Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Get started free

Second part

chittapy1

Created on November 15, 2020

Start designing with a free template

Discover more than 1500 professional designs like these:

Transcript

Maaaring nagpupunyagi kayo sa mga kahirapan gaya ng; 1. Pagdidiborsyo 2. Pagkamatay ng isang minamahal sa buhay. 3. Pagkakaroon ng aksidente sa sasakyan. 4. Pagharap sa isang problema sa kalusugan. 5. Paglaki sa isang bansang may digmaan, pag-alis sa bansang inyong pinanggalingan, o pag-angkop sa bagong bansa. 6. Pagharap sa rasismo o iba pang klase ng paghatol nang may pagkiling 7. Pagkaroon ng mababang sahod o ang kawalan ng tahana 8. Hindi pagkakaroon ng pantay na pagkakataon sa pagtatamo sa edukasyon, gawain, at pangangalaga ng kalusugan 9. Pagkakaroon dati ng mga problema sa kalusugan ng kaisipan sa pamilya 10. Pagiging biktima ng karahasan, pang-aabuso, o iba pang trauma.

Uri ng mga problema sa kalusugan ng kaisipan.

1. May mga taong nalulumbay nang malubha (depressed). May iba namang nababalisa at natatakot. 2.Paglagda ng mga secretary ng Department of Science and Technology at Department of Health sa Memorandum of Agreement. 3. Partnership ng dalawang ahensiya para sa malawakang pamamahagi ng Mosquito Ovicidal/Larvicidal Trap system upang sugpuin ang dengue sa bansa. 4. Ayon kay DOST Secretary Mario G. Montejo, “ito ay patunay na ang pamahalaan ay seryoso sa kampanya nito na pababain ang bilang ng dengue cases sa bansa.”

Layunin nitong iugnay ang mga duktor sa mga baryo sa espesyalista sa pamamagitan ng information and communication technology upang magawa ang pagsusuri ng mga eksperto base sa mga impormasyong ipadadala ng duktor na tumitingin sa pasyente.

Malnutrisyon

Suliranin sa malnutrisyon, bunga ng kawalan ng sapat na sustansiya ng pagkaing kinakain sa pang-araw-araw na pamumuhayMga Salik na nakakaapekto para sa sapat na sustansiyang kailangan ng pamilya ayon sa ilang respetadong institusyon.

Kagutuman at malnutrisyon ang pinakanakababahalang banta sa kalusugang pandaigdig samantalang malnutrisyon naman ang may pinakamalaking ambag sa kamatayan ng mga bata sa kalahati ng lahat ng kaso batay sa ulat ng World Health Organization (The Starveings,2011).

HIV o Human Immunodeficiency Virus

- Isang espektro ng kondisyon na sanhi ng inpeksyon ng human immunodeficiency virus.

Nakukuha ang HIV sa alinman sa mga sumusunod na gawain:

1. Pakiikipagtalik na walang proteksyon ( anal at oral) 2. Kontaminadong paraan ng pagsasalin ng dugo 3. Hypodermic na karayom 4. Mula sa ina tungo sa anak sa panahon ng pagbubuntis ng ina; at 5. Pagpapasuso. Ang laway at luha naman na nanggagaling sa katawan ng tao ay hindi makatutulong sa pagsasalin ng HIV tungo sa ibang indibidwal.

Maiiwasan ang HIV sa pamamagitan ng mga sumusunod:

1. Ligtas na pakikipagtali 2. Programa para sa pagpapalitan ng karayom 3. Paggagamot; at 4. Pagbibigay ng antiretroviral medication sa bata sa panahon na ito ay ipinagbubuntis.

- Tinatayang nasa 36.7 milyong katao noong 2016 ang mayroong HIV na nagresulta sa kamatayan ng nasa 1M tao. - Bunga ng maling edukasyon o kakulangan ng kaalaman hinggil sa sakit na HIV ay ang paniwala ng taong maaaring mahawa kahit sa ordinaryong pakikipag-usap lamang.

