MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
PAHAYAGAN
Pangkat IV
CE-2109
ikalawang Bahagi
Globalisasyon
Marahil na rin sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, mas napadadali na ang:
1. Komunikasyon
2. Transportasyon,
3. Pagkakaroon ng interaksyon sa iba’t ibang panig ng mundo
Sa mabilis na paglawak at pagbabago ng teknolohiya, masasabing ang mundo ay unti unti nang nagiging isang malaking nayon. Mas nagiging malapit na ang bawat tao sa mundo bagamat ang agwat nila ay magkalayo.
globalisasyon
Ang pang-ekonomiyang proseso na tumutukoy sa integrasyon at interaksyon ng mga tao at organisyason ng iba’t ibang bansa.
Magkakaiba ang pananaw at damdamin ng mga tao ukol sa globalisasyon: may mga nagiisip na nakakatulong ito sa lahat ng mga tao, habang may mga nag-iisip na nakapipinsala ito sa ilang mga tao.
Ang isang hamon ng globalisasyong nagaganap sa larangan ng ekonomiya para sa iba’t ibang lipunan o bayan ay kung paano mapananatili at lalo pang maitataguyod ang kani-kanilang pambansang identidad sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng nasabing globalisasyon.
ang pagbubuklod ng magkakaibang bansa sa mundo
nagpapabilis ng internasyonal na kalakalan at pamumuhunan.
integrasyon ng ekonomiks, kultura, politikal, relihiyon at sistemang sosyal ng iba’t ibang lugar na umaabot sa buong mundo.
kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o pampook o kaya pambansang mga gawi o paraan.
Halimbawa ng Globalisasyon:
1. pagkalat ng mga multinasyonal at transnasyonal na korporasyon sa iba't ibang bansa
2. paglawak ng paggamit ng internet
3. paglaganap ng mga imported na produkto
4. ang pagkakaroon ng mas malayang interaksyon ng mga bansa
pinakakongkretong palatandaan ng ating pambansang identidad
Pinangangambahang baka maging bahagi na lamang ng isang pandaigdigang kultura o ng mga kultura ng mga makapangyarihang bansa na siyang mga dominanteng manlalaro sa proseso ng globalisasyon.
Tatlong Uri ng Globalisasyon
1. Politikal na globalisasyon - ang pag-uugnay ng mga bansa sa pamamagitan ng mga politikal na usapin at kooperasyon
2. Sosyal na globalisasyon - tumutukoy sa malayang pakikipag-komunikasyon at interaksyon ng mga tao mula sa iba't ibang mga bansa
3. Ekonomik na globalisasyon - ang pag-uugnay ng mga bansa sa pamamagitan ng mga ekonomik na usapin at kooperasyon
Kasaysayan ng Globalisasyon
Kung kailan nagsimula ang proseso ng globalisasyon ay hindi tiyak. Katunayan, may mga manunulat ng kasaysayan na nagsasabing ang globalisasyon ay mauugat sa sinaunang panahon ng malalaking imperyo (Imperyong Romano, Persian, Griyego, at Tsino).
Silk Road- ruta ng mga mangangalakal na nagdadala ng mga produkto mula Silangan tungong Kanluran at vice-versa.
Naging pormal lamang ang modernong porma ng globalisasyon ng kalakalan nang lagdaan ng maraming bansa ang General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) na mas kilala ngayon sa tawag na World Trade Organization (WTO) mula pa noong 2014.
Ekonomiks
EKONOMIKS
World Bank at International Monetary Fund- mga insitusyong nagpapautang ng salapi sa mahihirap na bansang kasapi ng mga Nagkakaisang Bansa (UN) para sa proyektong pangkaunlaran na may kondisyon tulad ng pagpapataw ng mataas na interes, paniningil ng bago o mas mataas na buwis (para matiyak ang pagbabayad sa utang), at pagtitipid sa mga serbisyong panlipunan
Ang mga gayong kondisyon, sa pangmatagalan, ay nagiging tanikalang nagtitiyak na hindi na makababangon sa utang ang mahihirap na bansa at sa halip ay paulit-ulit silang mangungutang.
Sa aspektong politikal ng globalisasyon, ang pagtatatag ng UN pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay maituturing na panandang bato o milestone.
Naitatag ang UN bilang tanda ng kanilang pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa ng daigdig, pagkatapos ng mapaminsalang digmaan.
POLITIKAL
Kumikilos ang UN sa pamamagitan ng isang General Assembly na binubuo ng:
1. isang kinatawan mula sa bawat bansang kasapi ng UN,
2. Security Council na binubuo ng kinatawan mula sa limang pinakamakapangyarihang bansa (China, U.S., U.K., France, at Russia)pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
3. at ng ilan pang mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansang inihahalal at nagsasalitan.
Samakatuwid, isinilang ang UN bilang bahagi ng paghahangad ng mga bansa na maiwasan ang muling pagkakaroon ng digmaang pandaigdig at maitaguyod ang kooperasyon ng mga bansa tungo sa paglutas ng mga global na suliranin tulad ng kahirapan, kagutuman, at epidemya.
Sa pamamagitan din ng UN, nagkaroon ng istruktura ang isang entidad na may limitadong kapangyarihang sumasaklaw sa halos lahat ng mga bansa sa daigdig.
UN General Assembly (UNGA)
1. Taunang nagpupulong tuwing Setyembre upang talakayin ang pinakamahahalagang usaping nakaaapekto sa kapakanang ng nakararaming mamamayan ng daigdig.
2. May kapangyarihan ang UNGA na maglabas ng mga resolusyon o mga dokumentong naghahayag ng pagkakaisa para sa o laban sa isang partikular na usapin, entidad, o gobyerno
UN Security Council (UNSC)
1. may kapangyarihang patawan ng parusa ang mga bansang lumalabag sa mga tuntunin ng UN
2. may kapangyarihan din itong atasan ang mga bansa ng UN na magpadala ng tropa sa mga bansang nangangailangan ng tulong para mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng mga mamamayan nito, lalo na sa panahon ng digmaan
Mahahalagang Ahensyang Pandaigdig sa Ilalim ng UN
o United Nations Educational, Scientific and Cultural Organisation (UNESCO)
o International Labor Organization (ILO)
o Food and Agricultural Organization (FAO)
o at ang World Health Organization (WHO)
Sosyo-kultural
1. Maaari namang ugatin ang aspektong sosyo-kultural ng globalisasyon sa panahon ng kolonyalismo at imperyalismo
2. Noong panahon ng kolonyalismo at imperyalismo,
3. Nagkaroon ng pagkakataon na magkapalitan ng kultura ang Kanluran at Silangan
4. May mga pagkakataong sapilitang ipinataw ng mga bansang mananakop sa mga bansang sinakop ang kanilang kultura. May mga pagkakataon ding kabaligtaran ang nangyayari.
5. Ang resulta ng pagpapalitan ng kultura mula pa noong panahon ng kolonyalismo ay makikita sa:
- Pagkain
- Pananamit
- wika, at iba pang larangan
Negatibong epekto nito sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao.
dekada ’90
naimbento ang Internet, unti-unting bumilis ang paglaganap ng mga awit, pelikula, at iba pang naging popular sa buong mundo
01
02
03
- Kultura
1. mas naiintindihan natin ang mundo, at pagtanggap ng kultura ng iba
- Ekonomiya
1. malayang kalakalan
2. mas napabibilis ang kalakalan 3. paglaki ng bilang ng export at import 4. pakikipagsundo ng mga bansa tungkol sa isyu sa kalikasan
5. paglaki ng oportunidad para makapagtrabaho
6. malayang nakapaghahanap ng trabaho 7. maiiwasan din ang monopoly
8. tataas ng pamumuhunan (investment)
- Ekonomiya
1. magkakaroon ng environmental issues
2. magdudulot din ito ng kahirapan bunsod ng paglaki ng agwat ng mayayaman sa mahihirap
-- Kultura 1. mas natatangkilik ang kultura ng ibang bansa, nakalilimot sa mga nakasanayang tradisyon, at nawawala ang ugaling nasyonalismo
Epekto ng Globalisasyon
Mga Positibong Epekto
- Pamahalaan
1. nagkakaroon ng pagkakaisa ang mga bansa
2. nagkakaroon din ng demokrasya sa mga komunistang bansa
Mga Negatibong Epekto
- Pamahalaan
1. maaaring panghimasukan ng ibang bansa sa mga isyu at lumaganap ng terorismo
- Marahil ang pinakamalaking ikinababahala tungkol sa globalisasyon ay ang ginawa nitong pagpapalawak sa agwat ng mayayaman at mahihirap.
- Ang isa pang pangunahing ikinababahala ay ang kapaligiran. Ang globalisasyon sa ekonomiya ay pinasigla ng mga impluwensiya ng pamilihan na mas interesado sa kita kaysa sa pangangalaga sa planeta
- “Tayo’y patuloy na nagkukumahog sa pagsulong. . . . Nag-aalala ako na sa loob ng isang dekada, tayong lahat ay magiging palaisip sa kapaligiran, subalit wala nang matitira pa para pangalagaan.” - Agus Purnomo, pinuno ng World Wide Fund for Nature sa Indonesia - Ang globalisasyon sa internasyonal na pangangapital at dayuhang pautang ay nagharap ng isa pang salik para sa krisis sa ekonomiya. - Ang krisis sa pananalapi sa Silangang Asia noong 1998 ang nagpangyari na mawalan ng trabaho ang 13 milyong tao
Iba pang Suliranin Dulot ng Globalisasyon:
1. pagtaas ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan
2. tumaas ang singil sa toll ng mga pangunahing expressway
3. patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan
4. kailangang gumastos ng mga nangangasiwa sa LRT at MRT para mapaganda ang serbisyo
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
PAHAYAGAN
Pangkat IV
CE-2109
ikalawang Bahagi
Migrasyon
Epekto ng Migrasyon
1. Pagbabago ng Populasyon2. Kaligtasan at Karapatang Pantao 3. Pamilya at pamayanan 4. Pag-unlad ng Ekonomiya ng bansa 5. Brain Drain 6. Multiculturalism
tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa upang manirahan maging ito man ay pansamantala o permanente.
