PORTFOLIO SA FILIPINO PILING LARANG
Magaaral: Santos, Jaira Fate J. Guro: Mrs. Annie Torres
Talaan ng Nilalaman
Katitikan ng Pulong
Mini-Diksyunaryo
Madaming Repleksyon
Panukalang Proyekto
Dyornalistik na Pagsulat
Bionote
Posisyong Papel
MINI-DIKSYUNARYO SA LARANGAN
DYORNALISTIK NA PAGSULAT
Magandang Araw Bayan! Isang bus na sinasakyan ng mga studyante at guro sa paaralang Bulacan University ang naaksidente matapos mabangga nito ang malaking truck na nawalan ng preno habang ang bus ay pauwi na sana ng matapos ang Field Trip nito, July 26, 2020 alasais ng gabi nangyari ang aksidente at nasabing lima ang sugatan at labing pitong mga mag-aaral ang namatay. Hindi na natukoy kung sino ang nagmamaneho ng truck dahil tumakas ang driver nito samantalang ang kasamahan ng driver ng truck ay isa rin sa mga sugatan kaya nakausap ito at sinabing madulas ang kalsada dahil sa matinding pag-ulan kung kaya ay hindi na nakontrol ng driver ang truck hanggang sa bumangga na ito sa kasalubong na Bus. Ngayon ay dinadala na sa Bulacan Medical Center ang ilan pang mga sugatan. Naguulat Jaira Fate Jaradal Santos at kayo'y nakatutok sa Channel 99.
BIONOTE
JAIRA FATE J. SANTOS Nakapagtapos ng kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management, at Bachelor of Science Major in Information Technology, ako rin ay isa ng CEO ng isang kumpanya at nakapagpatayo na ng 5 negosyo kung saan ay may 2 branch sa Bulacan, 2 sa Cavite at 3 sa Maynila. Napagtapos na rin ang kanyang kapatid sa kursong Hotel and Restaurant Management kung saan ay naging katuwang ko na rin sa aking pinatayong mga negosyo, Ako rin ay may masayang pamilya at naahon na rin ang aking mga magulang sa hirap kung saan ay nagpapahinga na lamang sila at wala ng ibang intindihin, Ako rin ay mayroong YouTube Channel kung saan ay kinukuhanan ko ng bidyo ang mga kaganapan o nagaganap sa akin sa araw-araw at sa tuwing ako ay may travel. Nakapagdodonate sa mga charity at mga simbahan lalo na kapag nagkakaroon ng oras sa trabaho ay tumutulong din sa mga ibang nangangailangan. At nagbabahagi ng aking mga natutunan o karanasan sa aking buhay.
KATITIKAN NG PULONG
Ang mga dumalo sa pagpupulong na ito ay sina: Cabrera, Robynne Dela Cruz, Ajhay Garcia, Ericka Guinto, Joana Mae Gutierrez, Jazel Ocampo, Miguel Pangan, Keith Angelique Santos, Jaira Fate Sy, Cai Samantala, ang mga hindi naman nakadalo ay sina: Binuya, Kim Jordan, Angel Oras ng Pagpupulong: 3:00 ng hapon Problemang kinakaharap: Napagalaman na ang ilang mga laruan natin na nanggaling sa manufacturing plants sa China ay nagtataglay ng sobra-sobrang lead content na maaaring magdulot ng isyu sa kalusugan ng mga tao, lalo’t higit sa mga bata. Tinatayang umaabot sa sampung libo ang bilang ng mga apektadong laruan. Solusyon sa nasabing Problema: Gagawa ulit ng mga laruan, ngunit sa pagkakataong ito, ay masinsinan nang tututukan ang bawat prosesong mangyayari sa pagmamanupaktura at sasailalim ang mga ito sa ilang hakbang na magsusuri kung ligtas ba itong ipadala sa mga retailers at ibenta sa merkado. Maaari rin tayong bumawi sa mga gastusing ilalabas upang isaayos ang problema sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sale o buy 1 take one na promo. Oras ng pagtatapos ng Pagpupulong: 4;00 ng hapon.