- Sa tala ng Department of Health ay umabot sa 871 ang natuklasang bagong kaso ng HIV. ANG 131 dito ay nasa nauunang estado ng impeksyon. Sinabi ng HIV/AIDS Registry of the Philippines (HARP) na ang tala ng HIV noong nakaraang taon ay 848 - Ayon pa rin sa ulat ng HARP na 96 na bahagdan ng mga may impeksyon ay mga lalaki na ang average na edad ay 27.

Dengue

Mga sintomas ng dengue na karaniwang makikita simula tatlo hanggang labing-apat na araw matapos ang impeksyon ay ang; 1. Mataas na lagnat 2. Pananakit ng ulo 3. Pagsusuka; at 4. Pananakit ng laman at mga kasu-kasuan.

- Noong Marso, 2016 ay inilabas ng World Health Organization (WHO) ang isang papel na nagsasabi na maaaring ang dengvaxia ay hindi epektibo at maaari din maging peligroso sa mga seronegative - Nabalot ng kontrobersiya ang adhikain ng administrasyong Benigno Aquino III na bawasan ang kaso ng pagkamatay buhat sa dengue nang ang kaniyang pamahalaan ay pumasok ng kasunduan o kontrata sa Sanofi

Pagkakaiba ng COVID-19 at SARS-CoV-2

Nagkaroon ng pagsiklab ng isang bagong coronavirus na tinatawag na SARS-CoV-2, na unang lumitaw noong Disyembre 2019. Ang allergic rhinitis ay ang pamamaga ng ilong dahil sa pagkalantad sa mga allergen o sa mga bagay na maaaring magdulot ng allergic reaction, ayon kay pulmonologist na si Marvin Hilaro. Pagkakaiba ng allergic rhinitis sa kinakatakutang COVID19 ayon sa doktor na si Hilario.

Corona Virus 2019 o CoViD-19, isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV).

CORONA VIRUS

Hepatitis B

Nagpaalala naman ang isang social enterprise group na maging listo laban sa sintomas ng hepatitis B sa harap ng pandemya sa COVID-19. Ayon sa grupo, aabot sa 90 porsiyentong tao na may Hepatitis B Virus (HBV) ay walang nararanasang sintomas.

Polio

Umakyat naman sa 16 ang bilang ng mga kaso ng polio sa bansa mula nang magdeklara ng outbreak noong Setyembre ng nakaraang taon, Iniulat naman ng Research Institute for Tropical Medicine sa DOH ang 2 lalaki mula Mindanao na may mga edad 2 at 3, at isang 2 taong gulang na lalaki mula Sultan Kudarat.

01

02

03

- Mas mataas ang posibilidad na magkaroon nito kung nabibilang alinman sa mga sumusunod na grupo:

Ang mga karaniwang sanhi nito ay: 1. Labis na pagkain ng maaalat at matatabang pagkain 2. Hindi nag-eehersisyo 3. Labis ang timbang 4. Paninigarilyo 5. Labis na pag-inom ng alak 6. Congenital heart defect; at 7. Komplikasyon ng ibang kara

1. Pagiging matanda 2. Kasarian 3. Namamana sa pamilya 4. Altapresyon 5. Hindi malusog na pamumuhay

Sakit sa puso

Ang sakit sa puso ay walang pinipiling kasarian o edad pagkat kahit sino ay maaaring magkaroon nito.