Overseas Filipino Worker
Panlipunang Epekto ng Migrasyon
Para maglungsad ng mga OFW Family Centers na magsisilbing isang link ng mga naiwang pamilya sa iba't ibang serbisyo na inaalok ng mga ahensya ng gobyerno at ng NGO
Kapag sinipat ang mga panlipunan epekto sa bansa, lalong mapatutunayan ang pinsala ng migrasyon sa Pilipinas. Inisa-isa ni Alcid (c. 2005, sa isang pananaliksik na pinondohan ni Friedrich Ebert Stiftung (FES), ang napakaraming panlipunang epekto ng migrasyon (tulad ng exodus ng mga nars, kasama na ang mga dating doktor), bagay na inaasahang “hahantong sa matinding krisis sa sistemang pangkalusugan... ng bansa, “...de-skilling ng mga propesyonal…” at ang “negatibong impact ng migrasyon sa mga pamilyang Pilipino, lalo na sa mga bata.
Senate Bill 1779 (LEFT-BEHIND HOUSEHOLDS OF OFWS ACT OF 2007) – Senator Miriam Defensor Santiago
Mga suliraning naidulot ng pangmatagalang pagkahiwalay sa pamilya na malinaw na epekto ng migrasyon
OWWA & NGO
02
01
03
imoralidad sa seks
adiksyon sa droga
pumalyang kasal
pagpapakamatay o mga psychological breakdowns
04
05
krimen
• 3 sa 10 contract workers mula sa Cordillera ang nang-iwan sa kanilang mga pamilya o kaya’y nakipaghiwalay sa kanilang mga asawa, batay sa kanilang remittance mula 2006-2007” (Cabreza, 2007).
• Suliranin din ang talamak na illegal recruitment. Ito ay makikita sa mga kasong hawak ng POEA mula 2004-2010, bukod pa sa mga hindi naiulat na kaso na dokumentado naman ng mga organisasyon ng migrante
Suporta
Mayorya sa mga OFW ay nasa kasibulan ng buhay, sa kanilang mga prime year
Sa halip na makapag-ambag sa pagunlad ng Pilipinas sa panahong pinakaproduktibo sila, ang mga migrante’y pinagsasamantalahan ng mauunlad na bansa na nakikinabang nang husto sa kanilang kabataan at kahusayan.
Pansuportang datos mula sa sarbey ng (NSCB):
• Ayon sa nasabing ulat, may halos kalahating bahagdan (50%) ng mga OFW ang nasa edad 25-29 at 30-34.
Sa pangkalahatan, pinigilan at binansot ng migrasyon ang pag-unlad ng mga industriya sa Pilipinas sapagkat nasanay ang gobyerno sa pagdepende sa remittance ng mga OFW na siya namang naging salbabida ng ekonomiya ng bansa, bagama’t higit ang pakinabang ng mga bansang destinasyon ng mga OFW sa kanila. Ang mga awtoridad ng Pilipinas at iba pang bansang kabilang sa Third World ay hinihikayat na suriing mabuti ang kanilang patakaran sa migrasyon at humanap ng alternatibong landas patungong kaunlaran na hindi na magsasakripisyo sa yamang tao ng bansa, sa altar ng tubo at ginhawa para sa mauunlad na bansang mapagsamantala.
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
PAHAYAGAN
Pangkat IV
CE-2109
ikalawang Bahagi
POLITIKA
Agham pampolitika o “Politikal Science” ang tawag sa mga gawing pampolitika at pag-usisa sa pagkuha at paglapat ng kapangyarihan
mula sa salitang griyego na “POLITIKOS”
nangangahulugan na “mula, para, o may kinalaman sa mga mamamayan, ay ang proseso o pamamaraan ng paggawa ng pasiya sa pandaigdigan, sibiko, o indibidwal na nibel.
Tumutukoy sa pagkamit at pagsasanaysay ng posisyon sa pamamahala. Ang politika ay ang pag-aaral o pagsasanaysay ng pagpapamahagi ng kapangyarihan at kayamanan sa loob ng isang pamayanan pati na rin ugnayan sa pagitan ng mamamayan.
ISYUNG POLITIKAL
Mga Paraan naisasabuhay ang Politika
1. Pagpapalaganap ng mga Pampolitikang Pananaw ng mga Tao o Samahan.
2. Pagkakaroon ng usapan sa iba pang kasapi ng politika.
3. Paggawa ng Batas.
4. Paggamit ng dahas laban sa katunggali.
Ang politika ay naisasabuhay sa malawak na saklaw na nibel ng lipunan, mula sa angkan at tribo, modernong lokal na pamahalaan, mga kompanya at institusyon hanggang sa mga soberanong estado , hanggang sa pandaigdigan nibel.
Kontemporaryong Sistemang Politikal ng Pilipinas
Hulyo 4, 1946
ipinahayag ang pagtatapos ng kapangyarihang Amerikano sa Pilipinas.
Dekada 90
Napalayas na ng bansa ang base military ng Amerika pero sa ilalim ng EDCA ay pinapayagan pa ring maging base military ng Amerikano ang alinmang bahagi ng bansa
Impluwensiyado rin ng mga dayuhan maging ang mga patakarang ekonomiko kagaya na lamang ng pagmamay ari ng minahan.
Sa huling linggo ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigan, muling bumalik ang mga Amerikano at sa pagbabalik nilang iyon ay muli nilang ibinalik o ipinataw ang dating opisyal na kalakaran.
Mga Historyador at Ekonomista
Paninirang Puri o Black Propaganda
pagpapahiya, o panlilibak, maaaring sa makatuwirang dahilan o hindi
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
PAHAYAGAN
Pangkat IV
CE-2109
ikalawang Bahagi
Ugat ng Korapsyon
Nang masakop nila ang Pilipinas, ipinaubaya sa mga dating datu, rajah, at iba pang maharlika ang mabababang posisyon sa gobyerno (gaya ng pagiging cabeza de barangay) na ang pangunahing tungkulin ay maningil ng buwis
Katiwalian sa Gobyerno
Sa panahon ng mga Espanyol nagsimula ang korapsyon.
KORAPSYON
MANANAKOP
Mga Historyador at Ekonomista
Mayroon ding mga gobernador-heneral na Espanyol na maituturing na tiwali. Katunayan, pagkatapos ng kanilang mga termino, madalas na ibinubulgar ng pumalit
Sa paghahari ng mga Espanyol, sumulpot ang lokal na elite o principlia mula sa mga dating datu, rajah, at maharlika. Para mapatahimik ang mga dating pinuno at di na sila mag-isip na mag-aklas laban sa mga Espanyol, ibinigay sa kanila ang mababang posisyon gaya ng pagiging cabeza de barangay at gobernadorcillo. Pinaboran din sila ng mga Espanyol sa pagbibigay ng karapatang mamahala sa lupa at maningil ng buwis.
na gobernador-heneral ang mga kuwestyonableng transaksyon ng nakaraang administrasyon.
Sa panahon din ng mga Espanyol lumitaw ang sistemang padrino o pagkakaroon ng backer na susuporta sa isang tao na gustong magtrabaho sa gobyerno o kaya’y makakuha ng mataas na posisyon.
pinalawig pa at naging CARPER - ay napatunayan na ring hindi mabisa. Samakatuwid, napanatili ng iilang pamilya mula pa noong panahon ng Espanyol ang kanilang kontrol sa malalaking lote ng lupa, at ang kanilang kayamanan. Sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang kayamanan ay napanatili rin nila ang kontrol sa kapangyarihang politikal.
Hindi naging mabisa ang reporma sa lupa ng mga Amerikano sa panahon ng kanilang pananakop, at hanggang ngayon, ang programa sa reporma sa lupa ng pamahalaan - ang CARP na
Ugat ng Korapsyon
Mga Dinastiyang Politikal
Mga Dinastiyang Politikal
Mga Dinastiyang Politikal
Isa sa mga pangunahing bunga ng korapsyon ang kawalan ng oportunidad ng mga ordinaryong mamamayan na magkaroon ng espasyo sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.Halimbawa, kahit may mga kinatawan ang mga grupong marginalized sa pamamagitan ng mga partylist, kontrolado pa rin ng mga dinastiyang elite ang Kongreso dahil mayorya sa mga kongresista ay mula sa mga mayayamang dinastiya.
Mga Bunga ng Korapsyon
Ang pagliit ng pondo na maaaring magamit ng gobyerno para sa mga serbisyong panlipunan (gaya ng pabahay, edukasyon, transportasyon , at kalusugan).
Malaking halaga ng badyet ng gobyerno ang napupunta sa korapsyon, na tinatayang umaabot sa 200 bilyong piso kada taon (ayon sa World Bank).
Mga Bunga ng Korapsyon
Mga Bunga ng Korapsyon
Ang kawalan ng tunay na mga partido politikal sa bansa
Sa halip na mga propesyonal at ideolohikal na partidong may magkakaibang paninindigan sa iba’t ibang mahahalagang isyu, mga personalistikong partido ang nangingibabaw sa bansa, mga partidong kontrolado at pinopondohan ng mayayamang dinastiya.
Mga Bunga ng Korapsyon
Pagtamlay ng suporta ng mga mamamayan sa gobyerno at ang pagtamlay ng kanilang partisipasyon sa halalan at iba pang prosesong politikal ay epekto rin ng monopolyo ng mga dinastiya sa kapangyarihang politikal. Tinatabangan ang marami-raming mamamayan na makilahok sa mga prosesong politikal dahil inaakala nilang wala rin namang mangyayaring maganda o kaya’y mababago sa sistema.
Ang pagsasagawa ng mga repormang politikal (gaya ng pagsasabatas ng konstitusyonal na probisyon na nagbabawal sa mga dinastiyang politikal at mga batas na magpapatibay pa sa representasyon ng mga grupong marginalized gaya ng sistemang partylist) ay dapat isagawa.
Constitution - Artikulo II, Seksyon 26 ng Saligang Batas
Senate Bill 2649 - Senador Miriam Defensor-Santiago.
House Bill 3413 (Anti-Political Dynasty Bill)
1987
2011
2011
House Bills 172, 837, at 2911 – ng mga representatives galing Bayan Muna, Gabriela, ACT, Anakpawis and Kabataan, 1-SAGIP party list & 3rd district of Pampanga.