SCRIPT Robynne: Magandang araw sa ating lahat. Salamat at nakadalo kayo sa pagpupulong na ito bagama’t biglaan. Upang pormal na simulan ang ating pagpupulong, sabay-sabay tayong pumikit at magdasal sa pangunguna ni Bb. Guinto Joanna: Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Panginoon Maraming Salamat po dahil matagumpay kaming nakadalo sa pagpupulong na ito. Sana’y maging matagumpay din at maayos ang aming pulong. Nawa’y gabayan at bigyan niyo po kami ng karunungan para makpag-isip ng mabuting paraan para masulosyunan ang agenda ng pulong na ito. Ito lamang ang samu’t na dalangin namin, sa pangalan ni Hesus, Amen. Robynne: G. Ocampo, paki-tala ang mga pangalan ng lahat ng dumalo. Mangyaring sumagot na lamang kapag natawag ang inyong pangalan. Miguel: *roll call* (“Narito po!”) Ang mga dumalo sa pagpupulong na ito ay sina: [insert names here] Samantala, ang mga hindi naman nakadalo ay sina: [insert names here] Miguel: Ngayon ay opisyal nang magsisimula ang ating pagpupulong sa oras na alas tres ng hapon. Robynne: Para sa kaalaman ng lahat, nagpatawag ng biglaang pagpupulong ang ating kompanya kasama ang mga pinuno ng iba’t ibang departamento at ang mga miyembro ng lupon upang pag-usapan ang naging problema sa ating mga planta na nagmamanupaktura ng mga laruan sa China. Ang layunin natin ngayong araw ay makapaglahad ang lahat ng kanilang mungkahi, makapagplano ng mga hakbang na ating kailangang gawin upang solusyonan ang nasabing problema, at magka-isa sa mga desisyon na gagawin ng ating kompanya. Robynne: Narito si Bb. Santos upang ilahad ang iba pang mahahalagang detalye. Jaira: May nakarating na reklamo sa ating kompanya mula sa isang European retailer, sapagkat napagalaman na ang ilang mga laruan natin na nanggaling sa manufacturing plants sa China ay nagtataglay ng sobra-sobrang lead content na maaaring magdulot ng isyu sa kalusugan ng mga tao, lalo’t higit sa mga bata. Tinatayang umaabot sa sampung libo ang bilang ng mga apektadong laruan. Kung kaya’t kaagad na nagpatawag ng pagpupulong matapos maipaabot sa atin ang nangyaring ito nang sa gayon ay mapag-usapan ng lahat ng nandirito ang mga dapat na gawing hakbang sa pagsasaayos ng gusot na ito. Robynne: Malaya ang lahat na magsalita kung may iba pang mga katanungan hinggil sa nangyari. Malaya rin kayong magbigay ng inyong mungkahi sa mga aksyon na ating kolektibong gagawin. Cai: [nagtaas ng kamay] Kung inyong mararapatin, mayro’n lamang akong katanungan. A: [tumango] Maaari kang magpatuloy, G. Sy. . . Cai: Paanong nangyari ang ganitong klaseng insidente? Hindi ba nababantayan ng ating pinadalang team ang proseso ng manufacturing sa China? Robynne: Base sa ipinadalang report, hindi na masyadong napagtutuunan ng pansin ang manufacturing process sa kadahilanang ang pagpro-produce ng pinakamaraming bilang ng laruan na maaaring ilabas kada araw ang kanilang pangunahing target doon. Noong simula lamang namo-monitor ng ating team sapagkat malaki ang demand sa ating mga produkto. Ajhay: Kailangan nating masolusyonan kaagad ang problemang ito upang hindi malagay sa kapahamakan ang ating mga customer nang dahil sa ating pagkukulang at pagkakamali. Robynne: Tama. Mayroon na bang naiisip ang iba kung paano natin lulutasin ito? Kim: Mahalagang magsagawa tayo ng ating sariling imbestigasyon. I-check ang lahat ng nangyayari sa mga planta sa China upang makasiguro kung saan tayo nagkamali. Mula dito, malalaman natin ang ugat at pinanggalingan ng lahat. Jazel: Kailangan din nating bigyan ng kompensasyon ang mga retailers natin na nakatanggap ng mga laruan mula sa planta. Angel: Mga nasa