Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

Week 1 (1st Grading)- Pambungad: Mga Kontemporaryong Isyu

Gemma Sylvialeen Baesa

Created on July 23, 2021

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Vaporwave presentation

Animated Sketch Presentation

Memories Presentation

Pechakucha Presentation

Decades Presentation

Color and Shapes Presentation

Historical Presentation

Transcript

MAGANDANG UMAGA,

GRADE 10!

Unang Linggo ng Unang Markahan

Prayer Before the Class Starts

Dear God, Father Almighty we worship and praise You for You are the Creator of Heaven and Earth. We are sorry for our sins which sadden You. We thank You for the beauty of nature that inspires us. Thank You for the gift of life and love. Shower us Your mercy and love that we may do Your will today. Help our parents that they may raise us caring and understanding to others. Help us to do act of kindness to others that would be pleasing to You. Amen

Pambungad:

Mga Kontemporaryong Isyu

Inihanda ni: Bb. Gemma Sylvialeen E. Baesa

Magsimula rito!

MGA LAYUNIN

Nasusuri ang kahalagahan ng pagaaral ng Kontemporaryong Isyu.

Naipaliliwanag ang konsepto ng kontemporaryong isyu.

Natutukoy ang ilang mahahalagang isyu sa bansa at lipunang global.

Gawin natin ito!

Pagsusuri ng Larawan

Suriin ang larawan at ipaliwanag sa klase kung tungkol saan ito.

Kontemporaryong Isyu

Isyu

Kontemporaryo

KONTEMPORARYO

Ginagamit ang salitang Kontemporaryo upang ilarawan ang mga isyu o pangyayari na nagaganap sa lipunan.

ISYU

Ang salitang Isyu ay ginagamit naman upang ilarawan ang mga paksa, tema, ideya, usapin o suliraning kinahaharap ng tao na hinahanapan ng kaukulang solusyon o kasagutan.

KONTEMPORARYONG ISYU

Ang Kontemporaryong Isyu ay tumutukoy sa napapanahong pangyayari o paksa na mainit na pinag-uusapan dahil patuloy itong nakaapekto at nakapagpapabago sa estado ng pamumuhay ng karamihan o lahat ng tao.

KONTEMPORARYONG ISYU

Maaaring Uriin sa

Sakop-teritoryal

Salik-estruktural

Home

Salik-Estruktural

Isyung Pangkapaligiran

Isyung Pangkabuhayan

Isyung Politikal

Isyung Kultural

Isyung Panlipunan

ISYUNG POLITIKAL

Tumutukoy ito sa usaping may kinalaman sa distribusyon ng kapangyarihan at sistema ng pamamahala lalo na ang mga kaugnay na mga gawain at pag-aasal na politikal.

Halimbawa

ISYUNG PANGKABUHAYAN

May kinalaman ito sa hanapbuhay at kalagayan, kaunlaran, kaginhawaang ekonomiko.

Halimbawa

ISYUNG PANGKAPALIGIRAN

Tukutukoy ang isyung ito sa pakikipag-ugnay ng tao sa kalikasan. Ito rin ay tumutukoy sa mga paksain kaugnay ng espasyo at pook.

Halimbawa

ISYUNG KULTURAL

Ito naman ay yaong may kinalaman sa kalinangan, halagahin, paniniwala, pag-aasal, pag-uugali, tradisyon at wika ng mga tao.

Halimbawa

ISYUNG PANLIPUNAN

Tumutukoy ito sa mga problema ng pangkat ng mga tao o sektor panlipunan batay sa uri, etnisidad o lipi, pananampalataya o relihiyon, kasarian o seksuwalidad at gulang o henerasyon.

Halimbawa

Sakop-Teritoryal

Isyung Lokal

Isyung Nasyonal

Isyung Internasyonal

PANGKATANG GAWAIN!

Ang klase ay hahatiin sa tatlong pangkat. Gagawin ito sa pamamagitan ng breakout rooms. Ang bawat mag-aaral ay magbibigay ng kanilang ideya tungkol sa paksang ibibigay. Mamimili ang bawat pangkat ng kanilang magiging representante.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU

Mahalaga ang pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu dahil ...

Nakatutulong ito sa paglinang ng kakayahan ng isang indibidwal na maging mapanuri, gumawa ng makabuluhang pagpapasya at makilahok sa mga gawaing panlipunan.

Nakatutulong sa paghubog ng kamalayan ng bawat mamamayan ng bansa at ng lipunang global.

Naitataguyod ang pagiging bukas ang isipan sa pagtanggap ng pagkakaibaiba.

Nagkakaroon ng malalim na pang-unawa sa mga aspekto ng lipunan tulad ng politika, ekonomiya, kultura, heograpiya at iba pa.

Prayer After the Class

Dear God, Father Almighty, we worship and praise You for You are the Creator of Heaven and Earth. Thank You for the strength and intelligence that you have given us. Thank You for the patient, caring and understanding teachers. As we leave this room, protect us along the way until we reach home. Bring our family at the close of the day. Amen

Salamat sa pakikinig!

GRADE 10