2013
Mga Solusyon sa Korapsyon
Ang pagsasagawa ng mga voter’s education forum, sa panahon ng eleksyon at pagkatapos nito, ay makatutulong din sa pagpapalakas ng partisipasyon ng mga mamamayan sa politika, na makapagpapahina naman sa kapangyarihan ng mga dinastiya.
Ang pagsuporta sa mga grupo ng mga ordinaryong mamamayan na lumalahok sa politika, gaya ng mga partylist, ay epektibong paraan din ng pagpapahina sa mga dinastiyang politikal.
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
PAHAYAGAN
Pangkat IV
CE-2109
ikalawang Bahagi
KORAPSYON
Ang mga mukha na matatagpuan sa bawat sangay ng gobyerno ay alinman sa mga sumusunod: (1) pang-aabuso sa kapangyarihan; (2) pakikipagsabwatan; (3) pandaraya sa halalan; (4) pagnanakaw sa kaban ng bayan; (5) sistemang padrino o palakasan; (6) korapsyon
Katiwalian sa Gobyerno
Ang mga pangarap na ito ay nananatili lamang
pangarap bunsod ng maraming katiwalian sa pambansang pamahalaang kanilang
pinagkakatiwalaan at sinasandalan.
KAPANGYARIHAN
diskresyunal
ministeryal
Ministeryal
ang isang namumuno ay
walang ibang nararapat gawin kundi ipatupad ang isang polisiya. Ilan sa mga halimbawa nito ang pagtupad sa tungkuling
pambatas trapiko para sa maayos na transportasyon ng bawat mamamayang Pilipino
Diskresyunal
ay tumutukoy naman sa paggamit ng opsyon o
diskresyon ng isang namumuno o kawani ng gobyerno na ipatupad o hindi ipatupad ang isang
tungkulin subalit may pagsasaalang-alang sa mga legal na pamantayan. Ang kapangyarihang ito
ay kailangang gamitin nang ayon sa katuwiran.
(1) Manipulasyon ng presyo ng isang produkto (price fixing) sa
pamamagitan ng kasunduan ng parehong panig (2) Pagsunod ng
lehislatibong sangay ng pamahalaan sa dikta ng ehekutibo na patalsikin ang mga hindi kapanalig
(3)
Paggawad ng kontrata sa isang ahensiya na may kaugnayan sa proyektong pampamahalaan kahit
na walang naganap na tamang pag-aalok o bidding
Sabwatan
(1) Ang pagtatalaga ng Pangulo ng Pilipinas sa kaniyang asawa o mga anak
bilang gabinete ng ehekutibo. (2) ang pagsasaalang-alang sa personal na interes sa kasunduan ay
mga sirkumstansiyang naglalarawan ng pang-aabuso sa kapangyarihang (3) Ang paggamit ng kapangyarihan upang
makakuha ng pabor sa ibang tao na karaniwan ay may kapalit na kabayaran.
tumutukoy sa ugnayan ng dalawa o higit pang indibidwal o grupo na nagkaisa
na isakatuparan nang palihim ang isang gawain
Diskresyon
tumutukoy sa hindi angkop na paggamit ng
kapangyarihan o mga pasilidad sa mga desisyon na kailangan niyang ibigay.
Sa kabila ng kahalagahan ng bawat balota para sa Pilipino at mandato sa Komisyon ng Eleksyon na pangasiwaan ang malinis at maayos na halalan, lantaran pa rin ang mga pandaraya at anomalyang ginagawa ng mga politiko at mga kasabwat na nagbubunga ng paghalal sa mga taong hindi totoong napupusuan ng higit na nakararami.
Halalan
Pahayagan
Ang karapatan ng bawat Pilipino na makilahok sa halalan bilang mga botante ay kinikilala ng ating Saligang Batas ng 1987 (sa ilalim ng Artikulo V, Seksyon 1-2).
PANDARAYA SA ELEKSYON
Mga Konsepto
01
02
03
Election
manipulation
Disenfranchisement
Electoral Fraud
04
05
06
Karahasan o Pananakot
Manipulasyon ng demograpiya
Intimidasyon
07
08
09
Pag-atake sa Lugar ng Halalan
Pamimilit at pamimili ng boto
Pagbabantang Legal
isang konseptong pampolitika na kung saan ang isang partikular na partido o grupo ay gumagawa ng kapakinabangang pampolitika (political advantage) sa pamamagitan ng manipulasyon sa hangganan ng isang distrito (political boundaries). Tinatawag na gerrymander ang mabubuong distrito.
Gerrymandering
Pagnanakaw
(1)
Panunuhol (Bribery at Korapsyon ng Opisyal ng Gobyerno (Corruption of Public Officer); (2)
Maling Paggamit ng Pondo o Ari-arian ng Bayan; (3) Pandarambong (Plunder); (4) Graft and Corruption.
Ang pagnanakaw ay matatagpuan sa marami nitong anyo at maituturing na krimen sa ilalim ng
Kodigo Penal ng Pilipinas at ilang mga umiiral na espesyal na batas (special laws). Ilan sa mga
anyo ng pagnanakaw sa kaban ng bayan at sa gayo’y maituturing na isang krimen ang:
+info
Artikulo 211 ng Kodigo Penal ng Pilipinas,
Artikulo 210 ng Kodigo Penal ng Pilipinas,
direktang panunuhol (direct bribery)
di-tuwirang panunuhol (indirect bribery)
sa simpleng akto ng pagtanggap ng regalo dahil sa
tanggapan na kaniyang hinahawakan (inamyendahan ng Batas Pambansa Bilang 872, ika-10 ng
Hunyo, 1985).
Kaugnay nito ay ang krimen ng korapsyon ng opisyal ng gobyerno
(corruption of public official) ayon sa Artikulo 212. gobyerno.
maaaring isampa sa kahit na sinong opisyal ng gobyerno na sasang-ayon sa paggawa
ng isang akto na maituturing na krimen, kaugnay ng kaniyang opisyal na tungkulin, bilang
konsiderasyon sa kahit na anong hain, pangako, regalo o bigay na tinanggap ng naturang opisyal,
personal man o sa pamamagitan ng iba.
Artikulo 220 ng Kodigo Penal ng Pilipinas,
Artikulo 217 ng Kodigo Penal ng Pilipinas,
ilegal na gamit ng pondo at ariarian ng
publiko.
maling paggamit ng pondo o ari-arian ng bayan.
Tahasang sinasabi rito na may karampatang parusa ang kahit sinong opisyal ng
gobyerno na gagamit ng pondo at ari-arian ng kaniyang administrasyon
Inilatag din sa parehong probisyon
ang paglalagay (presumption)sa ganitong krimen. Sinasabi sa artikulong ito na kahit sinong
opisyal ng gobyerno, sa pamamagitan ng kaniyang tungkulin sa tanggapan, ay may pananagutan
sa pondo at mga ari-arian ng publiko kung ito ay kanilang gagamitin sa maling pinaglalaanan, o
sa pamamagitan ng pag-iwan o kapabayaan, ay hahayaan nila ang ibang tao na gamitin ang
naturang pondo at ari-arian ng publiko, buo man o bahagdan.
Tinatawag din itong
technical malversation. Korapsyon din ang paggasta para sa pagbili ng mga substandard na
materyales na regular ang presyo, o kaya’y pagbubulsa ng pera ng gobyerno sa pamamagitan ng
pekeng proyekto.
Republic Act 7080
Plunder
itinuturing na krimen ang akto ng opisyal ng gobyerno na direkta, o sa
pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng pamilya, mga kamag-anak sa
pamamagitan ng kasal o sa dugo, mga kasama sa negosyo, mga nasasakupan o iba pang tao ay
humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng kayamanan na kinuha sa masama gamit ang pinagsama
o sund-sunod na hayagan o mga gawaing kriminal na inilalarawan sa batas (RA 7080) sa
tinipong halaga o kabuuang halaga ng hindi bababa sa limampung milyong piso.
Espisipikong Aktong Kaugnayan Ng Pandarambong:
1. Maling paggamit ng pondo ng bayan. 2. Pagtanggap ng direkta o di-direktang pansalaping pakinabang. 3. Ilegal na pagpapadala o pagbibigay ng mga ari-arian ng pambansang pamahalaan. 4. Pagkakamit,
pagtanggap nang tuwiran o hindi tuwiran anyo ng interes 5. Paglikha ng agrikultural, industriyal o pangkalakalan na mga monopolyo 6. Higit sa nararapat na
kalamangan ng opisyal na posisyon, kapangyarihan, ugnayan, koneksyon o impluwensiya 7.
+info
Graft and Corruption
RA 3019 ( Anti-Graft and Corruption Practices Act
Padrino o Palakasan
May mga pagkakataong ang isang indibidwal ay nabibigyan ng
magandang katungkulan sa gobyerno at maging sa mga pribadong kumpanya dahil sa basbas ng
mga makapangyarihan, ito’y sa kabila ng kawalan ng sapat na karanasan at kwalipikasyon sa
posisyong
Nepotismo at Kroniyismo
pagbibigay ng pabor sa mga kamag-anak ay
pagbibigay ng pabor sa mga kaibigan,
Ang nepotismo at kroniyismo ay hindi pinapaboran upang maiwasan
ang mga sabwatan sa mga transaksyong kinasasangkutan ng dalawang panig na kasangkot.
Ang Korapsyon at iba pang maling gawi...
sa maling deklarasyon ng kaniyang mga pagmamay-ari at pagkakautang batay sa
deklarasyon ng kaniyang SALN na sinasabing lumalabag sa RA 6713. Naging daan ito sa
pagpapatalsik sa kaniya sa puwesto, ang kauna-unahang SC Justice sa kasaysayan ng Pilipinas,
CJ Renato Corona
Korapsyon na Palasak sa Pilipinas
pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko
02
03
01
ghost projects at payroll;
pagtakas sa pagbabayad ng buwis
pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor
04
05
pangingikil
06
panunuhol
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
PAHAYAGAN
Pangkat IV
CE-2109
ikalawang Bahagi
Isyung Kultural at Linggwistiko
Ang bawat bansa ay may kani-kaniyang kultura. Ang bansang Pilipinas ay napakayaman sa kultura – pinaghalong tradisyon at mga kultura
Malaki ang ambag ng pananakop ng mga Kastila sa ating kultura
Bawat bansa sa mundo ay may kani-kaniyang kultura, kultura sa pananamit, pagsasalita,
pananampalataya, at iba pa. Ang ating bansa ay napakayaman sa kultura.