anong halaga naman kaya ang aabutin ng ating kabuuang kompensasyon? Jazel: Sapat na siguro ang dalawang milyon kada retailer. Bilang mayroon tayong labing lima, aabutin ito ng tatlumpung milyon. Sang-ayon ba kayo sa aking mungkahi? [tumango ang lahat] Ericka: Makipag-ugnayan din tayo sa mga regulatory authorities sa China. Sa pamamagitan nito, lubos na masusuri ang mga prosesong nangyayari sa pagmamanupaktura ng mga laruan. Keith: Iminumungkahi ko rin na maglabas tayo ng mga babala para sa mga magulang at iba pang mga konsyumer na nagsasabing huwag na munang bumili ng mga laruang apektado ng mataas na content ng lead. [tumango ang lahat] Joanna: Nararapat ding magsagawa tayo ng “recall” kung saan natin babawiin at papalitan ang mga laruang may depekto sa bawat retailer na mayroon tayo. Sa pamamagitan nito, makakasiguro tayong hindi na mapapasakamay pa ng mga konsyumer ang mga delikadong laruan. Ajhay: Mayro’n akong katanungan ukol sa isasagawang recall na binanggit ni Bb. Guinto. Ano ang mangyayari kapag katapos natin itong isagawa? Joanna: Naisip ko na tayo ay gagawa ulit ng mga laruan, ngunit sa pagkakataong ito, ay masinsinan nang tututukan ang bawat prosesong mangyayari sa pagmamanupaktura at sasailalim ang mga ito sa ilang hakbang na magsusuri kung ligtas ba itong ipadala sa mga retailers at ibenta sa merkado. Maaari rin tayong bumawi sa mga gastusing ating ilalabas upang isaayos ang problema sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sale o buy 1 take one na promo. Ang mahalaga sa ngayon ay ibalik ang tiwala sa atin ng ating mga customer maging ang perang nawala kahit pa matatagalan tayo sa pagbawi. [LAHAT: tama, tama] Cai: Sa aking palagay, kapag naimbestigahan na ang mga planta at naayos na ang problemang ito, kakailanganin nating kumalalag sa mga suppliers ng mga materyales na ginagamit sa pagmamanupaktura sa China upang makasiguro na hindi na mauulit ang ganitong insidente. [tumango ang lahat] Robynne: Tingin ko’y sapat na ang inilapag na mga mungkahi ng ating mga kasama, mayroon pa bang gustong humabol? [umiling ang lahat] Robynne: Sang-ayon ba ang lahat sa mga inilatag na suhestyon? [tumango ang lahat] Robynne: Kung gayon ay dito na natatapos ang pagpupulong na ito. Salamat sa pagdalo at paglalaan ng inyong oras. Kayo ay kaagad na babalitaan sa mga update ukol dito. Magpapatawag na lamang ulit ng kasunod na pagpupulong sa lalong madaling panahon. Muli, salamat sa inyong lahat. Magkita-kita na lamang tayo sa susunod. [LAHAT: Salamat.]
PANUKALANG PROYEKTO
Paglalahad ng SuliraninKabilang ang Pio Cruzcosa sa lumalaking bilang ng populasyon ng Calumpit lalo na at marami na rin ang naitatayong establisyemento at subdibisyon, tulad na lamang ng La Residencia na matatagpuan mismo sa nasabing barangay. Isa sa kinakaharap na suliranin ng Pio Cruzcosa ay ang paninigarilyo. Madalas sa mga gumagamit nito ay mga jeepney drivers, construction workers ng subdivision, mga menor de edad at tricycle drivers na nakapuwesto mismo sa entrance at exit gate ng La Residencia.Dahil sa panganib na dulot nito sa kalusugan at komunidad, minamabuting makapagpagawa ng isang Designated Smoking Area (DSA) at maipatupad ang proyektong ito sa lugar sa maagang panahon. Malaki ang magiging tulong nito sa pagbabawas ng porsiyento ng polusyon sa hangin at kalupaan, gayundin sa pagpapababa ng eksposyur sa mamamayan ng Pio Cruzcosa sa paninigarilyo. Layunin Layunin ng proyektong ito na makapagpagawa ng Designated Smoking Area at matagumpay na maipatupad sa barangay upang matiyak na ang panukala ay siyang masusunod ayon sa instruksyon ng pagpapatupad at