Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
Noli Me Tangere: Kabanata 34
Charnice Nepa
Created on May 3, 2021
presentasyon tungkol sa Noli Me Tangere: Kabanata 34...
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
Transcript
Kabanata 34: Pananghalian
Tagapag-ulat: charnice nepa
Talasalitaan
- Barnaro
- Kondenado
- Tulisan
- Nagdildil
- Namulpol
- Punyal
- Sagrado
- Segunda-mano
- Sulsulan
Buod:
Ipinakita sa kabanata na ito ang buong kuwento sa likod ng trahedyang nangyari sa seremonyas ng panulukang-bato. Katatapos gumayak ni Senyor Crisostomo Ibarra nang dumating ang hindi inaasahang panauhin. Ito ay ang misteryosong si Elias. Hindi pa man nakapagsasalita ang huli ay ipinaabot na kaagad ni Ibarra ang kanyang pasasalamat. “Kulang pa po iyon” mapagkumbabang ganti naman ni Elias. Sa hindi kalaunan ay nag-umpisa na siyang magkwento tungkol sa mga nalalaman niya sa binata. Pinaalalahanan niya si Ibarra na mag-ingat sa mga kaaway na nakapaligid lagi sa kanya. Sinabi din niya na hindi aksidente ang nangyaring pagkalas ng kabriya. Sa halip, ito ay sadyang nakalaan para sa kanyang tiyak na kapahamakan. Tinutulungan ni Elias si Ibarra bilang pagtanaw sa lahat ng kabutihan ng yumaong si Don Rafael. Dahil sa mga ikinumpisal ni Elias ay tinanong niya ito kung kailan sila magkikita muli. Marahan naman itong sinagot ni Elias na “andito lang ako kapag kailangan mo ng tulong ko”.
pagsusuri:
Sa Kabanata 34 ng Nobelang Noli Me Tangere na pinamagatang "Ang Pananghalian", makikita na ang kanser ng lipunan ay ang pagsasalita sa likod ng taong may kinalaman. Habang wala si Padre ay Damaso ay pinag-uusapan siya ng mga tao roon. Ganyang ganyan pa rin ang kalagayan sa lipunan hanggang ngayon. Ang mga tao ay palaging nag-uusap may kinalaman sa buhay ng iba kahit pa nasa sariling bahay pa nito.
aral & mensahe
Hindi lahat ng tao ay nakapagtitimpi at hindi sa lahat ng oras ay mapagpasensya ito, lalo na kung ang pinapatungkulan ng pang-aapi o panglalait ay ang kanyang mahal sa buhay. Katulad ng ginawa ni Padre Damaso kay Ibarra sobrang panghihiya na ang ginagawa nito sa lahat ng naroon noong pananghalian iyon ngunit ng marinig niya ang masamang patungkol ng pari sa kanyang ama ay hindi na ito nakapag pigil pa sinunggaban niya ang pari at hinawakan sa abito nito sabay wika na huwag siraan ang kanyang ama binanggit lahat ni Ibarra ang lahat na kabutihan ng kanyang ama sa mukha ng pari, akma niya itong tatarakan ng kutsilyo mabuti nalang at naawat siya ni Maria Clara. Matuto tayong suportahan ang mga taong may mabuting hangad sa lahat, katulad ni Ibarra na nagpapatayo ng paaralan sapagkat nais niyang makatulong sa kanyang mga kababayan,ngunit si Padre Damaso ay puro pang mamaliit at pintas ang maririnig tungkol sa planong pagpapatayo ni Ibarra ng paaralan hanggang sa arkitektura nito ay pinipintasan ni Padre Damaso ayon sa kanya kahit daw sino ay makapag-iisip ng plano para sa isang paaralan lang, Hindi na daw kailangan pa ng isang eksperto para lamang makapagpatayo ng isang paaralang may apat na dingding at bubong na sawali. At ang tingin niya kay Ibarra ay napakayabang sapagkat nagbabayad ito ng mahal sa mga manggagawang Pilipino. Ang pagtatanim ng butil ng kabutihan ay nasusuklian sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon.
sanggunian
- https://www.panitikan.com.ph/kabanata-34-ang-pananghalian-noli-me-tangere-buod
- https://brainly.ph/question/1368981
- https://brainly.ph/question/2141644