Full screen

Share

Show pages

YAMANG LIKAS SA ATING KOMUNIDAD
Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Over 30 million people create interactive content in Genially.

Check out what others have designed:

Transcript

YAMANG LIKAS SA ATING KOMUNIDAD

  • Mayaman ang Pilipinas.
  • May yamang-lupa at may yamang-tubig.
  • Ang mga yamang ito ay pakikinabangan ng mga tao.

YAMANG LIKAS SA ATING KOMUNIDAD

  • Ang mga puno, halaman, hayop at mineral ay halimbawa ng yamang-lupa.
  • Ang mga ito ay kailangan ng mga tao para mabuhay.

MGA YAMANG LUPA

  • Punong Namumunga –ang mga prutas nito ay maaaring kainin. Ang halimbawa nito ay mangga, santol, buko, lansones, at marami pang iba.

PUNO

  • Punong Hindi Namumunga – ito ay pwedeng gawing troso. Ang mga trosong ito ay pwedeng gawing haligi, dingding, sahig, at kisame ng bahay. Maaari rin itong gawing kasangkapan sa bahay gaya ng upuan, mesa, kama¸at iba pa.
  • Halamang Namumulaklak – ito ay nagpapaganda ng paligid.

HALAMAN

  • Halamang Namumunga – ito ay mapagkukunan ng pagkain gaya ng mga gulay at mga prutas.
  • Halamang Gamot at Halamang Ugat

HAYOP

  • May mga hayop na naaalagaan at nagbibigay sa atin ng pagkain gaya ng baboy, kalabaw, baka, kambing, manok, itik, gansa at kabayo.
  • May mga hayop na nakapagpapasaya sa mga kasapi ng pamilya gaya ng aso at pusa.
  • Ang hayop ay puwedeng maging pagkain, puwedeng gawing alaga at may bahaging puwedeng maging kagamitan.
  • Ang balat o balahibo ng hayop gaya ng buwaya at tupa ay puwedeng gawing bag, sinturon, pitaka at iba pa.
  • Pinagmumulan ito ng karne, itlog at gatas na puwedeng gawing keso at yogurt.

Mineral

  • Ang mineral ay ginagamit din upang mapagaan ang buhay ng tao.
  • Ang ginto, pilak, tanso, at iba pa ay nahuhukay sa lupa. Ang mga produktong ito ay ginagawang alahas at iba pa.
  • Ang mineral ay mga kayamanang nakukuha sa ilalim ng lupa.
  • Ang buhangin, bato at semento naman ay mga materyales na nagagamit sa pagpapatayo ng bahay, kalsada, tulay at iba pa.
  • Ang langis, coal, krudo o gas ay importante para mapatakbo ang mga sasakyan at planta ng kuryente. Nauubos din ang yamang ito. Hindi mapapalitan ang mga ito kung sobra-sobra ang gagawing pagmimina ng mga tao.

Tukuyin kung tama o mali ang mga sumusunod na pangungusap. Iguhit ang puso kung ito ay tama at malungkot na mukha kung mali.

SHOW-ME-BOARD ACTIVITY

1. Ang lahat ng puno ay namumunga.

SHOW-ME-BOARD ACTIVITY

2. Isa sa mga pakinabang sa puno ang mga trosong puwedeng gawing haligi.

SHOW-ME-BOARD ACTIVITY

3. Hindi nauubos ang mga mineral gaya ng langis at krudo kaya’t gamitin natin ito nang gamitin.

SHOW-ME-BOARD ACTIVITY

4. Ang mga mineral ay kayamanang makukuha sa ilalim ng lupa.

SHOW-ME-BOARD ACTIVITY

2. Isa sa mga pakinabang sa puno ang mga trosong puwedeng gawing haligi.

SHOW-ME-BOARD ACTIVITY

Next page

genially options