Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Reuse this genially

AP LP

jacqueen999

Created on December 27, 2020

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Transcript

Aralin:

Mga simbolo sa mapa ng mga anyong lupa/tubig o estruktura

Umpisahan

Layunin:

  1. Nakikita sa larawan at sa simbolo ng mapa ang ibat-ibang anyong lupa at anyong tubig.
  2. Natutukoy ang pinagkaiba ng bawat simbolo at ang mga kahulugan nito.
  3. Nakagagawa ng sariling mapa ng mga anyong lupa/ tubig o estruktura sa sariling rehiyon.

MAGPATULOY

Mapa

Ito ay isang lapad na modelo ng mundo. Mahalaga ang mapa sapagkat nagbibigay ito ng mga impormasyon tungkol sa mundo sa simple at grapikong paraan. Naipapakita rin nito ang tiyak na distribusyon ng mga kabahayan, mga daan, produkto, at lokasyon ng mga yamang likas ng iba't-ibang lugar sa pamamagitan ng mga simbolo.

Simbolo

Ito naman ay palatandaan ng isang bagay, tanawin, o estruktura na maaaring makita sa isang lugar kung saan nakalagay ang simbolo sa mapa. Mayroong iba't-ibang klaseng simbolo sa mapa at ating pag-aaralan ang ilan sa mga ito.

Buksan ang mga Simbolo

Unang Simbolo:

LAWA

(Lake Holon)

Simbolo ng Lawa sa Mapa

Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapaligiran ng lupain. Habang karamihan naman sa mga lawa sa daigdig ay tubig tabang.

Buksan ang mga Simbolo

Pangalawang Simbolo:

GUBAT

(Kagubatan sa Sierra Madre)

Simbolo ng Gubat sa Mapa

Ang mga gubat o kagubatan ay isang lugar na may malaking bilang ng mga puno. Ang gubat ay isang lugar na tinitirhan ng mga hayop, dito rin nakikita ang iba't-ibang uri ng mga halaman at mga likas na yaman.

Buksan ang mga Simbolo

Pangatlong Simbolo:

KABUNDUKAN

(Mt. Guiting-Guitng)

Simbolo ng Kabundukan sa Mapa

Ang kabundukan ay isang anyong lupa kung saan matatagpuan ang kagubatan at ito ay mas mataas pa sa burol.

Buksan ang mga Simbolo

Pang-apat na Simbolo:

TALAMPAS

(Talampas sa Tagaytay)

Simbolo ng Talampas sa Mapa

Ang talampas na kung minsan ay tinatawag ding mesa ay kapatagan sa tuktok ng isang bundok o anumang lokasyong lupa na mataas kaysa anumang katawan ng karagatan o katubigan.

Buksan ang mga Simbolo

Pang-limang Simbolo:

ILOG

(Allah River)

Simbolo ng Ilog sa Mapa

Ang ilog ay isang malaking likas na daanang tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang isang lawa, isang bukal o pagtitipon ng maliit na mga batis, kilala bilang agos.

Buksan ang mga Simbolo

Pang-anim na Simbolo:

HOSPITAL

(Allah Valley Hospital)

Simbolo ng Hospital sa Mapa

Ang hospital ay isang lugar na kung saan dinadala ang mga may sakit, may malubhang karamdaman, o nangangailangan ng paunang lunas.

Buksan ang mga Simbolo

Pang-pitong na Simbolo:

PAARALAN

(Lagao National High School)

Simbolo ng Paaralan sa Mapa

Ang paaralan ay isang pook kung saan nag-aaral ang isang mag-aaral. Halimbawa nito ay ang elemtarya at sekundarya.

Buksan ang mga Simbolo

Pang-walong Simbolo:

KABAHAYAN

(Mga kabahayan sa General Santos City)

Simbolo ng Kabahayan sa Mapa

Ang kabahayan ay ang kumpol ng mga bahay o helera ng tahanan sa isang komunidad.

Buksan ang mga Simbolo

Pang-siyam na Simbolo:

BUROL

(Chocolate Hills)

Simbolo ng Burol sa Mapa

Ang burol ay isang anyong lupa na lumalagpas sa taas ng pumapalibot na kalupaan, sa isang limitadong sukat.

Buksan ang mga Simbolo

Pang-sampong Simbolo:

BULKAN

(Mt. Matutum)

Simbolo ng Bulkan sa Mapa

Ang bulkan ay isang uri ng anyong lupa na mataas at nagbubuga ng maiinit na magma, lava o mga batong malalaki at maiinit kapag pumutok.

Buksan ang mga Simbolo

Ikalabin isang Simbolo:

TALON

(Lake Sebu, 7 Falls)

Simbolo ng Talon sa Mapa

Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang bahagi ng isang pook.

Buksan ang mga Simbolo

Ikalabin Dalawang Simbolo:

KARAGATAN

(Karagatan sa Sarangani)

Simbolo ng Karagatan sa Mapa

Ang karagatan ay ang pinakamalaking anyong tubig sa mundo. Maaalat naman ang tubig nito.

Maraming salamat sa inyong pakikinig!