Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
HISTORIC PRESENTATION
Kian Rico Montero
Created on July 4, 2021
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
View
Animated Chalkboard Presentation
View
Genial Storytale Presentation
View
Blackboard Presentation
View
Psychedelic Presentation
View
Chalkboard Presentation
View
Witchcraft Presentation
View
Sketchbook Presentation
Transcript
El Filibusterismo- Mga Piling Kabanata
Mga Pang-uring Umaakit sa Imahinasyon at mga Pandama
ika-apat na pangkat
Layunin
3. Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari, at damdamin
1. Nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang mahahalagang pahayag ng awtor/mga tauhan
4. Nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa tulong ng mga pang-uring umaakit sa imahinasyon at mga pandama
2. Naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa nobela na isinaalang- alang ang artistikong gamit ng may-akda sa mga salitang panlarawan
5. Nabibigyang-pansin ang ilang katangiang klasiko sa akda
Balik - tanaw
Panuto: Basahin ang mga pahayag na nakatala sa PAHALANG at PABABA. Gamitin ang letrang nasa krusigma bilang karagdagang palatandaan upang matukoy ang hinihingi sa bawat bilang.
Pababa 1. Ang dumating sa tahanan ni Padre Florentino na may dalang Maleta, duguan, sugatan, malungkot, at anyong pagod na humihingi ng kalinga. 2. Nakaugalian na ng pari na libangin ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagpapatugtog ng malulungkot na awitin gamit ang kaniyang instrumentong pangmusika. 3. Ang asawa ni Don Tiburcio na siyang naging dahilan kung bakit nanatili sa ilalim ng bapor Tabo si Padre Florentino.
Pahalang 4. Isang Pilipino na napilitan lamang magpari dahil sa pakiusap ng ina. 5. Ang pamangkin ni Padre Florentino na kasama niyang nanirahan sa lupang minana niya sa kaniyang ina.
Panitikan: El Filibusterismo
Ang sasakyang dagat na kilala sa tawag na BAPOR TABO sapagkat hubog tabo ay sinasabing mapagpanggap, nagpupumilit itong mag-anyong malinis sa pagpipintura ng puti sa katawan ng bapor subalit makikita pa rin angkarumihan ng kaniyang kabuuan sapagkat laging nalulubak sa putikan. Kasabay ng pagbuga ng maitim na usok ang mabagal nitong pag-usad katulad ng isang pagong na tumanda na sa kaniyang panahon. Malakas din itong sumipol. Sipol na mataginting na tila utos ng isang pinuno sa mga nasasakupan. Sipol-hari nanagpapayuko pati sa mga kawayan. Sipol-higante na nagwawasak pati sa mga salambaw na hawak-hawak ng mga magingisda sa ilog. Bagamat nagpapanggap na makapangyarihan, nagkapatong-patong ang mga gamit at nagkadagan-dagan ang mga sakay nito sa tuwing mababalaho sa mga nakaharang na salambaw. Sa pagkakaayos, ito ay may dalawang lugar ang ibaba at itaas ng kubyerta. Makikita sa ibaba ang mga Indo, Chino at Mestizo na pawisang nagsisiksikan katabi ang mga baul at kalakal. Makikita naman sa itaas na maginhawang nakaupo ang ilang prayle, ilang nakadamit Europeo at ilang kawaning nakatabako habang masayang nagkukuwentuhan at nagmamasid sa napakalinaw na tubig.
