Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
PROYEKTO SA ESP
Mercy Janin Igmilan
Created on February 4, 2021
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
Transcript
PROYEKTO SA E.S.P.
IPINASA NI:IGMILAN, MERCY JANIN T. 9-NITROGEN
DISYUNARYO SA E.S.P.
IPAPASA KAY: GINANG WILMA LIBRADILLA
MABUTI
*Ang mabuti ay ang paggawa ng mga bagay ng tama at naayon para sa sarili at para sa kabutihan ng lahat. Ang pagkakaroon ng isang maayos at payapang pamumuhay ay bunga ng pagiging isang mabuting taong may takot sa Diyos.
HALAGA NG PAGGAWA
*Mahalaga para sa isang tao ang paggawa sapagkat ito ang paraan upang makapaglingkod sa iba at maitaguyod niya ang kanyang dignidad.
TAMA
*Ang tama ay ang pagpili at paggawa ng wasto batay sa isang partikular ng konteksto, kagaya ng lugar, panahon at sitwasyon.
TEKNOLOHIYA
*Isang makabagong bagay ngayong panahon na patuloy na umuunlad. nagpapagaan ng mga gawain ng mga tao.
MAKATAO
*Ang ibig sabihin ng makatao ay ang pagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa kapwa. Ito rin ay ang pag-iwas sa pananakit ng kapwa tao.
INALIENABLE RIGHTS
*Ito ay isang personal na karapatang hawak ng isang indibidwal na hindi iginawad ng batas, kaugalian, o paniniwala, at kung saan ay hindi maaaring kunin o ibigay, o ilipat sa ibang tao, ay tinutukoy bilang "mga hindi matatawarang karapatan.
KARAPATAN
*Ang Karapatan ay isang kakayahan ng isang tao o mamayan ng isang bansa na magdesisyon at gumawa ng mga bagay na may kalayaan. Ang bawat karapatan ay may kaakibat na tungkulin na dapat gampanan.
UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS
*Ang Universal Declaration of Human Rights o UDHR ay isa sa mga pinakamahalagang dokumento sa kasaysayan ng pagkakaroon ng karapatang pantao. Ito ay isinulat ng mga representatives o kinatawan mula sa iba't ibang aspeto ng buhay. Ito ay nabuo at iprinoklama ng United Nations General Assembly sa bansang Paris noong ika 10 ng Disyembre, taong 1948.
KONSENSYA
*Ang Konsensya at tumutukoy sa isip, ang paghusga ng isip kung masama o mabuti ang ating mga ginagawa o kinikilos. Ito rin ang maituturing na batas moral na itinanim ng panginoon sa puso at isip nating mga tao.
TUNGKULIN
*Ang tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao.
DIGNIDAD
*Ang dignidad ay ang karapatan o pagiging karapat-dapat ng isang tao na respetuhin at pahalagahan ng kanyang mga kapwa tao.
LIKAS NA BATAS MORAL
*Ang likas na batas moral ay tumutukoy sa mga batas na ipinagkaloob sa tao bilang tugon sa kaniyang pakikibahagi sa kabutihan at karunungan ng Diyos. Dahil sa mga batas na ito nagkaroon ang tao ng kakayahang kilalanin ang mabuti sa masama.
KAPANGYARIHANG MORAL
*Ang karapatan ay itinuturing na kapangyarihang moral sapagkat ang paggamit ng mga karapatan ay may kakayahang magdulot ng kaligayahan, kapayapaan, at pagkakaisa.
TAO
*Ang tao ang bumubuo sa lipunan. Bilang bahagi ng lipunan, mahalaga ang papel na ginagampanan ng tao. Ang tao ang naghahalal ng mga namumuno sa lipunan. Sa madaling salita, ang tao ang pinakamakapangyarihan sa lipunan sapagkat sa kanila nanggagaling ang pagpapasya kung sino ang nararapat na mamuno sa lipunan at gumamit ng kaban ng bayan.
OBLIGASYONG MORAL
*Ang tungkulin naman ay nangangahulugang mga bagay o gawain na inaasahang matapos o maisakatuparan para sa pansairling kapakanan. Ito ay isang obligasyong moral dahil masasabing ito ay ating responsibilidad bilang tao na makakatulong upang mapaunlad ang ating sarili.