KULTURA
Ang nangyaring pananakop ng Kastila sa Pilipinas, sa
pamamahala ng Mehiko na tumagal ng 333 taon,
Kultura
Ang kultura ay paraan ng pamumuhay ng mga tao na nagpapakita ng mga kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika, at pamahalaan
Pagbibigay ng pabor sa mga. Ang mga mangangalakal galing Malaysia, India, Hapon, Indonesia, at Tsina ay mayroon ding malaking kontribusyon sa kultura ng Pilipinas.
-Hinduismo at Budismo - Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito.
Ang Katotohanan Patungkol sa ating Kultura
Pinagmulan ng kaisipang ito: Maraming bahagi sa kultura ng mga Kastila ay isinama sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino - Katolisismo o rehilyon Katoliko, mga Kastilang pangalan, wika, at pagkain.
Naniniwala sila na mas mabuti ang kanilang kultura kaysa sa kultura ng Pilipinas, at ang kaisipan na ito ay pumasok sa utak ng mga Pilipino.
Ipinakilala ng mga Amerikano ang iba’t ibang uri ng kanilang kultura sa mga Pilipino.
Ang kabataan sa kasalukuyang panahon ay wala ng pagpapahalaga para sa mga produkto at gawaing Pilipino.
Ang “colonial mentality’’ ay nagiging kanser na sa ating lipunan.
Panonood ng mga pelikula, ang mga popular na “fast food” katulad ng hamburger at french fries, ang mga pangalang Amerikano, at ang pagsuot ng pantalong maong.
Naniwala ang mga pilipino na napakabuti ang mga natunan nila sa mga dayuhan
Sa kasalukuyang panahon…
Karaniwan sa mga Pilipino ay hindi naniniwala sa kagandahan at pagkakaiba ng kultura ng sarili nilang bansa.
Ang mga produktong dayuhan ang kanilang tinatangkilik habang ang lokal na produkto ay nawawalan na ng halaga.
Nabubulag ang mga Pilipino sa realidad na hindi uunlad ang Pilipinas kung hindi nila kayang mahalin ang sariling wika, produkto at kultura.
Pagbabago sa ating ekonomya
Pagbabago sa ating pulitika
Pagbabago sa lipunan
Pagbabago sa kultura ng bayan
Pagbabago sa dominanteng kaisipan, kaugalian, pagpapahalaga, panlasa, sining at panitikan.
Mga paraan upang maikontra ang kolonial na mentalidad
Mga pagsusuri hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng sining at kultura sa Pilipinas, mga patakaran at programa sa kultura ng pamahalaan at pribadong sektor, at ugnayan ng mga ito sa ekonomya at pulitika ng bansa sa panahon ng globalisasyon:
Sa ngalan ng globalisasyon…
Ang dominanteng kultura sa Pilipinas ay nananatiling kolonyal, burges at pyudal sa kasalukuyang panahon.
Ang pamantayan ng U.S. ang nagiging sukatan kung ano ang mahusay at hindi para sa mga Pilipino.
Ibayo ang pananalakay ng dalawang pinakadominanteng puwersa sa kulturang Pilipino – ang imperyalismong U.S. at ang simbahang Katoliko.
Malaya nang nakapapasok pati mga dayuhang produktong pangkultura sa Pilipinas katulad ng pelikula, aklat, musika at software dahil sa patakaran ng import liberalization
Trade-Related Aspects of Intellectual Property Rights o TRIPS ng WTO
- nagiging mas madali para sa mga higanteng korporasyon mula sa ibang bansa ang pamumuhunan, pagbili, pagagaw, pagkontrol at pagmomonopolyo sa mga sumusunod:
1) likhang sining at distribusyon nito
2) tatak (trademark) at pagtukoy sa pinagmulan ng produkto
3) imbensyon (sa pamamagitan ng patente), industrial design at trade secrets.
General Agreement on Trade in Service o GATS ng WTO
- pinadali ang dominasyon ng mga imperyalistang bansa sa mga serbisyo sa Pilipinas.
1)serbisyong tumutugon sa pagpapalaganap at preserbasyon ng mga produktong pangkultura
Ang US ang pinakamalaking exporter ng mga produktong pangkultura ngayon.
Ang panlasang Pinoy ay matagal ng nabababad sa pamantayang Amerikano at ito ay nagreresulta sa pagkalugi o paglamon sa lokal na industriyang pangkultura.
Ang panggagaya ay kinukunsinti ng mga dayuhang korporasyon dahil pinalalaganap pa nito ang dayuhan o anila’y “global” na panlasa.
Ang pamimirata nama’y malupit nilang nilalabanan sa larangan ng intellectual property rights.
Sa hanay ng kultura…
Itinuturing na world-class ang mga nagkamit ng parangal mula sa mga dayuhang institusyon.
Anti-nasyunal na kaisipan ang kabilang mukha ng “world class culture”.
Pilit inaayon ang mga kurso at aralin na maghuhubog ng mga susunod na manggagawang skilled at english speaking para sa mga multinasyunal na kumpanya
Cultural Diversity - pagkakaiba-iba ng mga kultura sa daigdig
Ang pakahulugan sa cultural diversity – na itinataguyod ng globalisasyon at tinatangkilik ng gobyerno – ay ang paglikha ng napakaraming produkto at serbisyo mula sa iba’t ibang kultura.
Laganap ang samu’t saring festival sa buong kapuluan ngayon sa layunin ng mga lokalidad at ng pambansang pamahalaan na pasiglahin ang turismo sa bansa.
Ang pagpayag at paghihikayat ng gobyerno sa pagpasok ng mining companies at sa laganap na militarisasyon na nagtataboy sa mga kababayang tumutugon sa tradisyunal na kagamitan ay siya ring pumapatay sa tradisyunal na produksyon.
- ang mga gameshow ay nagpapakita ng matinding desperasyon ng napakaraming maralitang Pilipino
- pinapalaganap ang pantasya na “suwerte” at kagandahang-loob ng iba ang sagot sa kahirapan ng masa.
- ang mga fantaserye o telanovela ay nagpapakitang hindi sistemang panlipunan o gobyerno ang ugat ng paghihirap kundi mga masasamang nilalang
“Kulturang popular”
Ito ang artipisyal na kulturang popular na “ibinebenta” ng industriyang pangkultura ng mga lokal na naghaharing-uri at ng imperyalismo sa masang mamimili.
Ayon sa tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino na si Dr. Virgilio Almario, 'Maraming durugista na mahirap.... Kailangang sagutin 'yun. Hindi puwedeng patayin lang sila o ikulong.”
Sa gitna ng mga pagbabagong dulot ng bagong administrasyon, ipinaalala ng Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario na hindi sagot ang pagpatay upang lutasin ang mga problema sa lipunan.
“Wikang Filipino”
Ang pagpapaunlad ng Filipino ay sa pamamagitan ng paggamit lamang. Ginamit at ginagamit pa rin ang wikang Ingles, kung kaya't ito ang puspusang umunlad. Ito ang yumabong at lumawak; samantalang ang wikang Filipino ay mistulang naluoy at napuril dahil sa di-paggamit.
Ayon kay Kate Mcgeon ng BBC News, “The Philippines is fast becoming the world’s low-cost English language teacher – with rapid increases in overseas students coming to learn English or study in English-speaking universities. The main reasons that attract them are, again, the cost – and the fact that, in the country’s top universities, all classes are held in English.”
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
PAHAYAGAN
Pangkat IV
CE-2109
ikalawang Bahagi
Ang Totoong Estado ng Sistemang Pangkalusugan sa Pilipinas:>> Ayon sa World Health Organization o WHO, ang kalusugan ay ang isang estado ng pagiging masigla ang isip, katawan at pakikitungo sa iba.
>> Ang kalusugan ay karapatan ng lahat ng tao sa mundo maging mayaman man o mahirap lahat ay pantay pantay.
Mga Isyung Pangkalusugan, Transportasyon, Edukasyon at Iba pa
transportasyon
edukasyon
Batay sa mga nakuhang sagot sa panayam at ayon na rin kay Senator Sony Angara, Ang mga doktor, nars at iba pang nasa medikal na propesyon ay kulang din.
Base sa tala ng Philippine College of Physicians, dalawa hanggang tatlong doktor, nars, at midwives ang nagsisilbi para sa bawat 10,000 katao. Nakababahala rin na ang Pilipinas ay mayroong 1:50,000 na ratio ng psychiatrist at populasyon. Dahil dito, ang panukala na Senate Bill 1157 o ang panukalang medical scholarship program ay kinakailangan ng agarang pagpasa ayon kay Angara.
Mula sa dokumentaryong, “Lunas na ‘Di Maabot ng Reporter’s Notebook
Ito ang artipisyal na kulturang popular na “ibinebenta” ng industriyang pangkultura ng mga lokal na naghaharing-uri at ng imperyalismo sa masang mamimili.
Kalusugan
Institutusyong Pangkalusugan (gaya ng Silungan Pag-asa at Guanella Center, inc.) na tumutugon sa kakulangan ng serbisyong naibibigay mula sa mga pampublikong ospital.
Tungkol sa Kalusugan ng Kaisipan at mga Problema Ukol sa Kalusugan sa Kaisipan
Ang kalusugan sa kaisipan ay kailangan ng panimbang sa lahat ng nangyayari sa ating buhay.
Ayon sa siyentipikong pagsusuri, maraming malubhang problema sa kalusugan ng kaisipan na dulot ng biochemical disturbances sa utak.
Naniniwala din ang mga propesyonal na ang iba’t – ibang mga sanhi na may kaugnay sa sikolohiya, lipunan at kapaligiran ay nakakaapekto rin sa kaniyang kapakanan.
Ang stress ay nakakaapekto sa pang – araw – araw na pamumuhay ng mga tao.
