ay hindi napaghahandaan.
- Karaniwan itong nangyayari kapag may malakas na pagbuhos ng ulan dala ng bagyo o kaya naman ay monsoon rains.
Ang pagbaha ay pinalalala ng mga gawain ng tao tulad ng: - Illegal Logging - Maling pagtatapon ng mga basura - Quarrying - Pagmimina
El Niño at La Niña
- Ito ay natural na kaganapan sa karagatang Pasipiko na nagiging sanhi ng pansamantalang pagbabago ng klima ng mundo.
- Dahil dito ang mga bansang nasa Pasipiko ay nakararanas ng matinding tag-init (El Niño) o matinding tag-ulan (La Niña).
Storm Surge
Ito ay ang abnormal na pagtaas ng tubig-dagat na may kaugnay sa low-pressure system gaya ng bagyo. Ito ay dala ng malalakas na hangin na tumutulak sa tubig-dagat patungong dalampasigan.
Lindol
- Ito ay sanhi ng paggalaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo (crust).
- Ang Pilipinas ay nakahimlay sa dalawang pangunahing tectonic plate (Pacific at Eurasian Plate) at nasa Pacific Ring of Fire n atinatawag na Circum-Pacific seismic belt kung kaya nakararanas ito ng mga paglindol.
Ayon sa Philippine Intistute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang mga lindol ng bansa ay may karaniwang lakas na nasa pagitan ng Intensity 1 hanggang Intensity 7. Ang Intesity 7 ay may kakayahan ng pabagsakin ang matataas na gusali at iba pang empraestruktura sa bansa.
Landslide
Ito ay ang pagdausdos ng mga tipak ng bato o debis at putik mula sa matataas na lugar dala ng malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan, pagputok ng bulkan at lindol.
Maaari rin na bunga ito ng labis na pamumutol ng mga puno sa kagubatan at quarrying malapit dito.
Pagputok ng Bulkan
Sumasabog o pumuputok ang bulkan kapag nagiging malakas ang pressure dahil sa mga gas na nagmumula sa ilalim ng lupa. Ang Lateral Blast ay ang uri ng pagsabog ng bulkan na inilalarawan bilang paglabas ng mga malalaking bato mula rito sa mabilis na antas.
Halina't Maglaro Muna Tayo!
Halina't Maglaro Muna Tayo!
https://create.kahoot.it/share/week-3-in-ap-10-pagganyak/6094db1c-d5d3-4fec-bf24-b974e45cc2b3
Salamat sa Pakikinig, Grade 10!
Salamat sa Pakikinig, Grade 10!