Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

KALAKALANG PANLABAS NG PILIPINAS

ruel agustin

Created on May 3, 2021

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Transcript

Magandang Araw!

Kumusta kayo? :)

Tayo ay manalangin

Panginoon, salamat po sa isang mapagpalang araw na binigay mo sa amin. Salamat po sa kalakasan at pag-iingat. Panginoon, dalangin namin na patuloy mo kaming biyayayaan ng katalinuhan at kalakasan upang maunawaan namin at maisabuhay ang mga aral na aming matututunan. Sa pangalan ni Hesus, Amen.

PAGSISIYASATSA KAPALIGIRAN

Paglalahad ng alituntunin sa klase

A – Ating kapaligiran ay panatilihing malinis

Ba – Bawat tao sa loob ng silid ay dapat na igalang at respetuhin.

Ka¬ – Kapag may katanungan o nais sumagot sa mga tanong ay magtaas ng kamay at hintaying matawag bago ilahad ang nais ipahayag.

Da – Dapat na pumasok sa takdang oras at sikapin na magawa ang bawat gawaing iniatas ng guro.

PAGTATALA NG LUMIBAN AT HINDI LUMIBAN SA KLASE

THROWBACK TIME muna!!!

Ano ang iyong naaalala mula sa nakaraang aralin?

POST KO, REACT MO

PANUTO:Suriin ang mga sumusunod na larawan. Gamit ang mga emoticons, tukuyin ang pangkat na kinabibilangan ng manggagawa na ipinapakita sa larawan. Iguhit ang puso (♥) kung ito ay Manggagawang Pisikal, happy face (😊) kung Manggagawang Mental at sad face (😟) kung nasa Impormal na Sektor.

PAMPROSESONG TANONG?

Ano ang gawaing ipinapakita sa larawan?

Sa anong uri ng manggagawa nabibilang ang gawaing ito? Bakit?

PAMPROSESONG TANONG?

Ano ang gawaing ipinapakita sa larawan?

Sa anong uri ng manggagawa nabibilang ang gawaing ito? Bakit?

PAMPROSESONG TANONG?

Ano ang gawaing ipinapakita sa larawan?

Sa anong uri ng manggagawa nabibilang ang gawaing ito? Bakit?

Ano ang kaibahan nito sa manggagawang pisikal?

PAMPROSESONG TANONG?

Ano ang gawaing ipinapakita sa larawan?

Sa anong uri ng manggagawa nabibilang ang gawaing ito? Bakit?

Ano ang kaibahan nito sa manggagawang pisikal?

KAAYUSAN SA KLASE

Name Bank??? Mysterious Group??? Golden Coins???

PANUTO:

Masdan ang ilustrasyon.Maglahad ng tatlong (3) pinakamahalagang bagay na mayroon ka sa ilalim ng larawan ng tao at isang (1) bagay na nais mong makuha kapalit ng mga bagay na mahalaga sa’yo. Matapos ito ay sagutan ang mga sumusunod na tanong.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong napansin sa larawan?

Pamprosesong Tanong:

2. Anu-ano ang 3 mahalagang bagay na mayroon ka na ibibigay mo kapalit ang isang bagay na nais mong makuha?

Pamprosesong Tanong:

3. Ano ang bagay na nais mo makuha? Ano ang iyong naging pamantayan? Bakit?

Pamprosesong Tanong:

4. Ano ang iyong pagkakaunawa sa salitang barter?

Pamprosesong Tanong:

5. Sa iyong palagay, ano ang pinapakita ng ilustrasyon na ito?

KALAKALANG PANLABAS NG PILIPINAS

Ang kalakalan ay nagaganap hindi lamang sa loob ng isang bansa kundi maging sa pandaigdigang pamilihan. Sa inyong palagay, bakit nagkakaroon ng kalakalang panlabas?

