Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

pagmamahal sa hayop

Nicole Quinto

Created on April 30, 2021

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Transcript

Ang mga hayop at mahalin at huwag abusuhin

Malaking bahagi ang ginagampanan ng mga hayop sa buhay nating mga tao . Ang mga hayop ang nagsisilbing kasama, alaga, libangan, pangunahing pinagkukunan natin ng pagkain at katulong sa paghahanap-buhay. Tinagurian pa ngang 'man's bestfriend' ang mga alagang aso sa kadahilanang sila ang hayop na pinakamalapit sa tao at itinuturing rin sila ng karamihan sa atin bilang isang matalik na kaibigan.

Pagmamahal sa hayop

Karapatan ng mga hayop na mahalin at alagaan. Karapatan nilang mabuhay, pakainin, linisan at bigyan ng kaukulang pansin

Ang mga hayop kagaya ng aso at pusa ang madalas na ginagawa nating alaga sa bahay. Malaki ang naiaambag nilang tulong sa buhay nating mga tao, ang aso ang ginagawang bantay sa bahay at ginagamit ng pulis sa pagtukoy ng bomba sa pamamagitan ng matalas nitong pang amoy. Habang ang pusa naman ay nakakatulong sa pagpatay ng mga peste sa loob ng bahay. May mga hayop rin na pinagkukunan natin ng pagkain kagaya ng itlog galing sa manok, karne galing sa baboy, baka, kambing at maraming pang iba.

Ang batas na tinatawag na Republic Act No. 8485 na mas kilala bilang Animal Welfare Act ay nagsusulong na pangalagaan ang kapakanan ng mga hayop. Ang batas na ito ay naglalayong maparusahan ang mga taong lalabag sa karapatan ng mga hayop. Ang mga taong nagmamahal sa mga hayop ay maigting na isinusulong at sinusuportahan ang batas na ito. Sa kabila ng malawak na pangongompanya na pangalagaan ang mga hayop dito sa Pilipinas, may mga tao pa ring binabalewala ang adbokasiyang ito, mga taong walang awang tomu"torture" at pumapatay ng mga aso, pusa, ibon at iba pa upang gawing pulutan o gusto lamang silang paglaruan. Pinahihirapan, pinagmamalupitan at inaabuso, halimbawa na lamang diyan ay ang alagang kalabaw na ginagawang katulong ng magsasaka sa pag-aararo ng lupa sa bukid na halos buong araw na pinagtatrabaho sa ilalim ng mainit na panahon.

Huwag nating abusuhin ang karapatan ng hayop tignan niyo na lang ang malaking papel na ginagampanan nila sa ating buhay.Tratuhin natin sila ng wasto at ng may pagmamahal na parang isang pamily ng sanggayon ay magkaroon tayo ng maunlad at maayos na pamumuhay.

Marami sa atin ang itinuturing na bahagi ng pamilya ang mga ito ngunit sa kasamaang palad marami din sa atin ang nilalabag ang kanilang karapatan.