Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

Info graphics

Jesusa Gaspar

Created on April 25, 2021

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Transcript

Florentino T. Collantes

1896-1951

Si Florentino Collantes ay kinilalang duplero ng kanyang panahon at nahirang na Ikalawang Hari ng Balagtasan. Gumamit siya ng sagisag na Kuntil Butil sa kanyang pagsusulat ng mga mapanudyong tula na may pamagat na Buhay Lansangan. Taong 1896 nang isilang si Collantes.

Mga Akda

"Bulalak ng Lahing Kalinis-linisan" - ang dinebate nila Collantes at de Jesus sa unang Balagtasan. "Ang Lumang Simbahan" - Ang pinakatanyag na akda ni Collantes. Naging nobela ito at kasalukuyan ay naging isang pelikula. "Pangarap sa Bagong Kasal" - isang nobela ni collantes Buntot Pagi, Pagkakaisa at Watawat - mga wala nang Tagalog na publikasyon "Ang Magsasaka" "Mahalin ang Atin" "Ang Tulisan" "Ang Labing Dalawang Kuba"

Lope K. Santos

1897-1963

Si Lópe K. Sántos ay pangunahing manunulat at makata, lingguwista, at lider manggagawa. Isa rin siyáng kritiko ng panitikan. Naging aktibo rin si Santos sa politika. Naging gobernador siyá ng Rizal, unang gobernador ng Nueva Vizcaya, at senador ng ika-12 distrito. Ipinanganak siyá noong 25 Setyembre 1879 sa Pasig, Rizal. Anak siyá nina Ladislao Santos at Victoria Canseco (nang lumaon, babaybayin ni Santos ang Canseco gamit ang titik K). Napangasawa niyá si Simeona Salazar. Maagang natuto si Santos ng pag-iimprenta sa kaniyang amang nagtatrabaho sa isang imprenta. Nag-aral siyá sa Escuela Normal Superior de Maestros at Escuela de Derecho sa Maynila at natamo ang kaniyang batsilyer sa sining mula sa Colegio Filipino. Namatay siyá noong 1 Mayo 1963.

Mga Akda

Banaag at Sikat Balarila ng Wikang Pambansa Paggiggera Kundangan Tinging Pahapaw sa Kasaysayan ng Panitikang Tagalog Puso't Diwa Sino Ka? Ako'y Si... 60 Sagot na mga Tula Mga Hamak na Dakila Makabagong Balarila Mga Puna at Payo sa Sariling Wika

CIRIO PANGANIBAN

1896-1955

Sa matipunong kasaysayan ng panitikang katutubo, ang pangalan ni Cirio Panganiban ay namumukod bilang makabagong makata at mandudula sa unang bahagi ng nakaraang siglo. Ngunit madalang ang may pagkakilala sa kanya kumpara sa mga kontemporaryo niya. Kapanahon siya nina Jose Corazon de Jesus, Deogracias Rosario, at Teodoro Gener, mga kasapi sa samahang Ilaw at Panitik. Naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa (1948-1954), si Panganiban ay abogado, propesor sa FEU, mangangatha at makata, at isa sa mga nagsalin ng Codigo Administrativo ng bansa (Panganiban at Panganiban 202, 216). Pumanaw siya noong 1955, kasukdulang krisis ng “Cold War” nang mahati ang Vietnam sa sosyalisting Hilaga at neokolonyang Timog, na pinagbuhatan ng madugong digmaang Indo-Tsina na yumanig sa buong mundo.

Mga Akda

Manika

Sa habang buhay

Three O`clock in the morning