MULI AY BALIKAN NATIN ANG ILUSTRASYON

Pamprosesong Tanong:

Ano ang inyong mahihinuha sa larawang ito?

ANG DALAWANG DALOY NG KALAKALANG PANLABAS

Ibigay ang pagkakaiba ng dalawang daloy na ito:

Pamprosesong Tanong:

Anu-ano ang mga produktong iniluluwas ng Pilipinas sa ibang bansa?

Pamprosesong Tanong:

Ano naman ang mga dayuhang produktong inaangkat natin galing ibang bansa?

Pamprosesong Tanong:

Kung kayo ay bibili ng mga kagamitan, ano ang inyong magiging pamantayan?

Pamprosesong Tanong:

Sa inyong palagay, bakit nagkakaroon ng mataas at magandang kalidad ang produkto?

Mga Dahilan sa Pagkakaroon ng Kalakalang panlabas

PAGKAKAIBA SA TEKNOLOHIYA

May mga bansa na mataas ang antas ng mga teknolohiya para sa produksyon ng mga produkto at serbisyo. Bunga nito, ay mas mabilis at maganda ang kalidad ng kanilang produkto.

PAGKAKAIBA SA PINAGKUKUNAN

Sa inyong palagay, bakit nagiging salik sa pagpapatuloy ng kalakalan ang pagkakaiba-iba sa pinagkukunan ng likas na yaman?

PAGKAKAIBA SA PINAGKUKUNAN

Ang bawat bansa ay may sariling pinagkukunan na likas na yaman.

PAGKAKAIBA SA PINAGKUKUNAN

Ang Pilipinas ay hindi mapalad sa produktong petrolyo at langis, nag-aangkat ito sa Middle East. Gayundin ang mga bansang ito, bumibili sila ng mga produktong wala sa kanilang bansa.

PAGKAKAIBA SA PANLASA

Sa iyong palagay, bakit nagiging dahilan ang pagkakaiba sa panlasa sa pagkakaroon ng kalakalan?

PAGKAKAIBA SA PANLASA

Halimbawa nito ay ang bansang Arabia at Pakistan. Ang dalawang bansang ito ay may parehong bilang ng produksyon pagdating sa karne at isda. Ang mga Arabian ay mas gusto ang isda kaysa karne, samantalang ang mga Pakistani ay mas mahilig sa karne kaysa isda. Ano ang maaari nilang gawin?

PAGKAKAIBA SA HALAGA NG PRODUKSYON

Ang panghuling dahilan ng kalakalang panlabas ay ang pagkakaiba ng halaga sa produksiyon. Sa ganitong sitwasyon, maaaring bumaba ang halaga ng produksiyon ng isang bansa dahil sa economies of scale, subsidy at tax.

PAGKAKAIBA SA HALAGA NG PRODUKSYON

Sa inyong palagay, ano ang kaugnayan ng halaga ng produksiyon sa pagpapatuloy ng kalakalang panlabas?

MGA PATAKARAN SA KALAKALANG PANLABAS

GUess the Words!

PANUTO:Tukuyin ang mga sumusunod na patakaran sa kalakalang panlabas gamit ang mga sumusunod na larawan:

GUess the Words!

Tariff o Taripa

Ang taripa o tariff ay isang buwis na ipinapataw sa mga produktong inaangkat.

GUess the Words!

Quota o Kota

Ang kota ay tumutukoy sa limitasyon o hangganan. Maaaring kotahan ng pamahalaan ang pagpasok ng dauhang produktong kalaban ng ating lokal na produkto.

GUess the Words!

Subsidy o Sabsidi

Ang sabdidi ay isang tulong pinansyal na ibinibigay ng gobyerno upang bumaba ang halaga ng produksiyon sa local na produkto.

Subsidy o Sabsidi

Isang paraan din ng pagkakaloob ng sabsidi ay ang pagpapababa ng buwis sa mga lokal na produkto.

