Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
MULTICOLOR INFO
jasmine.manduriao
Created on May 24, 2021
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
View
Akihabara Connectors Infographic
View
Essential Infographic
View
Practical Infographic
View
Akihabara Infographic
View
Interactive QR Code Generator
View
Witchcraft vertical Infographic
View
Halloween Horizontal Infographic
Transcript
Libreng pag-aaral sa kabataan
Edukasyon ngayon
Lahat tayo ay may karapatang mag-aral ngunit hindi lahat ay may kakayahang makapag-aral dahil sa tuition at mga bayarin na kailangang bayaran sa paaralan.
Libreng Edukasyon sa pilipino
Ang edukasyon ay isa sa mga pinaka importanteng bagay sa isang tao, dahil ito ay kailangan upang magkaroon ng maayos na trabaho upang kumita ng maayos at pambili ng mga pangangailangan ng isang tao. Dito sa ating bansa ay maraming mga bata at mga matatanda na hindi nakapag tapos ng pagaaral o hindi nakapagaral nung sila ay bata pa. Kaya ito ang batas na gusto kong gawin upang makatulong sa mga walang kakayahan na makapagaral upang magkaroon sila ng pagkakataon na matuto sa mga paaralan. Maaari na din silang makapasok sa isang magandang trabaho .
Impormasyon at benepisyo
Impormasyon
Ang layunin ng batas na ito ay ang mapagaral ang mga hindi kayang makapagaral. Ang batas na ito ay ipapatupad lamang sa mga hindi talaga kayang makapagaral at gustong magaral. Makakatulong ito sa kanilang future para makahanap ng trabho at magkasweldo para magamit sa pang araw araw na gastusin
Benepisyo
Makakatulong ito para sa kinabukasan ng mga kabataan. Nararapat din na ilaan ang buwis sa edukasyon upang matulungan ang mga magaaral. Kailangan pagtuunan ng pansin ang mga kabataan at iguide sila sa tama.
karagdagang impormasyon
BANG LIBRENG EDUKASYON AY PARA SA LAHAT. Isang Posisyong Papel na tumatalakay sa Republic Act 10931 o mas kilala sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Ikinataba ng puso ng mga mag-aaral ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa batas na naglalayong magbigay ng dekalidad na pang-kolehiyong edukasyon para sa mga Pilipino nito lamang nakaraang Ikalima ng Agosto. Ang edukasyon ay para sa lahat. Sang-ayon sa nakasaad sa 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, Seksyon 1 ‘Dapat pangalagaan at itaguyod ng estado ang karaptan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay sa edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ng gayong edukasyon.’ ibig sabihin, obligasyon ng gobyerno na ibigay ang karapatan at pangangailangan ng mga nasasakupan nito lalo na ang sapat at pinag-isang sistemang pangedukasyon na naaangkop sa pangangailangan ng sambayanan at lipunan. Sumakatuwid, nararapat lang na matamasa ng masa ang libreng edukasyon noon pa lamang. Ang inaasam na libreng matrikula sa kolehiyo ay mistulang naging bato dahil kontradiksyon ng pagsasabatas ng libreng edukasyon, hindi kasama sa makakatanggap ang mga graduate students, post-graduate students, delayed students at ang binansagan ni Senador Ralph Recto na ‘Magna-nine years na sa isang course’ ng libreng matrikula. Kung kaya naman umalma ang ilang mga estudyante ng ilang State Universities. Sa ganitong konsepto, naniniwala sila na ang lahat ng estudyante ay pantay pantay at dapat na maranasan ng lahat ang tinatamasa ng isa. Ang edukasyon ay karapatan. Ayon sa International Human Rights Law, ang edukasyon mula sa primarya hanggang sekundarya ay nararapat na libre. Maging ang matrikula ng kolehiyo ay libre din. Dagdag pa rito, kinakailangan din na ang bawat estado ang siyang unang gumawa ng hakbang para sa pagkamit ng libreng matrikula. Bukod pa rito, nakasaad din hindi dapat ipairal ang konsepto ng kahit anong uri ng diskriminasyon sa larangan ng edukasyon (Talata 38, General Comment) Ang pagsasabatas ng libreng edukasyon ay tagumpay ng bawat Pilipinong mag-aaral gaya ng pagkakakahulugan ng AnakBayan. Ipinahayag naman ng Presidential Spokesperson na si Aquillino Pimentel III na ito ay isang napakahalagang pangyayari sa lkabila ng opresyong nagaganap sa Marawi.
Evaluation Paper
Libreng edukasyon sa mga kabataan na walang kakayahang makapagaral at makapagtapos ng pag-aaral hanggang kolehiyo. Ito ang batas na ipapatupad upang makatulong sa mga kabataan na mayroong pangarap ngunit hindi nila ito magawa dahil sa wala sila kakayahang makapagaral at hindi sila nagkakaroon ng maayos natrabaho kapag sila ay malaki na. Edukasyon ay isang bagay na napaka importante sa isang tao dahil kahit kailan ay hindi ito mananakaw ng kahit na sino mula sa kanila. Magagamit nila ito sa mga darating na panahon upang sila ay matulungan sa mga bagay bagay.