First part
chittapy1
Created on November 20, 2020
Start designing with a free template
Discover more than 1500 professional designs like these:
View
Higher Education Presentation
View
Psychedelic Presentation
View
Vaporwave presentation
View
Geniaflix Presentation
View
Vintage Mosaic Presentation
View
Modern Zen Presentation
View
Newspaper Presentation
Explore all templates
Transcript
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
PAHAYAGAN
Pangkat IV
CE-2109
ikalawang Bahagi
Globalisasyon
Marahil na rin sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, mas napadadali na ang: 1. Komunikasyon 2. Transportasyon, 3. Pagkakaroon ng interaksyon sa iba’t ibang panig ng mundo
Sa mabilis na paglawak at pagbabago ng teknolohiya, masasabing ang mundo ay unti unti nang nagiging isang malaking nayon. Mas nagiging malapit na ang bawat tao sa mundo bagamat ang agwat nila ay magkalayo.
globalisasyon
Ang pang-ekonomiyang proseso na tumutukoy sa integrasyon at interaksyon ng mga tao at organisyason ng iba’t ibang bansa.
Magkakaiba ang pananaw at damdamin ng mga tao ukol sa globalisasyon: may mga nagiisip na nakakatulong ito sa lahat ng mga tao, habang may mga nag-iisip na nakapipinsala ito sa ilang mga tao. Ang isang hamon ng globalisasyong nagaganap sa larangan ng ekonomiya para sa iba’t ibang lipunan o bayan ay kung paano mapananatili at lalo pang maitataguyod ang kani-kanilang pambansang identidad sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng nasabing globalisasyon.
ang pagbubuklod ng magkakaibang bansa sa mundo nagpapabilis ng internasyonal na kalakalan at pamumuhunan. integrasyon ng ekonomiks, kultura, politikal, relihiyon at sistemang sosyal ng iba’t ibang lugar na umaabot sa buong mundo. kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o pampook o kaya pambansang mga gawi o paraan.
Halimbawa ng Globalisasyon: 1. pagkalat ng mga multinasyonal at transnasyonal na korporasyon sa iba't ibang bansa 2. paglawak ng paggamit ng internet 3. paglaganap ng mga imported na produkto 4. ang pagkakaroon ng mas malayang interaksyon ng mga bansa
pinakakongkretong palatandaan ng ating pambansang identidad Pinangangambahang baka maging bahagi na lamang ng isang pandaigdigang kultura o ng mga kultura ng mga makapangyarihang bansa na siyang mga dominanteng manlalaro sa proseso ng globalisasyon.
Tatlong Uri ng Globalisasyon
1. Politikal na globalisasyon - ang pag-uugnay ng mga bansa sa pamamagitan ng mga politikal na usapin at kooperasyon 2. Sosyal na globalisasyon - tumutukoy sa malayang pakikipag-komunikasyon at interaksyon ng mga tao mula sa iba't ibang mga bansa 3. Ekonomik na globalisasyon - ang pag-uugnay ng mga bansa sa pamamagitan ng mga ekonomik na usapin at kooperasyon
Kasaysayan ng Globalisasyon
Kung kailan nagsimula ang proseso ng globalisasyon ay hindi tiyak. Katunayan, may mga manunulat ng kasaysayan na nagsasabing ang globalisasyon ay mauugat sa sinaunang panahon ng malalaking imperyo (Imperyong Romano, Persian, Griyego, at Tsino).
Silk Road- ruta ng mga mangangalakal na nagdadala ng mga produkto mula Silangan tungong Kanluran at vice-versa. Naging pormal lamang ang modernong porma ng globalisasyon ng kalakalan nang lagdaan ng maraming bansa ang General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) na mas kilala ngayon sa tawag na World Trade Organization (WTO) mula pa noong 2014.
Ekonomiks
EKONOMIKS
World Bank at International Monetary Fund- mga insitusyong nagpapautang ng salapi sa mahihirap na bansang kasapi ng mga Nagkakaisang Bansa (UN) para sa proyektong pangkaunlaran na may kondisyon tulad ng pagpapataw ng mataas na interes, paniningil ng bago o mas mataas na buwis (para matiyak ang pagbabayad sa utang), at pagtitipid sa mga serbisyong panlipunan Ang mga gayong kondisyon, sa pangmatagalan, ay nagiging tanikalang nagtitiyak na hindi na makababangon sa utang ang mahihirap na bansa at sa halip ay paulit-ulit silang mangungutang.
Sa aspektong politikal ng globalisasyon, ang pagtatatag ng UN pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay maituturing na panandang bato o milestone. Naitatag ang UN bilang tanda ng kanilang pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa ng daigdig, pagkatapos ng mapaminsalang digmaan.
POLITIKAL
Kumikilos ang UN sa pamamagitan ng isang General Assembly na binubuo ng:
1. isang kinatawan mula sa bawat bansang kasapi ng UN, 2. Security Council na binubuo ng kinatawan mula sa limang pinakamakapangyarihang bansa (China, U.S., U.K., France, at Russia)pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 3. at ng ilan pang mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansang inihahalal at nagsasalitan.
Samakatuwid, isinilang ang UN bilang bahagi ng paghahangad ng mga bansa na maiwasan ang muling pagkakaroon ng digmaang pandaigdig at maitaguyod ang kooperasyon ng mga bansa tungo sa paglutas ng mga global na suliranin tulad ng kahirapan, kagutuman, at epidemya. Sa pamamagitan din ng UN, nagkaroon ng istruktura ang isang entidad na may limitadong kapangyarihang sumasaklaw sa halos lahat ng mga bansa sa daigdig.
UN General Assembly (UNGA)
1. Taunang nagpupulong tuwing Setyembre upang talakayin ang pinakamahahalagang usaping nakaaapekto sa kapakanang ng nakararaming mamamayan ng daigdig. 2. May kapangyarihan ang UNGA na maglabas ng mga resolusyon o mga dokumentong naghahayag ng pagkakaisa para sa o laban sa isang partikular na usapin, entidad, o gobyerno
UN Security Council (UNSC)
1. may kapangyarihang patawan ng parusa ang mga bansang lumalabag sa mga tuntunin ng UN 2. may kapangyarihan din itong atasan ang mga bansa ng UN na magpadala ng tropa sa mga bansang nangangailangan ng tulong para mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng mga mamamayan nito, lalo na sa panahon ng digmaan
Mahahalagang Ahensyang Pandaigdig sa Ilalim ng UN
o United Nations Educational, Scientific and Cultural Organisation (UNESCO) o International Labor Organization (ILO) o Food and Agricultural Organization (FAO) o at ang World Health Organization (WHO)
Sosyo-kultural
1. Maaari namang ugatin ang aspektong sosyo-kultural ng globalisasyon sa panahon ng kolonyalismo at imperyalismo 2. Noong panahon ng kolonyalismo at imperyalismo, 3. Nagkaroon ng pagkakataon na magkapalitan ng kultura ang Kanluran at Silangan 4. May mga pagkakataong sapilitang ipinataw ng mga bansang mananakop sa mga bansang sinakop ang kanilang kultura. May mga pagkakataon ding kabaligtaran ang nangyayari. 5. Ang resulta ng pagpapalitan ng kultura mula pa noong panahon ng kolonyalismo ay makikita sa: - Pagkain - Pananamit - wika, at iba pang larangan
Negatibong epekto nito sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao.
dekada ’90
naimbento ang Internet, unti-unting bumilis ang paglaganap ng mga awit, pelikula, at iba pang naging popular sa buong mundo
01
02
03
- Kultura 1. mas naiintindihan natin ang mundo, at pagtanggap ng kultura ng iba
- Ekonomiya 1. malayang kalakalan 2. mas napabibilis ang kalakalan 3. paglaki ng bilang ng export at import 4. pakikipagsundo ng mga bansa tungkol sa isyu sa kalikasan 5. paglaki ng oportunidad para makapagtrabaho 6. malayang nakapaghahanap ng trabaho 7. maiiwasan din ang monopoly 8. tataas ng pamumuhunan (investment)
- Ekonomiya 1. magkakaroon ng environmental issues 2. magdudulot din ito ng kahirapan bunsod ng paglaki ng agwat ng mayayaman sa mahihirap -- Kultura 1. mas natatangkilik ang kultura ng ibang bansa, nakalilimot sa mga nakasanayang tradisyon, at nawawala ang ugaling nasyonalismo
Epekto ng Globalisasyon
Mga Positibong Epekto
- Pamahalaan 1. nagkakaroon ng pagkakaisa ang mga bansa 2. nagkakaroon din ng demokrasya sa mga komunistang bansa
Mga Negatibong Epekto
- Pamahalaan 1. maaaring panghimasukan ng ibang bansa sa mga isyu at lumaganap ng terorismo
- Marahil ang pinakamalaking ikinababahala tungkol sa globalisasyon ay ang ginawa nitong pagpapalawak sa agwat ng mayayaman at mahihirap. - Ang isa pang pangunahing ikinababahala ay ang kapaligiran. Ang globalisasyon sa ekonomiya ay pinasigla ng mga impluwensiya ng pamilihan na mas interesado sa kita kaysa sa pangangalaga sa planeta - “Tayo’y patuloy na nagkukumahog sa pagsulong. . . . Nag-aalala ako na sa loob ng isang dekada, tayong lahat ay magiging palaisip sa kapaligiran, subalit wala nang matitira pa para pangalagaan.” - Agus Purnomo, pinuno ng World Wide Fund for Nature sa Indonesia - Ang globalisasyon sa internasyonal na pangangapital at dayuhang pautang ay nagharap ng isa pang salik para sa krisis sa ekonomiya. - Ang krisis sa pananalapi sa Silangang Asia noong 1998 ang nagpangyari na mawalan ng trabaho ang 13 milyong tao Iba pang Suliranin Dulot ng Globalisasyon: 1. pagtaas ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan 2. tumaas ang singil sa toll ng mga pangunahing expressway 3. patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan 4. kailangang gumastos ng mga nangangasiwa sa LRT at MRT para mapaganda ang serbisyo
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
PAHAYAGAN
Pangkat IV
CE-2109
ikalawang Bahagi
Migrasyon
Epekto ng Migrasyon
1. Pagbabago ng Populasyon2. Kaligtasan at Karapatang Pantao 3. Pamilya at pamayanan 4. Pag-unlad ng Ekonomiya ng bansa 5. Brain Drain 6. Multiculturalism
tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa upang manirahan maging ito man ay pansamantala o permanente.