Mga Programang Naisabatas para sa Kalusugan • Republic Act 11223 o ang Universal Health Care Law na nilagdaan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte noong Pebrero 20. • Paglulunsad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Transportasyon

Ayon dito, ang kalagayan ngayon ng sistema ng transport ay dahil sa: 1. Kawalan ng magkakaugnay at koordinadong network pangtransport 2. Magkakapatong o magkakabanggang

Sa panayam ng Pinoy Weekly sa isang commuter ay napag – alaman ang kaalbaryo ng bawat commuter na sumasakay araw-araw sa pampublikong transportasyon. Sa National Capital Region (NCR), ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), umaabot lang sa 19.3 kilometro kada oras (kmh) ang average na bilis ng mga sasakyan sa EDSA. Ayon naman sa Department of Transportation (DOTr), isa sa apat na sasakyan sa buong Pilipinas ay matatagpuan sa NCR. Noong Setyembre 2017, inaprubahan ng National Economic Development Authority (NEDA), sa pangunguna ng direktor-heneral nitong si Ernesto Pernia, ang NEDA Board Resolution No. 5 (series of 2017).

tungkulin ng mga ahensiya sa transport.3. Mga alalahanin ang kaligtasan at seguridad sa transport; at4. Di-sapat na pasilidad pangtransport lalo na sa mga lugar na apektado ng sigalot at kawalan ng kaunlaran.

Bilang pagtugon sa problemang ito , plano ng rehimeng Duterte na:

1. Paunlarin ang pagkakaungay-ugnay (o connectivity) ng iba’t ibang moda ng mga imprastrakturang pangtransportasyon 2. Magkaroon ng mabuting pamamahala (good governance) sa aspetong ito. 3. Pagpapatupad ng ‘bagong’ kaunlaran sa ekonomiya labas sa susing mga lungsod, at 4. Pagtaguyod ng mga pamumuhunan sa mga imprastrakturang pang transport.

Noong Agosto 2018, inanunsiyo ng DOTr na nakuha ng Chinese na kompanyang Dalian Company Limited ang kontrata sa pagsasaayos ng 48 di-nagagamit na MRT3 trains. Gusto ring amyendahan ng rehimeng Duterte ang Commonwealth Act No. 146 o Public Service Law, lalo na kaugnay ng mga nagnenegosyo sa pampublikong mga serbisyo tulad ng transportasyon Kasama rin dito ang planong Provincial Bus Ban ng MMDA o pagbabawal sa mga provincial buses na dumaan sa EDSA. Batay ito sa Regulation No. 19-002 ng MMDA na naglalayong ipasara ang lahat ng 47 terminals ng provincial buses sa naturang kalsada.

Kasama dito ay ang magiging babaan ng mga pasahero ay sa pinakalaylayan ng kamaynilaan at sa timog bahagi. Samantala, nakatanggap ang MMDA ng matinding batikos sa naturang plano nila. “Talagang disiyentipiko at di-demokratiko ang hakbang (provincial bus ban),” sabi ni Ariel Casilao,

Ayon naman kay Sen. Grace Poe, mistulang “science project na puno ng eksperimento” ang ginagawa ng MMDA at DOTr na lalong nagpapalala umano sa sitwasyon. Mismong NEDA at Japan International Cooperation Agency (JICA) ang naglabas ng pag-aaral noong 2014 na nagsasabing 78 porsiyento ng espasyo sa kalsada ang sinasakop ng pribadong mga sasakyan. Kabilang din sa mga planong ipinapatupad ngayon ng rehimeng Duterte ang “jeepney modernization” o Public Utility Vehicle Modernization Program, na mula sa Memorandum Circular No. 2017-011 ng DOTr.

Transportasyon

Binatikos din ng Agham ang plano ng gobyerno na itulak ang mga jeep na pumaloob sa malalaking korporasyon o consortium, dahil mapapasailalim lalo ang sistema ng transport sa malalaking pribadong pagnenegosyo. Tumataginting na P3.5 bilyon kada araw ang nawawalang kita ng Pilipinas dahil sa malubhang problema sa trapiko, ayon sa pinakabagong pagaaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ayon sa Agham, grupo ng makabayang mga siyentipiko, ang dapat sanang ginagawa ng gobyerno sa kagyat ay bigyan ng ayuda ang impormal na mga moda ng transportasyon katulad ng jeepney.

