Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
BLANK PRESENTATION
Scot Gerik Zamora
Created on April 19, 2021
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
Transcript
Florante at Laura Buod Kabanata 9: Dalawang Leon (Saknong 108 – 125) Habang nag-uusap si Florante at Aladin ay may dalawang leon hangos nang paglakad. Ngunit kahit ang mga leon ay nahabag sa kalunos-lunos na sinapit, kahit ang bangis ay hindi na maaninag sa mga mukha nito. May takot na naramdaman si Florante dahil nasa harap na niya ang mabangis na kamatayan na kukumpleto sa kasamaang nararanasan niya.
Florante at Laura Buod Kabanata 10: Ang Paglaban ni Aladin sa Dalawang Leon (Saknong 126 – 135)
Nakita ni Aladin ang dalawang leon na mukhang gutom na. Ito ay may mga nagngangalit na ngipin at matatalas na kuko na kahit na anong oras ay maaaring makapatay. Paglaon ay biglang nang-akma ang mga leon ngunit dali-daling umatake na din si Aladin na parang may lumitaw na marte mula sa lupa. Bumabaon ang bawat pagkilos ng tabak na hawak ni Aladin at napatumba niya ang dalawang leon.
Florante at Laura Buod Kabanata 11: Ang Mabuting Kaibigan (Saknong 136 – 145) Nang mapagtagumpayan ni Aladin ang nagbabadyang panganib na dala ng dalawang leon ay agad niyang pinakawalan ang nakagapos na si Florante. Ito ay walang malay at ang katawan ay malata na parang bangkay. Gulong-gulo ang kanyang loob ngunit muling napayapa ng idilat ni Florante ang kanyang mga mata. Sa kanyang pagdilat ay agad niyang sinambit ang pangalan ni Laura.
WAKAS!!!!
Florante at Laura Buod Kabanata 12: Batas ng Relihiyon (Saknong 146 – 155) Nang magising si Florante ay nagitlahanan kung bakit siya nasa kamay ng isang moro. Agad namang nagpaliwanag si Aladin na siya ang tumulong at nagligtas sa kaniya kung kaya’t hindi siya dapat mabahala. Si Florante ay taga-Albanya at si Aladin naman ay taga-Persya. Ang dalawang bayan na ito ay magkaaway ngunit sa ginawang pagtulong at pagkalinga ay naging magkatoto sila.
Florante at Laura Buod Kabanata 13: Ang Pag-aalaga ni Aladin Kay Florante (Saknong 156 – 172)
Binuhat ni Aladin si Florante ng makita nitong lumulubog na ang araw. Inilapag ito sa isang malapad at malinis na bato. Kumuha ng makakain at inaamo si Florante na kumain kahit konti lamang upang magkaroon ng laman ang tiyan nito. Umidlip si Florante habang ito ay nakahiga sa sinapupunan ni Aladin. Kinalinga ni Aladin si Florante buong magdamag dahil sa pag-aakalang may panganib na gumagala sa gubat. Nang magmadaling araw ay nagising na si Florante at lumakas muli ang katawang hapo. Lubos ang pasasalamat ni Florante kay Aladin. Tuwang-tuwa si Aladin at niyakap niya si Florante. Kung nung una ay awa ang dahilan sa pag-iyak ni Aladin, ngayon naman ay napaluha siya dahil sa tuwa.