Pumapasok na nga noon sa lawa ang bapor at tunay na napakaringal ang tanawing tumambad sa kanilang paningin. Humanga ang lahat. Sa harap, nakalatag ang kaakit-akit na lawa, naliligid ng luntiang pampangin at asul na bundok, kahawig ng isang napakalaking salamin na may kuwadrong esmeralda at sapiro upang masalaminan ng langit. Sa kanan, nakalatag ang mahabang pampangin, lumilikha ng mga look na may kaaya-ayang kurba. At doon sa malayo, may kalabuan ang kawit ng Sugnay. Sa dakong likuran ng harap, maharlikang nakatindig ang Makiling, mahirap limutin, napuputungan ng maninipis na ulap. At sa kaliwa, ang pulo ng Talim, ang Susong Dalaga na may malalambot na kunday at nagpapatunay sa pangalan nito. Isang sariwang simoy ang buong tamis na kumulot sa malawak na mukha ng lawa. Isinalaysay ng kapitan ang alamat ng Ilog Pasig, sinundan ito ng pagsasalaysay ni Padre Florentino ng alamat ni Donya Geronima at sa huli ay ang pagsasalaysay ni Padre Salvi ng alamat ng Buwayang Bato. Bisperas noon ng Pasko nang magtungo si Simoun sa gubat na pag-aari ng kaniyang mga ninuno. May dala-dala siyang panghukay. Ang akala niya ay nag-iisa siya. Huli na nang malaman niyang nakita at nakilala siya ni Basilio.
Kinausap niya si Basilio at ipinagtapat dito ang tunay niyang pagkatao. Siya si Crisostomo Ibarra na noon ay punong-puno ng pangarap, subalit naging biktima ng kasamaan ng simbahan at ng pamahalaan. Umalis siya ng bansa pansamantala, nagpayaman, at ngayon ay nagbalik upang maghiganti dahil sa kaapihang dinanas ng kaniyang pamilya sa kamay ng mga Espanyol. Wika ni Simoun, “Nagbalik ako upang pigilan ang kasamaan ng pamahalaan. Pinaigting ko ang kasamaan ng pamahalaan at binayaang maghirap ang mamamayan upang sila ay magising at maghimagsik.” Binatikos ni Simoun ang paghiling ng kabataan ng pagkakaroon ng Akademya ng Wikang Espanyol. Ito raw ay isang kalokohan. Sinabi niyang mali ang ginawa nina Isagani at Macaraig. Idinagdag pa niyang sinabi kay Basilio na tuluyang umalis sa gubat, “Hindi kita papatayin dahil kailangan kita upang ipaliwanag sa kanila na mali ang inyong hangarin.” Niyaya ni Simoun si Basilio na sumama sa kaniyang binabalak sapagkat pareho lamang silang naging biktima ng pang-aapi. Hindi pumayag si Basilio dahil sa paniniwala niyang hindi na kailanman maibabalik pa ang buhay ng kapatid at ina kahit maghiganti pa siya. Sinagot ni Simoun si Basilio, “Ang hindi paglaban ay hindi kabaitan. Walang mang-aapi kung walang magpapaapi. Puwede ka nilang patayin sa kahit anong oras nilang naisin.” Tinapos ni Simoun ang kanilang pag-uusap sapagkat mag-uumaga na.
Kinabukasan, nagtungo si Simoun sa bayan ng Tiani upang magbenta ng mga alahas. Nakituloy siya sa tahanan ni Kabesang Tales. Nalaman niya ang tungkol sa laket ni Maria Clara kaya pinilit niyang bilhin ito. Ngunit nagulat na lamang siya kinabukasan nang mawala ang kaniyang baril at natagpuan ang isang sulat mula kay Kabesang Tales na kalakip ang laket ni Maria Clara. Natuwa si Simoun sa mga pangyayari. Ilang himagsikan na ang binalak ilunsad ni Simoun subalit hindi ito natutuloy sapagkat iniisip niya si Maria Clara. Umaasa pa rin siya na darating ang panahong makasasama niya ang dalaga. Minamadali na ni Simoun ang pagsasakatuparan ng kaniyang plano sapagkat nabalitaan niyang may sakit si Maria Clara. Wala siyang sinayang na sandali. Nagtungo siya agad sa bahay ni Don Timoteo Pelaez, isang mangangalakal na ama