paggamit ayon sa Executive Order no.26 (Providing for the Establishment of Smoke Free Environments in Public and Enclosed Places). Kasama rin sa layunin ng panukalang ito ay ang mapababa ang polusyon sa hangin at lupa nang sa gayon ay habang natutulungan ang tao na mapababa ang panganib sa kalusugan ay matulungan rin ang kapaligiran ng komunidad. Mga Dapat Gawin 1. Pagpaplano at pagsasagawa ng masinsinang diskusyon sa pagitan ng Barangay executives at iba pang mga organisasyon sa loob ng barangay. (2 linggo) 2. Paga-apruba sa naturang proyekto at pagpirma sa kontrata. (7 araw) 3. Pagpapasa ng proposal at summary ng proyekto sa Munisipalidad ng Calumpit, Bulacan. (1 buwan) pag-aantay ng approval mula sa nakatataas na awtoridad at city local agencies/sectors. 4. Paglilik om ng badyet para sa naaprubahang proyekto. (1 buwan at 2 linggo) • Pagso-solicit, paglalabas ng badyet ng barangay at paghahanap ng sponsor. 5. Pakikipagugnayan sa kontraktor. (2 linggo) • pagsusulat ng kontrata at pagsusumite ng proposal mula sa kontraktor para sa pagpapatayo ng DSA. 6. Pagsisimula sa pagpapatayo ng Designated Smoking Area. (2 buwan) 7. Pagsasagawa ng inauguration para sa Enclosed Designated Smoking Area. (1 araw)
Kapakinabangan na Makakuha ng Pamayanan/Samahan ng Naturang Panukalang Proyekto
La Residencia Ang pagkakaroon ng Designated Smoking Area ay magiging makabuluhan sa kabuoang populasyon ng Pio Cruzcosa, Calumpit Bulacan. Matutulungan nito na mabawasan ang eksposyur ng bawat mamamayan sa usok ng sigarilyo gayundin na makasigurado na mapababa ang tsansa sa pagkakarooon ng secondhand smoke cases. Ang mga homeowners ng subdibisyon ay hindi na mababahala sa mga naninigarilyo sa entrance/exit gate dahil mayroon ng tamang lokasyon kung saan lamang pwedeng manigarilyo.Ang usok ng sigarilyo ay hindi na magiging banta sa kalusugan ng matatanda at bata, at ang upos nito ay hindi na magiging sanhi ng polusyon sa lupa at kalat sa kalsada. Ang paglalagay ng signages tulad ng smoking area, no under 18 allowed at graphic warnings na kasama sa DSA ay makatutulong na makapagpabago ng isipan ng maninigarilyo at mabawasan ang menor de edad sa paggamit nito. Sa pamamagitan ng pagpapatayo ng Designated Smoking Area ay muling maibabalik ang disiplina sa bawat mamamayan ng Pio Cruzcosa. Ang polusyon, kalat, at iba pang magiging sanhi ng depekto sa kalusugan at komunidad ay maaari nang maiwasan. Hindi na magiging pakalat-kalat ang mga naninigarilyo sa lugar at hindi na ito magiging banta sa mga lokal na residente at maski sa mga dadayo o tutungo sa lugar ng Pio Cruzcosa, Calumpit Bulacan.
POSISYONG PAPEL
Isang Posisyong Papel Ni Jaira Fate Jaradal Santos "Ang benepisyo ng pagdaragdag ng dalawang taon sa Basic Educational Program o K-12 Program Curriculum ay kaakibat ng madaming opurtunidad kagaya na lamang ng pagkakaroon ng kasanayan at kahandaan bago makatungtong sa kolehiyo, at mapapabuti rin nito ang pagbabago ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas". (Cluster8and9, 2015) Ito’y naging usap-usapin o naging problema ng mga guro,estudyante at lalo’t higit ng mga magulang dahil imbes na kolehiyo na agad ay dinagdagan pa ng dalawang taon upang mahasa pa at makasunod ang ating bansa sa ibang bansa. Ngunit noong naipatupad na ito ay wala ng nagawa ang mga iilan saatin dahil gusto lamang ng gobyerno na maging maayos at hindi maiwan ang ating bansa pagdating sa edukasyon. Hanggang ngayon ay tanong padin ng ilan saatin na: Nakakatulong nga ba ito sa iilan? o Dapat pa ba talagang magkaroon ng dalawang taon na dagdag kung pagaaralan din naman ang mga ito sa kolehiyo?