Overseas Filipino Worker
Panlipunang Epekto ng Migrasyon
Para maglungsad ng mga OFW Family Centers na magsisilbing isang link ng mga naiwang pamilya sa iba't ibang serbisyo na inaalok ng mga ahensya ng gobyerno at ng NGO
Kapag sinipat ang mga panlipunan epekto sa bansa, lalong mapatutunayan ang pinsala ng migrasyon sa Pilipinas. Inisa-isa ni Alcid (c. 2005, sa isang pananaliksik na pinondohan ni Friedrich Ebert Stiftung (FES), ang napakaraming panlipunang epekto ng migrasyon (tulad ng exodus ng mga nars, kasama na ang mga dating doktor), bagay na inaasahang “hahantong sa matinding krisis sa sistemang pangkalusugan... ng bansa, “...de-skilling ng mga propesyonal…” at ang “negatibong impact ng migrasyon sa mga pamilyang Pilipino, lalo na sa mga bata.
Senate Bill 1779 (LEFT-BEHIND HOUSEHOLDS OF OFWS ACT OF 2007) – Senator Miriam Defensor Santiago
Mga suliraning naidulot ng pangmatagalang pagkahiwalay sa pamilya na malinaw na epekto ng migrasyon
OWWA & NGO
02
01
03
imoralidad sa seks
adiksyon sa droga
pumalyang kasal
pagpapakamatay o mga psychological breakdowns
04
05
krimen
• 3 sa 10 contract workers mula sa Cordillera ang nang-iwan sa kanilang mga pamilya o kaya’y nakipaghiwalay sa kanilang mga asawa, batay sa kanilang remittance mula 2006-2007” (Cabreza, 2007). • Suliranin din ang talamak na illegal recruitment. Ito ay makikita sa mga kasong hawak ng POEA mula 2004-2010, bukod pa sa mga hindi naiulat na kaso na dokumentado naman ng mga organisasyon ng migrante
Suporta
Mayorya sa mga OFW ay nasa kasibulan ng buhay, sa kanilang mga prime year
Sa halip na makapag-ambag sa pagunlad ng Pilipinas sa panahong pinakaproduktibo sila, ang mga migrante’y pinagsasamantalahan ng mauunlad na bansa na nakikinabang nang husto sa kanilang kabataan at kahusayan.
Pansuportang datos mula sa sarbey ng (NSCB):
• Ayon sa nasabing ulat, may halos kalahating bahagdan (50%) ng mga OFW ang nasa edad 25-29 at 30-34. Sa pangkalahatan, pinigilan at binansot ng migrasyon ang pag-unlad ng mga industriya sa Pilipinas sapagkat nasanay ang gobyerno sa pagdepende sa remittance ng mga OFW na siya namang naging salbabida ng ekonomiya ng bansa, bagama’t higit ang pakinabang ng mga bansang destinasyon ng mga OFW sa kanila. Ang mga awtoridad ng Pilipinas at iba pang bansang kabilang sa Third World ay hinihikayat na suriing mabuti ang kanilang patakaran sa migrasyon at humanap ng alternatibong landas patungong kaunlaran na hindi na magsasakripisyo sa yamang tao ng bansa, sa altar ng tubo at ginhawa para sa mauunlad na bansang mapagsamantala.
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
PAHAYAGAN
Pangkat IV
CE-2109
ikalawang Bahagi
POLITIKA
Agham pampolitika o “Politikal Science” ang tawag sa mga gawing pampolitika at pag-usisa sa pagkuha at paglapat ng kapangyarihan
mula sa salitang griyego na “POLITIKOS”
nangangahulugan na “mula, para, o may kinalaman sa mga mamamayan, ay ang proseso o pamamaraan ng paggawa ng pasiya sa pandaigdigan, sibiko, o indibidwal na nibel.
Tumutukoy sa pagkamit at pagsasanaysay ng posisyon sa pamamahala. Ang politika ay ang pag-aaral o pagsasanaysay ng pagpapamahagi ng kapangyarihan at kayamanan sa loob ng isang pamayanan pati na rin ugnayan sa pagitan ng mamamayan.
ISYUNG POLITIKAL
Mga Paraan naisasabuhay ang Politika
1. Pagpapalaganap ng mga Pampolitikang Pananaw ng mga Tao o Samahan. 2. Pagkakaroon ng usapan sa iba pang kasapi ng politika. 3. Paggawa ng Batas. 4. Paggamit ng dahas laban sa katunggali.
Ang politika ay naisasabuhay sa malawak na saklaw na nibel ng lipunan, mula sa angkan at tribo, modernong lokal na pamahalaan, mga kompanya at institusyon hanggang sa mga soberanong estado , hanggang sa pandaigdigan nibel.
Kontemporaryong Sistemang Politikal ng Pilipinas
Hulyo 4, 1946
ipinahayag ang pagtatapos ng kapangyarihang Amerikano sa Pilipinas.
Dekada 90
Napalayas na ng bansa ang base military ng Amerika pero sa ilalim ng EDCA ay pinapayagan pa ring maging base military ng Amerikano ang alinmang bahagi ng bansa
Impluwensiyado rin ng mga dayuhan maging ang mga patakarang ekonomiko kagaya na lamang ng pagmamay ari ng minahan.
Sa huling linggo ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigan, muling bumalik ang mga Amerikano at sa pagbabalik nilang iyon ay muli nilang ibinalik o ipinataw ang dating opisyal na kalakaran.
Mga Historyador at Ekonomista
Paninirang Puri o Black Propaganda
pagpapahiya, o panlilibak, maaaring sa makatuwirang dahilan o hindi
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
PAHAYAGAN
Pangkat IV
CE-2109
ikalawang Bahagi
Ugat ng Korapsyon
Nang masakop nila ang Pilipinas, ipinaubaya sa mga dating datu, rajah, at iba pang maharlika ang mabababang posisyon sa gobyerno (gaya ng pagiging cabeza de barangay) na ang pangunahing tungkulin ay maningil ng buwis
Katiwalian sa Gobyerno
Sa panahon ng mga Espanyol nagsimula ang korapsyon.
KORAPSYON
MANANAKOP
Mga Historyador at Ekonomista
Mayroon ding mga gobernador-heneral na Espanyol na maituturing na tiwali. Katunayan, pagkatapos ng kanilang mga termino, madalas na ibinubulgar ng pumalit
Sa paghahari ng mga Espanyol, sumulpot ang lokal na elite o principlia mula sa mga dating datu, rajah, at maharlika. Para mapatahimik ang mga dating pinuno at di na sila mag-isip na mag-aklas laban sa mga Espanyol, ibinigay sa kanila ang mababang posisyon gaya ng pagiging cabeza de barangay at gobernadorcillo. Pinaboran din sila ng mga Espanyol sa pagbibigay ng karapatang mamahala sa lupa at maningil ng buwis.
na gobernador-heneral ang mga kuwestyonableng transaksyon ng nakaraang administrasyon.
Sa panahon din ng mga Espanyol lumitaw ang sistemang padrino o pagkakaroon ng backer na susuporta sa isang tao na gustong magtrabaho sa gobyerno o kaya’y makakuha ng mataas na posisyon.
pinalawig pa at naging CARPER - ay napatunayan na ring hindi mabisa. Samakatuwid, napanatili ng iilang pamilya mula pa noong panahon ng Espanyol ang kanilang kontrol sa malalaking lote ng lupa, at ang kanilang kayamanan. Sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang kayamanan ay napanatili rin nila ang kontrol sa kapangyarihang politikal.
Hindi naging mabisa ang reporma sa lupa ng mga Amerikano sa panahon ng kanilang pananakop, at hanggang ngayon, ang programa sa reporma sa lupa ng pamahalaan - ang CARP na
Ugat ng Korapsyon
Mga Dinastiyang Politikal
Mga Dinastiyang Politikal
Mga Dinastiyang Politikal
Isa sa mga pangunahing bunga ng korapsyon ang kawalan ng oportunidad ng mga ordinaryong mamamayan na magkaroon ng espasyo sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.Halimbawa, kahit may mga kinatawan ang mga grupong marginalized sa pamamagitan ng mga partylist, kontrolado pa rin ng mga dinastiyang elite ang Kongreso dahil mayorya sa mga kongresista ay mula sa mga mayayamang dinastiya.
Mga Bunga ng Korapsyon
Ang pagliit ng pondo na maaaring magamit ng gobyerno para sa mga serbisyong panlipunan (gaya ng pabahay, edukasyon, transportasyon , at kalusugan). Malaking halaga ng badyet ng gobyerno ang napupunta sa korapsyon, na tinatayang umaabot sa 200 bilyong piso kada taon (ayon sa World Bank).
Mga Bunga ng Korapsyon
Mga Bunga ng Korapsyon
Ang kawalan ng tunay na mga partido politikal sa bansa
Sa halip na mga propesyonal at ideolohikal na partidong may magkakaibang paninindigan sa iba’t ibang mahahalagang isyu, mga personalistikong partido ang nangingibabaw sa bansa, mga partidong kontrolado at pinopondohan ng mayayamang dinastiya.
Mga Bunga ng Korapsyon
Pagtamlay ng suporta ng mga mamamayan sa gobyerno at ang pagtamlay ng kanilang partisipasyon sa halalan at iba pang prosesong politikal ay epekto rin ng monopolyo ng mga dinastiya sa kapangyarihang politikal. Tinatabangan ang marami-raming mamamayan na makilahok sa mga prosesong politikal dahil inaakala nilang wala rin namang mangyayaring maganda o kaya’y mababago sa sistema.
Ang pagsasagawa ng mga repormang politikal (gaya ng pagsasabatas ng konstitusyonal na probisyon na nagbabawal sa mga dinastiyang politikal at mga batas na magpapatibay pa sa representasyon ng mga grupong marginalized gaya ng sistemang partylist) ay dapat isagawa.
