Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
PAMILI QUIZ
Mark Anthony Cabigas
Created on July 2, 2021
Natatalakay ang mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
View
Christmas Spirit Test
View
Corporate Icebreaker
View
Retro Bits Quiz
View
Sailboat quiz
View
Sailboat Quiz Mobile
View
Bomb Quiz
View
Witchcraft Quiz
Transcript
Pamili QUIZ
Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
QUIZ
Pamili
Panuto: Tukuyin kung anong mga salik ang nakaaapekto sa demandng ramen ni G. Akihiko
start
UNANG TANONG
Tumaas ang aking benta nang sinimulan kong gumawa ng ramen na may iba't ibang flavor tulad ng adobo, sisig at beefstake. Ano kayang salik ang nakapagpataas sa demand ng aking ramen?
Panlasa
kita
Bilang ng mamimili
Ang pagbabago sa panlasa ng mga mamimili ay nakaaapekto sa demand ng isang produkto. Mas malimit tumaas ang demand ng mga produktong bago sa panlasa/hilig/ kinagawian na ng mga mamimili. Magsisimulang bumaba o kaya mag-neutralize ang demand ng produkto kapag naabot na ng mga mamimili ang satiation
IKALAWANG TANONG
Ang mga suki ko sa aking tinadahan ng ramen ay ang mga call center agent sa kalapit na gusali. Napabalita na nagbaba ng pasahod ang kompanyang kanilang pinagtatrabahuan. Simula noon bumaba ang demand ng aking ramen. Anong salik kaya ang dahilan nito?
Panlasa
Bilang ng Mamimili
Kita
Ang pagbabago sa kita ng mga mamimili ay nakaaapekto rin sa demand ng produkto. Ang pagtaas ng kita ay nagdudulot ng mas mataas na demand dahil mas maraming pambili ang mga mamimili. Ang pagbaba naman sa kita ay pagbaba rin ng demand dahil kaunti ang kanilang perang pambili
IKATLONG TANONG
Nitong nakaraan nagtayo ng isang tapsihan sa tapat ng aking tindahan. Mas mura ito ng 20 pesos ng aking ramen. Simula noon bumaba ang demand ng ramen lalo na tiuwing umaga at tanghali kung kailan maraming kumakain. Ano kayang salik ang nakaapekto sa demand ng aking ramen?
Presyo ng Kahaliling Produkto
Inaasahan ng Mamimili
Bilang ng Mamimili
Ang pagbabago sa presyo ng mga Kahaliling produkto ay nakaaapekto rin sa demand ng isang produkto. Pinipili ng mga mamimili ang mga produktong may parehong pakinabang ngunit mas mura ang presyo. Kaya sa pagitan ng dalawang uri ng almusal -- ramen o tasilog-- mas pipiliin ng mamimili ang kahaliling prdukto na mas mura.
IKAAPAT NA TANONG
Sinadya kong itayo ang aking tindahan ng ramen malapit sa isang kolehiyo dahil alam kong estratehiko ito sa pagnenegosyo. Hindi ako nagkamali dahil simula nang magbukas ito ay naging mataas ang demand ng aking ramen. Anong salik ang nakaapekto sa pagtaas ng demand ng aking ramen?
Panlasa
Bilang ng Mamimili
Presyo ng Kaugnay na Produkto
Ang bilang ng mamimili sa isang lugar o lokasyon ay isang malaking salik na nakaapekto sa demand ng produkto. Ang isang produktong ibinebenta sa isang lokasyon na hindi nauubusan ng taong nagdaraan sa isang araw ay pihadong may mataas na demand. Lalo pa kung sigurado ang may-ari na ang malimit na mga tao sa lugar na iyon ay may partikular na hilig sa produktong iyong ipinagbibili. Halimbawa ng ramen sa isang kolehoyong maraming mahilig sa kulturang Hapones.
IKALIMANG TANONG
Bukod sa authentic ramen, nagtitinda rin ako ng cup ramen. Napabalita na magkakaroon ng lackdown dahil sa breakout ng isang virus. Mula noon ay biglang lumipat pakanan ang demand ng aking cup ramen. Ano kayang salik ang dahilan nito?
Inaasahan ng Mamimili
Bilang ng Mamimili
Panlasa ng mga Mamimili
Kung may inaasahang pangyayari ang mga mamimili ay malimit na magkaroon ng biglaang paglipat ng kurba ng demand pakanan. Halimbawa, kung inaasahan ng mga mamimili na malapit na ang pasko, biglaan ang paglipat ng demand dahil magmamadali ang mga mamimili na mamili ng kanilang ihahanda sa takot na maubusan ng suplay o kaya ay magmahal ang presyo.
nagkamali ka
Sundin mo ang landas ng ninja!
Pumili ng iba pa
Arigato!
Start over?