ni Juanito upang sabihing madaliin na ang kasal ng anak sa pamangkin ni Donya Victorina na si Paulita Gomez. Noong panahong iyon, kamamatay pa lamang ni Kapitan Tiyago. Agad na binili ni Simoun ang kaniyang bahay at iminungkahing ayusin ito upang maging handog sa ikakasal, at sabay na iminungkahing doon na gaganapin ang marangyang piging. Imbitado ang lahat ng mayayaman at makapangyarihang tao sa simbahan at pamahalaan. Nakahanda na ang lahat at hinihintay na ni Simoun ang pagdating ni Basilio sapagkat mayroon itong mahalagang papel na gagampanan sa himagsikan
Pumayag si Basilio na sumama kay Simoun sa himagsikan dahil na rin sa malaking utang na loob niya rito. Ayon kay Simoun, kasama nila si Kabesang Tales at ang mga tulisan sa paghihimagsik. Bibigyan din ni Basilio ang mga taong-bayan ng armas at kung hindi sila sasama ay papatayin silang lahat dahil naniniwala si Simoun na ang mga amang duwag ay magbubunga lamang ng mga anak na duwag. Sinabi pa ni Simoun na habang nagkakagulo, papasok si Basilio sa kumbento upang kunin si Maria Clara. Awang-awang ibinalita ni Basilio na kamamatay lamang ni Maria Clara. Umiyak nang umiyak si Simoun. Itinuloy ni Simoun ang himagsikan. Nag-usap sila nang masinsinan ni Basilio at ilang sandali pa ay naghiwalay na ang dalawa. Nagtungo si Simoun sa dating bahay ni Kapitan Tiyago. Nakita niyang dumating na ang bagong kasal; naroon na rin ang mayayaman at mga may kapangyarihan mula sa simbahan at pamahalaan, nakangiti niyang inabot sa bagong kasal ang handog na lampara. Sinindihan niya iyon at saka siya madaling nagpaalam. Hinintay niya ang pagsabog subalit hindi ito naganap. Nabalitaan na lamang na si Simoun ay sugatan. Hinabol siya ng mga guwardiya sibil upang papanagutin sa kaniyang ginawa. Tumakas ni Simoun dala-dala ang kaniyang kayamanan. Hindi siya makapapayag na mamatay sa kamay ng mga Espanyol. Tumungo siya sa tahanan ni Padre Florentino at doon ay nangumpisal bago siya binawian ng buhay.
B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at bigyang-kahulugan gamit ang ilang halimbawang pangyayaring makapagpapatunay na maging sa kasalukuyan ay patuloy na nagaganap sa ating lipunan ang ganitong kalakaran.
Gawain
A. Panuto: Sagutin ang mga tanong.
1. “…ang mga amang duwag ay magbubunga lamang ng mga anak na duwag.” -Simoun
1. Isalaysay ang mga pangyayaring naganap sa buhay ni Simoun.
2. “Ang hindi paglaban ay hindi kabaitan. Walang mang-aapi kung walang magpapaapi. Puwede ka nilang patayin sa kahit anong oras nilang naisin.” -Simoun
2. Batay sa akdang binasa, ano ang mabigat na dahilan kung bakit nais ni Simoun maghimagsik?
3. Paano nakaapekto sa iyong pagkatao ang mga pangyayaring naganap sa akda?
3. “Bakit ko lilingapin ang lipunang wala namang paglingap sa akin?" -Basilio
Next
C. Panuto: Dugtungan ang mga pahayag sa graphic burger organizer gamit ang mga salitang panlarawan upang higit na maunawaan ang nais na iparating na mensahe ng may-akda.
Next
D. Panuto: Ilarawan ang mahahalagang pangyayari sa sumusunod na bilang.
1. Pagpanig ni Basilio kay Simoun 2. Hindi pagsabog ng lampara 3. Pagtakas ni Simoun dala ang kaniyang mga kayamanan 4. Pagkamatay ni Maria Clara 5. Pagtatapat ni Simoun kay Basilio ng kaniyang lihim
SAgot
SAgot
sagot
sagot
sagot
Next
Salamat sa pakikinig!
MGA NAGBIGAY PARTISIPASYON: DONALYN MONTERO PRINCESS BEA MOQUETE HASMIRA ANDATUAN RYZA SHANE TIRADO JOSHUA RABAC JANMARK BUSA ZYX CATOGAL