Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
Report in Filipino sa Piling Larang
jhovs18nuelan
Created on March 10, 2021
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
View
Psychedelic Presentation
View
Chalkboard Presentation
View
Witchcraft Presentation
View
Sketchbook Presentation
View
Genial Storytale Presentation
View
Vaporwave presentation
View
Animated Sketch Presentation
Transcript
Paghahanay ng mga katuwiran at Pagbuo ng Paninindigan sa Posisyong Papel
Tagapag-ulat:Crissel C. Taday Francinne Lynn Hernandez Allysa Denise Petalbo Karl Drew Medina
Posisyong papel
- Ang posisyong papel ay isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu.
- Naglalaman din ito ng mga katuwiran o ebidensya para suportahan ang paninindigan.
- Bukod sa paninindigan at mga katuwiran ng sumulat, mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at mga katuwiran ng kataliwas o katunggaling panig.
Info
Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
Gumawa ng Panimulang saliksik
Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihanay na mga katuwiran
Tiyakin ang paksa
Gumawa ng mas malalim na saliksik
Bumuo ng balangkas
Sulatin ang posisyong papel
Ibahagi ang posisyong papel
1. Tiyakin ang paksa
- May dalawang posibleng paraan kung paano nabubuo ang paksa ng posisyong papel. Una, puwedeng reaksiyon ito sa isang mainit na usaping kasalukuyang pinagtatalunan. Pangalawa, puwedeng tugon lamang ito sa isang suliraning Panlipunan.
Info
2. Gumawa ng Panimulang saliksik
- Matapos matiyak ang paksa, gumawa ng panimulang saliksik. Lalo na kung napapanahon ang isyu, maaaring magbasa-basa ng diyaryo o magtatanong-tanong ng opinyon sa mga taong may awtoridad sa paksa para mapalalim ang pagkaunawa sa usapin.
3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihanay na mga katuwiran
- Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang matimbang ang dalawang posisyon. Mas makabubuting isulat sa papel ang mga katuwiran sa dalawang hanayan para magkaroon ng biswal na representasyon ng mga ito.
Info
4. Gumawa ng mas malalim na saliksik
- Matapos matiyak ang sariling paninindigan sa isyu, maaaring magsagaawa ng mas malawakan at malalimang saliksik tungkol sa usapin. Sa yugtong ito, maaaring pagtuunan na ang mga kutuwiran para sa panig na napiling paninindigan.
Info
5. Bumuo ng balangkas
- Matapos matipon ang mga datos, gumawa ng balangkas para matiyak ang direksyon ng pagsulat ng posisyong papel.
Mga maaaring gamiting gabay ang sumusunod na huwaran:
• Introduksyon
• MGA KATUWIRAN NG KABILANG PANIG
• MGA SARILING KATUWIRAN
• MGA PANSUPORTA SA SARILING KATUWIRAN
• HULING PALIWANAG KUNG BAKIT ANG NAPILING PANININDIGAN ANG DAPAT
• MULING PAGPAPAHAYAG NG PANININDIGAN AT/O MUNGKAHING PAGKILOS
6. Sulatin ang posisyong papel
- Kung may malinaw na balangkas, madali nang maisusulat ang posisyong papel. Kailangang buo ang tiwala sa paninindigan at mga katuwiran.
7. Ibahagi ang posisyong papel
- Walang silbi ang posisyong papel kung hindi ito maibabahagi sa publiko. Maaring magparami ng kopya at ipamigay ito sa komunidad, ipaskil sa mga lugar na mababasa ng mga tao, ipalathala sa pahayagan, magpaabot ng kopya sa mga estasyon ng telebisyon, radio, at iba pang daluyan.
Info
THANK You!