Constitution - Artikulo II, Seksyon 26 ng Saligang Batas
Senate Bill 2649 - Senador Miriam Defensor-Santiago.
House Bill 3413 (Anti-Political Dynasty Bill)
1987
2011
2011
House Bills 172, 837, at 2911 – ng mga representatives galing Bayan Muna, Gabriela, ACT, Anakpawis and Kabataan, 1-SAGIP party list & 3rd district of Pampanga.
2013
Mga Solusyon sa Korapsyon
Ang pagsasagawa ng mga voter’s education forum, sa panahon ng eleksyon at pagkatapos nito, ay makatutulong din sa pagpapalakas ng partisipasyon ng mga mamamayan sa politika, na makapagpapahina naman sa kapangyarihan ng mga dinastiya.
Ang pagsuporta sa mga grupo ng mga ordinaryong mamamayan na lumalahok sa politika, gaya ng mga partylist, ay epektibong paraan din ng pagpapahina sa mga dinastiyang politikal.
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
PAHAYAGAN
Pangkat IV
CE-2109
ikalawang Bahagi
KORAPSYON
Ang mga mukha na matatagpuan sa bawat sangay ng gobyerno ay alinman sa mga sumusunod: (1) pang-aabuso sa kapangyarihan; (2) pakikipagsabwatan; (3) pandaraya sa halalan; (4) pagnanakaw sa kaban ng bayan; (5) sistemang padrino o palakasan; (6) korapsyon
Katiwalian sa Gobyerno
Ang mga pangarap na ito ay nananatili lamang pangarap bunsod ng maraming katiwalian sa pambansang pamahalaang kanilang pinagkakatiwalaan at sinasandalan.
KAPANGYARIHAN
diskresyunal
ministeryal
Ministeryal
ang isang namumuno ay walang ibang nararapat gawin kundi ipatupad ang isang polisiya. Ilan sa mga halimbawa nito ang pagtupad sa tungkuling pambatas trapiko para sa maayos na transportasyon ng bawat mamamayang Pilipino
Diskresyunal
ay tumutukoy naman sa paggamit ng opsyon o diskresyon ng isang namumuno o kawani ng gobyerno na ipatupad o hindi ipatupad ang isang tungkulin subalit may pagsasaalang-alang sa mga legal na pamantayan. Ang kapangyarihang ito ay kailangang gamitin nang ayon sa katuwiran.
(1) Manipulasyon ng presyo ng isang produkto (price fixing) sa pamamagitan ng kasunduan ng parehong panig (2) Pagsunod ng lehislatibong sangay ng pamahalaan sa dikta ng ehekutibo na patalsikin ang mga hindi kapanalig (3) Paggawad ng kontrata sa isang ahensiya na may kaugnayan sa proyektong pampamahalaan kahit na walang naganap na tamang pag-aalok o bidding
Sabwatan
(1) Ang pagtatalaga ng Pangulo ng Pilipinas sa kaniyang asawa o mga anak bilang gabinete ng ehekutibo. (2) ang pagsasaalang-alang sa personal na interes sa kasunduan ay mga sirkumstansiyang naglalarawan ng pang-aabuso sa kapangyarihang (3) Ang paggamit ng kapangyarihan upang makakuha ng pabor sa ibang tao na karaniwan ay may kapalit na kabayaran.
tumutukoy sa ugnayan ng dalawa o higit pang indibidwal o grupo na nagkaisa na isakatuparan nang palihim ang isang gawain
Diskresyon
tumutukoy sa hindi angkop na paggamit ng kapangyarihan o mga pasilidad sa mga desisyon na kailangan niyang ibigay.
Sa kabila ng kahalagahan ng bawat balota para sa Pilipino at mandato sa Komisyon ng Eleksyon na pangasiwaan ang malinis at maayos na halalan, lantaran pa rin ang mga pandaraya at anomalyang ginagawa ng mga politiko at mga kasabwat na nagbubunga ng paghalal sa mga taong hindi totoong napupusuan ng higit na nakararami.
Halalan
Pahayagan
Ang karapatan ng bawat Pilipino na makilahok sa halalan bilang mga botante ay kinikilala ng ating Saligang Batas ng 1987 (sa ilalim ng Artikulo V, Seksyon 1-2).
PANDARAYA SA ELEKSYON
Mga Konsepto
01
02
03
Election manipulation
Disenfranchisement
Electoral Fraud
04
05
06
Karahasan o Pananakot
Manipulasyon ng demograpiya
Intimidasyon
07
08
09
Pag-atake sa Lugar ng Halalan
Pamimilit at pamimili ng boto
Pagbabantang Legal
isang konseptong pampolitika na kung saan ang isang partikular na partido o grupo ay gumagawa ng kapakinabangang pampolitika (political advantage) sa pamamagitan ng manipulasyon sa hangganan ng isang distrito (political boundaries). Tinatawag na gerrymander ang mabubuong distrito.
Gerrymandering
Pagnanakaw
(1) Panunuhol (Bribery at Korapsyon ng Opisyal ng Gobyerno (Corruption of Public Officer); (2) Maling Paggamit ng Pondo o Ari-arian ng Bayan; (3) Pandarambong (Plunder); (4) Graft and Corruption.
Ang pagnanakaw ay matatagpuan sa marami nitong anyo at maituturing na krimen sa ilalim ng Kodigo Penal ng Pilipinas at ilang mga umiiral na espesyal na batas (special laws). Ilan sa mga anyo ng pagnanakaw sa kaban ng bayan at sa gayo’y maituturing na isang krimen ang:
+info
Artikulo 211 ng Kodigo Penal ng Pilipinas,
Artikulo 210 ng Kodigo Penal ng Pilipinas,
direktang panunuhol (direct bribery)
di-tuwirang panunuhol (indirect bribery)
sa simpleng akto ng pagtanggap ng regalo dahil sa tanggapan na kaniyang hinahawakan (inamyendahan ng Batas Pambansa Bilang 872, ika-10 ng Hunyo, 1985).
Kaugnay nito ay ang krimen ng korapsyon ng opisyal ng gobyerno (corruption of public official) ayon sa Artikulo 212. gobyerno.
maaaring isampa sa kahit na sinong opisyal ng gobyerno na sasang-ayon sa paggawa ng isang akto na maituturing na krimen, kaugnay ng kaniyang opisyal na tungkulin, bilang
konsiderasyon sa kahit na anong hain, pangako, regalo o bigay na tinanggap ng naturang opisyal, personal man o sa pamamagitan ng iba.
Artikulo 220 ng Kodigo Penal ng Pilipinas,
Artikulo 217 ng Kodigo Penal ng Pilipinas,
ilegal na gamit ng pondo at ariarian ng publiko.
maling paggamit ng pondo o ari-arian ng bayan.
Tahasang sinasabi rito na may karampatang parusa ang kahit sinong opisyal ng gobyerno na gagamit ng pondo at ari-arian ng kaniyang administrasyon
Inilatag din sa parehong probisyon ang paglalagay (presumption)sa ganitong krimen. Sinasabi sa artikulong ito na kahit sinong opisyal ng gobyerno, sa pamamagitan ng kaniyang tungkulin sa tanggapan, ay may pananagutan sa pondo at mga ari-arian ng publiko kung ito ay kanilang gagamitin sa maling pinaglalaanan, o sa pamamagitan ng pag-iwan o kapabayaan, ay hahayaan nila ang ibang tao na gamitin ang naturang pondo at ari-arian ng publiko, buo man o bahagdan.
Tinatawag din itong technical malversation. Korapsyon din ang paggasta para sa pagbili ng mga substandard na materyales na regular ang presyo, o kaya’y pagbubulsa ng pera ng gobyerno sa pamamagitan ng pekeng proyekto.
Republic Act 7080
Plunder
itinuturing na krimen ang akto ng opisyal ng gobyerno na direkta, o sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng pamilya, mga kamag-anak sa pamamagitan ng kasal o sa dugo, mga kasama sa negosyo, mga nasasakupan o iba pang tao ay
humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng kayamanan na kinuha sa masama gamit ang pinagsama o sund-sunod na hayagan o mga gawaing kriminal na inilalarawan sa batas (RA 7080) sa tinipong halaga o kabuuang halaga ng hindi bababa sa limampung milyong piso.
Espisipikong Aktong Kaugnayan Ng Pandarambong:
1. Maling paggamit ng pondo ng bayan. 2. Pagtanggap ng direkta o di-direktang pansalaping pakinabang. 3. Ilegal na pagpapadala o pagbibigay ng mga ari-arian ng pambansang pamahalaan. 4. Pagkakamit, pagtanggap nang tuwiran o hindi tuwiran anyo ng interes 5. Paglikha ng agrikultural, industriyal o pangkalakalan na mga monopolyo 6. Higit sa nararapat na kalamangan ng opisyal na posisyon, kapangyarihan, ugnayan, koneksyon o impluwensiya 7.
+info
Graft and Corruption
RA 3019 ( Anti-Graft and Corruption Practices Act
Padrino o Palakasan
May mga pagkakataong ang isang indibidwal ay nabibigyan ng magandang katungkulan sa gobyerno at maging sa mga pribadong kumpanya dahil sa basbas ng mga makapangyarihan, ito’y sa kabila ng kawalan ng sapat na karanasan at kwalipikasyon sa posisyong
Nepotismo at Kroniyismo
pagbibigay ng pabor sa mga kamag-anak ay
pagbibigay ng pabor sa mga kaibigan,
Ang nepotismo at kroniyismo ay hindi pinapaboran upang maiwasan ang mga sabwatan sa mga transaksyong kinasasangkutan ng dalawang panig na kasangkot.
Ang Korapsyon at iba pang maling gawi...
sa maling deklarasyon ng kaniyang mga pagmamay-ari at pagkakautang batay sa deklarasyon ng kaniyang SALN na sinasabing lumalabag sa RA 6713. Naging daan ito sa pagpapatalsik sa kaniya sa puwesto, ang kauna-unahang SC Justice sa kasaysayan ng Pilipinas,
CJ Renato Corona
Korapsyon na Palasak sa Pilipinas
pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko
02
03
01
ghost projects at payroll;
pagtakas sa pagbabayad ng buwis
pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor
04
05
pangingikil
06
panunuhol
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
PAHAYAGAN
Pangkat IV
CE-2109
ikalawang Bahagi
Isyung Kultural at Linggwistiko
Ang bawat bansa ay may kani-kaniyang kultura. Ang bansang Pilipinas ay napakayaman sa kultura – pinaghalong tradisyon at mga kultura Malaki ang ambag ng pananakop ng mga Kastila sa ating kultura
Bawat bansa sa mundo ay may kani-kaniyang kultura, kultura sa pananamit, pagsasalita, pananampalataya, at iba pa. Ang ating bansa ay napakayaman sa kultura.