Mga Pandaigdigang SamahanPARA SA KALAKALAN

at

Pamprosesong Tanong:

Sa inyong palagay, ano ang kanilang gampanin sa kalakalang panlabas?

Association of South East Asian Nation

- Bakit ito tinawag na ASEAN?- Magbigay ng mga bansang kasapi sa samahan na ito

Association ofSouth East Asian Nation

Layunin ng ASEAN:• Pabilisin ang paglago sa aspeto ng ekonomiya • Pagsulong ng lipunan • Pagtaguyod ng Kultura at Rehiyon • Pagtagyod ng Kapayapaan • Pagsulong ng Kabuuan ng Asya

Asia-PacificEconomic Cooperation

Ang samahang ito ay binubuo ng mahigit 21 opisyal na bansa kabilang ang Pilipinas at ilan pang bansang bahagi ng Asya.

Asia-Pacific Economic Cooperation

Layunin ng APEC na mapabuti ang relasyon ng bawat kasaping bansa pagdating sa kalakalan ng bawat bansang kasapi nito.

Madami na ba kayong natuklasang mga kaalaman?

GAWAIN 3

Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ang mga ipinapahayag ay maganda o hindi maganda ang dulot sa pakikipagkalan at sa bansa.

1. Pagiging Import Dependent ng isang bansa.

2. Pagbili at pagtangkilik ng produktong lokal.

3. Pagluluwas ng mga produktong agrikultural sa ibang bansa.

4. Pagbili ng mga kagamitang may mataas na kalidad.

MAHUSAY!Ngayon ay dumako tayo sa ilang mga katanungan

Pahalagahan mo naman ako:

Sa pamilihan, ano ang mas pipiliin mong bilhin, ang lokal na produkto na may mababang presyo o ang produktong mula sa ibang bansa na mas mataas ang presyo?

Pahalagahan mo naman ako:

Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang panatilihing matatatag ang mga lokal na negosyo sa Pilipinas sa kabila ng patuloy na pakikipag-kalalakan sa ibang bansa?

COMMUNITY PANTRY

THROWBACK TIME muna!!!

Ano ang iyong mga natandaan sa ating aralin???

PANUTO

Ngayon ay lagumin natin muli ang mga impormasyong ating tinalakay. Unawaing mabuti ang aking mga bibigkasin at tukuyin kung ano ang ipinapahayag. Maaring gamitin ang mga letrang aking ipapahayag upang maging gabay.

KP na tumutukoy sa palitan ng produkto at serbisyo ng bawat bansa. I ay tumutukoy sa pagbili ng mga kalakal mula ibang bansa. E naman ang pagluluwas ng produkto at serbisyo sa karatig bansa.

Ang T ay ang buwis na pinapataw sa dayuhang produkto. Ang tulong pinansyal na ibinibigay ng gobyerno para sa lokal na negosyo ay S . Kapag ang mga produktong dayuhan ay may limitasyo o hangganan, ito ay K .

Handa ka na ba sa ating huling gawain?

PANUTO

Ang samahang pandaigdigan ay may mahalagang gampanin sa pagpapanatili ng maayos at at mabungang kalakalan. Bumuo ng isang samahang pandaigdigan para sa kalakalang panlabas. Isaad ang pangalan ng samahan, layunin, at logo bilang pagkakakilanlan ng samahang iyong gagawin. Ang gawaing ito ay mamarkahan ayon sa sumusunod na pamantayan:

RUBRICS

LAYUNIN (Total of 60%)- Kahalagahan (20 pts)- Kaayusan at Orihinalidad (20pts) - Kalinawan (20 pts)PANGALAN AT LOGO (40%)- Kaayusan at ganda ng gawa (20 pts) - Kaugnayan sa layunin (20 pts)TOTAL OF 100%

Scores sa Golden Coins

Group 1 - Group 2 -

CONGRATULATIONS!

MARAMING SALAMAT!

Inihanda ni:MArjorie V. Padolina