Agosto 2016

itinatag ang Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT) sa pangunguna ni Department of Transportation Secretary Arturo Tugade

Setyembre 2017

muling inilunsad ang i-ACT at isinama na sa grupo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) -Inilunsad din ang Task Force Alamid, ang ‘operating arm’ ng i-ACT na lumibot hindi lang sa Metro Manila ngunit maging sa mga kanugnog na mga lalawigan ng Rizal, Cavite, Bulacan at Laguna

Enero 2018,

inilunsad ang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok campaign” ng i-ACT na layong linisin ang mga kalsada sa mga kakarag-karag na sasakyan na panganib sa kaligtasan at kalusugan ng publiko.

Ang mga kasapi ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ay nagtungo sa Malacañang ang Action Center upang magsumite ng kanilang aplikasyon sa titulo ng mababang pabahay ng gobyerno. Nag-isyu ng Resolution No. 8 ang Senado para sa pamamahagi ng bahay sa mga benepisyaryo

Mga Usapin sa Pabahay

- Napakalawak ng problema o suliranin ng kawalan ng naaangkop na pabahay para sa mga mamamayan. Ito ang inihayag ni Fr. Daniel Franklin Pilario, CM – Dean ng Saint Vincent School of Theology kaugnay sa isinagawang Global Homelessness Forum na dinaluhan ng mga kasaping kongregasyon ng Vincentian family. - Sa tala ng Global Homeless Statistics, nasa apatnapu’t apat na porsyento (44%) ng mga Pilipino ang nananatiling walang maayos at permanenteng tirahan na matatagpuan sa Metro Manila. - Tinalakay sa ulat ni Moratillo (2017) ang pagtingin sa Chairman ng House Committee on Housing ang Urban Development sa kahalagahan ng pagsangguni sa proyektong pabahay ng gobyerno.

Edukasyon

Marami nang kabataan ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan na isa sa malaking problemang kinakaharap ng ating bansa.

Mga Suliranin sa Aspeto ng Edukasyon 1. Mababang kalidad ng pagtuturo. 2. Ang kakulangan sa pondo o hindi paggamit ng ayos sa pondo ng gobyerno. 3. Kakulangan ng mga guro. 4. Mataas na matrikula sa mga pamantasa.

Samantala, Ayon kay ACT Philippines party list chairperson Joselyn Martinez na ang pagbibigay ng takdang-aralin sa mga mag-aaral ay may malaking epekto sa kasanayan at kaalaman ng isang bata.

Isang malaking usapin ngayon ang panukala ni Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas ang “no homework policy.” Sa Programme for International Student Assessment o PISA. Pang-79 ang bansa sa pagbabasa. Mababa rin ang score ng bansa sa math at science: pang-78. Ayon sa pandaigdigang pag-aaral, hirap magsuri ang 1/10 ng mga estudyante sa buong mundo, edad 15 anyos, ng fact (bagay o pangyayari na kinikilálang totoo) o opinyon.

Problema ng Edukasyon:

Giit nito, ang dapat tutukan ng pamahalaan ay ang totoong problema sa edukasyon ng bansa na may malaking epekto sa pag-aaral ng mga bata, gaya ng: 1. Kakulangan sa mga input katulad ng mga aklat, resource material, upuan, silid-aralan at iba pa 2. Dagdagan ang budget ng edukasyon 3. Magkaroon ng maayos na curriculum. 4. Dagdagan ang suporta sa mga guro sa pamamagitan ng mga libreng seminar, gamit sa pagtuturo at 5. Dagdagan ang pasahod sa mga guro at kawani ng edukasyon.

Edukasyon

Ang DepEd ang nagpatupad at namahala sa edukasyong K to 12 simula nang pormal itong italaga noong 2013. Mula 10 taon ng basikong edukasyon mula 1945 hanggang 2011, ang implementasyon ng programang K to 12 ng DepEd at kasunod na retipikasyon ng Kindergarten Education Act of 2012 at Enhanced Basic Education Act of 2013, naging labintatlong taon na ang basikong edukasyon ngayon.

