Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

Copy - IM's PANG-URING PAMILANG

Nicole Labendia Nepomuceno

Created on May 2, 2021

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Memories Presentation

Pechakucha Presentation

Decades Presentation

Color and Shapes Presentation

Historical Presentation

To the Moon Presentation

Projection Presentation

Transcript

PANG-URING PAMILANG

Pang-uring Pamilang

ito ay mga salitang nagsasaad ng bilang ng mga pangngalan. Ito ay nagsasaad ng dami o kakauntian ng mga pangngalan inilalarawan.

URI NG PANG-URING PAMILANG

Panunuran

Patakaran

Pamahagi

Pahalaga

Palansak

Patakda

PATAKARAN

Tumutukoy sa karaniwan na bilang. TANDAAN: Isa dalawa, tatlo

HALIMBAWA:

  1. Mayroon akong isang magandang manika.
  2. Kayong dalawa ang pupunta sa Amerika.
  3. Silang lima ang magkakaibigan.
  4. Walong taong gulang na ako.
  5. Dalawampung beses na akong sumubok.

PANUNURAN

Ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng pangngalan. Mayroon itong panlaping- Ika o pang TANDAAN: una, pangalawa, pangatlo? una ikalawa, ikatlo

HALIMBAWA:

1. Ang unggoy ang unang pasyente ng mga ahas. 2. Ikatlong enhineero ang tatay ko. 3. Ako ang pangalawa sa magkapatid.

4. Alin sa kanila ang nasa pang-apat na pwesto?

PAMAHAGI

Tumutukoy sa paghahati o pagbabahagi ng isang kabuuan. TANDAAN: Kalahati (1/2), isang-kapat (1/4)

HALIMBAWA:

1. Kumain ako ng isang-kaanim na piraso ng keyk. 2. Tig-aanim na hiyas ang kanilang tinangay. 3. Kalahating papel lang ang dinala ko. 4. Gumawa ako ng tig-aanim na pangungusap sa bawat uri ng panghalip.

Ibinigay ko sa mga bata ang limang-kaanim na bahagi ng pizza.

PALANSAK

Nagsasaad ng pangkatan, minsanan o maramihan ng pangngalan. TANDAAN: Apatan, pituhan, pito-pito

HALIMBAWA:

  • Isa-isa lang ang bawat kwarto.
  • Dalawahan ang pila sa mga nagpapagamot sa mga ahas.

+info

PAHALAGA

Nagsasaad ng halaga ng bagay na binibili, binili o bilihin.

TANDAAN: Sandaang piso, dalawampung piso, limang milyong piso.

HALIMBAWA: 1. Ang pilak daw na ito ay katumbas ng sandaang libong piso. 2. Sa perang papel na bagong limandaang piso makikita ang larawan ng mag-asawang Ninoy at Cory. 3. Isang milyong piso lang ang natanggap kong tuition fee.

PATAKDA

Tinitiyak nitong ang bilang ay di mababawasan o madaragdagan. TANDAAN: Pipito, iisa, aapat

HALIMBAWA: 1. Sasampung tao lamang nagbantay sa kaharian 2.Aapat na reyna ang papasok sa kaharian. 3.Kulang ang kita sa tao, kaya iisa lang ang magtulong sa mga tao.

SALAMAT PO!

Lorem ipsum dolor

Nicole L. Nepomuceno BSEd Filipino 3A