KAMALAYAN
*Ang salitang kamalayan ay galing sa salitang ugat na malay. Ang ibig sabihin ng salitang kamalayan ay kaalaman sa isang bagay. Ang katumbas nito sa wikang Ingles ay awareness.
KARAPATAN SA BUHAY
* Ang Karapatang Mabuhay ay isa sa mga batayang karapatan ng isang tao. Sa Article 3 ng Universal Declaration of Human Rights na pinirmahan at niratipika ng ating Bansa, nakasaad na “ang bawat tao’y may karapatan sa buhay, kalayaan, at kapanatagan ng sarili.” Ito ay hindi lamang batas pantao kundi batas din ng Diyos. Isa nga sa sampung utos ng Diyos ay “huwag kang papatay,”
PANANAGUTAN
*Ang kahulugan ng pananagutan ay responsibilidad na kailangang gawin ng isang tao, institusyon o grupo. Ang pananagutan, kapag hindi ginawa, ay may karampatang mga resulta na karaniwa'y negatibo. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa kahulugan ng pananagutan ay narito.
KARAPATAN SA PRIBADONG ARI-ARIAN
*Isa sa mga karapatang pantao ang pagkakaroon ng karapatan ng mga mamamayan sa kanilang pribadong ari-arian. Narito ang ilang batas na nakasaad sa konstitusyon ukol sa pribadong ari-arian: ARTIKULO 3 SEKSYON 1. Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, or ari-arian ang sino mang tao nang hindi kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas. ARTIKULO 3 SEKSYON 2. Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili, pamamahay, papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng warrant sa paghalughog o warrant sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na personal na pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat ang mayhabla at ang mga testigong maihaharap niya sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyakang tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at mga taong darakpin o mga bagay na sasamsamin.
FIRST DO NO HARM
*Ang ibig sabihin ng "First do no harm" sa tagalog ay wag gagawa ng isang bagay na makakasakit sa iba sa simula palang o simulan ang isang bagay na hindi makakapanakit. Depende sa daloy ng paguusap.
KARAPATANG MAGPAKASAL
*Sa pagdesisyon ng tao namagpakasal, dapat handa na siya sa mga resposibilidad na dapat niyang gampanan tulad ng pagsuporta ng kanyang pamilya, ang suportang financial para sa kinakailangan nila, at ang resposibilidad na gabayan ang kanilang mga anak para hindi sila mapariwara, dapat magbigay sila ng oras para sa mga anak nila upang hindi ito maghanap ng ibang taong makakasama nila na baka makapagbigay ng hindi mabuti sa kanila
KAYAMANAN
*Ang kayamanan ay isang mahalagang gamit o isang ari-arian o di kaya'y isang kariwasan na itinuturing na kayamanan ng isang tao.
KARAPATANG PUMUNTA SA IBANG LUGAR
*Kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o tumira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o komportableng buhay o ligtas sa anumang panganib,tulad ng paglikas ng mga taga Syria upang takasan ang kamatayan o pananakot sa kamay ng Islamic state.
TALENTO
*Ang talento ay biyayang bigay sa atin ng may kapal ito ay tumutukoy sa ating espesyal na kakayahan o kagalingan sa isang bagay. Bawat isa sa atin ng tayo ay isilang ay may talento na tayong tinataglay ito ay dapat lang natin na tuklasin at pagyamanin.
KARAPATANG SUMAMBA O IPAHAYAG ANG PANANAMPALATAYA
*Lahat tayo ay may kinikilalang Diyos na ating sinasamba. Hindi natin kailangang makipagdebate kahit kanino sabihan lang tayo ang maililigtas ng ating mga pinaniniwalaan. Wala sino man sa atin ang puwedeng maghusga na ako at ikaw lang ang anak ng Diyos. Tanging ang ating pananampalataya ang magliligtas sa atin.