Ayon sa Multidimensional Poverty Index ng Philippine Statistics Authority, 5 sa 10 pamilya ay walang access sa batayang edukasyon. Napag-alaman ng PISA na tanging 31% lamang ng Pinoy na estudyante na edad kinse anyos ang may growth mindset – o may paniniwalang uunlad sila sa pag-aaral at pagsusumikap. Taong 2011 nang naipatupad ang matagal nang pinaplanong pagbabago sa programang pang-edukasyon ng Department of Education (DepEd) sa Pilipinas na tinatawag na K to 12 Program.

Mga Kabutihang Dulot ng Bagong Sistema ng Edukasyon (K to 12)

1. Pinatitibay at pinahahalagahan ang Early Childhood Education sa Kindergarten. 2. Idinagdag sa kurikulum ang makabuluhang life lessons tulad ng pagbubukas ng diskusyon at pag-aaral tungkol sa Disaster Risk Reduction, Climate Change Adaptation, at Information and Communication Technology, na sadyang mahalaga sa mga mag-aaral na Pilipino. 3. May integrasyon at Seamless Learning o Spiral Progression - ang pag-uulit ng pag-aaral ng mga kosepto at aralin mula pinakasimple hanggang sa pinakakomplikado, sa bawat grado o baitang. 4. Itinuturo ang aralin gamit ang sariling wika, o tinatawag na Mother Tongue-Based Multilingual Education sa unang 3 baitang, bago ituro ang ikalawang wika tulad ng English. May 12 mother tongue languages na sinimulan nang gamitin sa pagtuturo noong 2012 – 2013. 5. May 7 learning areas at 3 ispesyalisasyon na maaaring pagpilian ang mga mag-aaral para sa Senior High School, ang 2 taon ng specialized upper secondary education. 6. Itinuturo ang information, media at technology skills, learning at innovation skills, communication skills, at life career skills

CMO No.20 series of 2013 ng CHED, inilabas noong Hunyo 28, 2013, naglalaman ng pagtatanggal ng Filipino sa kurikulum ng kolehiyo at paglilipat nito sa ika-11 at ika- 12 na baitang sa Senior High School.

K-12, inilunsad

Bukas naman ang Department of Education sa panukala sa Kamara na i-review ang ipinapatupad na K to 12 Basic Education Program. Ayon sa pahayag ng DepEd, makatutulong ang pag-review ng Kongreso sa K to 12 upang mapag-usapan ang mga isyu sa programa at kung paano ito masosolusyunan. Ang ASEAN Integration ay resulta ng kasunduan ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations kung saan sa taong 2015 ay inaatasan ang bawat pamahalaan ng sampung miyembrong bansa na gumawa ng mga panloob na polisiya upang maging isang ganap na isang rehiyon ang timog-silangang Asya lalong-lalo na sa aspeto ng kalakaran, trabaho at edukasyon.

Ayon kay San Juan (2013), iba ang pagtuturo ng nasabing asignatura sa kolehiyo dahil mas malalim ang pagtalakay at pag-aaral dito kumpara sa hayskul. Dagdag pa ni San Juan na ang Filipino doon is utilitarian o technical Filipino.

MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL

Pangkat IV

PAHAYAGAN

CE-2109

ikalawang Bahagi

Salamat po!

Miyembro:Macalalad, Blezie Mae Magbuhos, Charmaine Manalo, Krizelle Joyce Manzano, Nikko Mayo, Alexandra Charisse Moren, Von Jerome Panganiban, Joshua Alfonso

Nawa po ay may natutunan kayo sa ating naging talakayan

Mayroon po ba kayong katangunang nais masagot?

ISYU, ISYU, ISYU