KULTURA
Ang nangyaring pananakop ng Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko na tumagal ng 333 taon,
Kultura
Ang kultura ay paraan ng pamumuhay ng mga tao na nagpapakita ng mga kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika, at pamahalaan
Pagbibigay ng pabor sa mga. Ang mga mangangalakal galing Malaysia, India, Hapon, Indonesia, at Tsina ay mayroon ding malaking kontribusyon sa kultura ng Pilipinas.
-Hinduismo at Budismo - Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito.
Ang Katotohanan Patungkol sa ating Kultura
Pinagmulan ng kaisipang ito: Maraming bahagi sa kultura ng mga Kastila ay isinama sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino - Katolisismo o rehilyon Katoliko, mga Kastilang pangalan, wika, at pagkain. Naniniwala sila na mas mabuti ang kanilang kultura kaysa sa kultura ng Pilipinas, at ang kaisipan na ito ay pumasok sa utak ng mga Pilipino. Ipinakilala ng mga Amerikano ang iba’t ibang uri ng kanilang kultura sa mga Pilipino.
Ang kabataan sa kasalukuyang panahon ay wala ng pagpapahalaga para sa mga produkto at gawaing Pilipino. Ang “colonial mentality’’ ay nagiging kanser na sa ating lipunan.
Panonood ng mga pelikula, ang mga popular na “fast food” katulad ng hamburger at french fries, ang mga pangalang Amerikano, at ang pagsuot ng pantalong maong. Naniwala ang mga pilipino na napakabuti ang mga natunan nila sa mga dayuhan
Sa kasalukuyang panahon…
Karaniwan sa mga Pilipino ay hindi naniniwala sa kagandahan at pagkakaiba ng kultura ng sarili nilang bansa. Ang mga produktong dayuhan ang kanilang tinatangkilik habang ang lokal na produkto ay nawawalan na ng halaga. Nabubulag ang mga Pilipino sa realidad na hindi uunlad ang Pilipinas kung hindi nila kayang mahalin ang sariling wika, produkto at kultura.
Pagbabago sa ating ekonomya Pagbabago sa ating pulitika Pagbabago sa lipunan Pagbabago sa kultura ng bayan Pagbabago sa dominanteng kaisipan, kaugalian, pagpapahalaga, panlasa, sining at panitikan.
Mga paraan upang maikontra ang kolonial na mentalidad
Mga pagsusuri hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng sining at kultura sa Pilipinas, mga patakaran at programa sa kultura ng pamahalaan at pribadong sektor, at ugnayan ng mga ito sa ekonomya at pulitika ng bansa sa panahon ng globalisasyon:
Sa ngalan ng globalisasyon…
Ang dominanteng kultura sa Pilipinas ay nananatiling kolonyal, burges at pyudal sa kasalukuyang panahon. Ang pamantayan ng U.S. ang nagiging sukatan kung ano ang mahusay at hindi para sa mga Pilipino.
Ibayo ang pananalakay ng dalawang pinakadominanteng puwersa sa kulturang Pilipino – ang imperyalismong U.S. at ang simbahang Katoliko. Malaya nang nakapapasok pati mga dayuhang produktong pangkultura sa Pilipinas katulad ng pelikula, aklat, musika at software dahil sa patakaran ng import liberalization
Trade-Related Aspects of Intellectual Property Rights o TRIPS ng WTO
- nagiging mas madali para sa mga higanteng korporasyon mula sa ibang bansa ang pamumuhunan, pagbili, pagagaw, pagkontrol at pagmomonopolyo sa mga sumusunod:
1) likhang sining at distribusyon nito 2) tatak (trademark) at pagtukoy sa pinagmulan ng produkto 3) imbensyon (sa pamamagitan ng patente), industrial design at trade secrets.
General Agreement on Trade in Service o GATS ng WTO
- pinadali ang dominasyon ng mga imperyalistang bansa sa mga serbisyo sa Pilipinas.
1)serbisyong tumutugon sa pagpapalaganap at preserbasyon ng mga produktong pangkultura
Ang US ang pinakamalaking exporter ng mga produktong pangkultura ngayon. Ang panlasang Pinoy ay matagal ng nabababad sa pamantayang Amerikano at ito ay nagreresulta sa pagkalugi o paglamon sa lokal na industriyang pangkultura. Ang panggagaya ay kinukunsinti ng mga dayuhang korporasyon dahil pinalalaganap pa nito ang dayuhan o anila’y “global” na panlasa. Ang pamimirata nama’y malupit nilang nilalabanan sa larangan ng intellectual property rights.
Sa hanay ng kultura…
Itinuturing na world-class ang mga nagkamit ng parangal mula sa mga dayuhang institusyon. Anti-nasyunal na kaisipan ang kabilang mukha ng “world class culture”. Pilit inaayon ang mga kurso at aralin na maghuhubog ng mga susunod na manggagawang skilled at english speaking para sa mga multinasyunal na kumpanya Cultural Diversity - pagkakaiba-iba ng mga kultura sa daigdig Ang pakahulugan sa cultural diversity – na itinataguyod ng globalisasyon at tinatangkilik ng gobyerno – ay ang paglikha ng napakaraming produkto at serbisyo mula sa iba’t ibang kultura. Laganap ang samu’t saring festival sa buong kapuluan ngayon sa layunin ng mga lokalidad at ng pambansang pamahalaan na pasiglahin ang turismo sa bansa. Ang pagpayag at paghihikayat ng gobyerno sa pagpasok ng mining companies at sa laganap na militarisasyon na nagtataboy sa mga kababayang tumutugon sa tradisyunal na kagamitan ay siya ring pumapatay sa tradisyunal na produksyon.
- ang mga gameshow ay nagpapakita ng matinding desperasyon ng napakaraming maralitang Pilipino - pinapalaganap ang pantasya na “suwerte” at kagandahang-loob ng iba ang sagot sa kahirapan ng masa. - ang mga fantaserye o telanovela ay nagpapakitang hindi sistemang panlipunan o gobyerno ang ugat ng paghihirap kundi mga masasamang nilalang
“Kulturang popular”
Ito ang artipisyal na kulturang popular na “ibinebenta” ng industriyang pangkultura ng mga lokal na naghaharing-uri at ng imperyalismo sa masang mamimili.
Ayon sa tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino na si Dr. Virgilio Almario, 'Maraming durugista na mahirap.... Kailangang sagutin 'yun. Hindi puwedeng patayin lang sila o ikulong.” Sa gitna ng mga pagbabagong dulot ng bagong administrasyon, ipinaalala ng Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario na hindi sagot ang pagpatay upang lutasin ang mga problema sa lipunan. “Wikang Filipino” Ang pagpapaunlad ng Filipino ay sa pamamagitan ng paggamit lamang. Ginamit at ginagamit pa rin ang wikang Ingles, kung kaya't ito ang puspusang umunlad. Ito ang yumabong at lumawak; samantalang ang wikang Filipino ay mistulang naluoy at napuril dahil sa di-paggamit. Ayon kay Kate Mcgeon ng BBC News, “The Philippines is fast becoming the world’s low-cost English language teacher – with rapid increases in overseas students coming to learn English or study in English-speaking universities. The main reasons that attract them are, again, the cost – and the fact that, in the country’s top universities, all classes are held in English.”
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
PAHAYAGAN
Pangkat IV
CE-2109
ikalawang Bahagi
Ang Totoong Estado ng Sistemang Pangkalusugan sa Pilipinas:>> Ayon sa World Health Organization o WHO, ang kalusugan ay ang isang estado ng pagiging masigla ang isip, katawan at pakikitungo sa iba. >> Ang kalusugan ay karapatan ng lahat ng tao sa mundo maging mayaman man o mahirap lahat ay pantay pantay.
Mga Isyung Pangkalusugan, Transportasyon, Edukasyon at Iba pa
transportasyon
edukasyon
Batay sa mga nakuhang sagot sa panayam at ayon na rin kay Senator Sony Angara, Ang mga doktor, nars at iba pang nasa medikal na propesyon ay kulang din. Base sa tala ng Philippine College of Physicians, dalawa hanggang tatlong doktor, nars, at midwives ang nagsisilbi para sa bawat 10,000 katao. Nakababahala rin na ang Pilipinas ay mayroong 1:50,000 na ratio ng psychiatrist at populasyon. Dahil dito, ang panukala na Senate Bill 1157 o ang panukalang medical scholarship program ay kinakailangan ng agarang pagpasa ayon kay Angara.
Mula sa dokumentaryong, “Lunas na ‘Di Maabot ng Reporter’s Notebook
Ito ang artipisyal na kulturang popular na “ibinebenta” ng industriyang pangkultura ng mga lokal na naghaharing-uri at ng imperyalismo sa masang mamimili.
Kalusugan
Institutusyong Pangkalusugan (gaya ng Silungan Pag-asa at Guanella Center, inc.) na tumutugon sa kakulangan ng serbisyong naibibigay mula sa mga pampublikong ospital. Tungkol sa Kalusugan ng Kaisipan at mga Problema Ukol sa Kalusugan sa Kaisipan Ang kalusugan sa kaisipan ay kailangan ng panimbang sa lahat ng nangyayari sa ating buhay. Ayon sa siyentipikong pagsusuri, maraming malubhang problema sa kalusugan ng kaisipan na dulot ng biochemical disturbances sa utak.
Naniniwala din ang mga propesyonal na ang iba’t – ibang mga sanhi na may kaugnay sa sikolohiya, lipunan at kapaligiran ay nakakaapekto rin sa kaniyang kapakanan. Ang stress ay nakakaapekto sa pang – araw – araw na pamumuhay ng mga tao.