PANAHON
*Ang panahon (Ingles: time) ay isang bahagi ng sistemang pansukat para malaman ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at mga patlang sa gitna nila at kung gaano katagal ang isang pangyayari. Ang panahon ay mahalaga sa pag-aaral ng relihiyon, pilosopiya at agham. Sa kasalukuyan, hindi pa rin mabigyan ng kahulugan ang panahon na magagamit sa lahat ng mga sangay ng agham at sipnayan (matematika) sapagka't kahit ang mga dalubhasa ay nahihirapan.
KARAPATANG MAGHANAP-BUHAY
*Ang karapatang magtrabaho ay isang karapatan ng isang tao, ito ay ang karapatang maghanapbuhay o kumita ng salapi para maitaguyod mo ang iyong sarili kasama ang iyong pamilya.. Maging ikaw ay may kakulangang pisikal, ikaw ay mayroon karapatan na humanap at makahanap ng trabaho na maari sayo.
PAGSUPORTA
*Ang pagsuporta ay nangangahulugang pagbibigay ng tulong at gabay sa kapwa. Ito ay paraan ng pagmamalasakit sa ibang tao.
OBHETO
*Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
SAMA-SAMANG PAGKILOS
*Ang kahalagaan ng sam-samang pagkilos ay mas matulin,magagawa ang isang bagay. Mas mapabilis ang proseso.
SUBHETO
*Ang subheto ng paggawa ay ang mismong tao. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa.
SAMA-SAMANG PAGPAPASYA
YOU CAN WRITE A SUBTITLE HERE
TITLE HERE
*Sa pagpapasya kinakailangang isaalang-alang ang kabutihang maidudulot nito hindi lamang sa sarili kundi sa mas nakararami
PAGGAWA
*Ang paggawa ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa.Ang paggawa ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa.
KONSULTASYON
*Ang Konsultasyon ay paghingi ng Gabay o tulong sa isang Eksperto o Awtoridad, upang makabuo ng desisyon o plano upang maisagawa ang isang bagay dahil kailangan natin ang tulong nila sapagkat hindi nararapat na padalus-dalos lamang ang ikikilos at mga desisyon na maaring ikapahamak lamang natin.
PANLIPUNANG DIMENSYON NG PAGGAWA
*Ang paggawa ay isang resulta ng pagkilos ng tao o isang aktibidad ng tao na may layuning tumugon sa mga pangangailangan ng kapwa at ng lipunan. Maaari itong mano-mano o nasa larangan ng ideya. Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa.
IMPORMASYON
*Ang impormasyon ay isang bagay na may kahulugan at konteksto sa tumatanggap nito. Bukod pa rito, ito ay ang anumang detalye ukol sa isang tao, sitwasyon, pangyayari, lugar, bagay, at iba pa. Upang magkaroon ng kahulugan ang isang impormasyon, kailangan itong dumaan sa pag-proseso.
HALAGA NG TAO
*Ang tao ang pinaka matalinong nilikha ng Diyos. Binigyan ng talino upang alagaan ang mga hayop at halaman at mahalin ang kanyang kapwa. Mahalaga ang tao dahil mahalaga siya sa Diyos.
PANLIPUNANG NILALANG
*Ang panlipunang nilalang ay isang termino na ginagamit upang ilarawan ang pagiging sosyal na nilalang ng mga tao. Ayon sa pag aaral, ang mga tao ay kinakailangan ang kapwa upang mabuhay. Dahil dito, ang tao ay makukuha ang kaganapan sa pamamagitan ng pakikiisa sa isang lipunan.
PAKIKILAHOK
* Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang pananagutan. Mula dito makakamit ang Kabutihang Panlahat. Mula sa Pakikilahok, nahuhubog ng tao na mapukaw ang kanyang damdamin at kaisipan na siya ay kasangkot at kabahagi ng kanyang lipunan sa pagpapalaganap ng pangkalahatang kabutihan.
BOLUNTARISMO
* Ang Bolunterismo ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan. • Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit. Ito ay marami ding katawagan tulad ng Bayanihan, Damayan, Kawanggawa o bahaginan. Naiaangat ang pagkatao ng tao at nagiging mapanagutan siya sa kanyang lipunan na nagiging daaan tungo sa kabutihan ng lahat.
Ipinasa ni: Igmilan,Mercy Janin T.
Ipinasa kay: Gng. Wilma Libradilla
salamat po!