Ayon sa aking naisaliksik ay malaking tulong ang pagdadagdag pa ng dalawang taon sa edukasyon upang lumawak at marami pa tayong matutunan sa hinaharap benepisyo nito ay madali tayong makakakuha ng trabaho at bukod doon ay marami nadin tayong nalalaman. Kung ako ang tatanungin ay hindi ako sang-ayon dito, sapagkat hindi lahat ay may kakayahan na magpaaral pa ng 6 na taon kung pagkatapos ng dalawang taon ay kukuha pa sila ng 4 na taon upang makakuha ng degree, Marahil nabanggit din ng gobyerno na pagkatapos ng Senior High School ay maari ng makapagtrabaho, hindi rin ito sapat na dahilan para sa iilan, kahit ako ay mas gusto ko na makatapos ng apat na taon sa kolehiyo ngunit hindi sa magkakaroon pa ng dalawang taon, mapagaaralan din ito naman sa kolehiyo. Kung hanggang Senior High School lang ang iyong natapos ay makakakuha ka lamang ng diploma mo sa hayskul dahil sa grade 10 ang certificate na matatanggap mo ay grade 10 completer lamang. Dahil kagaya na lamang ng aking sinabi na hindi lahat ay may kakayanan na magpaaral ng ganon, iginagapang ng mga magulang ang kanilang anak upang makapagtapos lamang upang sa hinaharap ay makakuha ng magandang trabaho at maiahon ang kanilang pamilya sa hirap, at sa panahon natin ngayon nagtataka na lamang ako na bakit kailangan pa ng mataas na pinagaralan kung hindi mo naman magagamit lahat ng iyong natutunan, naniniwala ako na nasa tyaga ito at hindi laging sukatan ang talino sabi nga nila ‘Daig pa ng madiskarte ang matalino’ ngunit kung pagsasabayin mo ang dalawang ito ay mas mabuti upang mas lalo kang umunlad sa iyong buhay. Sakabilang banda ay hindi naman lahat ng pumapasok sa eskwelahan ay nais matuto yun lamang ay base sa aking nakikita, nakakalungkot na hindi man lang nila maisip na nagpapakahirap ang kanilang mga magulang upang sila ay makatapos lamang at ang iba ay walang ganoong oppurtunidad na makapasok, at kung sino pa iyong mga iyong nais makapagaral ay sila pa ang hindi makapagaral.
Samakatuwid, ang K to 12 ay hindi naman lubos na nakatulong sapagkat ito ay nagpatagal pa sa pag-aaral ng mga mag-aaral dahil kung walang K to 12 maaaring marami ng nakapag tapos ngayon at mayroon ng trabaho. Bilang kabuuan, marami pa rin sa atin ang hindi sang-ayon sa pagpapatupad ng K to 12.
MADAMDAMING REPLEKSYON
Ako Dapat Iyon
Masakit na makita na masaya ka na sa piling ng iba, na nung una ay tayo naman ay masaya pa, sinabi mo pa noon na hindi mo ako kakalimutan at ako na ang iyong mamahalin hanggang sa huli nating hininga. Umasa ako na matutupad lahat ng mga pangarap nating dalawa, iniisip ang hiniharap kasama ka.Madami na tayong sinakripisyong dalawa, minahal natin ang isa't isa, pinasaya natin ang isa't isa. Ngunit sa isang trahedya ay nawala lahat na tila ba ako'y isa nalang sa iyong nakilala na kung hindi dahil sakanya ay sana mayroon pading tayo na sa bawat oras o araw ay hinihiling ko na ako nalang sana ulit, o sana ako nalang sya para maramdaman ko ulit yung pagmamahal mo, sabik na sabik ako sa iyo, kung babalik ka man ay tatanggapin ko muli at kung mangyari man ulit yon ay sisiguraduhin ko na mas papasayahin at mamahalin pa kita, ngunit hanggang hiling na lamang lahat dahil hindi na ako ang itinitibok nyang puso mo.
Salamat
Jaira Fate Jaradal santosMUla sa grade 11 ABM C
PORTFOLIO SA FPL
jairafatejaradalsantos1
Created on April 30, 2021
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
View
Audio tutorial
View
Pechakucha Presentation
View
Desktop Workspace
View
Decades Presentation
View
Psychology Presentation
View
Medical Dna Presentation
View
Geometric Project Presentation
Explore all templates
Transcript